VANCE'S POV
"LET'S Date-"
"May date ako mamaya-" naputol ko ang sinasabi ko nang masabayan ko ang sinasabi niya, "kaya hindi kita masasamahang kumain," nabibigla kong pagpapatuloy.
Humina ang boses ko sa huli kong sinabi, pakiramdam ko kasi gusto kong bawiin ang sinabi ko.
Napalunok ako nang tila masilip ko sa mga mata niya ang hapdi na idinulot nang sinabi ko.
Napako ako sa kinatatayuan ko nang humakbang siya papalapit sakin.
Isang hakbang nalang ang lapit namin nang huminto siya. Kita ko ang pag-angat ng d****b niya."I want to take you out co'z i want you," titig niya sa mga mata ko. "For now, lets date first," pabulong at paos ang boses niya.
Nanalangin ako na sana bawiin niya ang sinabi niya at sabihin na isa lang 'yong biro.
Sige na! sabihin mo na!
Para na akong mabibingi sa lakas ng kalabog ng puso ko.
"Narinig mo?" madiin niyang sambit, "gusto kita."
Umiling ako't nag-iwas ng tingin.
Humugot ako ng malalim na paghinga.
Ano bang nangyayari sakin? Ano bang klaseng pagpapanggap ang ginagawa niya? Bakit hulog na hulog ako?
Nagtalo ang isip at puso ko.
Gusto nang maniwala ng puso ko pero ang isip ko sinasabi na baka hinuhuli lang niya ako para sirain ako.
Umakto akong natatawa.
Huminga siya ng malalim, sandaling pumikit upang pakalmahin ang sarili,
"Para akong sasabog kapag malapit ka sakin."
Sige, galingan mo pa!
Nagugustuhan ko ang sinasabi niya pero hindi yon dahilan para bumigay ako.
Para ilantad ko sa kanya kung ano talaga ako. Apat na taon kong itinatago 'yon sa marami at iniingatan ulit!"I want to touch you. I want to feel you-"
"Shit! Dude!" putol ko sa kanya, brusko ang tono na parang handang sapakin ulit siya kapag nagsalita pa siya.
"Naka-floral dress ba ang tingin mo sakin ngayon? Shit! ano bang sinasabi mo?! Pareho tayong lalake!"
Nagulat ako sa reaksyon niya. Imbes kasi na maging seryoso ito ay nagpakita pa ito ng matipid na ngiti.
"Well, your eyes and gestures can't shout what you're saying. Kung paano ka tumingin at paghinga mo sa harap ko. Pakiramdam ko pareho tayo ng nararamdaman."
Hindi ko alam kung ano paano pa dapat mag-react. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong maisip na dapat sabihin noong mga sandaling ito.
Halata na ba ako?
Bigla kong naalala na magaling siyang umarte kanina sa harap ni Wena at sigurado ginagawa niya din sakin 'yon ngayon.
Ngumisi ako.
Kaya ko ding umarte sa harap niya para matapos na to para ma-save ko na ang sarili ko sa pagkahulog at paglalantad ko sa kanya. Halatang may hint na siya kung ano ako ngayon.
Pero paano niya nalaman?
"Nagkakamali ka ng iniisip tungkol sakin," tanggi ko na sa iniisip niya.
Mas lalong lumaki ang ngisi niya sabay kagat sa labi.
Ah kainis naman eh! Panira naman 'to masyado! Bakit hindi niya ako pagbigyang magsalita muna ng hindi gumagawa ng mga bagay na nakakaakit para sa akin?
Humakbang ako palapit sa kanya. Malapit na malapit.
Bumibilis pa din ang tibok ng puso ko pero parang nagustuhan kong tila narinig ko din ang kalabog ng puso niya o pangarap ko lang talaga 'yon na ganon din ang nararamdaman niya?
Gusto ko din namang mapalapit sa kanya. Maamoy ang bango niya. Kahit ngayon nalang.
Bumaba ang mata ko sa labi niya.
Nakakaakit!
"Kung hindi ka lang lalake tutugunan ko ang pagnanasa mo sakin," mahinang sambit ko.
"Hindi babae ang gusto mo-"
"Kahit lalake pa ang magustuhan ko. Hindi mangyayari ang iniisip mo dahil hindi katulad mo ang gugustuhin ko."
Para kasing aatakehin ako sa puso pag ikaw!
Sinisikap kong magsinungaling sa harap niya.
