Bumalikwas ng pagkaka higa si Cheska at patakbong tinahak ang banyo ng kanilang kwarto ng makaramdam sya ng pagduduwal.
Sa hindi malamang dahilan ay tila ba pagod na pagod ang kanyang katawan kahit wala naman syang ginawa at wala syang ibang gustong gawin ngayong araw kundi matulog.
Tinignan nya ang sarili sa salamin. Napabayaan nya na ang kanyang sarili, namumutla sya ngayon dulot ng stress.
“You need to take care of yourself Cheska. Hindi ka pwedeng mag mukhang losyang sa Harap ni Nico” paalala nya sa sarili habang naka tingin sa reflection nya sa salamin.
Nag hilamos sya at nag ayos. Alam nyang hindi mag tra trabaho ngayon si Nico dahil uuwi ang mga magulang nito na galing sa business trip sa Los Angeles.
Matapos nyang mag ayos ay lumabas na sya sa kwarto nilang mag asawa. Pababa palang sya sa hagdanan ay rinig nya na ang isang familiar na boses kausap ang magulang ni Nico.
“Does Cheska already know that truth?” natigilan sya sa pag lakad patungo sa sala ng mansion ng marinig nya ang kanyang pangalan.
“Ano ang dapat kong malaman?” Hindi napigilan ni Cheska na mag tanong mula sa malayo. Nag simula na syang humakbang papalapit sa kanila.
Natigilan si Karina sa pag sasalita ng makita sya at tila ba lahat sila ay namutla at naka kita ng multo.
“Oh she’s already here!” masayang sigaw ni Karina at ngumiti ng platic. Alam ni Cheska ang uri ng ngiti na ‘yon dahil dati nyang kaibigan ito. Hindi maganda ang naging pag ka kaibigan nilang dalawa dahil nagkagusto sya kay Nico and she tried to seduce him dahilan kung bakit nagkaroon ng alitan ang dalawa.
“Cheska…” tawag sa kanya ng Ina ni Nico. Hindi nya ito pinansin at may matang mapag tanong na bumaling kay Nico. Halatang nag aalinlangan ito at para bang hindi mapakali ang asawa sa kinatatayuan but he still manage pull a blank expression.
“Ano ang dapat kong malaman?” Pag uulit nyang tanong. Hindi inaalis ang tingin kay Nico kahit umiwas na ito ng tingin kay Cheska. Gusto nyang mang galing kay Nico ang sagot. Nakita nya ang pa simpleng pag haklit ni Karina sa braso ni Nico.
Nanginginig si Cheska at hindi maka hinga and she hate this feeling.
“Karina is pregnant…” sagot ng ama ni Nico. Huminto saglit ang matandang lalaki sa sasabihin.
“Nico is the father of the baby”
Napako si Cheska sa kanyang kinatatayuan. Hindi alam kung ano ang gagawin, ano ang naiisip o ano ang mararamdaman nya. Kaya ba gusto nitong makipag hiwalay sa kanya dahil na buntis nya si Karina?
Tumingin sya sa asawa. Nakayuko ito at bagsak na ang mga balikat. Nanghihina syang naglakad palapit sa asawa. Nangilid ang luha nya.
Namamawis ang kamay nyang hinawakan ang mukha ng asawa at ini angat. There eyes met. Umigting ang panga ni Nico.
Nanlalabo na ang mata ni Cheska. Gusto nyang tanungin si Nico. Gusto nyang kay Nico mismo manggaling ang sagot na hinahanap nya.
“Mahal, totoo ba?” tumango ito.
“Papayagan naman kitang maging masaya ka ng wala ako eh. Pero sana sinabi mo sa akin para hindi ako mukhang tangang pinag sisiksikan ko ang sarili ko sa’yo”
“Ang sakit lang eh! Ang buong akala ko ay sa akin mo gustong magka pamilya. Iyon ang pangarap natin dba? Iyon ang pinag dadasal natin noon! Mahal paano mo naman nagawa sa akin ito?” Gumuguho ang mundong wika ni Cheska.
