“‘WAG KANG KAKAIN sa labas, ha?” “Sa opisina lang ako ngayon, baby pangako.” “Sure?” “Yes, baby. Marami akong pending kaya tinatapos ko. Baka magalit na sekretarya ko.” Napaingos siya. Kakaiba talaga ang pakiramdam niya sa sekretarya ng asawa. At bakit kailangang matakot pa ito sa sekretarya nito? Dapat mas matakot ito sa asawa. “Sige. Hintayin mo ako diyan, ha?” “I will,” “Okay. Bye!” Hindi na niya hinintay na sumagot ang asawa, pinatay niya na. Mabilis na inilagay niya sa lunchbox ang mga pagkaing iniluto. Isang linggo na niyang ginagawa ito simula nang bumalik sila sa Maynila. Hindi naman kasi kumontra si BK na hinahatiran niya lagi ng pagkain sa opisina, kaya pinagpatuloy niya na lang. Gusto niya kasing pagsilbihan ito. Kaya, araw-araw niyang ina-aaral ang pagluluto. Siyempre, mga paborito nito ang lagi niyang niluluto, pero ngayon, sumubok siya ng ibang putahe na wala sa paborito nito. Sana nga magustuhan nito ang niluto niyang beef tapa. Gusto rin daw nito tikman ang t
NAPATIGIL SA PAGHAKBANG si Daphne nang marinig ang sunod-sunod na katok ni BK. Pilit din niyang buksan ang pintuan. Papunta sana siya noon sa banyo. Bumalik na lang siya at nahiga ulit."Daph! Buksan mo ang pintuan!""Manigas ka!" aniyang siya lang ang nakakarinig. "Baby!" "Baby mong mukha mo!" Naiinis pa rin siya talaga kaya tinakpan niya ang taingang unan para hindi niya ito marinig.Tumingin siya sa malaking orasan niya. Alas tres na pala ng hapon.Hindi niya alam kung nagtagal ba ito sa pintuan dahil ibinalik niya ang sarili sa pagtulog sa sobrang inis. Akala niya, okay na siya kanina. Hindi pa pala.Nagising siya na madilim na. Papungas-pungas na bumangon siya. Pumasok muna siya ng banyo para umihi. Sumakit ang pantog niya tuloy kakapigil sa ihi kanina. Tinulugan niya kasi.Wala si BK sa kuwarto at sa kahit saang sulok ng kuwarto. Nakahinga siya ng maluwag.Nalungkot siya bigla nang makita ang kaserola na pinaglutuan ng sabaw. Kahit ang pinaglutuan niya din ng tapa kanina. Napa
"SLEEP TIGHT," DINIG niyang sabi ni Max nang ihiga siya nito sa kama. Napangiti pa siya sa sinabi nito. Unang beses niya kasing sabihan ng gano’n. ‘Di naman niya narinig iyon mula kay BK Naramdaman niya ang paglagay ni Max ng kumot sa kan'ya. Hindi na niya namalayan ang ginagawa nito ng mga sumunod na oras dahil hinayon na talaga siya ng antok. Nagising siya kinabukasan na masakit ang ulo. Napadaing pa siya ng malakas. Malamang, dahil sa nainom niya na whiskey. Dapat espresso martiini na lang kasi, e. Natigilan si Daphne nang mapagtantong pamilyar sa kan’ya ang silid. Napatampal siya sa sa ulo nang maalalang kasama niya nga pala kagabi si Max. Sa kapatid niya itong hinihigaan niya. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. Iniluwa no’n si Max na bagong paligo at may dalang mainit na soup. Kita pa niya ang usok na nagmumula dito. “Good morning,” masayang bati nito. “Morning. Salamat.” Tumingin pa siya sa tray na may soup. “Basta ikaw.” Ngumiti ito sa kan’ya. “Kumusta ang paki