Nasundan ko nang titig ang paglaway niya sa labi niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko sa hiya nang mahuli niya ang mata kong pinapanood 'yon.
Umatras ako, "Maghanap ka nalang ng iba-"
Nang biglang isang malakas na suntok sa panga ang binigay niya sakin bago ko tapusin ang sinasabi ko.
Nayanig ako. Bumagsak ako sa lapag.
Aray!
Lumapit siya sakin tapos nag-squat.
Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at iharap ang mukha ko sa kanya.Nakita ko ang pait at lungkot sa mga mata niya.
Pigil ang paghinga ko nang bumagsak ang mata niya sa labi ko't pinahid 'yon ng hinalalaking daliri niya.
Nakuyente ako pero dinama ko 'yon saka niya ako binitawan.
Gulat na gulat ako.
"Ngayon, quits na tayo," sabi niyang dinala ang hinlalaking daliri sa labi niya.
Natulala ako.
Ngumisi siya bago ako tuluyang iwan na nanghihina. Hindi ako makatayo kaya napahiga nalang ako sa damuhan.
Napatitig ako sa mga ulap.
"Vance! Are you okay?" lapit sakin ni Wena at Davion.
Okay lang ba ako?
Tumango nalang ako't napapikit.
Dinama ko ang kabog at bilis ng tibok ng puso ko. Dinama ko ang kakaibang saya na nararamdaman ko.
Napabuga ako ng malalim na paghinga nang muling magmulat. Hindi ko na iniintindi ang sinasabi nila.
"Tumabi kayo," basta 'yon lang ang nasabi ko. Nakaharang kasi ang mukha nilang dalawa sa ulap. "Ang ganda ng ulap."
"Ano?" sabay nilang sabi.
Tulala kong inalala ang mga nangyari.WORKING student ako pero hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho dahil sa pasa at sugat ko. Nang makita ng manager ang itsura ko, sinabihan niya agad ako na wag pumasok hangga't hindi gumagaling ng sugat at pasa sa mukha ko.
Nagtatrabaho ako sa isang fast food chain at kung minsan naman ay isang freelance writer. Nanghihinayang ako sa dapat sana ay sasahurin ko sa mga panahong hindi ako makakapasok sa trabaho. Ngunit kahit ganon hindi ko magawang magalit at sisihin si Steven kasi sa totoo lang masaya ako na nakilala ko siya ngayong araw.
Namumuhay akong mag-isa at pinapa-aral ang sarili ko. Ang itinuturing kong pamilya ngayon ay ang mga kaibigan ko. Hindi kasi maayos ang samahan namin ngayon ng totoo kong pamilya na nakatira sa probinsya.
Magkakasama kami ngayon nila Wena, Calvin at Davion sa apartment na tinutuluyan ko habang hinihintay naman namin si Braxton na papunta pa lang. Magsasabay kaming maghapunan ngayong gabi.
Nagtinginan si Calvin at Davion halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Napag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa nangyari kanina samin ni Steven.
"Ganon nga ang nangyari, tingin ko nainsulto ko siya kasi inalok ko siya ng pera bilang danyos kaya nasuntok niya ako," paggigiit ko.
"'Yon lang ba talaga?"
Kinabahan ako sa tanong ni Davion.
"Didn't he threaten you?" dagdag pa ni Calvin.
"Hindi!" agad kong sagot.
Saglit kaming huminto sa pag-uusap nang dumating si Wena dala ang tray ng pagkain. Tumulong ang dalawa sa pag-aayos ng table habang ako inaalala ko ang mga sinabi ni Steven kanina.
"I want to take you out co'z i want you. For now, lets date first."
Napagdesisyunan ko na hindi sabihin 'yon sa mga kaibigan ko. Under shock pa kasi ako. Natutulala ako kapag inaalala 'yon.
Sa totoo lang nayanig ang mundo ko nang sagutin niya ang tanong ko kung ano ang gusto niyang mangyari.
"Take you out."
Simple lang ang mga salitang 'yon kung pakikinggan na sa una ngang dinig ay inaaya niya lang akong kumain sa labas. Pero bakit pakiramdam ko may mas malalim pang ibig sabihin ang sinabi niya?
Para bang binigyan ako ni Steven ng senyales para ilantad ang tunay kong pagkatao. Na ang kaya kong ibigin at pangarapin ay isa ding lalakeng tulad niya.
Napangiti ako nang alalahanin ulit kung paano sinabi ni Steven na gusto niya ako.
Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinabi niya dahil una ko palang siyang makita ay natipuhan ko na siya. Ngunit ayokong umasa na totoo ang mga sinabi niya sakin.
Kaya napagpasyahan kong sarilinin nalang muna iyon. Masmabuti nang magpanggap na hindi nangyari 'yon kesa naman tuluyan akong umasa na may gusto nga talaga siya sakin.
Ayokong isipin na posible 'yon kahit una palang kaming nagkita. Isa pa, hindi ko din binibitawan ang hinala ko na posibleng pinaglalaruan niya lang ako para sirain o guluhin ang nananahimik kong mundo.
Pero bakit? Para ba maghiganti? Kapatid ba siya o boyfriend ng babaeng umasa na mamahalin at na-basted ko?
"Aray!" bigla kong sigaw nang maramdaman ko ang hapdi sa sugat at pasa sa labi ko.
Idiniin kasi ng bagong dating na si Braxton ang kamay ko doon.
"Ah masakit pala, akala ko masarap sa pakiramdam 'yang suntok sayo ni Steven kaya diniinan ko pa," upo nito sa harap ko, "ngiting-ngiti ka kasi."
Nasa gitna siya nila Calvin at Davion habang katabi ko naman si Wena.
Nagtawanan ang iba pa.
Napairap ako habang nakangusong nagtatampo. Nagagawa ko lang to sa harap nila.
"Hindi ah!" depensa ko.
Ilang saglit pa, nag-focus kaming lahat sa pagkain.
"Bakit wala agad nagsabi sakin tungkol sa kaguluhang nangyari kanina?" pagbubukas ni Braxton ng usapan pagkatapos naming kumain.
Isa-isa kaming tinignan ni Braxton. Napainom ulit ako ng tubig.
Bakit parang sa tono niya parang napakalaking kaguluhan ang nangyari?
"Misunderstanding lang 'yon," sagot ko.
"Don't the troubles begin with misunderstanding?" balik na tanong ni Braxton.
Hindi na ulit ako nakapagsalita pa. May point siya.
Nagkibit-balikat si Calvin, "Kay Anne ko lang nalaman ang nangyari."
Si Anne ay co-officer niya sa student council.
Nagtaas ako ng kilay nang maisip na ang layo ng course ni Anne sa mga taong nandoon kanina. Ibig sabihin ang layo ng department nito para malaman agad 'yon.
"Paano niya nalaman? Tumatambay ba siya sa ibang course?"
“Nah! she just knows the rumors and gossip on campus,” sagot agad ni Calvin.
"Ano? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.
VANCE'S POV"ANO? Bali-balita na sa campus ang nangyari samin ni Steven? Ganon kabilis kumalat ang balita?" nabibigla kong sabi.Bumaling silang lahat sakin, nagtataka kung bakit hindi ko alam 'yon."Im sorry, hindi ko alam kasi pagkatapos nang nangyari umuwi na agad ako. Nasira 'yong cellphone ko kanina kaya hindi ako makabalita kung ano na ang mga nagaganap na dapat kong malaman."Kanina nang suntukin ako ni Steven at bumagsak ako sa lupa, nabasag ang cellphone ko dahil nasa likod na bulsa ng pantalon ko 'yon nakasuksok.Tumango-tango sila.Bumaling ko kay Wena isa sa mga writers ng Publication namin sa campus."Well, that's one of the things we're talking about right now on our freedom wall on campus and on social media. Dahil maraming taong nag-aalala kay Steven," saglit akong sinulyapan ako ni Wena, "at syempre sayo din. Nagre-react 'yong mga tagahanga ninyo sa campus pero mas maraming nagagalit sayong mga
VANCE'S POVHINDI ko masabi na kailanman hindi ko naisip na gugustuhin kong tikman ang katawan nila.Natanong ako ni Wena, paano kung may isang lalake na magkagusto sakin na nadiskubre ang tunay na pagkatao ko tapos maghuhubad sa harap ko?Ang sagot ko lang. Magwa-walk out ako syempre! Paninindigan kong lalake pa rin ako kasi hindi pa ako handang ilantad kung sino ako.Hindi ako nagdalawang isip na sumagot ng ganun dahil sa totoo lang hindi ko pa maisip noon ang imahe ng lalakeng gagawa ng ganon.Napalunok ako't napakagat ng labi nang maisip na, paano nga kung gawin 'yon ni Steven sa harap ko para lang mapaamin ako?Napalunok ako. Bigla akong nainitan. Naramdaman ko ang pamumula ang mukha ko.Napapikit ako nang damhin ng kamay ko ang dibdib ko. Naalala ko ang pagdampi ng kamay doon ni Steven kanina. Ang haplos niya nagbigay ng kakaibang init sa buo kong katawan.Unti-unti akong namilipit sa kilig sa kinauupuan
