NANATILING TIKOM ang bibig ni Amanda. Hindi na siya nagtangkang magtanong kahit na lantaran naman na ang ebidensya. At halata na rin naman sa ikinikilos ni Theo ngayon."Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari kagabi? At bakit may ganiyang amoy ang damit ko? Kung may kinita akong babae o ano?" tanong ni Theo at may mapait na ngiti sa labi. "O wala ka lang talagang pakialam, 'no?"Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Amanda. "Ano pa ba ang dapat tanungin, Theo? Kitang kita naman na sa ebidensya. Ang sa 'kin lang naman, bakit ganitong lantaran? Wala naman kaso sa 'kin pero sana naman nagsabi ka," balewalang ani Amanda.Napailing na lang si Theo at napatawa ng sarkastiko. Dahil sa inis sa naging sagot ni Amanda ay mabilis niya itong kinarga at pinaupo sa sink. Pwersahan niyang ipwinesto ang sarili sa pagitan ng hita ni Amanda. Nailang naman si Amanda pero walang plano si Theo na pakawalan siya. Hindi pa nakuntento si Theo dahil mapanuya nitong ibinaba ang sleeve ng damit ni
PINILIT NA lang ni Amanda na ioccupy ang sarili sa ibang bagay para hindi siya nadidistract sa mga kumakalat na mga articles ni Theo at mga kasama nitong iba't ibang babae. Nagluto na lang siya ng makakain. Sakto namang nadaanan siya ng isa sa mga kasambahay."Aba, madame! Mukhang masarap iyan, ah? Ano pong iluluto niyo?" tanong ng kasambahay.Ngumiti si Amanda. "Ah, simpleng pasta lang naman ito," sagot niya.Akmang sasagot muli ang kasambahay pero nakarinig sila pareho ng ugong ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan sila pareho."Mukhang nakabalik na po si Sir!" ani ng kasambahay.Napatango na lang si Amanda dahil narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan sa may bandang garahe ng kabahayan. Kalaunan ay pumasok na nga si Theo. Ang buong akala ni Amanda ay hindi siya papansinin ni Theo kagaya ng mga nagdaang araw. Pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya na may seryosong seryosong ekspresyon."Nakita mo ba lahat ng mga kumakalat tungkol sa 'kin?" bungad na tanong agad ni Theo kay Ama
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H
HALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan. Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya."Pakiayos ang gamit ko."Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan k
"HMMP!" Napaungol si Amanda sa paraan ng paghalik ni Theo sa kaniya. Walang pag-iingat. Kagaya ng mga naunang tagpo nila sa kama. Nalasahan pa ni Amanda ang dugo sa labi niya na kaagad sinipsip ni Theo. "Ano ba, Theo?!" Itinulak niya ito pero masyadong matigas ang katawan ni Theo. Mas naging mahigpit ang hawak nito sa kaniya nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg, sumisipsip at tila naadik sa amoy nitong matamis."Akin ka, Amanda. Tandaan mo, 'yan," bulong ni Theo sa kaniya, may mapaglarong ngisi sa labi, ang kamay ay mapaglarong hinila ang strap ng damit ni Amanda."I-Itigil mo na 'to, Theo kung ayaw mong mabuntis ako."Sa isang iglap, napatigil si Theo sa panghalik sa kaniya. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig na may sangkaterbang yelo dahil sa narinig. Napangiti nang mapakla si Amanda.Noon pa man ay ayaw na ayaw ni Theo na mabuntis siya. Ayaw nitong bumuo sila ng sarili nilang pamilya kaya sinabihan siya nitong uminom ng pills na sinunod naman niya dahil masyado siyang n
