Nakatayo sina Giovanni, Fatima, at Sander sa gitna ng sala, mahigpit na nakahawak sa kanilang mga armas habang sinusuri ang basag na bintana. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ang bigat ng banta na nasa ere.“Hindi natin alam kung may tao pang nasa paligid,” bulong ni Sander, pinapagana ang night vision scope ng kaniyang baril. “Pero sigurado akong hindi lang babala ang papel na ‘yan.”“Wala na bang katapusan ‘to?” mahinang bulong ni Fatima.“Don’t worry, nandito ako. Proprotektahan kita. Sayang lang at hindi ko nagawa noon…”“Tama ka, kung nagawa mo lang kaming protektahan noon buhay pa sana ang anak natin…” bulong muli ni Fatima ngunit tama lang at sapat para marinig ni Giovanni.Ang akala ni Giovanni ay buhay ang anak nila, hindi rin pala. Mukhang mali ang balitang nakuha niya. Samantala si Sander, ay biglang nagduda kay Fatima.Pakiramdam niya ay ibang tao ang kasama nila, ngunit ayaw naman niyang magduda o maging paranoid. Matagal niya itong hinanap para kay Giovanni dahil naaaw
Wala nang oras para magluluksa. Habang bumubulwak ang dugo ni Jayce sa ilog, mabilis na tumakbo si Giovanni patungo sa sasakyan ni Sander.“Move, Sander! Hindi natin siya pwedeng pakawalan!” sigaw niya habang sinasara ang pinto.Mabilis na pinaandar ni Sander ang sasakyan, gulong ay sumayad sa basang kalsada habang hinahabol nila ang aninong tumatakbo sa ibabaw ng mga gusali.Sa kabilang linya ng radyo, nagsalita si Fatima, halatang kinakabahan. “Giovanni, anong plano mo?! Hindi mo siya pwedeng basta habulin ng walang plano—”“I won’t let her get away!” sagot ni Giovanni, hawak na ang baril habang binubuksan ang bintana. “Sander, dalhin mo ako malapit sa eskinita sa kanan. Kung tatawid siya ro’n, masusukol natin siya!”Sa ibabaw ng mga gusali, mabilis na tumatakbo ang babae— walang takot, walang alinlangan. Maliksi siyang tumatalon mula sa isang bubong papunta sa isa pa, ang itim niyang leather jacket ay pumapagaspas sa hangin.Pero hindi siya nag-iisa.Gamit ang isang metal pipe, uma
SECRET RESTHOUSESa isang kwarto na napapalibutan ng mamahaling muwebles, may isang babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakasuot siya ng puting blouse at may mga pasa sa kaniyang braso. Hawak niya ang isang tasa ng tsaa, nanginginig ang kamay niya habang nakatingin sa bintana.Biglang bumukas ang pinto.Pumasok si William, may dalang isang folder at isang baso ng whiskey. Tahimik siyang lumapit sa babae at naupo sa tapat nito.“Fatima… kamusta ang pakiramdam mo?”Dahan-dahang tumingin ang babae sa kaniya.“A–Anong ginawa mo sa kanila?”Umiling si William nang may bahagyang ngiti sa labi.“Hindi ko sila ginalaw o sinakatan kung ‘yan ang iniisip mo. Pero sigurado akong nalilito na sila ngayon.” Itinulak niya ang folder sa mesa. “Buksan mo ‘yan.”Dahan-dahang binuksan ni Fatima ang folder. Pagkakita niya sa laman, nanlaki ang mga mata niya— mga larawan ni Giovanni, Sander, at ang “isa pang Fatima” na kasama nila.“I–Imposible… sino ang babaeng ‘yan? B–Bakit ko siya kamukha?”Umupo si Will