VANCE'S POVRESULTA1. Posibleng maging umpisa ng fraternity war sa pagitan ng fraternity na kinapapalooban ni Steven at Braxton."Ano?" gulat akong napatayo.Ngayon lang nag-sink in sakin kung bakit nagpepresent ng ganto si Delsie bilang representante ng fraternity ni Braxton. Dahil dawit sa insidente kahapon ang fraternity ni Braxton."Paano 'yon nangyari at bakit?" macho pa din ang tono ko sa tanong na 'yon kay Delsie."Well, una kasing lumabas at pinag-usapan ang scenario one na may picture ni Steven na may pasa at duguan ang labi niya. Tapos ang picture mo na masayang-masaya pang umiinom ng wine sa isang bar. Lumabas lang ang scenario two noong pinag-uusapan na ang fraternity namin nila Braxton."Hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari na parang sinasadyang palakihim ang nangyari. Hindi naman ako galing sa bar kagabi, nasa bahay lang ako.May pasa at sugat din ako pero hindi malala tulad
VANCE'S POVSUMERYOSO ako nang makapasok na ako sa Audio Visual Room. Napabuga ako ng hangin nang mapansin kong hindi na ako sinundan ni Steven. Nandoon na din si Braxton at Calvin kaya kampante akong umupo sa upuan.Masayang nakikipag-usap si Calvin kina Kedrick at Dashei sa isang sulok. Mga co-officers niya ang dalawa sa student council. Kasama sila sa pag-uusap para mamagitan.Si Kedrick ang ipinadalo para maging representative ng student council kasama niya ang secretary na si Dashie para mag- take note ng minutes of the meeting.Habang si Braxton naman kausap si Karson. Si Karson ay isa din sa mga officers ng fraternity ni Braxton.Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtiim ng panga ni Braxton ng dumating ang ex-girlfriend niyang si Clodeth kasama ang boyfriend nito na si Arlo.Si Arlo ay isa sa officer ng fraternity ni Steven habang si Clodeth naman ay officer naman ng sorority.Na-guilty ako. Alam kong iniiwasan ni Braxton na
VANCE'S POVKINALMA ko ang sarili ko. Pinigilan ko ang sarili kong maibuga ang laman ng bibig ko habang nakikinig sa sinasabi ni Steven."Vance and I were schoolmates in high school-""Enough," singit ni Braxton, "we don't care."Pero nagpatuloy pa rin si Steven, "I'm sure Vance doesn't remember me anymore but I can't forget him. Kilala si Vance na-"Naputol ang sasabihin ni Steven nang lapitan siya ni Braxton at kwelyuhan, "I said shut your fucking mouth!"Biglang nagkaroon ng kaguluhan."Braxton!" sigaw ni Arlo saka humakbang para daluhan si Steven pero hinarang siya ni Davion."What are you doing Braxton?!" sigaw ni Ryker na humakbang din papunta sa dalawa pero hinarang naman siya ni Karson.Namagitan si Kedrick kay Arlo at Davion. Habang si Wena naman kay Ryker at Karson.Kami naman ni Calvin ay humangos na pinuntahan si Braxton at Steven para umawat."Why don't you l
VANCE'S POVHINDI ko alam kung bakit habang tumatanggap ako ng mga suntok ay naalala ko ang ngiti at halik sa akin ng mataba at neird ng lalake.Na parang sinasabi niya sakin na kaya kong tanggapin lahat ng ito, na matatag ako. Anuman ang sabihin at gawin sa akin ng pamilya ko dahil sa paglalantad ko sa sarili ko ay hindi ko 'yon ikinasama bilang tao.Wala akong ginagawang mali, hindi mali ang mabuhay ako ng naaayon sa pagsunod ko sa pangangailangan ng pagkatao ko.Kaya hindi ako nakiusap kay Kuya Dernico na tumigil siya. Hindi din ako lumaban. Tinanggap ko ang mga suntok niya at hinayaan kong pinapanood lang kami ng mga magulang at iba ko pang kapatid. Kung 'yon ang makakapagpagaan sa loob nila at magiging daan para matanggap ako, tatanggapin ko.Duguan ako at sira-sira na ang damit ko nang tumigil si Kuya Dernico dahil sa mga taong dumating. Nagulat ako nang makita ko si Brywin na bitbit ng dalawang bodyguards ni Daddy. Lu
