Simula nung araw na sinabi sakin ni Hannah na nandito si Kuya sa US ay hindi na talaga ako mapakali. Pano ba naman, hindi talaga nila alam kung saan ako nakatira. Ang alam lang ng pamilya ko ay nag-aaral ako dito, yun lang at wala ng iba. Nabanggit din sakin ni Hannah na nagpunta si Kuya dito sa bahay kahapon. Nagkataon namang sinamahan ko si Sky sa mall. Kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira ay hindi ko din alam. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto at bumungad saakin si Hannah.
"Aali,ano ng balak mo? Magpapakita ka ba sa Kuya mo?" Halata sa boses niya ang pag aalala.
"Oo naman, bakit naman hindi? At isa pa, miss ko na rin naman si Kuya." Napapabuntong hininga kong sabi, totoo naman na nami miss ko ang Kuya ko. Pero lamang saakin ang pangamba sa tunay na sadya niya kung bakit siya andito. Ilang taon na rin ang lumipas mula nung umalis ako sa Pilipinas, mula noon ay hindi man lang ako umuwi. Simula din noon, bihira ko nalang din makausap si Kuya maging si Mommy at Daddy.
"Handa ka na ba sa kung anong sadya niya dito?" Walang alinlangang tanong niya saakin. Napaisip ako bigla. Handa na nga ba ko?
"Sa totoo lang, hindi. Pero kung ano man yun, bahala na. Ang importante makita at makausap ko ang Kuya ko." Pagpapakatotoo ko.
"Kung ganon, tawagan mo siya." Sabay abot niya sakin ng cellphone niya. Napatitig ako ng matagal bago ko iyon kinuha sakanya. Nung una, nagdadalawang isip pa akong tawagan siya. Sa totoo lang, lutang ang utak ko at isa pa hindi ko alam ang sasabihin. Makaraan ang ilang minuto ng pag mumuni-muni ay denial ko ang number niya.
"Hello? Oh Hannah?" sagot ng nasa kabilang linya. Pakiramdam ko ay huminto ang takbo ng mundo ko. Ang boses na ‘to, ilang taon kong hindi narinig. Ilang taon kong tiniis na hindi makasama ang taong nasa kabilang linya at hindi ko maiwasang hindi masaktan at makonsensya.
"Hannah, andyan ka ba?" sambit niya ng hindi ako sumagot.
"Kuya, it’s me." Yun lang ang nasabi ko, ramdam ang bumabara sa lalamunan ko. Naiiyak na ko. Sobrang miss ko na siya.
"Yuri Aaliyah, thank God you’ve called. How are you, Princess?" halata sa boses niya ang galak at tuwa.
"I’m fine Kuya, ikaw ba?" wala akong ibang masabi. Nailang ako sa kausap ko, na well infact kapatid ko naman. Bigla ay wala akong masabi.
"Can you meet me, Princess? Please. Sa makalawa ang flight ko pauwi ng Pilipinas." Nalungkot ako. Bat ang bilis naman yata.
"Sure Kuya, pumunta ka nalang dito sa bahay since alam mo naman na kung saan ako nakatira, diba? So pano? See you later? Dito ka nalang mag dinner." Excited kong pahayag.
"Okay. Bye."
Paakyat na sana ko para isauli ang phone ni Hannah ng makasalubong ko siya sa may hagdan. At aba ang bruha, grabe kung ngumiti. Mukhang may masamang binabalak.
"Oh, anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" natatawang tanong ko. Kumunot naman agad ang noo niya.
"Sis, kailan kayo magkikita ni Kuya Gab?" excited niyang tanong.
"Mamaya, dito siya sa bahay magdi- dinner."
"Kyaaaaah! Oh My God, magbibihis ako ng bongga." Tumatalon talon na aniya.
"Ay te, may date? Magtigil ka nga Hannah. Sinabi ko naman sayo, iba nalang wag si Kuya. Alam mo naman ang sitwasyon namin diba?" seryosong sabi ko sakanya. Bigla ay parang gusto kong bawiin ang sinabi. Bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko.