“Kung ako kasi tatanungin hinding hindi ako matutukso kahit ano pa yan. Pagod kana ba sa akin? Pagod kana ba kahihintay kung kailan ako magiging ready ulit na bumuo tayo? Mag pahinga ka. Pagod kana bang maging mabuting asawa at am-a?! Mag pahinga ka! Mahal ganon ba kahirap ang hinihingi ko?”
Madaming gustong gawin si Cheska. Galit sya, oo pero ayaw nyang may mangyari kay Karina dahil sa galit nya. Baka mapaano pa ito at alam nya gaano kasakit mawalan ng anak.
Hindi naman ito gaya ng teleserye na gusto nyang sampalin at saktan ang Babae. One thing is for sure, parang hinigop lahat ang kanyang lakas.
Nanlalambot ang tuhod ni Cheska na napa luhod sa harap ni Karina. Rinig nya ang pag singhap ng Ina ni Nico. Bumuhos ang kanyang mga luha.
Alam nya kung gaano sya kaawa-awa ngayon at ayaw nyang kinakaawaan sya ng kung sino. Kaya nyang ibaba ang lahat para lang sa kanilang dalawa ng asawa. Kahit sya na ang mag Isang lumalaban para sa kanila maka sama lang si Nico.
Ang kanyang nanginginig na kamay na naka tuon sa sahig ay lumipat sa mga hita ni Karina. Para syang batang nag mamakaawa.
“Stand up Cheska!” Madiin na utos ni Nico na hindi nya pinansin. Hindi ito tatayo hanggat hindi nya nababawi ang asawa sa Babae.
Imposible ang lahat ng mga nangyayari. Hindi ito magagawa ni Nico. Magagawa sya nitong saktan pero sa hindi ganitong pamamaraan. Kilala nya ang asawa.
Nangangatal ang kanyang labi na tumingala upang makita si Mae.
“Nagmama kaawa ako sa’yo Mae. Kuni-n mo na ang lahat sa akin. H’wag lang si Nic-o” nauutal at lumuluhang ani nito.
Napa pikit ng mariin si Nico sa narinig kay Cheska.
“Pwede bang iba nalang…”
Dinaluhan sya ng Ina ni Nico na namumula din ang mata mula sa pagkakaiyak.
“Tumayo ka, anak” utos ng Ina ni Nico habang tinatayo si Cheska na nag mamatigas sa pagkakaluhod.
“Karina, may anak na kam-I”
“Cheska wala na kayong anak! Kailan mo ba matatanggap na patay na ang anak nyo!”
“KARINA!” malakas na sigaw ni Nico na nagpa dagundong sa buong mansyon.
“Dapat nga ako ang nag mamakaawa sayo na hiwalayan mo na si Nico dahil kailangan sya ng magiging anak namin Cheska. Isipin mo rin ang mga taong naka paligid sayo at hindi ang lagi mong nararamdaman. Stop being so selfish”
Matatawag ba na pagiging maka sarili ang hindi pagpaparaya sa taong mahal mo? Selfish ba ang taong ayaw masaktan?
“Hindi… Hindi ko pepermahan ang Divorce paper namin. Nanumpa sya sa akin Karina, ako ang sinumpaan nya”
“Sinumpaan ka, kasal kayo, oo! Ang kasal na ‘yon ay pagkakamali Cheska. Let’s just say experience lang ‘yong kasal na yon dahil para sa aming dalawa talaga ang bagay na ‘yon”
“Pakawalan mo na sya. Mag kakapamilya na kaming dalawa. Ayokong lumaking walang ama ang magiging anak ko”
Napalunok si Cheska. Paano naman sya? Paano syang nawalan na ng anak mawawalan pa ng asawa?
“Please ilayo nyo sa akin si Cheska, baka may mangyari pa sa anak namin ni Nico” madiim na pag uutos ni Karina na sampal para kay Cheska.
Masakit, nakaka durog, nakaka pagod.
