Matagal pa itong tumitig sa mga mata ko. Diritso lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I never been into a relationship and what I experienced now with him is new to me. May mga nagpapalipad hangin sa akin sa school pero hindi ko naman hinayaan na maging ganito kalapit sa akin. Ang Kuya lang ni Sam ang nakalapit sa akin ng ganito. Siya lang din ang nakahawak at nakahalik sa kamay ko. Ay lalong siya lang ang nakahalik sa noo ko. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang aking cellphone. Si Sir Greg ang manager/may-ari ng coffee shop ang tumatawag sa akin kaya agad kong sinagot. "Hello Sir, Good morning." bati ko dito, nakangiti pa ako kahit hindi niya naman ako nakikita.Pero ang ngiti sa aking labi ay biglang nabura nang sulyapan ko ang Kuya ni Sam, halos mag-isang linya ang kilay niya at masungit itong nakatingin sa akin. Nakita ko pang umigting ang panga niya at bahagyang humigpit ang pagkahawak niya sa isang kamay ko."Yes po.
"First kiss ko yun." sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero bahagya lang itong lumayo sa akin pagkatapos masayang tumawa. "Yeah I know, Baby." proud pa niyang sabi sa akin. "You're mine now.""Anong mine?" naguguluhan kong sabi pero ng marealize ko kung anong ibig niyang sabihin bigla akong pinamulhan ng mukha."Gotcha, Baby! You're blushing..." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Kinintalan niya pa ng halik ang gilid ng ulo ko bago ito nagmamadali lumabas ng sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan ng hindi man lang nagpapaliwang kung bakit niya ako hinalikan.Naguguluhan akong tumingin sa kanyang pangiti-ngiti sa labas. Bakit ako pumayag? Hindi man lang ako nakatanggi nung sinakop niya ang labi ko. That was my first kiss. I should be giving that to my first boyfriend, but he took it already.What the hell are you doing Belle? Why did you allow him to do that to you? Kastigo ko sa aking sarili. Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso, sobr
Pagkatapos niyang umalis pumasok na din ako. Hindi ko na hinintay na may itatanong pa si Sir Greg sa akin. Late na din ako at medyo madami ng customers sa loob.First 3 hours of my duty is fine. Maayos ko pang nagagawa ang trabaho ko pero nung tumuntong ang alas otso bigla akong nakadama ulit ng tensyon. Sinong hindi? Paring hari si Simone kasama ang tatlong lalaki na pumasok sa coffee shop kaya hindi magkandamayaw ang mga babaeng customer sa pagpapansin sa mga ito. Naging maingay ang paligid kaya pati si Sir Greg na tahimik na nakaupo sa dulo habang may ginagawa sa laptop niya ay napatayo din at napatingin sa kung sino man ang dumating.Naka-business suit ang mga ito, maliban kay Simone na naka t-shirt lang at mukhang may meeting na gaganapin dito sa loob. Gaya ni Simone seryoso din ang mga mukha ng mga 'to. Ang dalawang lalaki ay mahaba ang buhok at naka man-bun habang ang isa naman ay may crew-cut ngunit may ahit ang kilay. They looked so serious in their business suit which mad
"Why are you smiling Kuya?" Annoyed na tanong ni Sam sa kapatid dahil kanina pa ito patawa-tawa kahit wala namang nakakatawa. Pati ako ay malapit na ring mairita sa kanya dahil alam ko kung anong dahilan kung bakit siya pangiti-ngiti ngayon.Kainis talaga ang lalaking 'to kapag hindi siya titigil kakangiti nya dyan baka maghinala itong si Sam sa amin. Kanina ko pa rin kasi napapansin na palipat lipat ang tingin ni Sam sa amin ng Kuya niya. Halatang naghihinala ito sa amin kaya iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya. I know she is confuse why I am with his brother or shall I say,why his brother is with me because he is the one who insisted to come with me. Ayoko nga sanang sumabay siya sa akin pero masyado siyang mapilit. He is so persistent daig pa si Samantha.Wag kang magpahalata Belle, mabubuko kayo ni Sam kaya kumalma ka. Pagpapaalala ko sa akin sarili. I made myself look busy scanning my notes pero ang totoo iba ang pumapasok sa utak ko.Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kan
"Babe, I'm sorry, I can't join you and Kuya Joe for lunch."Natigil ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil sa sinabi ni Sam. Nakatayo ito sa harap ko at tapos na ring magligpit ng mga gamit niya, hinihintay na lang akong matapos."Bakit?" tanong ko.Kanina lang halos makipag-agawan ito sa Kuya niya para sa akin pero ngayon bigla na lang akong iiwan?"Kuya Sandro called me, sabay daw kaming maglunch ngayon kasi malapit lang daw yong meeting niya dito sa university. I'm sorry..."malungkot pa nitong sabi na akala mo naman hindi na kami magkikita mamaya. "...but if you want, Babe, you can come with me. Kami lang naman ni Kuya ang magla-lunch, ipakilala din kita sa kanya."Mabilis pa sa alas singko ang pag-iling ko. Madalas nababanggit ni Sam sa aking ang family niya pero never ko pang nakilala ang mga ito, nahihiya kasi ako. Isa pa, wala din namang dahilan para magpakilala ako sa kanila. Their family is well known in business industry o sa madalitang salita they're famous. Hindi lang dahil
Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog pero ang nag-aalalang mukha ni Sam ang aking nabungaran. She's silently crying while holding my hands. "I'm sorry, Babe. I shouldn't have left you alone, sana hinintay ko muna si Kuya bago kita iniwan." maluha-luhang sabi nito. Maingat niya pang hinaplos ang mga kalmot sa aking braso pati sa mukha ko."That Pauline is really a bitch, she and her friends! Pagbabayaran nila 'tong ginawa nila sayo." umiiyak na naman niyang sabi. "Sana sinama na lang kita kanina, siguro hindi 'to nangyari sayo kung hindi kita iniwan. I'm so sorry, Babe." Para itong batang sinisisi ang sarili sa kasalanang di niya naman ginawa."It's okay, Sam, don't blame yourself." sabi ko sa kanya. Bahagya kong pinisil ang kamay niya para tumigil na siya sa pag-iyak. Hindi niya naman kasalanan ang nangyari sa akin, sadya lang talagang masama ang ugali ni Pauline at ng mga kaibigan niya."Nga pala saan ako?"Pansin ko kasi sobrang laki ng room at parang hindi naman
It's the third day after nangyari ang insidenteng pananakit ng grupo ni Pauline sa akin. Kanina pagpasok ko sa school napansin kong ilag ang mga kaklase ko sa akin, halos walang gustong lumapit. Kahit sa hallway pagdaan ko, tumatabi ang mga studyante, nakapagtataka dahil hindi naman sila ganun dati.Kanina naman sa cafeteria, walang umukopa sa upuan namin ni Samantha. Hindi ko rin nakita si Pauline kahit yong mga kaibigan niya. When I asked Sam about it ang sagot niya sa sakin hindi niya din daw alam. Ang mga kaklase ko naman ay mukhang naging mabait sa akin ngayon, wala ng nang-iirap at wala na ring nangtataas ng kilay.Two days akong nagstay sa hospital. Ayaw pa sana akong palabasin ng...ni Simone hanggang sa hindi mawala ang pasa at kalmot sa braso ko pero ako na ang nagpumilit. Hindi din naman ako pwedeng manatili doon, tsaka konting pasa at kalmot lang naman to, malayo sa bituka. Nasiguro na din namang walang namuong dugo sa ulo ko dahil agad din naman lumabas ang resulta ng CT-s
"Do you really have to go to work?" He ask while he's cuddling me . Maaga pa naman kaya heto si Simone naglalambing na parang bata sa akin dito sa kama niya.My head is resting in his arm while he's spooning me from behind. Nararamdaman ko ang marahang paggalaw at paghaplos-haplos ng mainit niyang palad sa aking tiyan habang nakatalikod ako sa kanya."Wag ka na lang pumasok sa work, Baby." Sabi niya sabay halik sa nakahantad kong balikat. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang patakan ng maliliit na halik ang aking balikat hanggang sa aking leeg." I can provide for your needs, Belle. I may not working but I have enough money for us. I have my own investments, if you're worried about it." His warm breath is fanning my neck kaya napapapikit ako dahil para akong naliliyo. Hindi rin nakakatulong ang mahinang paghaplos-haplos at pagdikit ng balat niya sa akin.Kahit hindi niya sabihin sa akin alam kung magaling dumiskarte si Joe. Hindi na ako magtataka kung may investments na ito kah
This is the last part of Simone's POV. I divided it into four dahil gusto kong e-share kung anong nararamdaman ni Simone Mamon, ang himatay king at isa ding iyakin Brute and soon to be member of team UNDERstanding. Maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you for being with Belle and Joe in this wonderful journey. See you in my next story, AVAngers!Amping mong tanan! Labyu All!___________________________________"Are you ready to give up your single life? Dahil kapag ako ang naging asawa mo Joe, madamot ako. I want my husband only for me. Ayoko ng may kahati."After she said those words agad kong tinawagan si Castillo. Siya ang unang pumasok sa utak ko na pwede kong hingan ng tulong at the same pwedeng magtago tungkol dito ayun sa kahilingan ng Belle Marie ko. I can't let this day passed without getting married to my baby girl. It is too early to for me to decide but I'm certain. Siya ang babaeng gusto kong maging asawa at siya ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. "Brute!