Noon pa man, crush na crush na talaga ni Hannah si Kuya. At lagi ko siyang pinagsasabihan na sa iba nalang dahil alam kong masasaktan lang siya at yun ang pinaka ayokong mangyari. Kung ano ang dahilan? Gaya ko ay ipapakasal din ang Kuya ko. Sa katunayan, ay ngayong taon na nga. Palapit na ng palapit ang bagay na kinakatakutan ko at kung maari nga lang ay huwag na sanang mangyari.
"Alam ko, hindi ba pwedeng i- enjoy ko muna yung mga ganitong pagkakataon habang hindi pa siya kasal? Aali, alam mo namang matagal ko ng gusto ang Kuya mo. Ni wala nga akong magawa para pigilan man lang yang lintik na kasal niyo na yan eh. Kahit ngayon lang. Just this once." Untag niya. Naiintindihan ko siya, kaya kahit labag sa loob ko ay hindi na ko kumontra. Alam kong alam niya kung hanggang saan lang ang limitasyon niya.
"Ano pa nga ba? Oh siya, sige na."
"Yay, I love you Sis." Pagkasabi niya non ay patalon siyang yumakap sakin kaya muntik na kaming matumba at mahulog sa hagdan.
Pagkalipas ng ilang sandali ay magkatulong kaming dalawa sa paghahanda ng dinner. Mas gusto ko kasing makasama ang Kuya ko sa tahimik at pribadong lugar. Namiss ko kasi ang mokong na yon. Hindi naman naming magawang mag asaran sa public place eh. Like hello? Nakakahiya naman. Pagkatapos naming ihanda ang mga pagkain ay sabay kaming umakyat ni Hannah para magbihis.
Maya maya lang ay may nag doorbell na kaya mabilis pa sa alas kwatro kaming bumaba sa sala. Pagbukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko pagkakita ko kay Kuya. SHOCKS! As in capital S-H-O-C-K-S. Ang laki ng pinagbago niya. Kuya ko ba talaga ‘to o model ng bench? Bago pa tuluyang tumulo ang laway ko sa pagka mangha ay yinakap ko siya ng mahigpit.
"Kuyaaaaaaa. I miss you." Umiiyak kong usal. Parang bata.
"Ssssshhh. I miss you more. Stop crying, ayokong nakikita kang umiiyak. I’m here now. Ikaw talaga, wala ka paring pinagbago. You’re such a cry baby." Natatawa niyang sabi at kumalas sa pagkakayakap namin. Pinunasan nia ang mga luha sa pisngi ko.
"Ehem." Inagaw ni Hannah ng atensyon namin. Linapitan naman siya ni Kuya at niyakap. At ang best friend ko naman, ayon tulala, pulang pula ang pisngi. Natawa naman ako.
"Kumusta ka na Hannah? Dalaga ka na ah." Ani Kuya.
"Oo nga Kuya eh, pwede mo na kong ligawan." Huh? Anong pinagsasabi nito ni Hannah?
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan." Natatawang biro ni Kuya.
"Tama na yan, kumain na muna tayo." Putol ko sakanilang dalawa.
Habang kumakain kami ay panay kulitan ng dalawa.
Hinayaan ko nalang muna, alam ko namang magkakausap naman kami ni Kuya mamaya. Isa pa, ngayon ko nalang ulit nakitang ganyan kasaya si Hannah. Noon pa man, alam ko ng gusto niya si Kuya. Hindi ko lang lubos maisip kung paano niya tinanggap na ikakasal si Kuya sa iba.Ipinagkasundo kami ni Kuya Gab sa magkapatid na Chua. ARRANGED MARRIAGE ang naging dahilan kung bakit ako umalis sa Pilipinas noon. 15 years old palang ako ng malaman kong ipapakasal kami ni Kuya sa kasosyo namin sa negosyo. Napagkasunduan ng mga Lolo at ng mga magulang namin na ipakasal kami para wala ng ibang mamahala sa negosyong pinaghirapan nila. Nakakatawa diba? Sa TV ko lang napapanuod ang mga ganyang bagay pero nangyayari pala sa totoong buhay. How cliché.