Ilang araw na ang lumipas simula nang gumuho ang Mundo ni Cheska. Hindi nya alam ang kanyang gagawin at hanggang ngayon ay wala pa rin syang gana.Kung pwede lang syang matulog buong mag araw para ma ibsan ang sakit na nararamdaman nya ay ginawa nya na. Ngunit malabo dahil alam nyang hanggang panaginip ay pinapatay sya ng mga salitang binitawan ni Karina.Simula ng lumipat si Karina ay napapa aga na ang uwi ni Nico. Mas maaga pa sa pag uwi nya noong pinag bubuntis ni Cheska ang anak nila. Alam nyang mali na ikumpara ang sarili nya sa iba pero hindi maiwasan na gawin ito. Ibang-iba sa pinag samahan nila.“Babe, paabot ako ng towel please” rinig ni Cheska na pasigaw na utos ni Karina kay Nico sa kabilang kwarto.Rinig nya ang pag tigil ng agos ng tubig ng shower sa kabilang kwarto. Senyales na tapos na itong maligo.Tinitignan kaya ngayon ni Nico ang katawan ni Karina na punong puno ng admirasyon sa mata? Hindi nya maiwasang mapa tanong sa sarili na tila ba alam nya rin ang sagot.Hindi
CHESKA POVNagising ako ng maka aninag ng putting ilaw. Marahan kong iminulat ang aking mga mata ng makitang na sa Ibang lugar ako. Lugar kung saan ako natatakot bumalik muli.Tinanggal ko ang mga naka dikit sa kamay ko na mga aparatos at inaalalayan ko ang sarili na bumangon mula sa pag kaka higa.Bakit ako nandito? Kailan pa ako nandito? Ano ang nangyari? May sakit ba ako? Bakit parang may kulang sa akin?. Maraming katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.Dumapo ang tingin ko kay Nico na naka yuko sa gilid ng hospital bed at natutulog. Bakit sya andito? Hindi ba dapat ay binabantayan nya si Karina? Alam kaya nya na andito si Nico ngayon?Sa ilang araw na pag titiis ko ng sakit mula sa mga nalaman ko nasanay na ata ako at ngayon ay wala na akong ibang maramdaman. Hindi ko alam kung galit o sakit ang nararamdaman ko.Bumukas ang pinto at inuluwal non si Mia na mangiyak-ngiyak na sumigaw nang makita ako. Agad syang tumakbo at dinaluhan ako ng mahigpit na yakap.Dahil sa sigaw ni Mia
Hindi na nag aksaya ng oras si Cheska sa Hospital at kahit nanghihina ay buong lakas syang tumungo pauwi sa kanilang mansyon upang mag impake ng kanyang mga gamit. Wala na ata syang luha na mailuluha sa sakit ng kanyang nararamdaman. Ang buong mansyon ay tahimik habang tinatahak nya pababa ang hagdan. Ang mansyon ay isa sa mga naka kita ng kanyang pag dudusa at kahit kailan ay wala na syang balak bumalik dito. Wala na syang ibang naramdaman kundi ang sakit at ang hapdi sa puso na ang mansyon ang tanging naka saksi. Sa huling hakbang nya sa hagdan ay ang saktong pag pasok ni Nico na para bang may hinahanap. Magulo ang buhok nito na para bang sinabunutan ng kung sino. Natagpuan sya ng tingin ni Nico. Ang mga mata ay mapupungay at namumula. Dumapo ang tingin nya sa hawak ni Cheska na maleta. Parang pinag taksilan si Cheska ng kanyang sariling puso. Gusto nyang suntukin ang dibdib dahil paano nito nagawang maawa para kay Nico kung sya naman mismo
Nagising si Cheska ng marinig ang Isang lalaki na nag sasalita. Iminulat nya ang kanyang mata. Kahit masakit ang kanyang ulo ay pilit nyang ibinangon ang kanyang sarili. Pansin nya ang madaming aparatos sa gilid ng kama. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad syang napa hawak sa kanyang tyan. May kalakihan na ito.Tumingin sya sa isang lalaking naka talikod sa kanya. May kausap ito sa harap ng laptop. "Make sure that our production will increase more. By the way, cancel my scheduled meeting with Mr. Nico Enchavez""Ah" napadaing si Cheska sa sakit at nasapo nya ang kanyang ulo ng marinig ang sinabi ng lalaki. Napa tingin sa gawi nya si Renz at agad itong tumakbo nang makitang tila nahihirapan si Cheska. Lumapit sya sa Hospital bed upang daluhan sya. May kung ano 'rin syang pinindot na button. "Are you ok?" tanong ni Renz habang sinusuri ang buong katawan ni Cheska kung may masakit ba sa kanya. "Sino ka?" nag tata
