Thank you po sa inyong lahat at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHE-CHE POV“Puwede ba tayong maging magkaibigan?” Tanong sa akin ni Jessy.Nabigla ako sa tanong niya. Dahil hindi ko ito inaasahan. Paano ba naman kasi bigla na lang siyang pupunta dito? Para itanong sa akin kung puwede ba daw kaming maging magkaibigan?“Pasensya kana pero hindi ako nakikipag-kaibigan. Lalo na sa Ex ng asawa ko, at isa pa sapat na sa akin ang isa kong kaibigan.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.“Are you sure? Kung iniisip mo na ginagawa ko lang ito dahil gusto kong agawin si Jayson ay nagkakamali ka.” aniya sa akin.Kita mo siya na mismo nabigay sa akin ng clue tungkol saan sa mga pinaplano niya. “Kung wala ka ng sasabihin ay makakaalis ka na.” Sabi ko sa kanya.“Hindi ako tititgil… Hindi ako titigil hangga’t hindi tayo nagiging magkaibigan.” Sabi niya sa akin.“Nag-iisa lang ang kaibigan ko at sapat na siya sa akin. Si Ana na lang ang suyuin mo dahil bagay kayong dalawa,” saad ko sa kanya.Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Dahil pumasok na ako sa loob ng co
CHE-CHE POVSarap na sarap ako sa kinakain ko na cheesecake. Habang ang asawa ko ay nakatingin lang sa akin. Hinayaan ko lang siya dahil sobrang sarap kasi kaya hindi ko namalayan na naubos ko ang isang buong cheesecake.“Bubu, saan ka bumili ng cheesecake?” Tanong ko sa kanya.“Kay Ninang Caye,” sagot niya sa akin.“Ang sarap,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Bukas, Bubu puwede mo ba ako ibili ulit?” Tanong ko sa kanya.“Okay, Boba.” Sagot niya sa akin.“Bubu, bakit nakasimangot ka?” Tanong ko sa kanya.“Kasi hindi mo man lang ako binigyan.” Parang nagtatampo na sabi niya sa akin.Yumuko ako dahil tama siya hindi ko man lang siya binigyan. Ang sama ko dahil madamot ako. Sa sobrang hiya ko ay pumasok ako sa silid namin at nagtalukbong ako ng kumot. “Boba, may problema ba?” Malumanay na tanong sa akin ni Jayson.“Ang sama ko, huhuhu!” Umiiyak na sabi ko sa kanya.“Bakit mo nasabi ‘yan?” Tanong niya sa akin habang pilit na inaalis ang kumot sa ulo ko."Kasi feeling ko ang sama ko sa 'yo
CHE-CHE POVDumaan muna kami sa bahay nila Joy at tama ako dahil tuwang-tuwa siya. Hindi pala ito pumasok sa bar kaya naman nandito pa siya sa kanila. Hindi naman kami nagtagal dahil gabi na rin. Pagdating namin sa building ay dumaan muna ako sa mga kapatid ko. "Salamat dito, ate." Nakangiti na sabi nila sa akin."Sa Kuya Jayson niyo kayo magthank you dahil siya ang bumili niyan." Sabi ko sa kanila."Thank you po, kuya." Nakangiti na pasasalamat nila sa asawa ko."You're welcome," nakangiti rin na sagot ng asawa ko sa mga kapatid ko.Pinauna ko na si Jayson sa unit namin dahil nakipagdaldalan pa ako sa mga kapatid ko. Gusto ko kasing makipag-kwentuhan sa kanila. Busy kasi ako sa trabaho tapos sila sa pag-aaral. Kaya ngayon lang ulit kami nagkaroon ng time para magkwentuhan.Tumagal ako ng ilang oras bago ako nagpasya na umuwi na sa unit namin. Pagpasok ko sa silid namin ay nakahiga na si Jayson at sa tingin ko ay tulog na siya. Nagpalit muna ako ng damit at naghalf-bath bago ako tumab
JAYSON’S POVMasaya akong makita na nagustuhan ng asawa ko ang burnt cheesecake. At gusto ko na ibigay sa kanya ang lahat ng gusto niyang kainin. Kahit ano pa ito ay ibibigay ko ito sa kanya. Kaya nang sabihin niya sa akin na gusto pa niya ay tinanong ko siya kung bibili ba kami ngayon ay pumayag siya at gusto niya. Kahit alam ko na malapit ng magsara ang bakery ni Ninang Caye ay pumunta pa rin kami.Kitang-kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Binili namin ang lahat ng gusto niya. Bumili rin siya ng para sa kaibigan niya at mga kapatid niya. Sa kanila ay hindi siya nagdamot pero sa akin ay oo. Kaya natatawa lang ako dahil ang cute niya talaga. Nauna na ako sa kanya sa unit namin dahil inaantok na ako. Gusto ko rin silang bigyan ng time na mag-usap ng mga kapatid niya.Humiga ako pero hindi rin naman ako makatulog dahil wala pa siya kaya nagbukas na lang ako ng social media ko. Matagal na rin pala ‘yung huli kong post. Kaya naghanap ako ng pictures na puwede kong i-post. At napangit
