NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin. "Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya."A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
ANG LOLA ni Theo ang isa sa mga nagtutulak sa kanila ni Amanda noon para magkabalikan. Suportado nito ang pagiging mag asawa nila. Kaya hindi maiwasang magulat ni Theo dahil ganito ang naririnig niya ngayon sa sariling lola."Oo, mahina ako at may sakit. Pero hindi pa naman ako gaanong bulag para hindi makita na hindi na talaga masaya si Amanda sa iyo. Kaya... pakawalan mo na lang siya dahil iyon naman ang makakabuti sa lahat," dagdag pa ng matanda.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya matanggap na ganito na ang desisyon ng lola niya. Kaagad siyang umiling. "Ayoko. Hindi. Hindi ko magagawa iyan..." sagot niya at kumuyom pa ang kamao.Hindi maiwasang pag initan ng sulok ng mga mata ang matanda. Napailing na lang siya. "Bakit ka ba nagkakaganito, apo? Wala namang ginawang mali sa iyo si Amanda. Itigil mo na ito at baka pagsisihan mo lang ito sa huli..." sabi pa nito.Hindi nakinig si Theo. O ayaw niya lang talagang makinig sa sinasabi nito. Naging matigas lang ang ekspresyon nito.Kal
LUMALALIM NA ang gabi nang makabalik sina Amanda at Theo pabalik sa mansion. Hindi na sila gaanong nag usap pa sa loob ng sasakyan.Nang akmang lalabas na si Amanda mula sa loob ng kotse ay mabilis na pinigilan ito ni Theo at hinawakan sa kamay. Namumungay ang mga mata niyang tiningnan si Amanda. Pero malamig lang siyang binalingan ng babae."Amanda, sisiguraduhin ko sa iyong magiging mabuti ako ama..." sabi ni Theo.Tumango lang si Amanda at marahang ngumiti. Pero hindi umabot iyon sa mga mata niya. Unti unti lang nitong inalis ang pagkakahawak nito sa kamay niya at kalaunan ay mabilis na lang umalis at pumasok sa loob ng bahay.Napabuntong hininga na lang si Theo at kinailangang magpahangin para kalmahin ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin si Theo sa loob ng mansion. Naabutan niya ang mga kasambahay na aligaga sa paghahanda ng makakain nilang mag asawa. Mabuti na lang at ang mga inihanda nila ay healthy at makakabuti sa pagbubuntis ni Amanda.Naupo na sila sa u
NAGPUNTA SI Amanda sa parents niya muna. Nadatnan niya doon si Sylvia na aligaga dahil sa pinamiling mge fresh fruits at pati na rin mga gulay. Nagpresinta naman si Amanda na siya na ang maghugas ng mga iyon na agad rin namang sinaway ni Sylvia."Umupo ka nga ditong buntis ka! Hindi mo naman kailangang gawin iyan!" suway ni Sylvia kay Amanda.Napangiti na lang si Amanda. "Ano ka ba, Ma? 'Wag ka ngang OA diyan. Tatlong buwan pa lang itong baby ko. Kaya ko pang gumalaw galaw, 'no," sagot pa niya.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Kalaunan ay sumuko na rin siya kakasaway kay Amanda dahil hindi naman siya nito pinakikinggan. Nagbukas na lang siya ng pwede nilang mapag usapan."So, ano na ang plano mo ngayon?" tanong ni Sylvia.Kumunot ang noo ni Amanda. "Plano saan?""Nalaman kong nagbabalak kang magbukas din ng bagong business sa ibang lugar. Narinig Kong nag usap ni Loreign tungkol diyan," pag amin ni Sylvia.Natigilan si Amanda. Oo nga pala. Napagkwentuhan nila ni Loreign ang tung
NAPATALON SI Amanda sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad agad niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng cabinet. Lumapit si Theo sa kaniya at yumakap sa likuran niya. Humalik pa ito sa kaniyang leeg pataas sa pisngi at gilid ng labi. "Anong tinitingnan mo kanina, hmm?" tanong ni Theo.Umiling si Amanda. "W-Wala naman. Magpahinga na tayo."Tumango lang si Theo pero hindi naman ito halos gumalaw at nanatiling nakayakap mula sa likuran ni Amanda. Pero kalaunan, marahang hinila ni Theo si Amanda papuntang kama. Naupo si Theo habang nakaupo si Amanda sa hita nito.Napahaplos si Theo sa tiyan ni Amanda na may bump na rin. "Lumalaki na ang tiyan mo..." anito sa halos pabulong na boses."Syempre naman. Lumalaki na rin ang baby," sagot din naman ni Amanda.Marahang hinila ni Theo muli si Amanda hanggang sa nakahiga na silang dalawa sa malambot na kama. Mabilis na binalot ni Theo si Amanda ng comforter para hindi ito malamigan. Nagkatingin sila sa mga mata."May naisip
