They say, some good things never last.Sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko man lang nagawang ihanda ang aking sarili. One minute I'm happy, the next minute I felt like I am dying. The pain he caused me is too much. I felt betrayed by the man who promised me a lifetime, the man whom I entrusted my heart and my life. Bakit ganito na lang kung maglaro ang tadhana sa akin? Wala ba akong karapatang maging maligaya? What had I done with my past life that until now I need to suffer like this? I'm tired of this. I don't want to feel this pain. Ayoko nito...Ang s-sakit..a-ang s-sakit-sakit...Pakiramdam ko gustong sumabog ng dibdib ko sa sobrang sakit.Hindi ko kaya ang sakit. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Para akong pinatay sa sakit. Naninikip ang dibdib ko na para akong sinasakal.Bakit ba kailangan mangyari ang lahat ng to? Bakit kailangan nilang guluhin ang tahimik kong buhay? Ayos na ako eh, sanay na akong walang kasama, walang kaibigan, walang nanggugulo pero dumating s
"Belle" napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Sir Derick. Hindi ko alam na nakatulala na naman pala ako. Kung saan-saan na naman nakarating ang isip ko. Ni hindi ko nga namalayan na bumalik na pala siya."Sandro Dela Vega is outside, he wants to talk to you." Hindi agad ako nakasagot. I was just staring at the door, contemplating on whether to talk to him or not. Natatakot ako na baka maulit lang ang nangyari kahapon sa silid ni Simone. Baka paulit-ulit na naman nilang isampal sa akin na hindi ako nababagay sa kapatid nila. Na hindi ako ang babaeng karapat-dapat na maging parte ng pamilya, na baka dudungisan ko lang ang pangalan nila. Umupo siya sa tabi ko at naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking likod na tila ba pinapalakas ako.Marahas akong napalunok dahil pakiramdam ko may bumabara na naman sa aking lalamunan. Nararamdaman ko na naman ang pananakit sa aking puso at nagsisimula ng manubig ang aking mga mata. Hanggang ngayon nahihirapan parin akong paniwalaan na n
I'm still alive but I'm barely breathing. It's been three years pero hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Nagmahal lang naman sana ako pero bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong sakit? May gamot ba na pwedeng inumin para mawala ang sakit na nararamdaman ko?Why do I still have to feel this pain?Do I really deserve to feel this kind of pain?Why life is so unfair? Bakit hindi niya na lang ako tulungan makalimutan siya?Ang tagal na niyang nawala, ang tagal ko na siyang pinakawalan pero hanggang ngayon walang araw na hindi ko siya naiisip. I miss him so much. Hindi ko alam kung ayos na ba siya? Ano na ba ang nangyari sa kanya? Pero ano ba ang karapatan ko?I don't have any news about him. I deactivated all my social media accounts. I changed my number. I want to disappear, I want to be gone .I want to surrender. I'm so tired but I can't. I have people around who loves me, supported me and never left my side.Ak
"My Dearest Little Bella, Today I welcome you to the world. This moment has also brought back memories of my own journey, and the life lessons I learnt along the way. When I think of those times, I realize that most of these lessons were actually learnt because I took the courage to face it with you. You gave me courage to face the world on my own, baby.I was young and I don't know what to do when I had you. It was this period that I need to be strong because I know that I everything was not about me anymore. That your welfare and safety inside my body is more important than anything else.Bella, baby, today you made me realized how lucky I am that despite the pain I've been through I still get the chance to have you. I want you to know that I'm excited to see you grow. I marvel at what a beautiful and kind little person you will be in the future.I will always be here for you baby. Mama will never leave you. One day you will you will see that many people in this world are not kind
"P-po? A-ano po ang ibig niyong s-sabihin."naguguluhan kong tanong. Naiiyak na din ako dahil naawa ako sa kanya.Inalalayan ako ni Gaden na umupo pati ang daddy niya. Punong-puno ng luha ang mata ni General Montenegro. Binigyan pa siya ng panyo ni Gaden para punasan ito. Magtatanong pa sana ako kung bakit siya umiiyak pero biglang may nagsalita."A-anak..." sabay kaming tatlong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si tatay, nakatayo sa may pintuan na luhaan ang mga mata. Bakit sila nag-iiyakan? May nangyari ba?Dahan-dahan humakbang si Tatay Ben palapit sa akin at agad namang akong tumayo para sana magmano sa kanya pero mahigpit niya akong niyakap. Gaya ni General Montenegro kanina, mahigpit din ang pagkakayakap ni tatay sa akin na para bang takot siyang mawala ako sa kanya. "T-tay?" nabasag ang boses ko. "Ano p-pong problema? May nangyari po ba?"Hindi siya sumagot sa halip patuloy lang itong umiyak sa aking balikat. Marahan kong tinapik tapik ang likod niya para kumalma siya.