CHE-CHE POV“Hoy Chemmary! Bakit mo ba sinasampal ang asawa mo?” Ramdam ko ang inis sa boses ni inay.“Masakit ba?” Tanong ko sa asawa ko.“Sa tingin mo, Boba? But it’s okay. Are you sure na bibili ako ng PT as in Pregnancy test?” Kumikinang ang mga mata na tanong niya sa akin. “Oo, sabi sa akin ni inay.” Sagot ko sa kanya.“Baba lang ako, Boba.” Malawak ang ngiti na sabi niya sa akin.Mabilis itong lumabas sa pintuan. Ako naman ay umupo sa tabi ni inay. Pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong–.“Aray ko po!” Reklamo kay inay dahil bigla na lang niya akong kinurot."Masakit?" Tanong niya sa akin."Opo, ang sakit kaya. Gusto niyo po ba kurutin ko rin kayo?" Patanong na sagot ko sa kanya. "Nasaktan ka diba? Pero kung makapanakit ka sa asawa mo wagas." Sabi niya sa akin."Kasi naman inay, itong palad ko may sariling isip. Bigla na lang nanampal ng hindi nagpapaalam sa akin." Sagot ko kay inay."Tsk! Tigilan mo ako. Anong sariling isip? Maawa ka naman sa asawa mo. Okay lang na ma
CHE-CHE POVSigurado talaga ako na mabubuo si Baby milk tea namin dahil sa ilang rounds ba naman ang ginawa namin. Nag-absent siya ngayon sa Academy dahil pupunta daw kami sa doktor para sa check-up."Bubu, nahihilo ako. Hindi ko kayang bumiyahe. Tapos ang sakit pa ng katawan ko." Sabi ko sa kanya dahil talagang nahihilo ako."Kailan pa nagsimula ang pagkahilo mo?" Tanong niya sa akin habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko."Noong nakaraang araw pa. Pero malaman ko na normal lang pala ang mga ganito. Pati na ang pagsusuka ko ay normal rin lalo ba kapag buntis. Puwede kaya na mamayang hapon na lang tayo pumunta doon?" Sabi ko sa kanya."Sige, mamaya na lang tayo pumunta. Kung inaantok ka ay matulog ka pa." Sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi.At dahil sa inaantok na ako ay pumikit ako para matulog ulit. Naramdaman ko naman na niyakap ako ng asawa ko kaya lalong masarap ang tulog ko. Hinayaan naman ako ng asawa ko. Pero nagising ako dahil naramdaman ko na wala sa tabi k
JAYSON’S POVNatulala ako dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko. Pinapabili pa lang niya ako ng PT pero sobrang saya ko. Masaya ako dahil alam ko kung ano ang PT. Nahimasmasan lang ako dahil sa sampal sa akin ng asawa ko. Hindi ko binigyang pansin ang lakas ng sampal niya dahil nagulat kasi talaga ako.Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mabilis akong bumaba para bumili sa pinakamalapit na pharmacy. Parang gusto ko bumili ng isang karton pero pinigilan ko lang ang sarili ko at tatlo lang ang binili ko. Hindi naman ako nagtagal dahil nga sa excited na ako na malaman ang resulta. Pagbalik ko ay nahuli ko na inaasar niya si inay.Pero sadyang makulit talaga ang asawa ko dahil si inay ang trip niya ngayon. Umuwi na lang kami pero nang pag-uwi naman namin ay inaantok na naman siya kaya hinayaan ko na lang siya na matulog muna. Hanggang sa nagulat ako dahil tinatawag niya ako.Bigla niyang binigay sa akin ang pregnancy test. Parang tumalon ang puso ko nang makita ko ang dala
CHE-CHE POV"What the fvck?!" Binato ko siya ng tray sa sobrang galit ko."Huwag mo akong ma-what the fvck diyan!" Sigaw ko sa kanya."Baby," tawag niya sa akin."At ikaw naman, bungi ka sa akin ngayon. Bwisit ka!" Sigaw ko sa babaeng katabi niya."Aray!" Hiyaw nito dahil hinila ko ang buhok niya."Masakit ba? Pwes hindi lang ito ang kaya kong gawin sa 'yo!" Sigaw ko sa kanya dahil talagang galit na ako."Baby, calm down." Pagpapahinahon sa akin ni Jayson."Anong calm down? Ipagpapalit mo na nga lang ako sa Amelia patola pa na 'to!" Sigaw ko kay Jayson."Wow ha! Grabe ka naman sa akin. Maganda naman ako," sagot naman sa akin ni Amelia."Maganda? Saan banda? Katulad ka lang ng patola mo na kulubot! Napakalandi mo? Pati asawa ko nilalandi mo pa. Kakalbuhin talaga kita!"Galit na galit ako. Dahil nakayakap siya sa asawa ko dito sa sofa. Bwisit talaga siya. Sarap nilang pag-untugin. Sakit ng heart ko. Nasaktan talaga ako hindi dahil sa niloko niya ako kundi sa ipinalit niya sa akin. Sorry