Kanina pa hinihintay ni Cheska si Nico na pumasok ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Siguro ay nag uusap pa sila nang Babaeng yumakap sa kanya kanina. Sure si Cheska na nakita nya na ang Babae noon at sigurado rin syang may nakita syang litrato nya sa cellphone ni Renz ng aksidente nyang mabuksan ang gallery nito. Kanina pa tumutunog ang kanyang takong sa kakalakad nya sa kanilang opisina pabalik balik. Hindi na nga maramdaman ang sakit nang kanyang paa sa kalalakad. Bumukas ang pinto. Naka ngiti syang tumingin duon sa pag aakalang ang pumasok ay si Nico. Nadismaya sya nang makita si Hanna na naka taas ang kilay sa kanya. "Nasaan si Nico?" Tanong nito sa kanya. Nico? Bakit hindi nya tawagin Sir ang lalaki? "Nasa labas pa eh, bakit?" Isinara ni Hanna ang pinto at humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat si Cheska nang biglang hiklatin nang Babae ang kanyang buhok. "Aray!" Sigaw nya sa sakit. Ang mahaba at matalim na kuko ni Hanna ay bumabaon sa kanyang anit. Napa pi
Napag desisyonan ni Cheska na ipag paliban nya muna ang kanyang trabaho. Gusto nyang mag pahinga at parang sobra na ang pagod ng kanyang utak sa mga impormasyong nalalaman nya. Hindi pa nakaka tulong na sumasakit ang kanyang anit gawa ng pagkaka sabunot sa kanya ni Hanna kahapon. Nakaramdam sya ng kudlit na sakit sa kanyang utak ng maalala ang pangalan na sinabi ni Hanna, "Karina". Alam nyang narinig nya na ang pangalan na yan noon. Kung saan man ay hindi nya na maalala. Napa balikwas sya sa pag kakahiga nang makitang wala na si Aden sa kanyang tabi. Ang aga naman atang bumangon nang kanyang anak. Tumayo sya mula sa pagkaka higa at inayos ang kanyang kama. Wala na syang balak na mag hilamos bago lumabas dahil sila sila lang naman ang meron ngayon sa kanilang Condo. Pagbukas nya nang pintuan ay halos isara nya muli ang pinto nang kanyang kwarto nang makita si Renz. Nanlalaki ang mga mata ni Cheska sa gulat. Muli nyang binuksan ang pintuan sa pag babakasaling panaginip lang ang kany
"Ok kalang ba?" Tanong sa kanya ni Renz. Naka tingin lang sya sa kawalan at hindi nya alam kung saan sya huhugot ng mga salitang sasabihin. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan. Kanina lang nangyari ang insidenteng nakita nya si Nico pero bakit hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. "Anong ginawa mo sa akin Nico?" Gusto nyang itanong. Mag tatanghali na dapat ay nag sasaya sila ngayon ngunit naudlot ito dahil lang sa nakita nya ngayong araw. Nag rason nalang sya na masakit ang kanyang tyan dahil sa kinain nya sa restaurant kanina. "Ivy, are you listening?" Tawag sa kanya ni Renz. Wala syang ganang tumingin sa lalaki, na abala sa pagmamaneho. "You're not listening, don't you?"Hindi nya sinagot si Renz bagkus iba ang kanyang sinabi. "Drop me off in the overpass" utos nya nalang. Umarko ang kilay nang lalaki sa kanyang sinabi. Alam nya na mag tatanong ito kaya sinagot nya na agad. "Kukunin ko lang mga gamit ko office, after non ay uuwi na ako". "I can come
Basang basa na umuwi si Cheska sa kanilang Condo. Gulat na napa tingin sa kanya si Mercy nang makita ang kanyang kalagayan. "Ipasok mo si Aden sa kwarto" utos nya na tarantadang agad sinunod ni Mercy. Unang hinanap nang kanyang paningin si Renz. Alam nyang nag luluto ito ngayon dahil kadalasan nya itong ginagawa sa tuwing nasa Pilipinas sya. Nang hihinang tumungo sya sa kinaroroonan ni Renz, sa kusina. "Oh, nanjan kana pala. I cook your favorite-" Natigil sya sa sasabihin sa kanya nang makita ang basang katawan nya. "Sino ako?" Agad na tanong ni Cheska. "What do you mean?" Nag aalalang sabi ni Renz. Tinanggal nya ang kanyang apron at inilapag ito sa Isang gilid. Nag lakad ito palapit sa kanya na syang ikina atras nya. "Sino ako Renz!" Tumaas ang tono ng kanyang boses na ikina gulat si Renz. Nag tangka itong lapitan syang muli nang lalaki pero umatras ang hakbang nya. "Hanggang kailan mo ako itatago?!" Muli nyang sigaw na umalingawngaw ngaw sa buong condo. Ang gulat na mata n