Ngayong taon ikakasal si Kuya sa panganay ng mga Chua. At sa susunod na taon, pagkatapos ng debut ko ay ako naman ang ikakasal. Ni hindi ko pa man lang nakikita ang taong papakasalan ko. Dumating na ang panahon na kinakatakutan ko, ang matali sa isang taong hindi ko gusto at ni hindi ko man lang kilala. At alam ko ding kaya nandito si Kuya ay para pauwiin ako sa Pilipinas. Ang balita ko ay sa November na ang kasal niya.
"Aali, akyat muna ako sa kwarto. Maiwan ko muna kayo." Nabalik ako sa sariling ulirat sa sinabi ni Hannah. Masyado na palang malalalim ang iniisip ko.
Pag akyat ni Hannah ay agad kong nilingon si Kuya at nagulat ako ng makitang nakangiti siya saakin.
"Kuya, kinakabahan ako. Bat ka nga ba nandito sa US?" tanong ko sakanya ng may mapanghusgang tingin. Diniretso ko na siya, ayoko ng magpaligoy ligoy pa.
"I attended a business conference, Princess." Sagot niya na hindi kapani paniwala.
"Yun lang? Kuya, please be honest with me. I know you’re up to something that’s why you’re here. Am I right? Imposible namang mahanap mo ang bahay ko ng ganon ganon lang at wala kang sadya. Sa ilang taon kong tumira dito sa, ni hindi ko nabanggit sainyo kung saan ako nakatira." Frustrated na usal ko.
"Okay. I’ll be honest. You need to go back to the Philippines." Sabi niya na nagpatigil sa mundo ko. Okay, disappointed but not surprised. Umaasa kasi akong hindi pa ito ang tamang oras. Hindi. Hindi pwede. Ayoko pa. Alam kong magsisimula na ang panibagong yugto ng buhay ko at hindi pa ko handa.
"I’m so sorry Aaliyah, but you need to go back to the Philippines. It’s about time to face reality, Princess. We need you there. Binigyan ka na namin ng panahon para sa sarili mo. Alam mong hindi naging madali samin ang paglayo mo lalong lalo na kay Mommy pero ibinigay namin sayo ang kalayaan na gusto at kailangan mo para hindi ka matulad saakin. Kung iisipin ay mas maswerte ka kumpara sakin. Yan ang lagi mong isipin." Mahabang paliwanag niya ng hindi ako sumagot sakanya.
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng matinding awa kay Kuya habang sinasabi niya yon. Tama siya, kumpara sakanya ay mas maswerte parin ako. Bilang panganay at lalaking anak ay maagang pinasok ni Kuya ang mundo ng negosyo. High School palang siya ay isinasama na siya ni Daddy sa mga business conference, seminar at gatherings. Hindi niya naranasang gumimik o gumala gaya ng pangkaraniwang teenager na laging nasa bar. Sa punto rin na ‘to, ay parang gusto kong sumunod sa gusto nila. Para sakanya, para sa Kuya ko.
"Okay, I’ll be home soon. Just give me more time." Napapabuntong hininga kong sabi habang nakayuko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko kung gaano siya kagulat sa sinabi ko.
"Really? Are you sure?" Di talaga siya makapaniwala. Nanlalaki talaga ang mga mata niya. Muntik na tuloy akong matawa. Haha. How cute.
"Ayaw mo ba Kuya? Madali lang naman akong kausap." Pananakot ko sakanya kaya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Natawa tuloy ako, wala paring pinagbago ang kapatid ko. Asar talo parin siya.
"Oo na, so pano? I’ll go ahead na. Just call me if you need anything. Lalo na kapag uuwi ka na. Okay?"
"Opo. I love you, Kuya." Naglalambing kong usal.
"I love you too, Princess. Ang hirap umuwi pag ganyang naglalambing ka. Be home, soon." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
Makaraan ang ilang minuto ay hinatid ko na siya sa gate. As usual, nag asaran na naman kaming magkapatid. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko rin alam kung tama ba ng naging desisyon ko sa pag payag na umuwi. Kahit naman kasing anong gawin ko, alam kong darating at darating ang araw na ‘to. Ang araw na kinakatakutan ko, ang araw na kailanman ay hindi ko hinangad. Ano kayang mangyayari sa pag uwi ko sa Pilipinas? Makikilala ko na kaya ang lalaking papakasalan ko? Ano kayang itsura at ugali niya? Haaaaaaaay. . . Ang hirap mag isip.
