Umiling siya dahil baka panaginip lang iyon at nagnanasa lang siya. Tinignan niya sa labas at medyo maliwanag na . Kailangan na niyang bumaba para mag ehersisyo .Dahil baka kung ano pa ang maisip niya at hindi na mapigilan pa ang sarili tulad kagabi .Buhay na buhay ang kanyang pagkalalaki tuwing dumadantay sa kanya si Evie .Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nakatulog ng maayos . ''gising kana pala Drey .Pwede bang sabihan mo ng mga rules dito sa bahay ang asawa mo .Alam mo si papa ayaw niya ng makulit at ayaw niya ng madaldal at malikot '' napakamot nalang siya ng ulo dahil umagang umaga ang mommy niya ang bumungad .Makilala lang ng lolo niya si Evie lilipat na sila sa villa niya para doon sila tumira .Baka mabuking pa silang peke lang ang meron sila although totoo ang kasal nila pero ang pakikitungo nila sa isat isa ay walang totoo . ''mom hayaan niyo si Evie mag process ng lahat .Alam niyo naman kagagaling lang sa pagdadalamhati yung tao alangan naman biglain ko dahil l
Magkahawak kamay silang nagtungo sa sala .Kanina pa kinakabahan si Evie dahil narinig niya ang boses ng matanda kanina .Boses palang nito nakakatakot na . Mas lalo siyang natakot makita ang itsura nito mukha at boses palang ay talagang maiihi kana sa salawal . ''maupo kayo ..What have you done Dreymond diba sabi ko sayo ang anak ng mga Maxon o Broce '' kung ganito natatakot siya pero pagkarinig sa sinabi nito parang gusto niyang magsalita dahil ang mga apeyedong binabanggit niya ay ang mga apelyedong malapit sa kanya. Inilibot ang paningin sa sala .Nakatingin lang ang mga ito sa kanila . '' hindi man namin kasing yaman ang pamilyang sinabi niyo para kay Drey pero wala na kayong magagawa dahil mag asawa na kami .Tanggapin niyo man kami o hindi ayos lang '' isa pala sa kaibigan niya ang babaeng gustong ipaasawa kay Drey at isa pa ang pinsan nitong maldita . Nagulat ang lahat sa pagsagot niya at hindi nila iyon nagustuhan.Tanging si Cathy lang ang lihim na natuwa dahil pala sagot p
''hindi ko nagustuhan ang ugali ng asawa mo ?" ito na ang sinasabi niya pakitang tao ang kanyang lolo .May balak ito kung bakit naging mabait kay Evie . ''kaya maganda ang pakitungo ko sa babaeng iyon dahil alam kong kaya ka niyang bigyan ng anak at huwag mo na iyon patagalin .Gusto ko pag magkaroon ng anak ilayo muna siya dito '' napalunok nalang siya dahil itong ang kinatatakutan niya ang paki alam ang buhay na meron siya .Wala naman masama kung maghiwalay sila ng mas maaga dahil hindi totoo ang meron sa kanila pero ang hilingin niyang magkaroon sila ng anak ay parang hindi kayang ibigay ni Evie sa kanya . ''Tignan ko kung ano ang abot ng aming makakaya lo . ''sagot nito . ''huwag mong tignan dahil ako na mismo ang gagawa ng paraan para mas maagang magkaroon kayo ng anak ''mula sa labas ng opisina rinig na rinig ni Cathy ang usapan ng dalawa sa loob .Ito ang kinatatakutan niya mangyayari ulit kay Evie ang nangyari sa kanya noon .Nasa anak na niya kung kaya ba niya itong ipagla