ALAM NAMAN ni Carmella na sa una palang talaga ay ginagamit na siya ni Theo. Na baka kasi pwede nga talaga sila...Ayaw maniwala ni Carmella na laro lang lahat kay Theo. At ang nakakatawang parte nito ay bumigay siya. Aware siya na si Theo mismo ang nagpakalat ng nga litrato na magkasama sila para maapektuhan si Amanda. Aware siya na parte lang siya ng plano nito.Pero ang tanga niya sa parteng talagang pinagbigyan niya ito...Hiyang hiya tuloy si Carmella habang lumuluha sa lalaking nasa harapan niya ngayon."Napaka gago mo!" hindi na mapigilan na sigaw ni Carmella bago tuluyang umalis.Nang wala na si Carmella ay bumalik na si Theo sa taas. Pero nasa baba na pala si Amanda at nasa hapag na para sa breakfast. Mabilis namang bumaba si Theo at halos mahigit niya ang hininga nang makita si Amanda.Ang ganda nito sa dress nito kahit wala man lang bakas ng make up sa mukha. Ang simpleng tingnan pero tumitingkad ang kagandahan. Mas lalo lang itong gumanda paningin ni Theo dahil nakita niya
NASA TRABAHO na si Theo. Busy siya sa pag asikaso ng mga ilang dokumento nang napatigil bigla dahil may pumasok sa isipan niya. Napatingin siya kay Secretary Belle."May suggestion ka bang restaurant kung saan magandang makipagdate?" tanong ni Theo at ibinaba ang fountain pain matapos niyang pirmahan ang isang dokumento.Bahagyang napaisip si Secretary Belle. "Depende po kasi, Sir, eh...""Anong ibig mong sabihin?""Depends po kung sino ang idedate niyo. Kung si Ma'am Amanda, maganda kung magdate kayo sa isang sikat at mamahaling Italian restaurant. Kung si Ma'am Carmella naman po, ang maisusuggest ko diyan ay dapat sa medyo tagong lugar po kayo," walang prenong sagot ni Secretary Belle. Huli na nang narealized niya ang sinabi kaya bahagya siyang napayuko nang nakita ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Theo."Walang namamagitan sa amin ni Carmella," kalmado niyang wika pero halata naman na nawalan siya ng mood dahil sa litanya ni Secretary Belle. Napatayo na tuloy siya at mabilis
"MAAYOS LANG ako dito. Ang mabuti pa ay bumalik ka na lang sa mag ina mo at alagaan sila. Baka mahawa ka pa sa 'kin tapos ay maipasa mo rin sa kanila," saad ng lola ni Theo kalaunan."Hindi naman, La. Hindi ako mahahawa sa inyo," ani Theo.Habang pinagmamasdan ng matanda si Theo, natanto nito kung gaano ito kasaya ngayon. May kislap sa mga mata nito habang nagsasalita. Halatang masaya ito ngayon sa nangyayari sa buhay. At dahil iyon sa pamilya ng bubuoin nito kasama si Amanda. Maging tuloy siya ay hindi maiwasang maging excited sa nalalapit na pagdating ng magiging apo niya sa tuhod.Pagkababa ni Theo ay nadatnan niya ang inang busy sa pag uutos ng mga maids para maihanda ang mga pagkain. Nagkasalubong silang dalawa."Theo, dito ka na kumain. Nagpahanda na ako ng dinner," sabi ni Therese sa anak.Mabilis na umiling si Theo. "Hindi na kailangan, Mom. Kailangan kong umuwi agad para macheck ko muna si Amanda. Hindi maganda ang appetite niya ngayon kaya dapat mabantayan..." sagot niya.Hi
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