ILANG BESES NA nagpakawala si Daphne ng hininga bago umalis sa puwesto. Nakasunod sa kan’ya ang guard dahil may hawak siyang pera. Pangalawang araw niya ngayon bilang cashier. Ginusto niyang pumasok ulit ng trabaho kaysa tumambay. Ayaw niyang iburo ang sarili sa bahay. Mabuti pa rito masaya. May nakakausap rin siya.Maaga ang out niya ngayon. Eeight hours lang ang duty niya kasi.Dumaan siya sa palengke para mamili ng ulam na lulutuin. Mamaya pa kasi ang labas ni Amelie. Maganda na iyong luto na ang pagkain pagdating nito.Napangiti siya nang makita ang babaeng tindera ng manok. As usual, napakaingay niya, walang pinagbago."Uy, suki! Long time no see!" anito nang makita siya."Nakarami na bang kita?" nakangiting tanong niya rito. "Marami, ako pa ba?" Ngumiti pa ito sa kan'ya ng matamis. "Ilan ba?""Kalahati lang. Dalawa lang naman kami."Nag-chop ito ng manok at tinimbang. "Ayan, sobra 'yan suki, kaya sobrahan mo rin ang bayad." Humagikhik pa ito.Naiiling na binigay niya ang pera
"LOVE, MAY PROBLEMA ba tayo?" Napatingin si BK sa nobyang si Amber nang magtanong ito. "W-wala naman," aniya sa mahinang tinig at sumimsim ng alak. Si Daphne ang iniisip niya ng mga sandaling iyon.Narito sila ngayon ni Amber sa bahay nila ng asawa. Hindi naman siya dapat uuwi dito, si Amber lang ang mapilit. Parang hindi niya kayang mag-stay ng matagal dito lalo na sa silid niya. Kahit sa dating silid na inuukopa ng asawa. Mula ng iwan siya ng asawa, nakaramdam siya ng kahungkagan. Nakaka-miss ang presensya ng asawa. Dati na niyang nararamdaman ito pero hindi niya alam kung ano ba talaga ito. Kahit saang sulok niya nga ito nakikita. Minsan parang nababaliw na siya, nai-imagine niya ang asawa na kahalîkan, at minsan nga, katalîk. Nawalan siya ng gana sa ibang babae. Kahit kay Amber.Bakit kasi bumalik pa si Amber? Nagulo tuloy bigla ang buhay nila ng asawa.Hindi niya akalaing sasagutin siya ni Amber nang bumalik ito sa buhay niya. Basta na lang idineklara nitong sila na kahit il
“MAY IPAPABILI KA ba anak sa bayan?" tanong ina sa kan'ya nang lapitan siya. "Wala na po, 'Ma. Nabili ko na po kahapon." "Ganoon ba. Sige, aalis na ako. May pagkain naman na diyan, kumain ka na lang kapag nakaramdam ka ng gutom." Tumango siya sa ina. Hinatid niya rin ito ng sa tarangkahan ng bahay nila mayamaya.Mag-grocery daw ito dahil wala ng stock ng ilang pangangailangan nila. Pero hindi naman ganoon karami ang nasa listahan ng Mama niya. Actually, puwede 'yon bilhin sa susunod na bahay na may tindahan, ang kaso may kamahalan nga. Pero baka may iba pang sadya ang ina. Siya sana kahapon ang mamimili kaso ayaw ng ina dahil baka mapano daw ang nasa loob ng kan’yang sinapupunan.Simula nang malaman niyang nagdadalangtao siya, hindi na siya nito pinapagdala ng mga mabibigat na bagay. Pagwawalis, luto at paghuhugas puwede siya. Pero ang mag-igib ng tubig mula sa balon, hindi. Sabagay, tatlong bahay mula sa kanila ang tinutukoy niyang igiban. Ang layo pa. Kaya nga naliligo siya minsa
“ANONG GINAGAWA MO dito?” aniya nang lapitan sila BK. Tumingin siya sa mga kaibigan ng asawa na papalapit din sa tarangkahan nila. Tanging si Max lang ang humaharang kay BK. Ang ina niya ay palipat-lipat ng tingin sa amin ni BK. “Sinusundo ka, baby.” “Baby your ass!” dinig niyang sabi ni Max na nakatitig kay BK. Saglit lang sinulyapan ni BK si Max bago tumingin sa kan’ya. “Puwede bang umalis ka sa harapan ko. Asawa ko ang pinunta ko dito, hindi ikaw. At wala akong balak na makipagdiskusyon sa kung sino.” “Hindi ako aalis hangga’t walang sinasabi si Daphne,” matigas na sabi ni Max. “Pasensya na, hijo. Sino ba ang asawa mo dito?” nakapameywang na ang Mama niya kaya napalunok siya. Biglang naurong ang dila ni BK sa tanong ng ina. “‘Ma,” aniya. Sumulyap lang ang ina niya sa kan’ya. Parang sinasabi nitong hayaan niya lang dahil ito ang bahala kay BK. “S-Si Daphne po,” “Ha? Ikaw ang asawa ng anak ko? Sigurado ka? Eh, bakit si Max ang laging nasa tabi ng anak ko? ‘Wag mo nga akong