"LOREIGN, PASENSYA na sa isturbo, ah? Kailangan na kailangan ko lang talaga ng work ngayon," sabi ni Amanda kay Loreign habang nasa loob sila ng isang coffee shop.Si Loreign ay matagal nang kaibigan ni Amanda pero hindi na sila gaanong nagkikita matapos niyang mag-asawa. Isa itong model at kilalang-kilala ngayon sa industriya. 'Yun nga lang, hindi maganda ang reputasyon kaya marami pa rin siyang haters. Pero wala namang pakialam si Loreign doon. Tinapik ni Loreign ang balikat ni Amanda. "Ano ka ba, sis? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, dadramahan mo pa ako. Syempre, tutulungan kita!" ani Loreign. Ngumiti si Amanda. "Salamat, Loreign. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako pero hindi muna ngayon. Alam mo naman na, short budget ako ngayon. Kakabenta ko lang din ng bahay namin.""Speaking of bahay, kung may pera lang ako, ako na ang bumili ng bahay niyo para hindi mo binenta sa mas mababang halaga! Talagang determinado 'yang asawa mong gipitin ka, ah? Naku, kahit pogi 'yan, talagan
"L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong
NAGKASAKIT ANG Lola ni Theo na si Victoria kaya napapunta siya sa mansion isang araw. Ayaw man niyang pumunta, tumuloy pa rin siya at bumisita."Kumusta ang lagay mo, 'La?" tanong ni Theo sa matanda habang nakahiga ito sa kama."Kayo ang kumusta ng asawa mo. Kailan niyo ba ako bibigyan ng apo?" tanong ni Victoria na ikinabuntong hininga ni Theo."'La, darating din tayo diyan," sagot na lang niya dahil wala naman sa plano 'yon. Sa ilang taong pagsasama nila ni Amanda, pinapaalalahanan niya itong magpills upang hindi mabuntis."Kailan? Tumatanda na ako, Theo. Gusto ko nang makarga man lang ang apo ko bago ako mamatay!"Bumuntong hininga si Theo. "'Wag kang magsalita ng ganiyan, 'La. Mabubuhay ka pa nang matagal.""Kuu! 'Wag ka kasing kukupad-kupad. At ano itong nababalitaan ko, ah? Na may dinate ka sa Paris at pinaghandaan pa ng surprise fireworks display nung nakaraan? Gumastos ka pa talaga ng malaki!" Sinamaan siya ng tingin ng matanda."'Wag mo nang pansinin 'yon, 'La. Mas lalo ka la
SUMAPIT NA ANG gabi ng linggo kung kailan gaganapin ang intimate party na sinabi ni Theo kay Amanda. Talagang pinaghandaan nila lahat lalo na si Amanda dahil ayaw naman niyang mapahiya.Madaming mga dumalo na mga board members at mga iba pang matataas na personalidad sa business na kakilala ni Theo. Pero nag imbita din naman si Amanda ng kakilala kagaya na lamang ni Mrs. Madriaga na dala rin si Jude, ang halos kaedaran na kaibigan ng ginang. Nakilala na noon ito ni Amanda sa isang event at hindi naman niya inexpect na makikita niya ulit ang lalaki ngayon.Nagkausap sila saglit at napangiti na lang si Jude habang hawak ang champagne nito. Gandang ganda si Jude kay Amanda pero nanghihinayang nga lang siya dahil hindi na niya ito pwedeng pormahan pa."Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo dito. Pero alam mo, mas hindi ko inaasahan na ikakasal ka ulit tapos sa iisa lalaki rin," ani Jude at napakamot sa likod ng ulo. "Sayang dahil wala na akong pag asa."Napailing na lang si Amanda. "H
PINILIT NA lang ni Amanda na ioccupy ang sarili sa ibang bagay para hindi siya nadidistract sa mga kumakalat na mga articles ni Theo at mga kasama nitong iba't ibang babae. Nagluto na lang siya ng makakain. Sakto namang nadaanan siya ng isa sa mga kasambahay."Aba, madame! Mukhang masarap iyan, ah? Ano pong iluluto niyo?" tanong ng kasambahay.Ngumiti si Amanda. "Ah, simpleng pasta lang naman ito," sagot niya.Akmang sasagot muli ang kasambahay pero nakarinig sila pareho ng ugong ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan sila pareho."Mukhang nakabalik na po si Sir!" ani ng kasambahay.Napatango na lang si Amanda dahil narinig na nila ang pagtigil ng sasakyan sa may bandang garahe ng kabahayan. Kalaunan ay pumasok na nga si Theo. Ang buong akala ni Amanda ay hindi siya papansinin ni Theo kagaya ng mga nagdaang araw. Pero nagulat siya nang lumapit ito sa kaniya na may seryosong seryosong ekspresyon."Nakita mo ba lahat ng mga kumakalat tungkol sa 'kin?" bungad na tanong agad ni Theo kay Ama