HALO HALO NA ang tumatakbo sa isip ni Amanda. Hindi na niya alam kung sa postpartum pa ba niya ito o masyado na siyang stress sa mga nangyayari sa buhay niya. Ang hirap hirap para kay Amanda ang kumapit gayong parang hindi natatapos ang problema niya. Para bang mababaliw na siya lalo pa at ayaw din siyang palabasin ni Theo!Mas lalo lang tumatak kay Amanda kung gaano kamakapangyarihan si Theo. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng gusto sa isang iglap lang.Sa isang linggong nakalipas na nakakulong si Amanda sa mansion, naging malamig ang trato niya kay Theo. Hindi niya ito pinapansin gaano dahil pagod na pagod na si Amanda na makipag away sa lalaki. Para bang nadedrained lang siya lalo sa simpleng interaksyon lang nila.Bumisita rin si Therese sa mansion. At ang unang pinakagkaabalahan nito ay si baby Alex at kinarga agad ito habang tuwang tuwang binebaby talk ito."Nandito na si Lola, apo! Namiss kita!" pagkakausap ni Therese kay Baby Alex. Humagikhik lang naman ang baby at para ban
HABANG TINITITIGAN ni Theo ang kaniyang mag ina, para bang may kapayapaan at kakuntentuhan siyang naramdaman sa puso niya. Hindi niya maiexplain ang ganitong pakiramdam! Para bang may init na bumalot sa kaniyang puso.At sa puntong ito, may napagtanto si Theo. Si Amanda lang ang babaeng nakikita niyang kasama hanggang sa siya tumanda...Mahimbing ang naging tulog ni Baby Alex matapos itong mapaburp ni Theo. Magaan ang kaniyang ngiti habang pinagmamasdan ang kaniyang anak na halatang busog na busog sa gatas ng ina. Kalaunan ay ibinaba na ni Theo si Baby Alex sa kaniyang crib at napabaling kay Amanda na halatang kakagising lang din. Nakatulog ito kanina habang pinapadede si Baby Alex.Masuyong ngiti ang siyang iginawad ni Theo kay Amanda. "Oh, gising ka na pala! Nagugutom ka na ba? Nagpaluto na pala ako sa baba ng makakain mo mayamaya lang. Sinabihan ko silang dapat ang lutuhin nila ay ang makakatulong sa iyong makapagbawi ng lakas mo," ani Theo.Hindi sumagot si Amanda at inayos ang sa
"NAKIKIUSAP AKO ng maayos sa iyo, Theo. Ibigay mo na sa akin si Amanda, please," ani Sylvia at pilit na pinatatag ang loob. Ang totoo niyan ay kanina pa siya kinakabahan. Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Theo kaya hindi siya pwedeng magpakampante.Umigting lalo ang panga ni Theo. Naiintindihan naman niya kung bakit ito ginagawa ni Sylvia. Sa dami ba naman ng mga nagawa niyang kasalanan kay Amanda pati sa pamilya nito? Pero hindi pa naman siya ganoong katanga para pumayag sa gusto ni Sylvia."Hindi ako papayag," mahina ngunit mariing wika pa ni Theo."Theo, alam ko ang tunay mong nararamdaman kay Amanda! Hindi mo naman siya mahal, hindi ba? Bata ka pa! Pwede mong ibaling na lang sa iba iyang nararamdaman mo!""Anong alam mo sa nararamdaman ko?" balik naman ni Theo na tanong.Naiiyak na napailing si Sylvia at kaunting kalabit na lang ay mapapahagulgol na siya ng iyak na ayaw niyang mangyari kaya mas pinatatag pa niya ang loob. "P-Please, pumayag ka na lang, Theo. Kung ganito lang
GUMABI NA RIN. Sa gitna ng malamig na simoy ng hangin, naupo si Theo sa harap ng isang puntod. Pinagmasdan niya ang nakaukit na pangalan sa lapida at napapikit na lang ng mariin.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Wala na talaga siya... wala na ang ama ni Amanda.Inilapag niya ang bulaklak ng maayos sa gilid ng lapida ng taong kahit papaano ay naging ama na rin niya. Napabuntong hininga na lang siya nang umihip ang panggabing hangin."Pa... I'm sorry..." mahinang bulong ni Theo sa puntod at napapikit muli ng mariin. Hiyang hiya siya sa lahat ng mga nangyari. At ang sakit isipin na wala na nga ang ama ni Amanda. Hindi na maibabalik ang buhay nito.Pero mahina na lang bumulong sa hangin si Theo na sana kung nasaan man ang kaluluwa ng ama ni Amanda ay maayos ito at masaya kasama ang kaluluwa rin ng dating asawa. Nakakalungkot lang isipin na wala na ang mga ito. At naiwan ang dalawang mga anak at naulila na.Hindi na rin naman nagstay pa ng matagal doon si Theo. Kalaunan a