Habang natutulog si Fatima sa sofa, si Giovanni at Sander ay tahimik na nag-uusap sa isang sulok ng kwarto. Dinig lang ang mahihinang tunog ng relo at malayong ugong ng mga sasakyan mula sa labas.“So, paano natin siya mahuhuli?”“Simple lang. Bibigyan natin siya ng dahilan para ipakita kung sino siya talaga.”“And paano natin gagawin ‘yon?”“Magpapanggap tayong wala tayong alam… at bibigyan natin siya ng impormasyon na hindi niya pwedeng palampasin.”Dahan-dahang ngumiti si Sander.“Hmm. Mukhang may ideya ka na. I like that.”Kinabukasan, habang nag-aalmusal sila, kunwaring walang alam si Giovanni at Sander.“May bago akong nalaman tungkol kay Mariella.”Napatingin si Fatima. “Ano ‘yun?” kaagad nitong tanong. “May lihim siyang safehouse sa may lumang pier. Ayon sa impormante natin, nandoon siya ngayon, mag-isa.”Sandaling napatigil si Fatima. Kahit sinubukan niyang magmukhang kalmado, hindi nakaligtas kay Giovanni at Sander ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa tinidor.“Sigurado
Ang abandonadong gusali sa gilid ng riles, kasalukuyang nilalamon ng apoy.Habang patuloy ang pagkalat ng apoy, mabilis na tumakbo si Giovanni papunta sa gumuhong bahagi ng gusali. Nasa likuran niya si Sander, habang ang mga pulis at bumbero ay kararating pa lang.“Giovanni, putcha, hindi ka seryoso— pasukin mo ‘yan? Nasusunog ‘yan, gago!” hindi makapaniwalang sambit ni Sander.“Kung nandoon si Fatima, wala na akong pakialam sa apoy!”“Hintayin mo na lang ang bumbero! Baka mapahamak ka pa!”Sa kabila ng babala ni Sander, pumasok si Giovanni sa loob ng gusali. Makapal ang usok, at hirap siyang huminga.Pagdating niya sa loob, nakita niya ang mga gumuhong dingding at nasusunog na sahig.Sa gitna ng guho, may nakita siyang isang katawan— isang babaeng nakasuot ng puting blouse, duguan at halos natabunan ng debris.Huminto ang mundo ni Giovanni.Lumapit siya, nanginginig ang mga kamay, at tinanggal ang ilang piraso ng semento sa ibabaw ng katawan.Pagtingin niya sa mukha ng babae—Hindi i
Sa gitna ng warehouse, nakatayo sina Giovanni at Sander, napapalibutan ng mga tauhan ni William. Sa itaas ng balcony, nakangisi si Mariella habang hawak ang detonator, habang ang boses ni William ay patuloy na umaalingawngaw mula sa intercom.Sa harapan nila, nakabagsak ang katawan ng babaeng kamukha ni Fatima. Isang bangkay.Damn it… Ano ‘to? Isang panlilinlang na naman? Hindi ito si Fatima. Binabaliw na naman siya ng ama niya.Alam ni Giovanni na hindi sila basta-bastang makakalaban sa sitwasyong ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala— or at least, ang atensyon— ni Mariella.Tumayo ng diretso si Giovanni, tinaasan ng kilay si Mariella. ‘You know, Mariella, hindi mo na kailangan ng lahat ng ‘to. Alam kong matalino ka— mas matalino ka sa lahat ng tauhan dito. Pero ang tanong ko…” naglakad siya nang bahagya, kahit tinutukan siya ng baril ng mga tauhan ni William. “Gaano mo talaga kakilala si William?”Napakunot ang noo ni Mariella.“Ano’ng ibig mong sabihin?”Umiling si Giovanni na ma
Matapos makuha ni Giovanni ang impormasyon mula kay Mariella, hindi na nag-aksaya ng oras ang dalawa. Agad nilang pinatagal ang plano upang makarating sa abandoned mansion na nagsisilbing taguan ni William. Sinalo ni Mariella ang mga kagamitan, at pinangunahan ni Giovanni ang pagda-drive, mabilis nilang tinahak ang madilim na kalsada patungo sa lugar na iyon.Habang binabaybay nila ang daan, naramdaman ni Giovanni ang kabang dulot ng pagsagupa nila kay William. Alam niyang may mga pangyayari na hindi pa nila natutugunan— at ang presensya ni Mariella bilang kapwa kaaway ay isang patibong, pero ngayon, nagkaroon siya ng pagkakataon na magtulungan. Tila napagod na si Giovanni sa pagtatago ng galit at galit sa ama, kaya't iniwasan na niyang pagtuunan pa ng pansin si Mariella sa ngayon.Nagmamadaling binabaybay ni Giovanni ang kalsada, hindi na tinitingnan ang babae sa tabi niya. “Mariella, kung may pagkakataon kang magtulungan, kunin mo na. Huwag mong gawing dahilan ang paghihiganti mo ka