After 5 years.Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Nico. "Ano nanamang ginagawa mo dito!? Hindi bat ang sabi ko ay h'wag kanang mag papakita sa akin!" nang gigigil na sigaw ni Carla. Ina ni Cheska. Kasalukuyan silang nasa sementeryo kung saan naka libing si Cheska at ang panganay na anak nila. Nakaluhod ito sa harap ng lapida ni Cheska ng maabutan sya ni Carla. Malinaw ang kanilang usapan noon na kahit kailan ay h'wag na syang magpapakita sa matanda matapos nitong malaman ang ginawa nitong pang tatarantado kay Cheska. Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nag hihilom sa sugat ng nakaraan na parang kahapon lang nangyari. "Paano mo naatim na dalhin ang sarili mo dito! Gayon'g ikaw ang dahilan kung bakit sya naka higa jan!" pag tuturo ng matanda sa lapida. Napipi ata si Nico at ni Isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig. Mukha syang miserable. Ang kanyang mga mata ay punong puno ng lun
Ilang araw na ang lumipas ngunit naka rehistro pa 'rin sa utak ni Cheska ang mukha ng estrangherong lalaki. "Earth to Cheska" bumalik sya sa kanyang huwisyo ng magsalita si Renz. "Huh?" walang kaalam alam nyang tanong. "Are you listening?" humalukipkip si Renz habang pinapanood syang tumango. "May urgent meeting kami sa Los Angeles at mamaya na ang flight ko. Gusto mo bang ihatid ko kayo ng Baguio-" pinutol nya si Renz. "I'm fine here. Mas better din siguro na mag stay kami dito" sagot ni Cheska. Ayos lang sila sa Condo. Oras na 'rin ata para tumira sila ng Manila, lalo na't laging nandito si Renz at gusto nila itong maka sama. "Are you sure? Gusto mo ba dito sa Condo o bili nalang tayo ng bahay dito sa manila"Agad umapila si Cheska. "H'wag na. Maganda din naman dito sa Condo" Napatingin ang dalawa kay Aden na papalabas sa kanyang kwarto naalimpungatan ito. "Are you leaving
Simula ng manganak si Cheska ay hindi na sya nagkaroon ng pagkakataon para gawin ang nag iisang gusto nya at 'yon ay ang mag trabaho.Nang sabihin nya ang balak nyang mga trabaho kay Renz noong sya ay nag bubuntis. Hindi sya nito pinayagan. Ani ng lalaki ay kaya nyang tustusan ang kanilang mga pangangailangan. At sobra sobra pa ang kinikita ng kompanya nya sa kanilang mga hinaharap na gastusin. Ngayong wala si Renz sa pilipinas ay naisipang humanap ni Cheska ng trabaho. Gusto nyang magkaroon ng experience sa pag tra-trabaho para hindi sya laging naka depende kay Renz. Nahihiya na 'rin ito sa lalaki dahil nakita nya kung paano ito mag puyat at ma stress. "Aden maiiwan ka muna kay Yaya , okay?" Malaki na ang anak kaya madali na itong bantayan."Saan ka pupunta mommy?" Inayos nya ang buhok ng Anak. "I'm going to find a work" mahinahong sagot nya. "But Dada doesn't want you to work po"Banayad syang ngumiti, "Don't tell to Dada okay?" pang kukumbinsi nya sa anak. Kumunot ang nuo ng
