Nung gabing 'yon mismo ay hindi talaga ako nakatulog.Umabot na 'ko ng madaling araw kaiisip ng dapat kong gawin.Malapit na ang buwan na ibinigay niyang palugit sa 'kin at alam kong kahit anong gawin kong pagt-trabaho ay hindi ako makakalikom ng gano'n kalaking halaga sa loob lang ng mabilis na panahon.Nahihiya na 'kong manghiram ng pera kay Cross.Napilitan na naman akong mag-advance at mangutang sa kanya nung nakaraang sabado dahil mahal ang maintenance ni Papa.Wala na 'kong mukhang maihaharap dahil malaki-laki na ring pera ang hindi ko nababayaran sa kanya.Ayoko namang mangutang at ipambayad sa utang ko rin mismo.Edi parang wala rin dahil nangutang na naman ako.Pero hindi naman ako nangangamba kay Cross dahil mabait namang kaibigan 'yon at alam kong naiintindihan niya naman ang sitwasyon ko ngayon.Mas lalong hindi ko gugustuhing mangutang ng pera kay Ramier dahil hindi pa nga maayos ang relasyon ko sa kanya ta's bigla na lang akong hihingi ng mahigit isang milyon. 'Tsaka alam ko
Mapanghusga kaming tintitigan nina Zwei at Ramier.Namuo ang butil ng pawis sa noo ko dahil kaharap namin silang dalawa."What's the meaning of this?"Halos magpantay na ang kilay ni Ramier nang itanong sa 'min 'yon.Napayuko na lang ako at hinihintay na si Viguel ang magsalita para sa aming dalawa."Kuya..."Mukhang bumebuwelo pa siya."What?"Humalukipkip si Ramier habang mapanghusgang nakatingin sa 'min."She's my girlfriend."Pagpapakilala niya sa 'kin na ikinagulat ko.Hindi ko alam na diretsahan niyang sinabi ang bagay na 'yon at hindi man lang siya nagpaligoy-ligoy.Umangat ako ng tingin at nakita kong nanlaki ang mga mata ni Zwei habang si Ramier naman ay hindi nagbago ang ekspresyon at nag-aalab ang mga matang titig na titig sa 'min.Hindi na matigil ang pagpintig ng puso ko sa anumang maari niyang sabihin.Sa tingin ko ay hindi pa 'ko handang muli na makinig ng mga masasakit na salita mula sa kanya."Really?"Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil tumawa siya nang bahagya na para
"Ang aga mo ata ngayon?"tanong ko kay Viguel dahil kararating niya lang dito sa Condo.Nakasabit pa sa kanang balikat niya ang bag at suot pa rin nito ang uniporme sa eskwelahan."Hindi pumasok 'yung last period namin kaya maaga ang dismissal."Ito ang pangalawang araw ko rito sa Condo niya.Nung isang araw ay kinuha ko na ang lahat ng mga gamit ko sa boarding house na tinutulugan ko dahil dagdag gastos lang 'yon lalo pa ngayon na hindi ko naman tinitirahan.Sinabi ko na rin kay Viguel na nagt-trabaho ako bilang waitress sa club.Nung una ay gusto niya na itigil ko na raw 'yon pero nagpumilit ako dahil ayoko namang i-asa na lang sa kanya lahat ng mga pangangailangan ko sa pananatili ko rito.Mukhang pagod na pagod siya ngayon dahil saktong paghubad niya sa sapatos niya ay dumapa agad ito sa kama kung saan ako naroroon."Hubarin mo muna 'yang mga suot mo bago ka mahiga,"utos ko."I'm so tired Babe."He mumured."Magpalit ka na muna."Hinila-hila ko pa ang braso niya para lang tumayo ito u
Ilang araw na ang lumipas simula nung ibalita sa 'kin ni Zwei ang bagay na 'yon.Hindi pa 'ko nagtangkang buklatin sa kanya ang bagay na 'yon dahil humahanap pa ako ng tyempo.Dito na rin siya tumira kasama ko.Nung araw pala na 'yon ay iniwan niya lang sa sasakyan niya lahat ng gamit niya at pasimpleng inilagay sa closet nung tulog ako.Tinanong ko naman sa kanya kung bakit siya rito tumitira pero ang sagot niya lang ay marami silang ginagawa sa school at malapit ito sa skwelahan niya kaya mas mapapadali ang transportasyon nito 'pag pumapasok kung dito siya tutuloy.Tinanggap ko naman ang sinabi niyang 'yon kahit alam ko naman ang totoong dahilan.Pero sa tingin ko ay may lakas na 'ko ng loob ngayon na i-open sa kanya ang bagay na 'yon kaya hinihintay ko na lang siyang umuwi.Sa isang Linggo naming magkasama ay mas nakilala ko pa siya.Wala akong nakitang hindi maganda sa kanya dahil napatunayan ko kung gaano siya kabait.May pagka-ugali lang siya na katamaran pero sa katagalan ay naiim