Hindi umalis si Papa sa tabi ko. Kung pwede lang siguro niya akong kandungin gaya ng maliit na bata ginawa niya na. Panay ang yakap at halik nito sa akin. Gustong bumawi sa mga taong nawala sa amin.Kanina pa din ito nagpapasalamat kay Tatay Ben at sinabing kahit na andito na siya patuloy pa ding maging bahagi ng buhay ko si Tatay Ben. Nanatili pa kami sa office ni Kuya dahil ang sabi niya wala naman daw siyang meeting ngayong araw. According to him, he set this day for us. Salitan si Kuya Hendrick at Tatay Ben sa pagsagot sa mga tanong ni Papa at Kuya Gaden. He said I will call him Kuya from now on and treat him as my older brother. Nakakatuwang isipin na isang araw bigla nalang akong nagkaraon ng isa pang tatay at isang kapatid,nadagdagan ang mga taong nagmamahal sa akin."Your mama is working as a waitress in the restaurant near my office." panimula ni Papa. "She's so nice and beautiful." Pagkatapos malambing ang mga mata ni papa na tumingin sa mukha ko. "You look exactly like y
"Lucas?" Tawag niya kay Kuya."Pa..." ako ang nagsalita dahil nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata nila Kuya na tila ba hinihingi ang permiso ko. Nang tumingin ako kay tatay bahagya itong tumango sa akin."Yes, princess, do you wanna say something?" his tone changes. It is now gentle and comforting. It's like giving me assurance that he will protect me no matter what.Nagsimulang manginig ang kamay ko. Bigla na namang bumalik ang trauma ko sa nangyari. Lumakas ang tibok ng aking puso na tila ba lalabas ito sa aking dibdib. Bahagya na ring naninikip ang aking dibdib na tila ba sinasakal ako. "Tubig anak." sabay abot ng tubig ni tatay sa akin. " Kumalma ka muna, Belle Marie." naramdaman ko ang mahinang paghaplos ni tatay sa likod ko. Blangko at diritso man ang tingin ni papa pero dama ko ang nakatagong emosyon sa mga mata niya. He's eyes is menacing. He looks formidable and tormenting. Ilang minuto muna akong naging tahimik pinapakinggan ang tibok na aking puso. Nang sa palagay ko k
Hindi paman lumagpas isang minuto isa-isa nang nagsipasok ang mga kaibigan ni Kuya Hendrick nagtatawanan pa ang mga ito at mukhang pinag-uusapan si Derick. Si William ang nangunguna, sumunod si Ethan, Calyx at Knight. Parang mga bata pa itong nagtutulakan papasok at ang iingay pa. Present lahat ng maiingay sa grupo nila, absent si Knoxx at Nate. Naalala ko pa nung bago pa akong secretary ni Kuya, wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakakaakyat sa office ni Kuya Hendrick, hanggang sa meeting room lang sila sa baba. Pinayagan lang silang makabisita sa opisina ni Kuya nung nanganak na ako pero hindi sila pwedeng lumapit sa akin. Binawalan din silang makipag-usap. Hi o hello lang tapos diritso na sila sa loob ng opisina ni Kuya.Maligalig ang mga ito pero pansin kong malaki ang respeto nila kay Kuya Hendrick dahil siya ang pinaka matanda sa kanilang lahat. Minsan nga natatanong ko kung paano sila naging magkaibigan dahil halos lahat sila mga bata isip maliban na lang kay Nate at kay Kno
This is the last part of Simone's POV. I divided it into four dahil gusto kong e-share kung anong nararamdaman ni Simone Mamon, ang himatay king at isa ding iyakin Brute and soon to be member of team UNDERstanding. Maraming salamat po sa inyong lahat. Thank you for being with Belle and Joe in this wonderful journey. See you in my next story, AVAngers!Amping mong tanan! Labyu All!___________________________________"Are you ready to give up your single life? Dahil kapag ako ang naging asawa mo Joe, madamot ako. I want my husband only for me. Ayoko ng may kahati."After she said those words agad kong tinawagan si Castillo. Siya ang unang pumasok sa utak ko na pwede kong hingan ng tulong at the same pwedeng magtago tungkol dito ayun sa kahilingan ng Belle Marie ko. I can't let this day passed without getting married to my baby girl. It is too early to for me to decide but I'm certain. Siya ang babaeng gusto kong maging asawa at siya ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. "Brute!