VANCE'S POVBINIGYAN ako ni Mommy ng malaking halaga para sa panggastos ko sa loob ng isang taon.Sabi niya isang taon lang daw ang kaya nilang ibigay ni Daddy sa akin para pagbigyan akong mabuhay sa pamamaraan na gusto ko.Pagkatapos ng isang taon at hindi pa ako bumabalik sa kanila na isang tunay na lalake, puputulin na nila ang sustento sa akin.Kaya tinipid at iningatan ko ang perang 'yon.Habang bakasyon ay naisipan kong magtrabaho para kumita ng pera na idadagdag ko sa ipon ko at para sa pangtustos na din sa mga pangangailangan ko sa araw-araw.Bukod doon, gusto kong libangin ang sarili ko, gusto kong pagurin ang katawan ko para hindi ako magkaroon ng pagkakataong isipin nang isipin ang mga nangyari. Gusto ko nang kalimutan ang nakaraan at gamutin ang mga sugat sa puso ko.Umaasa ako na totoo ang sinasabi nilang kayang tanggalin ng paglipas ng panahon ang sakit at hapdi sa puso ko.Pagkatapos ng is
VANCE'S POVHABANG nasa huling linya nang pagsasalita si Wena ay humakbang ako palapit kay Clodeth pero naunahan ako ni Quenie na lumapit doon.Hinarap ni Quenie si Clodeth at binigyan ng isang malakas na sampal na ikinagulat naming lahat.Hays, ang mga babaeng ito, inagawan na talaga ako ng eksena!"Im a lesbian," sabi ni Queenie. "Ten percent ng mga member natin sa sorority ay lesbian. Bilang namumuno samin ganyan ba ang sasabihin mo? Ganyan ba ang maririnig namin mula sayo? Paano mo kami pamumunuan ng maayos kung pinandidirian mo ang mga katulad namin?""Queenie-""I know Arlo," baling ni Queenie kay Arlo tapos kay Ryker. "I will accept the punishment that will be meted out to me for doing this but as a person I think I have to do it. Bilang membro at isa sa nangangalaga ng fraternity kailangan kong paalalahanan si Clodeth sa pamamaraang makakapagpahinto sa bitch mouth at gigising sa konsensya niya."Tapos n
VANCE'S POVMAYA-MAYA pa ay tumayo na sina Steven, Ryker, Ivan at Dert at saka sabay-sabay silang naglakad.Bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko si Steven. May kung anong humahaplos sa puso ko dahilan para bahagyang humupa ang galit ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng paghanga sa kanya.Mula palang sa pagtayo niya, pagsuklay ng mga daliri sa buhok niya, pagbuntong hininga habang saglit na nagkagat-labi, ang pamumulsa niya at ang paglakad niya habang sinasabayan ang tatlo ay naging kaakit-akit sa paningin ko. Parang nag-slow motion ang paligid habang naglalakad sila. Para bang nanonood ako ng isang music video. Tila isang magandang tugtugin ang nabubuo sa pagpintig ng puso ko habang sinusundan ng mga mata ko si Steven. Kasunod ng pag-ihip ng hangin ang tila tuluyang pagtangay niyon sa galit sa dibdib ko, natira nalang ang damdamin kong muling nahuhulog para sa kanya.Ah, paano niya nagagawang galitin ako at pawiin 'yon agad ng hindi niya namamalayan?"Wow!" biglang
VANCE'S POVNAKATUTOK ang atensyon ko sa cellphone nang maramdaman ko ang pag-park ng sasakyan sa gilid ng kalsada. "Vance may kukunin lang ako, hindi ako magtatagal. Dito ka muna," dinig kong sabi ni Davion sabay tanggal ng seatbelt niya.Papunta kami ngayon sa shooting site kung saan namin gagawin ang isang short film. Ako ang isa sa kinuha nilang pansamantalang magiging kapalit ng cinematographer nila."Okay," sulyap ko sa kanya sabay tingin sa labas ng sasakyan kung saan kami huminto. Kasabay nang pagsara ng pinto ang pagkalabog ng puso ko nang matanto kong nasa lugar kami malapit sa iniiwasan kong puntahan, ang building kung saan nakaburol ang labi ni Drew. Nasa loob na kami ng University. Bakasyon pa naman pero marami pa ring estudyante ang pumupunta dito. Ang iba ay dahil sa summer classes, trainings, activities at iba pa tulad ng burol ni Drew. May tatlong araw nang nakaburol si Drew. Tinanggap ng Unibersidad namin na dito siya iburol bilang pagkilala sa kanyang mga magand