Nang makita nila si William na nagtatago sa likod ng isang malaking metal na mesa, nagdesisyon si Giovanni na hindi na mag-aksaya pa ng oras sa labanan. Sa halip, nais niyang tapusin na ito sa paraang makakakuha sila ng impormasyon mula kay William at matapos ang laban nang buo. Kinuha niya ang pagkakataon, tumayo mula sa kanyang kinalalagyan, at tinutok ang baril kay William.“Daddy! Tama na! Hindi ka na makakatakas. Lumabas ka na at sumuko bago pa makapasok ang mga tauhan ko. Wala ka nang kawala ngayon!”Nanatiling tahimik sa loob ng silid. Ang usok mula sa grenade ay unti-unting nawawala, kaya't mas malinaw nang makikita ang silid, pati na rin si William na ngayon ay nakatago pa rin. Hindi siya tumutugon agad, pero maaari mong makita ang tensyon sa bawat galaw niya. Sa isang iglap, naramdaman ni Giovanni ang lakas ng presensya ni William– alam niyang hindi magiging madali ang huling bahagi ng laban na ito.Itinutok ni Giovanni ang baril, mas humigpit ang hawak niya rito. “Huwag mon
Habang nagmamadali silang lumabas ng bahay, ang mga yabag ng mga kalaban mula sa dilim ay patuloy na lumalapit. Si Giovanni at ang kanyang grupo ay handa nang makipaglaban. Ang mga mata nila ay puno ng determinasyon at takot—alam nilang bawat galaw ay magdudulot ng buhay o kamatayan.Ngunit, bigla na lamang, may mga kalalakihan na sumulpot mula sa dilim. Lahat sila ay nakaitim, ang mga mukha ay tinatakpan ng mga sombrero at bandana. Agad na nagbanta sa kanila ang presensya ng mga lalaki—ang mga kalaban ba ay dumating na nang buo?"Mga kalaban!" sigaw ni Giovanni, sabay hawak sa kanyang baril. "Maghanda kayo!"Ang mga mata ni Fatima, Mariella, at Sander ay naging alerto. Tumigil sila sa kanilang mga hakbang at naghanda ng kanilang mga armas, ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa mga kalalakihan, isang pamilyar na tinig ang narinig nila mula sa likod."Giovanni, itigil mo na!" sigaw ng isang lalaki na pumasok mula sa madilim na bahagi ng bahay. "Hindi kami kalaban!"Nagulat si Giovann
Ang malamlam na gabi ay nagbigay daan sa isang hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari. Mabilis na tumakbo si Giovanni at ang kanyang grupo—si Mariella, Fatima, at Sander—pabalik sa kanilang bahay, ang bawat hakbang ay puno ng kaba at tensyon. Iniisip ni Giovanni ang kaligtasan ng kanyang anak na si Marcus, at ang takot na may mangyaring masama sa kanilang pamilya. Kung hindi sila magmamadali, maaaring huli na ang lahat.Habang naglalakad sila, ang malamig na hangin ay sumasabay sa takot na umaabot mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang mga daliri. Minsan lang siyang magmadali, at ngayon, tila ang bawat minuto ay may buhay at kamatayan na nakataya. Hindi maitatanggi, ang galit at pagkabigo ay sabayang sumasabog sa kanyang isipan. Kung hindi siya nagmadali, hindi lang ang buhay niya ang mawawala, kundi pati na ang pamilya niyang matagal na niyang pinangarap protektahan."Giovanni, kailangan nating magmadali," sabi ni Mariella, habang ang mga mata nito ay nagmamasid sa paligid, til