"Is this really true?" pabulong kong tanong sa aking sarili habang nakatingin sa mensaheng pinadala ni Castillo sa akin. I still can't believe that I finally found her."I don't think it's just a plain coincidence, it is something that we're destined for."Akalain mo na ang tutor na bestfriend pala ng bunso namin, na inaayawan ko kanina at ang batang babaeng nakilala ko 8 years ago ay iisa lang pala. Such a lucky ass I am, right?My tutor and my baby girl who owned the most beautiful pair of amber eyes is just the same. Kapag sinuwerte ka naman talaga, oo. Paayaw-ayaw pa ako kanina, yun pala ito na ang matagal kong hinihintay. Ang tadhana na ang siyang gumawa ng paraan at naglapit sa amin ni baby girl ko."Please be good to her Kuya, she's my bestfriend. She's the nicest and the best kaya please lang Kuya, don't be so hard on her. I know napipilitan ka lang dahil kay Daddy but please don't be rude with her."mahinahong paalala ng kapatid ko sa akin. I sighed. It's true na napilitan la
Today is our last day here in Davao. It's so sad na matatapos na ang bakasyon namin ng hindi ko man lang nakita ulit si baby girl. Gustong-gusto ko ng magtanong kung nasaan siya kaso ayoko namang maging target ng mga tukmol. Baka isipin pa nilang interesado ako sa whereabouts ni baby girl kahit yun naman talaga ang totoo. The last time I'd seen her was that in the green house. Hindi na ito nasundan kahit maaga pa akong nagpunta sa green house kinabukasan. Wala din doon ang tatay na sinasabi niya at mukhang ibang tauhan ang nandun para alagaan ang cauliflower ni baby girl."Brute, here's the box of your veggies." Napasulyap ako sa kahon na sinasabi ni Vin Derick. Naka-tape na ito and if I'm not mistaken ito yung cauliflower at lettuce na sinasabi ni baby girl. So tinotoo niya talaga ang sinabi niyang bibigyan niya ako ng gulay. That's so sweet...I thought ako lang ang may dadalhin but then I stopped when I saw William and Calyx have this annoying smiles in their faces. "Bakit?" mas
"She's too young for you Dude." Agad na nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang nang-iintrigang si William na sinabayan pa ng tawa ng gagong si Villegas.Here they are again! Ang aga pa nambubwesit na naman.Binaling ko ang tingin sa ungas at tama nga ang hinala ko dahil nakangisi ang mga gago habang nakatingin sa akin at pasimple pa silang nagbubulong-bulungan ni Villegas."Don't start Guerrero, it's too early." Masungit kong sabi sa kanya pero nagkibit balikat pa si gago at lalong ngumisi sa akin.Bakit ba kasi sinama pa ni Vin Derick ang mga gagong to dito ngayon sa hacienda Valderama? Lalo na itong si Guerrero.Ayos lang naman sana kapag andito si gago kasi masaya ang tropa yun nga lang sobrang intrigero, chismoso, sipsip at hindi lang yun napaka-ingay pa. Kung ano-ano lang kasi ang pumapasok sa utak ni gago. Daig pa ang babae sa katabilan"Kanina ka pa dyan nakatingin sa batang babae, kala mo hindi namin napapansin?" He said, raising his cup of coffee. Lalo pang ginanahan si g
Pagkaparada pa lang ngsasakyan agad na sumalubong sa amin ang makukulay na ilaw sa entrada ng mansion. Napatingin ako kay Joe na nakatitig pala sa akin at pinagmamasdan ang reaksyon ko. "You like it?" He asked. Sunod-sunod akong tumango sa kanya. "Ang ganda daddy,super..."Lalong nagliwanag ang entrance dahil pinuno nila ng puting maliliit na ilaw ang labas. Pati ang pathway na dadaanan ay may ilaw din. Wala pa ito kanina pag-alis namin ah? Ano kayang meron?"This way baby." aniya at maingat akong inalalayan papunta sa may pool at garden area. Pagdating doon lalo akong namangha. The garden is decorated with raindrop snow falling lights. Ang ganda tingnan, magical yung tipong sa mga palabas mo lang makikita.Patingin-tingin ako sa paligid dahil nakakapanibago ang katahimikan. Anong meron? Bakit ganito ang lightings? Bakit sobrang tahimik? Saan ang mga kaibigan nila? Saan si Bella, si Mommy, si Papa at si Kuya?Magtatanong sana ako sa kanya ng biglang pumailalanlang ang isang magand