VANCE'S POV"SINO ka?" sabay naming tanong nang mahawakan ko ang braso niya.Isang binatilyo na sa tantsa ko ay nasa high school palang. Matalim ang mga tingin niya sa akin. Napansin ko agad ang pagkakahawig niya kay Drew kaya agad kong binitawan ang braso niya."Sinong nagpadala sayo?!" sunod niyang tanong. Pero bago pa ako makasagot ay muli na namang umigkas ang mga kamao niya papunta sa akin. Muli kong inilagan ang mga 'yon.Umatras ako ng masmalayo sa kanya at saka nagtaas ako ng kamay. "Sandali-" Ngayon ay umigkas na din ang mga paa niya sa ere para patamaan ako.Ah! wala siyang balak na pakinggan ako. Umiilag lang ako at umaatras.Kahit na inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ko ay hindi pa rin siya tumitigil. Hindi nito makuha na wala akong planong lumaban sa kanya at mukhang hindi din ito madaling sumuko para tamaan ako. Kita ko ang matinding galit sa mga mata niya... Galit para sa isang kalaban... Kalaban na banta sa buhay niya at sa mga taong mahalaga sa kanya.
VANCE'S POVNAGKAGAT-LABI ako nang pigilan ko ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ngayong gabi nakita ko ang pagluha ng tatlong taong mahalaga sa buhay ko at ayoko ng ganitong pakiramdam.Una si Steven, pero ganon pa man ipinagpapasalamat ko na sa gitna ng pagluha niya ay mababakas ang tapang sa mga mata niya na harapin ang lahat ng ito. Si Davion, nakita ko ang palihim niyang pagluha habang nasa medyo madilim ang kinaroroonan namin kanina. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mukha niya.At ngayon ulit si Wena...Kumuyom ang kamao ko. Tama bang ako talaga 'yong nasa tabi nila ngayon?Naalala ko ang sinabi ni Steven kanina bago niya ako iwan sa mga kaibigan ko. "Even if this is happening, gusto kong nasa tabi kita dahil ikaw ang pinagkukunan ko ng lakas at dahil mahalaga ka sa akin. So it is okay to let your friends know that you are here for them, dahil alam kong mahalaga ka rin sa kanila at isang kaibigan na pwede din nilang pagkunan ng lakas."Dinama ko ang malamig na pag-
VANCE'S POVNAPAPIKIT ako. Napapikit ako para hindi na tumatak pa sa alaala ko ang pag-alis ni Wena tulad ng pagtatak sa isip ko ng pag-alis ni Steven kanina na sumusugat ngayon sa puso ko.Umawang ang labi ko nang gumuhit ang sakit sa puso ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napakasakit. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdam ko may nakatarak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.Kumuyom ang mga kamao ko. Napadilat ako. Tumingala sa kalawakan at saka sumigaw.Sumigaw ako ng napakalakas. Ibinuhos ko sa pagsigaw ang bigat sa dibdib ko na hindi ko kayang bitbitin ng matagal.Sumuntok ako sa lapag. Ibinuhos ko sa pagsuntok ang galit, takot at sakit sa puso ko. Umasa akong mababawasan ang nararamdaman ko pero hindi. Habang nasa alaala ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon, lalo lang akong nahihirapan. Lalo kong nakikita kung gaano ka-komplikado ang lahat."Tang-nang buhay to!" sigaw ko ng ibwelo ko ang kamao ko para sa pinakamalakas na suntok na kaya kong ibigay sa lapag. Nang biglang m