"Is this really true?" pabulong kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa mensaheng pinadala ni Castillo sa akin. I still can't believe that I finally found her."I don't think it's just a plain coincidence, it is something that we're destined for."Akalain mo na ang tutor na bestfriend pala ng bunso namin, na inaayawan ko kanina at ang batang babaeng nakilala ko 8 years ago ay iisa lang pala. Such a lucky ass I am, right?My tutor and my baby girl who owned the most beautiful pair of amber eyes is just the same. Kapag sinuwerte ka naman talaga, oo. Paayaw-ayaw pa ako kanina, yun pala ito na ang matagal kong hinihintay. Ang tadhana na ang siyang gumawa ng paraan at naglapit sa amin ni baby girl ko."Please be good to her Kuya, she's my bestfriend. She's the nicest and the best kaya please lang Kuya, don't be so hard on her. I know napipilitan ka lang dahil kay Daddy but please don't be rude with her."mahinahong paalala ng kapatid ko sa akin. I sighed. It's true na napilitan la
Today is our last day here in Davao. It's so sad na matatapos na ang bakasyon namin ng hindi ko man lang nakita ulit si baby girl. Gustong-gusto ko ng magtanong kung nasaan siya kaso ayoko namang maging target ng mga tukmol. Baka isipin pa nilang interesado ako sa whereabouts ni baby girl kahit yun naman talaga ang totoo. The last time I'd seen her was that in the green house. Hindi na ito nasundan kahit maaga pa akong nagpunta sa green house kinabukasan. Wala din doon ang tatay na sinasabi niya at mukhang ibang tauhan ang nandun para alagaan ang cauliflower ni baby girl."Brute, here's the box of your veggies." Napasulyap ako sa kahon na sinasabi ni Vin Derick. Naka-tape na ito and if I'm not mistaken ito yung cauliflower at lettuce na sinasabi ni baby girl. So tinotoo niya talaga ang sinabi niyang bibigyan niya ako ng gulay. That's so sweet...I thought ako lang ang may dadalhin but then I stopped when I saw William and Calyx have this annoying smiles in their faces. "Bakit?" mas
"She's too young for you Dude." Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang nang-iintrigang si William na sinabayan pa ng tawa ng gagong si Villegas.Here they are again! Ang aga pa nambubwesit na naman.Binaling ko ang tingin sa ungas at tama nga ang hinala ko dahil nakangisi ang mga gago habang nakatingin sa akin at pasimple pa silang nagbubulong-bulungan ni Villegas."Don't start Guerrero, it's too early." Masungit kong sabi sa kanya pero nagkibit balikat pa si gago at lalong ngumisi sa akin.Bakit ba kasi sinama pa ni Vin Derick ang mga gagong to dito ngayon sa hacienda Valderama? Lalo na itong si Guerrero.Ayos lang naman sana kapag andito si gago kasi masaya ang tropa yun nga lang sobrang intrigero, chismoso, sipsip at hindi lang yun napaka-ingay pa. Kung ano-ano lang kasi ang pumapasok sa utak ni gago. Daig pa ang babae sa katabilan"Kanina ka pa dyan nakatingin sa batang babae, kala mo hindi namin napapansin?" He said, raising his cup of coffee. Lalo pang ginanahan si g
Pagkaparada pa lang ngsasakyan agad na sumalubong sa amin ang makukulay na ilaw sa entrada ng mansion. Napatingin ako kay Joe na nakatitig pala sa akin at pinagmamasdan ang reaksyon ko. "You like it?" He asked. Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Ang ganda daddy,super..."Lalong nagliwanag ang entrance dahil pinuno nila ng puting maliliit na ilaw ang labas. Pati ang pathway na dadaanan ay may ilaw din. Wala pa ito kanina pag-alis namin ah? Ano kayang meron?"This way baby." aniya at maingat akong inalalayan papunta sa may pool at garden area. Pagdating doon lalo akong namangha. The garden is decorated with raindrop snow falling lights. Ang ganda tingnan, magical yung tipong sa mga palabas mo lang makikita.Patingin-tingin ako sa paligid dahil nakakapanibago ang katahimikan. Anong meron? Bakit ganito ang lightings? Bakit sobrang tahimik? Saan ang mga kaibigan nila? Saan si Bella, si Mommy, si Papa at si Kuya?Magtatanong sana ako sa kanya ng biglang pumailalanlang ang isang magand