Finally! Another story has to an end. Thank you so much Avangers ko for making it this far. Thank you for being with me in Simone Jose and Belle Marie's journey to forever. Salamat sa hindi niyo pag-iwan sa akin at higit sa lahat salamat sa mga comments niyo. You inspire me to write more. Awww naiiyak ako. Basta! Thank you sa inyong lahat. Love you all, Avangers ko!Sana may natutunan po kayo kina Daddy Joe at Baby Belle. Thank you from the bottom of my heart.Kitakits po tayo sa next story ko, Avangers!Amping mong tanan! Labyu All! Kaya nato ni! Laban lang!———————————————————————-"Belle Marie?" a familiar voice stopped me from picking the boxes of cookies for my daughter pero hindi ko agad nakita kung sinong tumawag sa akin dahil agad na nakaharang ang asawa ko na kulang na lang ay itago ako sa kanyang dibdib. Kung makayapakap ito sa akin para bang may taong may gustong umagaw sa akin ngayon mula sa kanya. "Daddy, who is that?" I asked looking at his grumpy face again. Natawa ak
"S-sorry ate...sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. I promise to be good here. Magbabago ako para sa inyo ni papa. Hindi pa huli ang lahat diba?" Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil muli ko siyang niyakap ng mahigpit. I cried with her. I cried with my sister. Masakit sa akin na nangyari 'to kay Patricia."Yes, baby sis, hindi pa huli ang lahat. Magpakabait ka dito ha? Babawi si ate sayo kapag maayos na ang lahat. Tutulungan kita, basta magpakabait ka. " I said and kissed her cheek before we left. Hindi ko na nilingon si tiyang. Tama na ang mga salitang binitiwan ko para sa kanya. "I will wait for you ate. Please bisitahin mo ako dito...isama mo ang pamangkin ko." I smiled and nodded at her. I miss my bratty sister. Kahit naman kasi maldita si Pat mahal na mahal ko pa rin ito."Are you okay?" my husband ask in a concerned tone. I sighed and nodded. I somehow felt relieve na nailabas ko ang lahat ng hinanakit ko kina tiyang pero hindi ko pa rin maiwasang malungk
Ayaw makipag-usap ni tiyang at Pat sa akin kung hindi ko kasama si Tatay Ben kaya kailangan pa naming hintayin si Tatay na pinasundo ni Papa sa mga tauhan ni Kuya. Pagkadating ni tatay saka pa kami pumasok. Ayaw pa sana nilang may kasamang iba pero hindi ako papayagan ni Joe na mag-isa. Magkatabi sila ni Pat parehong nakatulala at nakatingin lang sa mesa sa harapan nila. Ibang-iba ang ayos nila noong huling kita namin. Malaki ang ibinawas ng timbang nilang dalawa. Si Pat ay mukhang mas matanda pa tingnan kesa sa akin. Si tiyang hindi na kagaya nung nasa davao kami na sobra kung makapostura, ngayon kahit sa pagsuklay ng buhok mukhang wala na din itong pakialam at basta na lang tinali. Nang mapansin nilang dumating na kami ay biglang tumalim ang tingin nilang dalawa sa amin, lalo na sa akin. "Ben love." tawag ni Tiyang pero hindi sumagot si tatay tatayo pa sana ito pero napahiyang umupo ng tinaas ni tatay ang kamay niya para pigilan ito."Papa ko." si Patricia na agad tumayo para sal
"Hi D-daddy I have a good news for you..." His eyes watered as soon as I opened my mouth to greet him in the camera. I wanted to look happy but tears started pooling in my eyes as I look at the camera with my shaking hands and trembling lips. I'm holding my pregnancy test with two lines showing it to him. That is suppose to be the happiest day of our lives... "I-I'm positive, Daddy. I'm pregnant, you're going to be a real daddy soon." I look straight at the camera like I was talking to him. " I know it's not possible for you to know about my situation but still I want to tell you. Joe, magiging daddy ka na. Natupad na ang matagal mong pangarap."Tumigil ako dahil may bumara sa aking lalamunan at nahihirapan akong huminga. Tumingala pa ako para pigilang ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking mga mata pero patuloy lang ito sa pangingilid sa aking pisngi."Ang daya mo ang sabi mo mag-iingat ka pero ayos lang dahil iniwanan mo akong ng magandang alaala." I tried to joke and smile