VANCE'S POVNANATILI lang silang nakatingin sa akin. "Tulad ni Wena mga human rights advocates sila," pa-uulit ko, "mga aktibista lang sila at hindi armaduhan!""Wala silang pakialam," agad na sagot ni Braxton bago niya ibuga ang usok ng sigarilyo, "at alam mo dapat 'yon," madiin pero maingat niyang sabi.Para akong sinampal sa sinabi ni Braxton. Blangko akong napatitig sa kanya.Ah! oo nga pala. Kilala ko ang Tito at ang Daddy ko.Tinatawag silang tagapaglingkod ng bayan pero humihinga at umaakto sila na pag-aari nila ang lahat ng meron sa probinsya namin pati na ang mga tao, pati ang mga buhay nito. Kahit na iniluklok sila ng taong-bayan para magsilbi, gampanan ang posisyong sinumpaan nila at tuparin ang mga pangako nila tuwing eleksyon.Ang totoo, umupo sila sa posisyon para sa pansarili nilang interes at kapakinabangan, para sa pera at kapangyarihan. Posisyon na magbibigay proteksyon sa interes nila at magbibigay katuwiran sa mga mali nilang desisyon na ikinapapahamak ng mamamaya
VANCE'S POVSINALUBONG nina WENA at Braxton si Steven at sa inaya na lumayo sa karamihan.Tipid akong ngumiti at tumango nang akbayan ni Braxton si Steven at saka sumenyas sa akin na hihiramin muna nila ito at silang tatlo lang muna nila Wena ang mag-uusap.Humugot ako ng malalim na paghinga ng hindi nagtama ang mga mata namin ni Steven. Nag-aalala ako dahil mahahalata sa mukha niya ang pag-aalala pagkatapos niyang kausapin ang Tita niya sa cellphone.Nagsasalit-salitan ang tingin ko kina Wena at Steven. Hinintay kong lingunin nila ako pero hindi nangyari.Tinawag ko si Wena pero hindi na niya ako napansin, parang lumulutang ang isip niya habang nagbabasa at nagta-type ng messages sa cellphone niya."Vance,” tawag sa akin ni Davion, dinig kong may galit sa tono niya.Nadatnan kong pinapakalma niya ang sarili nang lingunin ko siya. Huminga siya ng malalim bago muling tumingin sa akin."Hayaan muna natin silang mag-usap.""I think so." Lapit sa amin si Xiana, ang girlfriend ni Davion."
VANCE'S POVNARAMDAMAN kong saglit na humigpit ang hawak ni Steven sa kamay ko habang tinatanaw namin ang ganda ng kabilugan ng buwan. Nakaupo kami ngayon sa tabi ng dagat. Nakayakap sa likod ko si Steven habang nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya. Magkayakap kaming dinadama ang init ng aming mga katawan sa gitna ng malamig na gabi.Kani-kanina lang ay mayroong bonfire sa harap namin pero pinatay na namin 'yon nang sakupin ng liwanag ng buwan ang paligid. Mas ginusto namin na ang buwan nalang ang magbigay liwanag sa amin. May mga sandaling hinahayaan namin na manahimik ang isa’t isa at hayaang pagmasdan lang ang buwan. Mga sandaling tila napagod na kami sa dami ng mga kwentuhan namin na parang walang katapusan. Sabay kaming napasulyap sa mga kaibigan ko sa di kalayuan nang marinig namin ang tawanan nila. Naglalaro sila habang nakapalibot sa bonfire. Nangingibabaw ang boses ni Wena na halatang inaasar na naman siya ng mga kaibigan kong lalaki. Napangiti ako pagkatapos ay muli k
VANCE'S POV"GUSTO na kitang pasukin Babe," pabulong ko, para akong mabubulunan sa kaba. Ramdam ko ang bigat ng kahilingan kong iyon.Nagkatitigan kami. Nagsusumamo ang titig ko sa kanya.Pilyo siyang ngumisi at saka niya ako biglang inatake ng mainit na halik. "Of course... I'm yours..." hila niya sa akin pahiga sa sofa. "I'm ready to be used by you..."Nanginginig ako sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko.Humiga kaming magkatagilid ni Steven sa sofa. Nakatagilid akong nakaharap sa kanya habang nakatalikod siya sa akin. Inabot niya ang labi ko ng lingunin niya ako. Habang naghahalikan kami ay may hinila siyang maliit na drawer sa bandang ibaba ng sofa. Nakita ko mula doon ang mga condoms at lubricant gel. Kumuha siya ng mga 'yon. Kukunin ko na sana sa kanya ang condom para ako na ang magsuot niyon sa pagkalalaki ko ng bigla niyang punitin ang lalagyan niyon gamit ang ngipin niya. Mabilis ang kilos ni Steven na para bang mas nasasabik pa siya kaysa sa akin. Napatitig nalang