Samantala si Mariella ay aksidenteng narinig ang pinag-uusapan ng mga taong na utos sa kaniya na patayin si Giovanni. Ang totoo pa lang motibo nito ay para makuha ang kompanya ng Samniego, at patayin pati na rin siya.Habang naglalakad si Mariella sa madilim na kalsada, ang mga saloobin niya ay gumugulo sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig—ang mga plano ng mga tao na nag-utos sa kanya na patayin si Giovanni. Hindi lang siya ang target nila. Gamit ang kanyang mga alyado, ang layunin nila ay ang kunin ang buong kompanya ng Samniego, at pagkatapos, tiyak na siya na rin ang kanilang tatapusin. Ang mga mata ni Mariella ay sumabog sa galit at takot. Paano niya nalaman ang mga lihim na ito? Bakit kailangan nilang gawin ito sa kanya at kay Giovanni?"Ang plano mo, Giovanni... hindi ko na kayang maging bahagi nito," bulong niya sa sarili habang mabilis na naglalakad, ang puso ay kumakalampag sa kaba.Naisip niyang kailangan niyang makita si Giovanni, para maipaliwanag
Habang iniisip ni Giovanni ang mga saloobin, nagpatuloy si Mariella sa pagtayo, hindi alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin. Nang biglang may narinig silang tunog ng mga yabag sa labas ng kwarto. Isang seryosong tinig ang dumaan sa silid, at napansin nilang may mga anino na dumadaan sa bintana.Giovanni ay mabilis na tumayo at naglakad papunta sa pinto, pinansin ang tensyon sa hangin. “Nandiyan sila,” ang sabi niya, boses na may kalakip na galit. “I’m sure they’ve been watching us the whole time.”Mariella, na nagsimulang makaramdam ng kaba, ay sumunod kay Giovanni. "Sino sila? Anong gagawin natin?"Giovanni ay nakatingin sa bintana, ngunit hindi tumugon agad. Habang ang ingay sa labas ay lumalakas, natanaw niyang may mga armado na sumusugod sa gusali. "Hindi na nila tayo papakawalan, Mariella," sagot niya sa tono ng kalmado ngunit puno ng determination.Habang ang mga yabag ay naging mas malapit, napansin ni Mariella na ang mga armas ng mga pumasok ay hindi basta-basta. "Mas
Lumipas ang ilang araw, at natagpuan ni Mariella ang sarili niyang nakatayo sa harap ng isang lumang gusali sa downtown, ang unang lokasyon na ibinigay sa kanya ng grupo ni Valderama. Sa loob ng gusali, isang grupo ng mga tauhan ang naghihintay—mga operatiba na gagabay sa kanya para sa pagbabalik niya sa mundo ni Giovanni.Pagpasok niya, sinalubong siya ni Mr. Cortez, may hawak na isang itim na bag. “Dito nakalagay ang lahat ng kailangan mo—damit, pera, at isang bagong phone na may direktang koneksyon sa amin.”Kinuha ni Mariella ang bag at binuksan ito, tinitingnan ang laman. “At ano ang unang gagawin ko?”Ngumiti si Mr. Cortez. “Ang una mong hakbang? Sisiguraduhin mong makikita ka ni Giovanni sa isang sitwasyon kung saan wala siyang choice kundi tulungan ka.”Mariella ay ngumiti nang mapanukso. “At anong klaseng sitwasyon ‘yan?”"Isang pekeng ambush," sagot ni Mr. Cortez habang nag-abot ng isa pang folder. "Isang senaryo kung saan para kang target ng isang assassination attempt. Per
Samantala sa loob ng madilim at mabahong kulungan, nakaupo si Mariella sa isang sulok, nakataas ang isang paa sa bakal na kama habang abala sa pagtalim ng isang maliit na piraso ng kahoy gamit ang isang bato. Ang kanyang mukha ay puno ng inis at pagod. Matagal-tagal na rin siyang nakakulong, ngunit imbes na makisama sa iba, mas pinili niyang makipag-away."Hoy, Mariella," sigaw ng isang matabang preso na si Liza, ang lider ng grupo ng mga babae sa loob ng kulungan. "Balita ko, sinubukan mo na namang bumangga sa mga bantay kanina. Anong akala mo, ikaw ang reyna dito?"Mariella ay nagtaas ng tingin at sinamaan ng tingin si Liza. "At ano naman kung totoo? Mas gusto ko pang mabulok dito nang mag-isa kaysa makisama sa mga katulad niyo."Biglang tumawa si Liza, ngunit ito'y may halong panunuya. "Talaga? Eh, paano kung dumating ang araw na wala kang kakampi rito? Alam mo naman kung anong nangyayari sa mga walang proteksyon sa loob ng kulungan, di ba?"Napangisi si Mariella, itinapon ang pina