Walang imik ang mag asawa hanggang sa nakarating sila sa bahay nila Evie .Muli binalot ng lungkot ang bahay .Pero para sa kanya nasa ibang bansa lang ang mga ito tulad ng ihatid niya sa airport bago sila mawala . ''ayos na ako dito '' ''sure ka ?'' nanatiling nakadikit ang mga labi saka tumango .Pigil na pigil ang iyak sa kanyang mga mata . '' sige pero sunduin kita mamaya dito may importante lang akong pupuntahan .'' ''sige ingat ka '' hinayaan lang ni Evie na halikan siya sa buhok .Wala siyang lakas magreklamo .Gusto na niyang umalis ito para mapag isa naman siya .Ilang oras niya lang nakilala ang mga pamilya ng Clarkson pakiramdam niya pagod na pagod na siya . Pagkaalis ni Drey agad siyang pumunta sa kwarto ng kanyang mga magulang .Gusto niyang tignan ang mga mahahalaga nilang gamit para kunin niya .Dahil balang araw magiging abandonado muna ang bahay dahil pag maghiwalay sila ni Drey lalayo na siya . Binilisan niyang maghalungkat sa mga drawer dahil baka mamaya meron na n
''kung ako sayo pinsan hayaan munang ako nalang ang magbayad niyan para sayo kasi mukhang wala ka talagang pambili nakakahiya '' ''hindi ko kailangan ng pera niyo Maureen.Kahit bayaran mo iyan hinding hindi ko kukunin'' galit nitong sagot . Nakakahiya na ang lagay niya ngayon .Mabuti nalang at umatras na ito kaya tumayo na siya . Buntong hininga siyang pumikit .Ito ang kauna unahang pinapahiya siya . Madaming tao na ang nakatingin sa kanila at dumating na rin ang security guard para akayin si Evie . Nagtataka siya kung bakit walang laman ang card nito samantala hindi naman niya nagagalaw ang perang ipon niya . ''ikulong iyan balak pa talagang mang scam ng babaeng iyan '' duro ng manager sa kanya . ''hindi makatao iyang ginagawa niyo .Porket out of balance ang card mang scam na .Kung sana kinuha ko iyan at pinilit na kunin ganon ang scam .'' gusto pa niyang magsalita ng masasakita na salita kaso nagpipigil lang siya dahil baka lalong ma trigger ang kanyang sarili at mapatulan niy
''ahhh palpak ang plano natin Maureen '' kailangan ni Alexy mas painitin ang hidwaan nila ni Evie para sa huli siya ang magwawagi kay Dreymond.Kaya hindi siya gaano mag salita mamaya para mas mapasama si Maureen kay Dreymond pag oras na magsumbong ang binayaran niyang manager .Ang plano nila ni Maureen ay hindi nasunod dahil siya ang unang nakipag usap sa manager na kung pagdating ng sisihan si Maureen ang mananagot kay Dreymond. Sa tagal nilang magkaibigan ni Evie kilala na niya ito hindi nagpapatalo at matalinong mag isip alam nitong may plano sila pero gusto niyang mabasa ang lahat ng galaw ni Evie dahil medyo malihim ito sa ibang bagay . ''hindi ako papayag na ganun ganun lang gusto kong mapahiya si Evie lalo kay Don Domingo '' nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa kawalan .Hindi niya matanggap na kay Evie na naman ang taong gusto niya . Ang daming pagkakataon na lahat ng lalaking gusto niya ay kay Evie nagkakagusto .Maganda naman siya at marunong sa fashion pero pa
Tahimik lang ang lahat habang nagdidinner .Napansin ni Evie naiihiwalay ang mga babae sa mga lalaking Clarkson. ''ano kaya reason bakit ganito ?" bulalas ng kanyang isip .Wala siyang mood mag ingay dahil baka ma stress na naman niya ang mga lalaking Clarkson.Gaya ng nakaraan muntik na siyang masaktan dahil sa pagiging pala sagot niya .Hanggat walang nagsasalita hindi muna siya magsalita .Natatawa ang loob loob niya dahil ito ang gustong maging pamilya nila Maureen at Alexy .Parehas pa naman niyang mga taong tiki tiki ang mga iyon . '' Evie bakit hindi mo pa bigyan ng anak si Dreymond?" muntik na siyang mabilaukan sa tanong ng Don .Wala sa usapan ang anak kaya nagulat siya . Tumingin lang sa kanya si Dreymond at kumindat alam na niya kung ano ibig sabihin nito . Medyo nawindang ang kanyang utak sa tanong . '' darating kami dyan lolo .Sinusubukan na po namin gumawa at sana soonest meron na '' tila hindi inaasahan ni Drey ang sagot ni Evie parang totoo ito kung magsalita .Natataw