NANATILING TIKOM ang bibig ni Amanda. Hindi na siya nagtangkang magtanong kahit na lantaran naman na ang ebidensya. At halata na rin naman sa ikinikilos ni Theo ngayon."Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari kagabi? At bakit may ganiyang amoy ang damit ko? Kung may kinita akong babae o ano?" tanong ni Theo at may mapait na ngiti sa labi. "O wala ka lang talagang pakialam, 'no?"Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Amanda. "Ano pa ba ang dapat tanungin, Theo? Kitang kita naman na sa ebidensya. Ang sa 'kin lang naman, bakit ganitong lantaran? Wala naman kaso sa 'kin pero sana naman nagsabi ka," balewalang ani Amanda.Napailing na lang si Theo at napatawa ng sarkastiko. Dahil sa inis sa naging sagot ni Amanda ay mabilis niya itong kinarga at pinaupo sa sink. Pwersahan niyang ipwinesto ang sarili sa pagitan ng hita ni Amanda. Nailang naman si Amanda pero walang plano si Theo na pakawalan siya. Hindi pa nakuntento si Theo dahil mapanuya nitong ibinaba ang sleeve ng damit ni
TUMUNGO NGA sa club si Theo. Pagkapasok palang ay sumalubong na sa kaniya ang mga wild na mga tao at may mangilan ngilan pa siyang mga modelong namataan. Kung siya lang ang dating Theo, baka nanunggab na siya ng isang babae sa club. Pero hindi... hindi na siya naeexcite kagaya ng dati.Kaya naman mas pinili ni Theo na magstay sa isang sulok at uminom ng alak doon. Walang ni isang umisturbo sa kaniya dahil marahil takot sa kayang gawin ni Theo. Namataan pa ni Theo si Gerald na nakikipagflirt sa ibang babae. Pero halata namang napipilitan lang ito. Napailing na lang siya.Nang sumapit ang alas dose ng gabi, nabawasan na rin kahit papaano ang mga tao sa club. Napaismid pa si Theo nang may nakita siyang lalaki na sinusundo ng misis nito. "Tss!" Pakiramdam niya ay mas pumait ang alak na iniinom niya.Pero natigilan si Theo nang nakita si Gerald na kaharap na ang asawa nitong si Gia. Halatang naiinis si Gia kay Gerald pero hindi naman nagpaawat si Gerald at itinaboy pa ang babae."Umuwi na
NAPABUNTONG HININGA NA lang si Amanda at umiling. "Ano ba, Theo? Pagod ako kaya 'wag ka nang dumagdag. Simpleng seatbelt lang, binibig deal mo pa," nawika na lang ni Amanda.Napangisi na lang ng mapakla si Theo. "So, nakakapagod pala ako sa iyo, huh?" sagot naman niya.Gustong gustong sagutin ni Amanda si Theo. Pero para ano pa? Magtatagal na naman ang sagutan nila. Alam nila pareho na walang may gustong magpatalo sa kanila kaya sa halip na magsalita, itinikom na lang ni Amanda ang bibig.Ilang minuto ang lumipas ay pinaandar na lang ni Theo ang sasakyan. "Umuwi na tayo," anito at binilisan na lang ang pagmamaneho. Napakapit pa si Amanda sa sariling seatbelt dahil mabilis ang pagmamaneho ni Theo at halatang halata ang iritasyon nito. Mahigpit ang hawak nito sa manibela at nakaigting pa ang panga.Gustong sawayin ni Amanda si Theo pero pinigilan na lang niya ang sarili dahil baka mas mawala sa mood ang lalaki.Nang makauwi sila ay hindi sila nagtabi matulog. Sa sobrang iritasyon ni The