"WHAT?!" singhal niya nang magtawanan ang mga kaibigan niya. Nasaktan na nga siya, pinagtawanan pa siya! Grabe ka-supportive! Kakarating lang nila noon sa Maynila at narito sila ngayon sa helipad ng Spotlight. "May paluhod-luhod ka pang nalalaman, e may Amber ka pa! Langya. Paano ka babalikan ng asawa mo niyan?" tawang-tawa na sabi ni Kevin. "Sirarulo! Mahal na niya ang asawa niya kaya hayaan niyo siya. Mawawala na rin sa kan'ya ang isla niya at mapapasakamay ko na. For real!" singit ni Rixi na ang laki ng ngiti. "Magsitigil nga kayo! Hindi niyo alam ang nararamdaman ko kaya manahimik kayo!" aniya at tumayo pagkuwa'y hinigit ang leather jacket na ipinatong niya kanina sa sofa ng opisina ni Paul. "Legit?" dinig niyang tanong ni Paul sa ibang kaibigan. Ngayon lang kasi siya nag-walkout. 'Yan na nga ba ang sinasabi niya, sasama lang ang mga ito sa kan'ya para pagtawanan siya. Sabi, susuportahan siya. Mukhang sumama lang ang mga ito dahil siguro sa sekretong pustahan. Muli niyang
MALAPAD ANG NGITI ni BK nang bumukas ang pintuan ng simbahan iyon sa bayan ng Caramoan. Iniluwa no’n ang asawa sa simpleng wedding gown nitong puti, pero binigyan nito ng hustisya, naging elegante ito tingnan. Napakaganda nito sa suot na iyon kahit na malaki na ang umbok ng tiyan. Pabor nga sa asawa ang suot na simple lang, hindi naman nga ito lumaki na magarbo. Kulang sila sa preparasyon dahil biglaan ang naging kasal na ito. Halos isang linggo nilang nilakad ang mga dapat lakarin para matuloy ang kasalang gusto nilang dalawa. Sinamantala rin nilang mag-asawa habang kompleto ang kamag-anak nito na nandito sa Pilipinas. After he mouthed ‘I love you’ to her, she responded. Kaya naman hindi napalis ang magandang ngiti sa labi niya. Ang corny pero kinikilig talaga siya lagi kapag tumutugon ang asawa sa kan’ya. Pero hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang first night nila mamayang gabi sa cabin– ang ibig niyang sabihin first night nila ulit after ng ilang buwang magkalayo. OA? Pero g
"SAAN KO ‘TO ILALAGAY, BABY?" Napatingin si Daphne sa asawa na dala ang mga gamit ng anak. Kakarating lang nila ng Hotel De Astin. Buong pamilya niya at magulang ni BK ang makakasama nila sa bakasyon. Hindi sila sakto sa bahay nila BK kaya nagpasya silang sa hotel na lang tumuloy. "Sa mesa na lang muna siguro. Pakilagaya na lang at ako na lang mag-aayos. Pakibantayan na lang muna si baby kasi may iuutos ako kay Yaya." Ipinagpatuloy niya ang pagpasok ng mga damit nila sa closet. “Sige, baby.” Kaagad na tumalima ito palabas ng suite nila. Nasa baba kasi ang anak kasama ang Yaya at mga lola nito. May bantay naman ang anak dahil nandoon ang magulang nila, ayaw lang niya bigyan ng chance si BK na makalapit sa kan’ya. Ilang araw ng bumubulong ito sa kan’ya pero hindi niya pa rin pinapansin. Buti nga hindi umiinit ang ulo nito. Pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila ay bumaba na siya para kunin ang anak. Pinatulog niya muna dahil paniguradong antok na ito. Hindi naman kasi ito nat
NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon sa dahon ng pintuan habang hinintay ito matapos sa pagbihis. Hindi na niya puwedeng hayaan na umabot ng buwan ang ‘di pagpansin sa kan’ya ng asawa. Ilang buwan na nga silang nagkawalay tapos ganito pa
“K-KANINA KA PA?” Dayan-dahan siyang kumilos paupo. Maingat dahil baka magising si Mirielle “Kakarating ko lang.” Tulog na tulog pa rin ang anak sa tabi niya nang lingunin niya ulit. Pilit na inabot niya ang saklay niya kapagkuwan. Hindi niya maabot kaya si BK ang kumuha. Hindi na siya kumontra nang alalayan siya nito pababa. “Umuwi na si Emmanuel. Sabihin ko na lang daw sa ‘yo pag gising mo.” Nakaramdam siya ng konsensya. Tinulugan niya kasi ito kanina. Hindi tuloy siya nakapagpasalamat. “Okay. Sa couch, please,” aniya sa asawa. Nakaalalay sa kan’ya si BK hanggang sa couch. Akmang aalis ito nang magsalita siya. “Mag-usap tayo, BK. Tungkol kay Mirielle. P-paanong nangyaring nabuhay siya? Sabi mo ikaw mismo ang nag-asikaso ng lahat tapos ngayon buhay pala. Matagal mo na bang lihim ito? ‘Yong totoo, BK.” Saglit na tumitig ito sa kan’ya. Marahil nagtataka ito, nakakaalala na siya. Naupo si BK sa tabi niya na nakayuko. “Si Amber ang nakatuklas na buhay ang anak natin. Naroon siy
NAPASINGHAP SI DAPHNE nang biglang lumuhod si BK sa kan’ya. Kaagad na sinapo nito ang mga paa niya at sinipat iyon. Nag-angat ito ng tingin sa kan’ya. “What happened, baby?” Napalunok siya sa naging tanong nito. What happened ba kamo? Bakit hindi nito tanungin ang sarili nito kung ano ba ang nangyari sa kan’ya? Naikuyom niya ang mga ngipin. Umisang lunok pa siya bago tuluyang sinalubong ang tingin nito. “Sino ka?” seryosong tanong niya. “B-baby…” puno ng pagtatakang sambit ng asawa. Nagkaroon siya ng temporary amnesia nang mangyari ang aksidenteng iyon pero agad din namang bumalik. Sana nga hindi agad bumalik, para talagang makalimutan niya ang asawa. Kotang-kota na siya sa sakit. “Hindi kita kilala kaya bitawan mo nga ang paa ko. Baka makita ka ng asawa ko. Ayokong maging ng away namin.” Patawarin nawa siya ni Emmanuel. Hindi pa niya kayang harapin si BK sa ngayon. Pakiramdam niya naulit lang ang nakaraan. Buntis din siya noon nang puntahan siya ng asawa matapos na umalis siy
ILANG BESES PANG tumingin si Daphne sa orasan bago tuluyang nahiga. Hanggang ngayon, umaasa siyang uuwi si BK gaya ng sabi nito sa kan’ya. Pero pangalawang gabi na niya ito sa bahay nila na naghihintay dito, pero hindi pa rin ito umuuwi. Ayaw niyang umalis ng bahay nito na hindi ito nakakausap, at ang sabi rin kasi nito, hintayin niya ang pagbabalik nito. Pero bakit wala pa rin? Hindi na niya kayang mag-stay sa bahay nila ng ganito kalungkot. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung ano na ba ang ginagawa ng asawa. Nag-o-overthink na siya. Mas mabuti pang hindi sila magkasama sa iisang bubong nito.Ramdam naman niya sa asawa na mahal siya nito pero kailangan pa rin nila ng space. Kailangan niya ng pahinga. Ngayon niya ramdam ang sobrang pagod dahil sa lahat ng mga nangyari sa kan’ya. Hindi pa pala siya nakaka-recover sa lahat ng hirap na naranasan, dumagdag pa ang kasalukuyang problema nila na talagang nagpapahina sa kan’ya. Pakiramdam niya, Sinalo niya ang lahat ng problema ng mundo. P
