IYON ang unang araw ng U-Fair kaya mas marami kaysa karaniwan ang mga tao sa quadrangle. Pagkatapos ng duty, lumabas siya ng canteen. May mahigit isang oras pa bago ang klase niya kaya ang next destination niya ay library. Nagulat pa siya nang bigla siyang lapitan ng dalawang lalaking parehong nakasuot ng ternong itim na pants at shirt.
“Sumam
NASA tagong bahagi ng SJU ang Dance room. Kahanay nito ang Music Room, Guildhall at Orchestra Room. Nasa pinaka-dulo ang pakay niyang silid. Sa labas palang ay niragasa na ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang itinulak pabukas ang glass door saka sumilip. Napangiti siya nang mabungaran si Dave na sumasayaw sa saliw ng kantang It's Gonna Be Me ng Nsync.
“DAD, himala maaga kayo ngayon” aniyang tinapik ang balikat ng amang inabutan niyang nagbabasa ng libro sa sala Biyernes ng gabi.Noon ibinaba ni John ang hawak nito. “Nasaan iyong motorbike mo? Bakit hindi ko nakikita sa garahe?” seryoso nitong tanong sa kanya. Napangiti siya saka naupo sa katapat na
MULI nanaman siyang naapektuhan ng sinabing iyon ng binata lalo’t dama niyang totoong panghihinayang ang kalakip ng sinabi nito. Pinilit niyang gawing normal ang tinig at nagtagumpay naman siya. “Eh wala naman akong party nun, wala kasi kaming pera” hindi niya tinitingnan si Dave pero sa sulok ng kanyang mga mata alam niyang nakatitig ito sa kanya. At iyon ang isa pang dahilan kung bakit m
“YOU know what, hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin kong ito pero minsan na tayo nagkasabay dito”nang hindi makatiis ay naisipan niyang sabihin sa dalaga. Pagkagaling sa SJU ay sa sementeryo sila nagtuloy. Gusto raw kasing dalawin ni Audace ang puntod
NANGmasulyapan ay kasama ay walang anuman niyang nakagat ang kanyang lowerlip saka wala sa loob siyang napangiti at tila nangangarap na nagsalita pero umiwas siya ng tingin sa binata. “Siyempre gusto ko gwapo, moreno, matangkad.
BIYERNES nang hapon nang palabasin siya ni Glenda sa dinning dahil sa dami ng kumakain. Ilang sandali narin siyang abala sa ginagawa nang mamataang pumasok sa loob ng kainan si Janna kasama ang dalawa pang kaibigan nito.Napuna niya ang matalim nitong titig sa kanya, pero minabuti niyang huwag nalang itong pansinin at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawang paglilinis n
TININGALA niya si Dave. Suminghot siya saka natawa ng mahina nang kurutin ng bahagya ng binata ang kanyang ilong. “You’re so pretty when you cry” anang binata kaya tuluyan na siyang napabungisngis. “saka isa pa matalino ka, iyon ang talagang dahilan kung bakit ka pumasa” paalala pa sa kanya ng binata sa tinig na tila nagsasabing wala siyang dapat ipagpasalamat dito.“If I could do anything for you, Dave. Just let me know” sa pagitan ng pagsinghot ay kanya pa
“ANO na nga palang nangyari kay Janna?”nasa sementeryo na sila noon at naglalakad papunta sa puntod nina Danica at Thelma. Pagkatapos ay tutuloy na sila kila Dave para sa practice ng sayaw.“Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sayo, nag-dropped na siya
NATAPOS ang kantapero nagpatuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Ilang sandali pagkatapos ay sinimulan ni Raphael na tuyuin ang kanyang mukha. Dahil doon ay nagkaroon siya ng chance na titigan ng husto ang maiitim na mata ng binata. Sa ganda ng mga iyon, mahihiya ang buwan at mga bituin sa madilim na kalangitan.“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat” ang binata na masuyong hinaplos ang kanyang mukha. Suminghot s
MALUGOD naman iyong tinanggap ng kanyang Daddy. “Ganoon rin ako, halika na sa loob sasamahan kita sa kwarto ni Louise” ani Ralph na nagpatiuna papasok sa loob na sinundan naman ni Arthur at maging ni Hilde.Ilang sandali lang at muli silang naiwan ni Dave. “Pagkatapos nito, wala ka ng ibang dapat gawin kundi asikasuhin ang kundisyon mo. Masaya ako para sayo” naramdaman niya sa tinig ng kaibigan ang sinabi nito.Ngumiti siya. “Salamat&rdq
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch. Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael
SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise.Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch
BASANG-BASA ang mukha niya matapos marinig ang kwento ng binata.“Sinabi ba niya kung bakit niya kami iniwan?”Noon hinawakan ni Raphael ang baba niya saka iniharap rito. &ldqu
NAPABUNGISNGIS doon ang binata.Tumayo ito saka inabot ang kanyang kamay, pagkatapos ay inikot siya ng parang sa sayaw na waltz. Natagpuan niya ang sariling yakap ng kanyang nobyo mula sa kanyang likuran. “Paano yan, ang sabi nila wala daw forever?” napasinghap siya nang maramdaman ang init ng hininga ng binata sa kanyang punong tainga.“M-Meron! Kas
“R-RAPHAEL?”nang mapagsino ang bultong nakatayo sa may pintuan palabas ng veranda ay parang binihusan ng malamig na tubig si Louise kaya mabilis na nawala ang kanyang antok. “k-kararating mo l-lang?” bahagya pa siyang pinanginigan ng tinig nang mapunang humahakbang ang binata palapit sa kanya.
“LET’S dance?” isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael. “H-Ha?” kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.“Come, ayokong matapos ang gabing ito
“IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay.Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo” nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon. Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.