HANNAH’s POV Before anything else, I just want to introduce myself. I’m Hannah Andrea Sy, 17 years old at ako ang bestfriend ni Yuri Aaliyah Lee. High School palang kami ay magkaibigan na kami ni Aaliyah kaya naman alam namin ang takbo ng utak ng isa’t isa. 15 years old kami ng malaman niyang ipinagkasundo sila ng Kuya niya sa magkapatid na Chua. Simula noon ay napagdesisyon’an kong suportahan at samahan siya sa lahat ng bagay, kasama na nga rito ang pagpunta niya dito sa US. Ng malaman ni Aali ang tungkol sa kasunduan ay parang nagbago siya. Nasabi niya saakin na ayaw niyang tumupad sa usapan kaya lang wala naman daw siyang magagawa. Nasaktan din ako ng malaman ko ang tungkol ri
ADRIAN’s POV Kasalukuyan kaming naghihintay dito sa Airport. Kasama ko ang pamilya ko at ang pamilya ng mga Lee. Alam ko kung sino ang hinihintay namin dito, nasabi na sakin nila Mommy at ni Ate Lorraine nung nakaraang Linggo. Ano kaya ang itsura ng magiging fiancée ko? Oo, tanggap ko ng ikakasal ako sa ibang babae at hindi kay Abby. I admit, I have a girlfriend. We’ve been together for two years now. Nung nakaraang taon lang ay lumipat siya at ang kanyang pamilya sa France. Alam ko na simula palang na may ARRANGED MARRIAGE na magaganap. Noong napag usapan kasi iyon ay andoon ako mismo. Sa una ay nadismaya ako pero kalaunan ay unti unti ko na itong natatanggap. Wala rin naman kasi ako
AALIYAH’s POV Dalawang linggo na rin ang lumipas nung lumipat kami ni Adrian sa bahay na binigay saamin ng mga magulang namin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan pa naming gawin ‘to. Ang sabi naman sakin ni Kuya ay nangyari din daw ito sakanila ni Ate Lorraine. Sa katunayan ay hanggang ngayon nga ay nasa iisang bahay parin sila nakatira. Ganon pa man, magkahiwalay kami ng kwarto and worst, walang binigay saaming kasambahay. Kahit papano ay maayos naman ang pakikitungo namin ni Adrian sa isa’t isa. Kasalukuyan kaming naghahanda sa pagpasok sa School
ADRIAN’s POV Ng mag uwian ay agad hinanap ng mga mata ko si Aaliyah,kailangan ko kasi siyang turuang mag commute. Naisip ko kasi na hindi kami pwedeng palaging magkasamang pumasok at umuwi dahil baka makahalata ang mga tao. Isa pa, hassle yon sa part ko. Tuwing uwian kasi ay dumi diretso kami ng mga kaibigan ko sa kung saan saan, kadalasan ay sa mga bar.Palabas ako ng classroom ng biglang umingay sa labas. At dahil na curious ako ay dali dali akong lumabas.“OMG. Sila yung mga sikat na model sa Amerika. Tara lapitan natin. Magpa picture tayo.”