'' ikaw ?" nilukot ni Evie ang namumungay niyang mata dahil malabo ang tingin niya sa lalaking nasa harapan niya . ''ako ito just sleep na '' hindi naman niya mapalitan ng damit si Evie dahil nag aalinlangan siyang tanggalin ang amoy alak nitong suot . ''your back '' kunot noo niyang tinitigan ang asawa niyang nagsasalita . ''binalikan mo ba ako ''saad nito sabay haplos ni Evie sa kanyang mukha . Napalunok nalang siya ng biglang bumangon ito at hinalikan siya sa labi . Naiintindihan naman niya dahil dala lang siguro ng kalasingan kaya wala itong huwisyo .Pinigilan niya ito at nilayo lalaki siyang sanay sa se* at baka hindi niya kayang magtimpi ay samantalahin niya ang pagiging aggresibo ni Evie ngayon .Pero dahil may kasunduan sila hindi siya pwedeng ma blangko sa pang aakit nito .Ayaw niyang mabuntis o may mangyari sa kanila na lasing ito dahil baka sa huli isisis lahat sa kanya . ''pati ba naman ikaw iiwan mo ako ulit '' naiiyak nitong salita habang lumayo at umupo sa kama .N
Hindi mapakali si Cathy matapos marinig ang buong ganap sa mansion .Nasaktan siya para kay Evie na walang kalaban laban sa mga ito . ''wala ka man lang ginawa Danny habang pinapahirapan si Evie ?" ''wala akong nagawa dahil nabigla din ako sa video na pinakita ni Alexy . Ang laswa at di ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Evie '' huli nang maisip niya si Dreymond.Hinanap niya sa buong daan si Evie dahil kakaalis niya lang ito at malakas pa ang ulan kaya nag aalala siya dahil may sugat pa ito dala ng asido na tumalsik sa kanyang mukha at katawan . ''nakita mo ba ang mukha ng lalaki '' tanong nito . Kailangan nilang malaman kung sino ang lalaking iyon para kumpirmahin kung totoo ba ang ganap sa kanila . ''no '' mabilis nitong sagot . ''so bakit naniwala ka .Alam mo naman ngayon maraming pekeng imbento at nagagawa ng technology.Malay mo thats tampered '' napakuyom siya ng kamao dahil may punto ang asawa niya .Pwedeng gawa gawa lang na video iyon gaya ng mga larawan . ''hi
''niloloko lang kayo ng babaeng iyan tito .Naging kaibigan ko ang malandi na iyan at bata palang kami alam kona ang kalandian na meron sa babaeng iyan'' nagulat ang lahat sa biglang pagdating ni Alexy . ''at ano naman ang ginagawa mo dito ?" galit na tanong ni Danny isa pa itong anak ni Andress pang gulo. ''panoorin niyo nalang ang laman ng video na para kayo ang humusga at maniwala na naniniwala akong totoo ang lahat ng sinabi ko !! '' mali ang nadala niyang clip hindi nakita ang mukha ng lalaki sa video pero mukha ni Evie lang ang nakikita dito .Nasa flashdrive niya ang buong video at ito palang ang napanoon niya dahil sa tuwa na nakikita si Evie sarap na sarap sa nangyayari sa kanila ng lalaking kaniig nito . Isa isang nanonood ang mga Clarkson sa cellphone ni Alexy at nanlumo sila sa nakikita hindi nila lubos maisip na isang anghel da anyo ang meron si Evie yon pala isang malanding babae. Nanggagalaiti sa galit si Danny kinampihan niya ito dahil akala niya pakana lang ang