Kasalukuyan akong umiiyak habang nakatutok sa Tv dahil dalang-dala ako sa eksena nitong pinapanood namin.Para akong tangang humihikbing nanonood habang kumakain ng popcorn.Paglingon ko kay Viguel ay nairita ako bigla dahil tinatawanan niya na naman ako."Ano ba!"suway ko.Marahas ko siyang binato ng popcorn pero hindi man lang siya natinag sa pagtawa."Pang-ilang movie na natin 'yan,hindi na naman matigil 'yang pag-iyak mo,"tawang-tawang aniya."Anong magagawa ko kung mababaw ang luha ko! Nakakaiyak naman talaga e,"nakanguso kong tugon."Horror naman ang susunod,"paghamon niya pero hindi ako nagpasindak at game na game pa rin.Alas-onse pa lang ng gabi at halos kalahating araw na kaming nagm-movie marathon."Tangina!"usal ko matapos magulat dahil may biglang nahagip na multo sa eksena na hindi ko inaasahan.Napakapit ako kay Viguel na 'di sinasadya.Bilib na bilib ako sa kanya dahil hindi man lang siya natakot o nagulat man lang.O sadyang OA lang talaga ako?Sinamahan pa ng intense na
Nakapalumbaba ako at malalim ang iniisip habang nakatingin sa bintana ng sasakyan."Babe,are you okay?"kunot-noong tanong ni Viguel at tinapunan ako ng panandaliang tingin."Okay lang ako.Masaya ako na makikita ko na ulit si Venice,"masaya kong bulalas."Kagabi ka pa niya kinukulit sa 'kin.Miss na miss ka na rin niya."Papunta kami ngayon sa school ni Venice para sunduin siya.Wala naman sigurong makakakita sa 'kin dahil sabi ni Viguel ay bagong katulong daw ang yaya ni Venice ngayon."Sinabi mo ba sa kanya na magkasama tayo?""Oo,ang kulit kasi niya."Napakamot siya ng ulo."Don't worry,hindi naman magsusumbong 'yun kay Kuya."Habang nasa biyahe ay naging okupado pa rin ang isip ko sa mga posibilidad na mangyari kapag nalaman nilang magkapatid ang tungkol sa pagbubuntis ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagdadalang tao na 'ko.Kung sakali man na hindi niya ako panindigan o iwan ako ni Viguel,ako na lang mag-isa ang bubuhay sa anak ko."We're here,Babe."Sa sobrang o
"Anong ibig sabihin nito?!"puno ng galit na sambit ni Viguel.Shit.Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at hinampas-hampas si Ramier para magising siya.Umupo ako at takot na takot na tumingin kay Viguel.Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sa 'kin."Viguel...calm down,"mahinahon kong pakiusap."How am I suppose to calm down?! Matapos ko kayong makita na nasa ganitong sitwasyon,sabihin mo sa 'kin kung paano kumalma!"Parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon.Hindi ko inaasahan na magkakaganito si Viguel.Nilamon na siya ng galit dahil sa mga naiisip niyang ginawa namin ng kapatid niya.Kita ko sa mga mata niya ang nag-aalab na galit na parang kahit anong oras ay sasabog siya.Paglingon ko kay Ramier ay seryoso ito habang sinusuot muli ang kanyang polo na nakakalat kanina sa sahig."What the fuck did you do to her?!"Nagulat ako nang biglang lumapit si Viguel sa kapatid niya at kinuwelyuhan ito.Base sa mga titig nito ay parang wala na si
Ysharra's POVWala na 'kong ibang nagawa kung 'di ang sumunod na lang sa kanya kahit na labag naman sa kalooban ko ang bagay na 'to.Ilang beses pa akong nagpumilit na hindi ako sang-ayon sa gusto niyang mangyari kaya iniwan niya muna ako upang makapag-isip-isip at bumalik siya ngayong gabi para kumbinsihin akong muli.Bandang huli ay siya pa rin ang nanaig sa aming dalawa.Kailangan kong makausap si Viguel sa lalong madaling panahon para klaruhin at maisaayos ang lahat.Hindi ko lubos maisip na ang taong binabaliwala lang ako noon at sinusungitan ay nandito ngayon sa harapan ko para iuwi ako sa puder niya.Pakiramdam ko ay kung hindi naman ako nabuntis ay hindi niya naman gagawin sa 'kin 'to.After all,ang nasa sinapupunan ko pa rin ang priority niya kaya niya ginagawa ang lahat ng 'to.Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa kung saan at namumutawi sa paligid ang nakakabinging ingay dahil walang nagtatangka na magsalita sa aming dalawa.Wala akong iniwan ni-isang gamit sa Condo ni Vig
After almost a year, The Undercover Billionaire has officially ended!Gusto kong pasalamatan 'yung mga readers na nanatili at walang sawang sumuporta sa istoryang ito kahit tumagal ang update.Sa mga babasahin pa lang, enjoy reading!Kindly leave some comments here if you encountered some errors that needs to be corrected.Announcement:All the characters in the next series were all came from this story.I hope that you'll read the series 2 & 3 soon!Again, Thank you everyone! See you sa next story! I hope that you find time to read my other stories.My stories:LAST CHANCE MY LOVE [COMPLETED]MERCILESS AFFECTION [COMPLETED]Social Media Accounts:Facebook: Ronnivous WPInstagram: ronnivous
Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang mapagdesisyunan namin ni Ramier na magbakasyon sa Versailles.Matagal-tagal na rin akong napalayo sa lugar na ito kaya't labis ang aking tuwa na makabalik muli rito na buo na ang aking sarili.Kasalukuyan kami ngayong nasa hapag kainan.Si Papa ang may karga kay Lance na aliw na aliw habang pinapakain ito.Habang kami naman ni Ramier ay tahimik na kumakain.Habang nasa kalagitnaan ng salo-salo ay biglang nagsalita si Mama."Anak..."pagtawag niya sa aking atensyon."Ano 'yun, Ma?""May balak na ba kayong magpakasal ni Ramier? Lumalaki na ang bata, makabubuti sana kung magka-isang dibdib na kayo para masundan na itong makulit naming apo,"biglaan niyang sambit at pinisil pa ang pisngi ni Lance habang ako naman ay biglang nabulunan dahil hindi ko inaasahan ang bagay na iyon."Are you okay?"Nag-aalalang tanong ni Ramier.Kaagad niya akong inabutan ng tubig at pinainom."M-ma!"Bigla tuloy akong nahiya kay Ramier.Natatakot ako na baka makaramdam siya ng
YSHARRA'S POVKasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pagdadalamhati naming lahat.Bumubuhos ang emosyon buhat ng kanyang pagkawala.Sunod-sunod na tulumulo ang luha sa aking mga mata habang wala sa sariling nakatingin sa kabaong niya.Ang bigat-bigat sa damdamin na makita siyang nasa ganitong kalagayan dahil napamahal na rin siya sa akin.Lahat ng nasa paligid ko ay nakikiramay sa kanyang pagkamatay.Naibsan kahit papaano ang sakit na aking nadarama nang yakapin ako ni Ramier upang pakalmahin.Iniisip ko na sana isang masamang panaginip na lang ang lahat.Sana hindi totoo ang nangyayaring ito dahil hindi ko na kaya."Venice! Please, don't leave me!"puno ng pighating sigaw ni Viguel habang yakap-yakap ang kabaong na lulan ang kapatid niya.Ramdam na ramdam ko kay Viguel ang sakit na kanyang nararamdaman dahil napakabuting bata ni Venice.Nalulungkot lang ako at alam kong sobra ang panghihinayang ngayon ni Viguel dahil gaya nga ng na-kuwento sa akin ni Venice na simula nung umalis sila rito sa
"I didn't had a chance to take my revenge directly to him but now...I'll do my revenge in my own way."Sa sinabing iyon ni Ramier ay hindi maganda ang naging kutob ko."A-anong i-ibig mong sabihin?"pagka-klaro ko."Let's get out of this.Let's just have a normal and a peaceful life away from them.I don't want to get involve with that family again."Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa biglaan niyang desisyon.Hindi ito ang inaasahan kong magiging kahihinatnan ng plano namin."S-sigurado ka ba? Baka masyado ka lang nadadala ng emosyon mo,"nag-aalala kong usal.Iniwas niya ang tingin sa akin at tumitig sa kawalan."My decision is final.You can't do anything about it."Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso habang namamag-asang mababago ko pa ang isip niya."Isipin mo sila, Ramier.Wala silang kasalanan sa kung ano mang kinahinatnan ng pamilya mo.Biktima lang rin sila.Si Don Ramuel ang may kagagawan kaya huwag mo naman sanang gawin ito sa kanila.Ito 'yung mga pagkakataong kailangan ka nila
"Ysharra... he's my real father."Matapos sabihin ni Ramier ang mga katagang iyon ay lumingon ako kay Mang Fred.Pagtingin ko sa kanya ay biglang isa-isang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Iniwas niya ang kanyang tingin at tumitig sa kawalan.Habang si Ramier naman ay blangko lang ang ekspresyon na kahit anong pilit kong suriin,hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya sa puntong ito."Umalis na kayo.Hindi na kayo dapat nagpunta pa rito.Nilalagay niyo lang sa panganib ang mga buhay niyo."Sa isang iglap ay parang bulang naglaho at nag-iba ang emosyon ni Mang Fred at ngayon ay mukhang galit na ito."Do you want to abandon me again just like what you did before? D'yan ka naman magaling,"nanginginig ang labi ko sa kaba nang dahil sa biglaang pagsagot ni Ramier sa papa niya."Ginawa ko lang ang kung anong alam kong makabubuti para sa 'yo!"napaatras ako nang biglang sumigaw si Mang Fred."Makabubuti sa akin? But that's the biggest mistake that you ever made for me,ang iwan ako