Finally! Another story has to an end. Thank you so much Avangers ko for making it this far. Thank you for being with me in Simone Jose and Belle Marie's journey to forever. Salamat sa hindi niyo pag-iwan sa akin at higit sa lahat salamat sa mga comments niyo. You inspire me to write more. Awww naiiyak ako. Basta! Thank you sa inyong lahat. Love you all, Avangers ko!Sana may natutunan po kayo kina Daddy Joe at Baby Belle. Thank you from the bottom of my heart.Kitakits po tayo sa next story ko, Avangers!Amping mong tanan! Labyu All! Kaya nato ni! Laban lang!———————————————————————-"Belle Marie?" a familiar voice stopped me from picking the boxes of cookies for my daughter pero hindi ko agad nakita kung sinong tumawag sa akin dahil agad na nakaharang ang asawa ko na kulang na lang ay itago ako sa kanyang dibdib. Kung makayapakap ito sa akin para bang may taong may gustong umagaw sa akin ngayon mula sa kanya. "Daddy, who is that?" I asked looking at his grumpy face again. Natawa ak
"S-sorry ate...sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. I promise to be good here. Magbabago ako para sa inyo ni papa. Hindi pa huli ang lahat diba?" Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil muli ko siyang niyakap ng mahigpit. I cried with her. I cried with my sister. Masakit sa akin na nangyari 'to kay Patricia."Yes, baby sis, hindi pa huli ang lahat. Magpakabait ka dito ha? Babawi si ate sayo kapag maayos na ang lahat. Tutulungan kita, basta magpakabait ka. " I said and kissed her cheek before we left. Hindi ko na nilingon si tiyang. Tama na ang mga salitang binitiwan ko para sa kanya. "I will wait for you ate. Please bisitahin mo ako dito...isama mo ang pamangkin ko." I smiled and nodded at her. I miss my bratty sister. Kahit naman kasi maldita si Pat mahal na mahal ko pa rin ito."Are you okay?" my husband ask in a concerned tone. I sighed and nodded. I somehow felt relieve na nailabas ko ang lahat ng hinanakit ko kina tiyang pero hindi ko pa rin maiwasang malungk
Ayaw makipag-usap ni tiyang at Pat sa akin kung hindi ko kasama si Tatay Ben kaya kailangan pa naming hintayin si Tatay na pinasundo ni Papa sa mga tauhan ni Kuya. Pagkadating ni tatay saka pa kami pumasok. Ayaw pa sana nilang may kasamang iba pero hindi ako papayagan ni Joe na mag-isa. Magkatabi sila ni Pat parehong nakatulala at nakatingin lang sa mesa sa harapan nila. Ibang-iba ang ayos nila noong huling kita namin. Malaki ang ibinawas ng timbang nilang dalawa. Si Pat ay mukhang mas matanda pa tingnan kesa sa akin. Si tiyang hindi na kagaya nung nasa davao kami na sobra kung makapostura, ngayon kahit sa pagsuklay ng buhok mukhang wala na din itong pakialam at basta na lang tinali. Nang mapansin nilang dumating na kami ay biglang tumalim ang tingin nilang dalawa sa amin, lalo na sa akin. "Ben love." tawag ni Tiyang pero hindi sumagot si tatay tatayo pa sana ito pero napahiyang umupo ng tinaas ni tatay ang kamay niya para pigilan ito."Papa ko." si Patricia na agad tumayo para sal
"Hi D-daddy I have a good news for you..." His eyes watered as soon as I opened my mouth to greet him in the camera. I wanted to look happy but tears started pooling in my eyes as I look at the camera with my shaking hands and trembling lips. I'm holding my pregnancy test with two lines showing it to him. That is suppose to be the happiest day of our lives... "I-I'm positive, Daddy. I'm pregnant, you're going to be a real daddy soon." I look straight at the camera like I was talking to him. " I know it's not possible for you to know about my situation but still I want to tell you. Joe, magiging daddy ka na. Natupad na ang matagal mong pangarap."Tumigil ako dahil may bumara sa aking lalamunan at nahihirapan akong huminga. Tumingala pa ako para pigilang ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata pero patuloy lang ito sa pangingilid sa aking pisngi."Ang daya mo ang sabi mo mag-iingat ka pero ayos lang dahil iniwanan mo akong ng magandang alaala." I tried to joke and smile