MAS HUMIGPIT ANG yakap ni Theo sa bandang leeg ni Amanda. Kahit anong pagpumiglas ni Amanda ay hindi niya ito gustong pakawalan."'Wag ka nang umalis pa, Amanda. Dito na lang kayo ng anak natin. Tutulungan kita sa kahit anong gusto mo. Basta dito lang kayo ng anak ko..." may pagsusumamo pa sa tono na sabi ni Theo, umaasang makumbinsi niya si Amanda. "Para na lang sa anak natin..." dagdag pa nito.Kumunot ang noo ni Amanda at muling nagpumiglas. "Ano bang pinagsasabi mo, Theo? Buo na ang desisyon ko, okay? Aalis ako! Kami ng anak ko!""Hindi nga sabi, Amanda!" Kahit anong pilit na pagpapakalma ni Theo sa sarili niya, nasasagad din talaga ang pasensya niya. Ayaw niyang daanin sa dahas lahat lalo pa at hindi pa maayos ang lagay ni Amanda pero nauubos na rin talaga ang kahuli-hulihang litid ng kaniyang pasensya.Sa kabila ng pagpupumiglas ni Amanda, bumukas muli ang pintuan at bumalik ang isa sa mga nurse ng anak nila. Sinenyasan ni Theo ang nurse sa gagawin nito na agad naman nitong sinu
ILANG MINUTO na kinalma ni Theo ang sarili. Talagang napaisa pa siya ng stick ng sigarilyo para mas makapag isip isip siya at hindi hayaan ang pagnanasa niya kay Amanda na magtake over sa sistema niya. Hindi maganda ito lalo pa sa sitwasyon ngayon.Kalaunan, lumabas na rin ang nurse. Napatuwid ng tayo si Theo matapos initsa ang stick ng sigarilyo sa ashtray."Kumusta si Amanda?" tanong agad ni Theo sa nurse."Maayos naman na po siya, Sir. Nahirapan lang talagang magproduce ng gatas si Mrs. Torregoza. Pero hindi ibig sabihin no'n ay makampante na po tayo lalo pa at malala rin ang nangyari sa asawa niyo po..." sabi ng nurse na siyang ikinakunot ng noo ni Theo."So... hindi pa talaga siya tuluyang okay?" hindi mapigilang tanong pa ni Theo.Tumango ng dahan dahan ang nurse. "Muntik ng magkamiscarriage si Mrs. Torregoza. At ayon sa reports niya, hindi naging maganda ang sitwasyon niya ng baby niyo po pagkapanganak niya lalo pa at premature ito. Kaya kailangan ding alagaan ng maayos si Mrs.
DUMATING ANG NURSE para tumulong patahanin si Baby Alex. Natatanranta pa rin si Amanda at hindi na gaanong napansin pa ang nagbabagang tingin sa kaniya ni Theo.Saka lang natauhan si Theo makalipas ang ilang segundo nang mas lumakas pa ang iyak ni Baby Alex. Tumikhim siya at agad tumalikod at nagtungo sa malapit na table."G-Gagawa na lang ako ng gatas para sa baby natin," ani Theo at bahagya pang namumula pero mabuti na lang at nakaiwas na siya ng tingin at hindi na nakita pa ni Amanda ang kaniyang mukha.Kalaunan ay natapos ring magtimpla ng gatas si Theo. Mabilis siyang lumapit kay Amanda sa pwesto nito at natutukso pa rin siyang tumingin sa dibdib nito kahit ayaw niya at wala sa lugar. Nag excuse na rin ang nurse na tumulong kanina at mabilis ding umalis. Kaya ngayon, solo na ni Theo ang mag ina niya.Tinulungan niyang ayusin ng maayos ni Amanda ang damit niyang nahubad kanina. Hindi na napigilan pa ni Theo at yumakap mula sa likod kay Amanda. Mabilis niyang iniumang ang feeding b
HALOS MAG IISANG oras na nang makarating sila sa mansion. At sa buong biyahe, hindi humiwalay ng hawak si Theo kay Amanda. Hinahawakan nito ang kamay ni Amanda kahit pa kumakawala ito sa kaniya. Kahit anong iwas ni Amanda, nakakahanap pa rin ng paraan si Theo para mapalapit dito."Dumating na dito sa bahay ang baby natin. Gusto mo ba siyang makita? Ang cute niya. May nakuha siya sa iyo pero... mas lamang sa akin," nakangising sabi ni Theo at bahagyang napuno ng galak ang puso niya nang maalala ang katotohanang iyon. "Paniguradong namimiss na ng baby natin ang mommy niya," dagdag pa niya.Hindi nakasagot si Amanda agad pero namuo ang luha sa paligid ng kaniyang mga mata. Hindi niya lang talaga maiwasang maging emosyonal. Ang baby niya... namimiss na niya ito.Kaya naman wala siyang salita nang igiya siya ni Theo paakyat sa hagdan. Nadaanan pa nila ang ilan sa mga kasambahay na hindi halos makatingin ng deretso sa kanila lalo na kay Amanda. Naiintindihan naman ni Amanda dahil alam niyan