Pinalitan ako ni Ramier sa pagmamaneho at ngayon ay papunta na kami sa dati nilang mansyon para magbakasakaling sabihin na ni Manang Regina kung saan ba nagtatago si Mang Fred.Sa ngayon ay siya na lang ang natatanging pag-asa namin para malinis ang pangalan ni Ramier sa mga kapatid niya.Hindi niya p'wedeng hayaan sina Venice at Viguel sa puder ng tito nila dahil alam namin na hindi maganda ang hangarin niya sa kayamanang meron ang pamilya nila."Are you okay?"tanong ni Ramier habang nagmamaneho siya.Napansin niya siguro na hindi ako mapakali."Paano kung hindi sabihin ni Manang Regina kung nasaan si Mang Fred? Natatakot ako para sa kapakanan ni Venice at Viguel,"nangangamba kong usal."Don't worry okay? Just talk to her.I'm always beside you.Kung hindi gumana,iisip tayo ng ibang paraan."Sa puntong ito ay medyo gumaan ang loob ko sa sinabing iyon ni Ramier.Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga kaming nakapasok sa village nila.Mukhang baguhan ang mga guards kaya hindi ata nila k
Samuel's POVFLASHBACKIlang araw na ang lumipas simula nung muntikang magpakasal si ate kay Kuya Brando pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay.Malala ang naging pagtama niya sa malaking bato dahil sa ginawa ni Kuya Brando.May posibilidad din daw na baka mawala ang lahat ng ala-ala ni ate paggising niya.Mabuti na lang talaga at sinaklolohan kami ni Kuya Cross dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay nasa kapahamakan pa rin kami.Ngayon ay nasa ligtas na lugar kami dahil sa tulong niya.Binabalak din niya na isama kami sa ibang bansa para makalayo kami at lalong-lalo na si ate sa mga posibilidad na masamang mangyari.Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi kami nagawang tulungan ni Kuya Ramier.Kung tutuusin ay siya talaga ang inaasahan kong tutulong sa amin nung mga panahong iyon dahil alam kong mahalaga sa kanya si Ate Ysharra at ang anak nila.Pero sa madilim na pinagdaanan naming iyon ay wala siya.Hindi niya kami nagawang tulungan.Sa puntong ito ay nagtatani
RAMIER'S POVKasalukuyan akong naglalakad habang may buhat-buhat na panggatong sa balikat.Abala ang mga kasamahan kong magsasaka sa pagtatanim nang mapadaan ako sa sakahan."Kuya! Kuya!"Hanggang sa bigla kong nakasalubong si Rashim na may karga-kargang bata."Kaninong bata 'yan? Ba't karga mo?"tanong ko.Ngingiti-ngiting tumingin sa akin ang aking kapatid.Hindi ko makita ang bata na hawak niya dahil nakatalikod ito sa akin."Binilin lang sa akin ni Samuel.Sila 'yung bagong lipat sa Mansyon ng mga Versailles,"paliwanag niya."Samuel? May nakatira na sa mansyon na 'yon?"Sa hindi mawaring dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi na maiwas ang tingin ko ngayon sa batang hawak ni Rashim."Oo, kuya.Bumalik na sila."Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya.Kung hindi ako nagkakamali,ang batang hawak niya ay...."What's his name?"I nervously asked."Lance, kuya,"After my brother said that,he faced him infront of me that's why I can clearly see him now.Hindi ko maipaliwanag ang
Yakap-yakap niya pa rin ako mula sa likod habang nakaharap kami sa apoy na nagsisilbing liwanag sa madilim na gubat na ito.Matapos kong marinig ang mga salitang binitawan niya ay kusang tumulo ang luha sa aking mga mata.Bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at mistulang apektadong-apektado sa lahat ng sinabi niya.Hanggang sa pinaupo niya ako sa kahoy na kinauupuan niya kanina.Nakatulala lang ako sa nagbabagang apoy sa harapan namin nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil nangangamba ako sa kung anong p'wede kong matuklasan mula sa kanya.Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa at tanging ang kuliglig lamang sa paligid ang aming naririnig.Walang ano-ano'y bigla siyang nagsalita.Sa puntong ito ay alam kong masisihuwalat na ang katotohanan.Ang mga ala-alang matagal ko ng gustong balikan.Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili upang makinig.FLASHBACK"Fuck!"rinig kong napamura 'yung lalaking nabangga ko