Back to normal na ang buhay ni Giovanni, balik siya sa kaniyang pagpapatakbo ng kompanya niya, habang si Fatima ay isang butihing housewife, at nag-aaral na ang kanilang anak na si MarcusIsang tahimik na umaga sa bahay nila. Sa likod ng malalaking bintana ng kanilang sala, kitang-kita ang masilayan ng araw na tumatama sa berdeng hardin. Si Giovanni ay nakaupo sa isang maluwang na mesa, nag-audit ng mga reports ng kompanyang patuloy niyang pinapalago. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ngunit may mga pagkakataon na ang kanyang mga mata ay napapadako kay Fatima, na abala sa paghuhugas ng mga pinggan sa kusina.Si Fatima, suot ang kanyang simpleng puting damit, ay naglalakad mula sa isang sulok ng kusina patungo sa isa, naghahanda ng agahan para kay Marcus. Naisip ni Giovanni kung gaano siya nagpapasalamat sa mga simpleng bagay sa buhay. Sa kabila ng mga komplikasyon ng nakaraan, nakatagpo siya ng kapayapaan sa simpleng buhay na mayroon sila ngayon.Habang abala si Fatima, biglang narinig
Habang patuloy na umiikot ang kasiyahan sa paligid nila, nakatayo si Giovanni sa tabi ni Fatima, ang kanyang braso ay nakayakap sa kanya, at ang kanilang anak na si Marcus ay nasa kanilang gilid. Ang hindi inaasahang pagdating ni William ay patuloy na gumugulo sa isipan ni Giovanni, ngunit alam niyang kailangan nilang magpatuloy. Mas malakas sila ngayon, magkasama.Luminga si Fatima kay Giovanni, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?" tanong niya nang malumanay, habang ang mga daliri niya ay dahan-dahang dumampi sa kanya.Tumango si Giovanni, kahit na may bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. "Oo, Fatima. Kailangan kong maging ayos. Para sa iyo, para kay Marcus... para sa ating hinaharap."Si Sander, na matagal nang nanonood mula sa malayo, ay lumapit sa kanila na may tahimik na ngiti. "Giovanni, Fatima, alam kong hindi madali ang bitawan ang nakaraan, pero ngayong gabi... ngayong gabi ay para sa inyo at sa inyong pamilya. Huwag ninyong hayaang mawalan ng liwanag
Dalawang taon ang nakalipas, at ang araw ng kasal ni Giovanni at Fatima ay muling sumik, puno ng pag-asa at pagmamahal. Ang simbahan ay napakaganda, puno ng mga bulaklak at dekorasyong sumasalamin sa kanilang paglalakbay. Ang mga kaibigan at pamilya, pati na rin ang mga taong tumulong at nagsuporta sa kanila, ay naroroon upang makiisa sa pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan.Si Giovanni, na nakatayo sa harap ng altar, ay malalim ang pag-iisip. Ang bawat hakbang na ginawa nila ni Fatima ay nagsilbing hakbang patungo sa isang bagong simula, at ngayon, narito siya, handang maglaan ng kanyang buong buhay para sa pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.Habang hinihintay nila ang pagdating ni Fatima, naramdaman ni Giovanni ang isang malalim na kaligayahan. Kasama ang kanilang anak na si Marcus, nakatayo siya sa harap ng simbahan, tinitingnan ang mga mata ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Tiningnan ni Giovanni si Sander, na nakangiti at tumango bilang tanda ng suporta."Giovanni, mal