SKYLER’s POV I’ve heard what happened two days ago. Aaliyah is not the type of person who misses class for a day or two. I’m worried so I decided to call her but unfortunately, she did not pick up her phone. I badly miss her so much, I want to see her.Ever since the day we’ve met, I knew in my heart that she’s special. We’ve become best of friends and that’s the time she told me something about her. She’s engaged. That’s the reason why I cannot tell her what I really feel for her. Aaliyah is a type of person na pakiramdam mo perpekto. You couldn’t ask for more. When I heard na babalik siya dito sa Pilipinas,
AALIYAH’s POV It’s been a month. At sa isang buwan na yon ay medyo marami na rin ang nagbago. Mas nagiging malapit na kami ni Adrian to the point na hindi na awkward ang mag usap. Sa barkada naman ay parang aso’t pusa si Angelo at si Hannah, palaging nag aaway. Magdikit palang ang mga balat nila, ang sama na ng tingin nila sa isa’t isa. Si Skyler naman, kapansin pansin ang pagiging malapit saakin. Kung nasan ako ay nandoon din siya. Kaya hindi na nakapagtataka na masama ang tingin ng fan girls niya saakin. Kasalukuyan kaming naglalakad ng campus ng biglang may nagbigay ng bulaklak at tsokolate saamin ni Hannah. Bigla namang umalis ang mga nagbigay non. Weird.“Akin na nga yan.”Sabay na sabi ni Angelo at Skyler
ADRIAN’S POV Pagkaalis na pagkaalis ng mga magulang naming, kapansin pansin ang pagiging balisa ni Aaliyah. Mukhang malalim ang iniisip niya. Nagpunta ang mga magulang naminpara sabihin samin na matapos ang apat na buwan ay gaganapin na ang engagement party namin. Ng hindi ako makatiis ay lumapit na ako sakanya.“Hey, what’s wrong? What’s on your mind? C’mon, tell me.”“Adrian,
AALIYAH’s POV Kasalukuyan akong naghahanda ng breakfast namin ni Adrian, ang sabi ko kasi sakanya ay mas makakatipid kami kung magluluto nalang instead of ordering sa kung saan. Total naman ay maalam din ako sa pagluluto. Nagluto na rin ako ng pagkain namin for lunch, ewan ko lang kung magbabaon ‘to si Adrian.Naglalagay ako ng plato sa lamesa ng lumapit si Adrian, kinukusot kusot pa ang mga mata at mukhang wala pa sa huwisyo. Lumapit naman ako para mang asar. Naisip kong halikan siya sa pisngi, total ganon ang way of greeting sa US ay ganon na din ang nakasanayan ko. Kaso wrong move ata, nagulat siya at nangunot ang noo.“Sorry.”Usal ko at nagyuko n
ADRIAN’s POV Simula kahapon ay hindi na talaga ako mapakali. Matapos naming mag usap ni Abby ay hindi ko maiwasang mag isip ng mag isip. Kinabahan ako para sa sarili ko at para kay Aaliyah. I am very aware of what Abby is capable of. At ayokong madamay si Aaliyah doon. Andoon na rin ang takot na malaman ng parents ko ang tungkol saamin ni Abby. At dahil na din sa dami ng iniisip ko ay minabuti kong puntahan ang Ate ko. Kanina habang nag aalmusal kami ay sinabihan ko din si Aaliyah na pupunta kami sa bahay nila Ate at ganon nalang ang tuwa niya at makikita niya ulit ang Kuya niya. One thing that I admire about her, mababaw ang kaligyahan niya. Simpleng bagay o maliit na bagay lang ay masaya na siya. And seeing her like this makes my heart flutter. “Adrian.” sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Hindi ko namalayang malalim na naman pala ang iniisi
ADRIAN’s POV I’ve been thinking about this for a few weeks now. I need to talk to Abby and end things with her. After that surprised confession of Skyler to Aali, and seeing how she smile that time makes me crazy. I can’t afford to lose her, hindi pwede at hindi ko kaya. I want to keep her. She’s mine. Only Mine. And I don’t need to sort things out, one thing is for sure, I’m in love with Aaliyah. Magkakaganito ba naman ako kung hindi? I want her in my life forever. Para akong tang*ng nakatitig sa cellphone ko at malalim na nag iisip kung paano ko sisimulan ang pakikipag usap kay Abby. Ever since dumating sa buhay ko si Aaliyah ay bihira ko na talagan
SKYLER’s POV It’s a new day for me. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ang bagay na ni minsan hindi ko akalaing magagawa ko. I confessed my feelings to Aaliyah and damn, it feels so right. At last masasabi ko na, wala akong pagsisisihan. After that surprising confession yesterday, I saw her with Adrian and honestly, it kinda hurts. I imagined confessing my feeling to the Girl I love and after that, she’ll say “Yes, I will be your Girlfriend” but that didn’t happen. But it’s okay. I know my limits and I respect the fact that she’s already engaged. I skipped classes yesterday, gusto ko lang mapag isa. I never got
ADRIAN’s POV I woke up early to prepare our breakfast, nakaugalian ko na rin ang pagluluto sa umaga. As I have said before, I am a man of my words kaya kahit medyo nangangapa ay pinipilit ko parin. May mga pagkakataon pa nga na nag uunahan kami ni Aaliyah sa pagluluto. After a few minutes, she went down and kissed me on the cheeks. Ganon naman kami palagi, it is our normal way of greeting each other.We ate in silence and after that, we prepared ourselves for school. While on our way, napansin kong tahimik lang si Aaliyah. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako.“Hey. What’s wrong? Kanina ka pa tahimik.”Nag aalalang tanong ko.