''nasaan si Evie ?" galit na tanong ni Danny . Naalala niya nagpaalam pala si Evie kanina para kumain . ''bakit kaba galit na galit ka kay Evie ?" tanong ni Cathy sa asawa nito .Hindi sumagot si Danny dahil mukhang walang paki alam ang asawa nito . ''kung ang larawan na pinakita sayo ng mga kapatid mo maniniwala ka ba .Damn Danny isipin mo muna anak natin bago ka magalit sa larawan na iyon at baka edit lang nila '' tama ang asawa niya baka edit lang iyon at gawa gawa ng mga taong gustong sirain ang relasyon nila Dreymond at Evie . Muling kumalma ang loob niya nang bigla na naman siyang nakatanggap ng mensahe at nakita niyang nakahiga si Evie at may katabi itong lalaki habang nakahalik sa leeg nito . ''Damn Cathy ito ba ang gawa gawa lang ''nagmadaling tinignan ni Cathy ang mga larawan .Dito naniniwala na siya dahil ang suot ni Evie ay siyang suot niya kanina bago umalis at nag paalam na kailangan niyang kumain sa labas . ''tawagan mo ngayon na !'' galit na singhal ni Danny
Pagkarating niya sa mansion ay agad niyang hinanap si Drey ngunit ayon sa mga katulong hindi pa ito umuuwi . Nagtaka siya kung bakit dahil tumawag ito kanina para sabihin na may pupuntahan silang dalawa . Naglibot libot muna siya sa hardin ng mansion para makalanghap ng mabangong amoy mula sa mga bulaklak nang biglang may nakita siyang matandang babae na tumakbo palayo . Susundan niya sana ng biglang may humila sa kanyang kamay . ''huwag mong subukan sundan . Pakiusap Evie hanggang sa loob ka lang ng mansion kung ayaw mong magalit si papa sayo '' naguguluhan siya sa byenan nitong babae .Hindi niya makuha kung ano ang gusto nitong sabihin .Napapatanong siya kung sino ang matandang babae na iyon . Napabuntong hininga siya at hinayaan lang niya ang byenan nitong hilain siya papunta sa loob ng mansion .Nakita niyang nagkakagulo ang mga katulong sa mansion na parang may hinahanap. ''mommy anong nangyayari bakit parang nagkakagulo ang mga katulong ?" hindi niya napigilang tanong di
''congatulation your five weeks pregnant'' napanganga siya dahil ang bilis ng panahon . Alam niyang nakuha ito sa unang pagtatalik nila ni Drey . Madami pang sinabi ang doktor sa kanya at may mga gamot siyang nireseta para lalong maging makapit ang baby kahit anong mangyari . Pagkalabas ng clinic ay sakto naman na naroon sa likod niya si Alxey mukhang sinusundan siya nito . Naramdaman niyang may nakasunod sa kanya kaya nadmadali siyang pumunta sa isang kanto ng hospital para taguan ito . Nang makita niyang palinga linga si Alexy kung saan siya nagsusuot ay napangisi siya . ''bakit mo ako sinusundan?" tanong niya sa sarili .Nakita niyang bumalik si Alexy sa pinanggalingan niyang clinic mabilis niyang nagpadala ng mensahe sa doktor .Mabuti nalang at naging classmate niya ito noon sa elementarya kaya kilala siya nito . ''what are you doing here Alexy ?" tanong ng doktora sa kanya . '' Dothy ano ang sadya ni Evie dito ?" ngumisi lang si Dothy tama pala ang mensahe ni Evie magtatanon
''kamusta Evie mag dalawang buwan na kayo ni Dreymond wala parin bang laman ?" nagpunas muna siya ng labi at saka ngumiti . Naiinis siya dahil minamadali ng mga ito na mabuntis samantalang hindi naman niya alam kung kailan ipagkakaloob ng diyos ang batang para sa kanila . ''wala pa po lo ,Pero sinusubukan na po namin ni Drey '' tila hindi nagustuhan ng Don ang kanyang sagot dahil hindi man lang ito tumingin sa kanya tila nawalan pa ito ng ganang kumain . Nakita niyang ngumisi ang ibang kapatid ng kanyang byenan . Nagulat siya sa biglang pagtapik ni Margie sa kanyang hita mula sa ilalim ng mahabang mesa .Medyo malayo sa kanya si Dreymond at silang mga babae ay naihialay sa mga lalaking Clarkson..Hindi niya mawari kung totoo ba itong nakikipagsimpatya sa kanya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon dahil tulad niya hindi pa ito buntis gayong isang taon na silang kasal ng isa sa mga Clarkson.Tanging ang ina lang ni Dreymond ang nakapagbigay ng anak . ''huwag mo ng isipin si lolo