PAKIRAMDAM NI Theo ay tumigil bigla ang mundo niya sa pag ikot habang papalapit sa kaniya si Amanda. Nakalimutan na niya na naninigarilyo nga pala siya. Hanggang sa nasa harapan na niya si Amanda na may kunot ang noo. Tumingkayad ito para abutin ang sigarilyo sa labi ni Theo. "Itigil mo na itong paninigarilyo mo. Magsisimula na ang ribbon cutting. Pasok na tayo?"Napatitig lang si Theo kay Amanda. Pakiramdam niya ay nahypnotized siya ni Amanda at wala siyang kalaban laban. Parang nagpaubaya na lang siya kaya hindi na siya kaagad pang nakasagot."Napansin kong masyado kang naninigarilyo nitong mga nakaraang araw. Itigil mo na ito at masama lang sa kalusugan mo," sabi pa ni Amanda.Napakurap si Theo. "Nag aalala ka ba sa 'kin?" tanong niya pabalik kay Amanda.Akmang sasagot na si Amanda pero nagring bigla ang phone ni Theo sa bulsa. Mabilis na kinuha ni Theo ang phone at nakitang si Sofia ang tumatawag. Umigting ang panga niya. Ang wrong timing naman!Siguro sasabihan siya nito tungkol
SOBRANG LATE na ng gabi bago nagdesisyon si Theo na bumalik sa kwarto nila ni Amanda. Nadatnan niyang nakapikit na si Amanda at halatang tulog na dahil sa malalim nitong paghinga.Mabilis na naghubad ng damit si Theo at tinabihan si Amanda kama. Agad niyang niyakap ito at ibinaon ang mukha sa leeg nito. Medyo nanggigigil siya dahil sa lambot ng balat nito at matamis nitong amoy kaya medyo humigpit ang pagkakayakap niya kay Amanda. Bahagya tuloy itong kumislot.Bahagyang napangisi si Theo at binulungan ito sa tenga. "Sabihin mo sa 'kin ulit na mahal mo ako, Amanda. Sabihin mo..." aniya.Unti unting nagmulat ng mga mata si Amanda. Halatang narinig nito ang bulong ni Theo pero hindi niya ito sinagot. Oo, maaaring binalikan niya ulit ito. Sasamahan niya ulit ito sa mga event bilang asawa. Pagsisilbihan niya ito kagaya ng dati. Pero ang mahalin ulit ito? Hindi na maipapasigurado ni Amanda. At isa pa, dahil sa deal lang naman ito lahat. Wala ng iba pang rason.Sumikip ang dibdib ni Theo da
NAMALAYAN NA LANG ni Amanda na nasa ibabaw na siya ng malambot na kama. Umibabaw din sa kaniya si Theo na siyang mas nagpainit sa nararamdaman nila pareho kahit pa malakas ang buga ng aircon sa kwarto.Bumaba ang halik ni Theo sa leeg ni Amanda habang humahaplos ang kamay nito sa kaniyang hita, humahaplos doon na tila ba nanunuya. Pero nang akmang tataas na ang kamay ni Theo para hawakan si Amanda sa pagitan ng hita nito, pinigil ito ni Amanda."T-Theo, madami pa akong ibang aasikasuhin," pigil ni Amanda sa lalaki.Hindi nagpaawat si Theo. Humahalik pa rin ang labi nito sa leeg ni Amanda bago iyon tumaas para bumulong sa tainga nito. "Makakapaghintay naman iyan. Pwede mong ituloy pagkatapos ng dinner. Ito muna ngayon. Damn, sobra kitang namiss," tila ba nahihirapang anas ni Theo habang sinasamyo ang matamis na amoy ni Amanda.Pigil naman ni Amanda ang mapaungol ng malakas lalo pa nang humaplos na ang isang kamay ni Theo sa dibdib nito at piniga iyon. Napaliyad siya ng bahagya dahil do
ISANG LINGGO ANG nakalipas nang nadischarged si Loreign, dinala siya ni Amanda sa sementeryo para dalawin nila ang anak nito.Maaga pa kaya hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw. Malamig din ang simoy ng hangin na yumayakap sa kanila. Lumuhod sa lupa si Loreign at hinawakan ang malamig na lapida ng nasawing anak. Hindi na niya inalintana pa ang duming kumapit sa kaniyang bistida dahil sa pagkakaluhod. Isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ni Loreign. "Hello, anak. Ako 'to... si Mommy mo. Gusto ko lang magsorry sa iyo kasi... naging mahina si m-mommy. Hindi kita naprotektahan. Ni hindi mo man lang nasilayan ang ganda ng mundo. Sana... n-naging matatag ako. Edi sana... hindi nangyari ito sa iyo. S-Sorry, baby ko..."Napaiwas ng tingin si Amanda habang nag iinit ang sulok ng kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para kina Loreign at ang anak nito. Naaawa na rin siya sa kaibigan. Dahil kung masakit na para kay Amanda, paniguradong tripleng sakit ang nararamdaman nito bilang isang