NAPAHAWAK SI DAPHNE sa ulo nang maramdama ang pagkirot. D*****g din siya kapagkuwan. Hindi pa man niya naiuupo ang sarili sa kama nang makaramdam ng pag-ikot ng paningin. Minabuti na lang niyang mahiga muna. Inilinga niya ang tingin sa buong silid. Wala siya sa silid niya. ‘Kanino kayang silid ito?’ tanong niya sa sarili. Natampal niya ang noo niya nang maalala ang professor niya, si Emmanuel Yu. Nasa bahay siya nito siguro. Hindi na kasi niya maalala ang sumunod na nangyari. Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali lang ay pumasok si Emmanuel na may dalang tray. Nakakahiya dahil mukhang ipinagluto pa siya nito. “I’m sorry, Sir...” Sapo niya ang ulo habang iginigiya ang sarili paupo. “You need this soup para mabawasan ang hangover mo,” anito sabay lapag ng dala sa mesang nasa gilid. Ngumiti ito sa kan’ya. “Ubusin mo na lang ‘to muna bago ka bumalik sa pagtulog ulit. Iba-ibang alak ba naman kasi, masakit talaga sa ulo, lalo pa’t hindi ka sanay. Kung gusto mo ring maligo, ma
NAGISING SI DAPHNE sa yugyog ni Amelie.“Daph, gising. Wala kabang pasok bukas? Alas sieyete na, dito ka ba matutulog?”“Akala ko ba puwede ako dito?”“Puwede naman. Ang iniisip ko, ang pasok mo.”“Pahiramin mo na lang ako ng damit. Dala ko naman ang mga kailangan ko sa school.”Wala naman sigurong quiz kaya ayos lang na hindi siya mag-aral.“Sure.” Seryosong tumitig ito sa kan’ya kapagkuwan. “Nag-text ang asawa mo, anong sasabihin ko?”“Sabihin mo wala ako dito. Te-text ko na lang siya na May group work kami, kailangan kong mag-sleep over para matapos.”Tumango ang kaibigan. “Ikaw ang bahala.” “Salamat, Amelie.”Napayuko siya pero nag-angat din ng tingin sa kaibigan ng seryoso.“Anong gagawin ko? Sabihin mo nga sa akin ang maganda kong gawin. Wala akong maisip. Hindi ko rin alam kung paano sasabihing alam ko.”Bumontonghininga si Amelie at naupo sa tabi niya.“Hindi ako perpektong babae, Daph. Hindi ko alam kung puwede mong paniwalaan ang mga sasabihin ko. Pero sa tingin ko, dapat n
NAPAPITLAG SI DAPHNE nang marinig ang malakas na busina sa labas. Walang guard dahil nagpaalam sa kan’ya saglit na maghuhulog daw ng pera sa kamag-anak nito sa labas lang ng subdibisyong kinaroroonan nila. Naka-lock ang gate sa utos niya dahil wala nga ito. Kaya hindi rin mabubuksan agad ni BK, kung ito nga ang nasa labas nila. Isa ‘yon sa feature ng gate nila. Tanging nasa loob lamang ang may kakayahang magbukas.Tinuyo niya ang kamay ng malinis na kitchen towel saka tumalima palabas ng bahay. Si BK nga. Bumaba ito at sinisipat ang loob ng guard house mula sa labas.Mapaklang ngiti ang iginanti niya sa asawa nang kumaway ito. Parang wala lang?Tinalikuran niya ito at bumalik sa pintuan. May ginalaw siya sa screen para mabuksan nito ang gate. Bumalik na rin siya sa kusina kapagkuwan.Maghapon niyang inabala ang sarili sa paglilinis ng bahay. Gusto niyang ukupahin ang isip ng kung anu-ano. Ayaw niyang mag-isip masyado dahil kailangan niya bukas ang sarili, bukas kasi ang schedule niya