'' kain kana mamaya na iyang trabaho '' kung titignan silang dalawa parang totoo na silang nagmamahalan .Pero ang totoo kailangan ni Evie sa Dreymond kung noon gusto na niyang makawala sa buhay nito pero ngayon kailangan niyang mapaibig na talaga ito para lahat ng gusto niya ay sundin ni Dreymond. ''may dumi ba sa mukha ko ?" tanong nito sa kanya . ''wala naman ..Iniisip ko lang ang kasunduan natin '' ''huwag mong isipin iyon .Ang isipin mo tayo kung paano magkababy '' napapikit nalang siya habang abala si Drey sa paghalik sa kanyang leeg . Alam na niya kung saan patutungo ang paghalik na iyon dahil habang palapit sila sa bookshelf ay nanatili parin itong nakahalik sa leeg niya habang ang dalawa nitong kamay ay nakahawak sa dalawa niyang dibdib .Pagkabukas ng secret room ay agad silang pumasok at kusa na itong nagsara .Pinaharap ni Dreymond si Evie saka hinalikan ito sa labi .Hindi niya mapigilan ang sarili pag nakikita niya si Evie kaya kaninang nalanghap niya ang pabango nito
''mister Pabio ?" kulang atakihin sa puso si Andress dahil sa gulat .Nagtataka siya kung paano nakapasok ang mga lalaki sa kanilang bahay .Gayong mga mga tauhan siya sa labas . ''huwag mo ng hanapin ang mga tauhan mo tulog na '' "sino kayo?" wala siyang sagot na narinig mula sa lalaking bigla bigla nalang pumasok sa kanilang bahay .Mag isa siya ngayon dahil ang anak niyang si Alexy ay nasa ibang bansa para dumalo sa isang event na gaganapin doon ng isang kilalang kompanya.Pagkakataon niya rin makausap ang Don dahil napag alaman nilang isa ito sa mga bigating bisita na dadalo ang tanging kasama niya lamang ay mga tauhan niya ngunit wala pala silbi ang mga ito . "saan niyo ako dadalhin !" kahit anong pagpupumiglas ay hindi siya makawala sa dalawang lalaking bigla nalang siya hilain palabas ng bahay .Nakita niya ang mga tauhan niyang mga tulog sa sahig kaya lalo siyang natakot dahil baka kung ano ang gawin ng mga ito sa kanya ."pasok kung ayaw mong basag ang bungo mo "dahil sa t
'' ano pala ang reason bakit gusto niyong makipagkita ninong?" tanong ni Evie pero hindi nakikinig si Andress dahil nakatingin siya sa mga bodyguard nito na nasa likod lang ni Evie . Napansin naman niya na balisa ang ninong nito at hindi mapakali at alam na niya ang rason .Pumayag siya sa pinadala ni Dreymond na bodyguard dahil ayon kay Drey wala siyang tiwala sa kahit sino man para sa kanyang kaligtasan at ganon din siya dahil alam niyang siya ang target ng mga pumatay sa kanyang mga magulang dahil kung hindi tinaya ng kanyang ama't ina ang katawan ay baka siya ang wala ngayon .Pero alam niyang kahit namatay siya ay isusunod ang kanyang magulang dahil may mga taong gusto silang mawala at may dalawang rason lang .Ang kayamanan ng mga Maxon na para sa ina niya sana at ang pagiging Clarkson niya . ''kamusta pala ang buhay mo sa mga Clarkson iha ?" nag isip muna siya bago sumagot kailangan niyang magsabi ng magandang pangyayari sa mga Clarkson para lalo maakit ang mga ito . ''ayos