Ang akala ni Cheska ay magiging madugo ang kanyang interview dahil ang mismong CEO mismo nang kompanya ang gustong mag interview sa kanya. "Don't stare at me like that, baka matunaw ako"Umusli ng unti ang kilay ni Cheska sa narinig. Ang hangin ng lalaki! Sya nga itong kung maka tingin ay para bang hinuhubadan ang kaluluwa ni Cheska.Eh kaya lang naman nya tinititigan ang Lalaki ay dahil sa resemblo ng kanyang anak. Paano kaya nagawa ng panginoon makagawa ng mga ganitong klaseng mukha? Siguro ay madami 'rin ang kaparehong mukha ng anak dahil may hinahanap pa si Aden na lalaking kamukha nya. Sa isip-isip nya ay paano nalang kung dinala nya si Aden dito sa kompanya baka matuwa ang Bata kung makikita nya ang isa pang kamukha. Para lang silang pinag biyak na bunga. Pekeng umubo si Cheska. Abala pa rin ang lalaki sa pag titingin ng kanyang dokumento. Minsan-minsan naman ay pa simpleng sinisilip sya ni Nico tuwing inililibot ni Cheska ang kanyang paningin sa kabuuan ng office. Sumasak
Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang
Nagkamali si Cheska, nag kamali sya sa pag aakala na mas masakit ang kanyang naramdaman noong nag balik ang kanyang mga ala-ala. Mas may isasakit pa pala ngayong nalaman nya ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa gitna ng mga kasiyahan nyang nararamdaman ay ang tao namang nadudurog sa gitna ng kanyang mga ngiti. At isa na don ay ang kanyang kaibigan. Si Mia na tinuring nyang kapatid. Naka uwi na sya sa kanilang apartment. Wala sya sa kanyang sarili. Tumakas na ata ang kaluluwa nya sa kanyang katawan. Bumungad sa kanya ang kanilang katulong na nag aalala. "Ma'am, si Sir Renz po pala. Madalas na po ang pagiging balisa nya at pagiging matamlay. Hindi na rin po sya lumalabas ng kwarto para kumain." Nag aalalang sumbong ng katulong sa kanya. "Mag uusap nalang kami mamaya at h'wag kang mag alala... I'll make sure na kakain sya ngayong gabi" Nilagpasan ni Cheska ang katulong ko at tumungo sa Kusina upang uminom ng tubig. Sumama sa kanya ang katulong, ngayon ay may maliit na guhit ng n
Bakit lahat ng tao sa aking paligid ay may mga tinatagong sekreto? Ano pa ba ang mga hindi ko pa nalalaman. Ngayon ay nasa loob sya ng Taxi papunta sa tinitirahang Apartment ni Mia. Ewan ba nya sa kanyang katawan pero nakakaramdam pa rin sya ng malakas na tibok ng puso na parang may masamang mangyayari o ngayon o dahil ba sa mga nalaman nya kanina. Matapos nga ng mga nangyari kanina ay wala sya sa sarili na lumabas ng Mansion. "Matanda na si Mama... kahit anong pilit nyang bumangon mula sa sakit ay hindi na kakayanin ng kanyang katawan." Mahina nyang bulong sa loob ng sasakyan. Pala isipan pa rin sa kanya kung sino ang batang kasama ni Nico noong huli nya itong nakita sa Mall kasama ang Babae. Halata pa sa mukha nilang dalawa ang gulat na parang naka kita ng multo ng makita silang dalawa ni Aden. Hindi nya rin alam kung bakit nakakaramdam sya ng lukso ng dugo sa Bata na 'yon at hindi ipagkaka ila na kahawig nya ang batang 'yon at isa pa ay kung nabubuhay man si Chelsea tiyak na ka
Matapos ang mga nangyaring eksena kanina ay nag sabay si Nico at si Cheska papunta sa dati nilang tinitirahan. Kung saan nag simula ang lahat, kung saan sya naging masaya, malungkot, umiyak, at nasaktan. Walang iba kundi sa Mansion ng mga Enchavez. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daanan. Ang kanyang mga mata ay humupa na sa pag iyak. Kapag nakahanap naman ng tyempo si Nico ay sinusulyapan nya si Cheska. Umigting ang kanyang panga ng makitang nag pipigil iyak nanaman ang Babae at pilit itong tinatago sa kanya. Kalaunan ay nakarating na rin sila sa malaking gate ng Mansion. Kusa itong nag bukas. Nag simula nang kumabog ang puso ni Cheska. Hindi nya inaakalang babalik sya sa lugar na ito. Nang maayos nang naka parke ang kanilang sinasakyan ay nag dadalawang isip sya kung bababa ba sya o mananatili lang sa loob ng sasakyan dahil hindi pa sya handang harapin ang dati nyang mga in-laws. Napansin ito ni Nico kaya naman sya ang naunang bumaba u