SKYLER’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong gagawa ng move para kay Aaliyah. Aaminin kong na trigger ako sa ginawa ni Adrian kahapon. I know that he likes Aaliyah, kitang kita ko yon sa mga tingin at ngiti niya. I need toconfess para maging magaan rin sa pakiramdam ko. Matagal ko na rin tong tinago. I need to do something, kahit alam kong may nagmamay-ari na sakanya ay gagawa parin ako ng paraan para malaman niya. Tama si Angelo, okay lang mabigo as long as alam mong may ginawa ka. There’s no harm in trying ika nga. Right after that incident yesterday, hindi ko na nakita si Aaliyah at si Adrian. Baka umuwi na.
AALIYAH’s POV“I like you Aaliyah. You’re mine. ONLY MINE.”He said in between his kisses. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nalulunod sa ginagawa niya. Ni hindi ako makagalaw. Nakapikit lang ako habang patuloy lang siya sa ginagawa.“Ayokong mawala ka sakin. Mapapatay ko kung sino mang umagaw sayo. Keep that in mind. No one can ever steal you away from me.”Humahangos na sabi niya nung kumalas siya saglit sa ginagawa. Nagulat ako ng bigla niya akong inihiga sa backseat at nagpatuloy sa ginagawa. Halos mahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang kamay niyang tinatanggal ang butones ng blouse ko. Oh God.
AALIYAH’s POV Nang makarating kami sa parking lot ay pabagsak na binitawan ni Adrian ang kamay ko. Nagyuko naman agad ako ng ulo, kapag ganon ang gestures niya ay paniguradong inis or galit siya. Huhu. Ano na naman bang ginawa ko? Hindi pa nga kami nagkakaayos eh. Ano bang meron sa araw na to at parang puro naman yata bad vibes ang nasagap ko. Nangilabot naman ako ng bigla niyang hawakan ang balikat ko at ang baba ko para mapagpantay ang tingin namin.“Look at me.”Madiing utos niya na agad ko namang sinunod.“Don’t let anybody
AALIYAH’s POV It’s 6 o’clock in the evening and we’re on our way home. Laking pasalamat ko kay Adrian at dinala niya ko sa bahay nila Kuya. It’s been a while na rin kasi simula nung huli naming pagkikita at ngayon nalang kami nagkita ulit. Napangiti ako ng maalala ang mga bagay na pinag usapan namin ni Kuya. He talked about how caring and protective Adrian is. Yun kasi ang importante para sakin, bago ko pa siya makilala ay hiniling ko na sana ay may pagkakapareho sila ni Kuya ng ugali. Buti nalang talaga ay nagkakasundo kami ni Arian unlike those arranged couples na halatang pakitang tao lang. Well, we’re friends din naman kasi. Pagbaba namin sa kotse
ADRIAN’s POV Nasa biyahe na kami pauwi ng bahay ng maisipan kong pumunta sa bahay nila Ate Lorraine. Along the way pa naman kami kaya tumuloy na ako, kahit walang kasiguraduhan na andoon sila. Tahimik lang si Aaliyah habang nasa byahe, mukhang mine memorya na naman ang daan. Nangunot ang noo niya ng mapansin na ibang way ang tinutungo namin. Ganito siya palagi sa tuwing bibiyahe, palibhasa ay hindi niya alam ang mga lugar dito sa Maynila. Haayyyy. Bat ba ko nagkaroon ng napaka cute, napaka inosente at parang batang fiancée? With that in mind, natatawa na ako.“We’re here.”Anunsyo ko ng makarating kami sa tapat ng bahay nila Ate.