"Tatanggapin ko kayo ni Aden, Cheska. Mamahalin ko kayong dalawa nang lubos at walang kulang-". Masakit. Bakit masakit na marinig ito mula kay Renz? Mga salitang gusto nyang marinig noon na manggaling kay Nico. Nag mamakaawa ang mga tingin ni Renz sa kanya at parang batang natatakot na maiwan nang isang Ina. Kumuyom ang mga kamay ni Cheska."Gusto kong maka alala, Renz tulungan mo ako."Nakaramdam ng kirot sa puso si Renz nang marinig ito kay Cheska. Alam nyang nasasaktan ngayon ang Babae at nasasaktan syang makitang nag kaka ganito ito. Handa na ba sya? Iiwan nya na ba si Renz kapag bumalik na nang tuluyan ang ala-ala ni Cheska, nangngamba ang kanyang puso. Ilang minutong hindi nakapag salita si Renz. Napa hilamos sya sa kanyang mukha, kung Mahal nya talaga si Cheska ay papatunayan nya ito. Papatunayan nya ang pag mamahal nya kay Cheska. Sasamahan nya ito sa hirap at sa ginhawa. Kung aalis man ang Babae sa kanyang pag kakahawak ay magiging masaya nalang sya para kay Cheska. Ang k
Nakatingin sa kawalan si Cheska kaya hindi nya na namalayan na naka uwi na pala sila. Kanina pa naka park ang kanilang sasakyan sa parking lot ng condo. Tumunog ang cellphone ni Renz kinuha nya ito nang makitang nag flash ang text ni Mercy. "Sir Renz, hindi po maka tulog si Aden kanina pa po kayo hinihintay at hinahanap" napa buntong hininga sya nang mabasa ang text ni Mercy. Sinilip nya si Cheska na parang wala sa sarili. Alam nyang ayaw muna umuwi ni Cheska sa kanilang Condo at gusto nya munang mapag isip isip at mapag isa. He clear his throat, "Cheska..." Tawag nya sa Babae. Ngayon ay masasabi nalang ni Nico na masakit din palang tawagin sa totoong pangalan ang Babae. Walang ganang napa lingon sa kanya si Cheska. Ang mga mata nito ay walang kahit anong bakas nang emosyon. "Mauna muna ako. Hindi raw maka tulog si Aden sabi ni Mercy. Alam kong ayaw mo pang umuwi, kung gusto mo dito ka muna. Sunduin nalang kita ulit mamaya kapag napatulog ko na si Aden, malalim na ang gabi kaya
Pinanood ni Renz sa Isang tago na poste na makasakay si Cheska sa loob ng elevator hanggang sa mag sara ito. Kanina nang umalis sya ay nakita nya si Nico sa Isang gilid, ngunit gusto nyang makapag usap muna ang dalawa dahil alam nyang ang pakay ni Nico ay si Cheska at bilang isang lalaki ay alam nya rin na hindi ito titigil hanggat hindi nya nakukuha ang sagot sa mga katanungan nya. Ngayon na nakita nya kung gaano nasaktan si Cheska ay gusto nya nang agawin ang Babae ng tuluyan mula sa lalaki. Kung pwede lang na sya nalang ang mahalin ni Cheska ay mas higit pa ang kaya nyang ibigay. Papasok na sana sa Elevator si Nico nang bigla syang mag salita. Umalis sya sa kanyang pinag tataguan at humakbang papalapit kay Nico. Napa hinto si Nico at tumingin sa kanya. Ang tingin ni Nico ay nanlulumo at pagod. "Winning her back again?" Sarkastiko nyang tanong kay Nico. Ang mga kilay ni Nico ay nagsalubong na para bang galit na galit sya sa kanya. Natawa si Renz ng masilayan ang nag babagang ma
Cheska Point of View. "Siguro kang ayos kalang?" Tanong ni Renz habang nag mamaneho. Napa buntong hininga ako. Hindi ko alam kung ilang beses nya ng akong tinanong kung ayos lang ba ako at kung ilang beses na akong tumango. Binaba ko ang aking binabasa at tumingin sa kanya. Nang mag tama ang aming tingin ay bigla syang nag iwas. Natawa ako sa reaksyon nya. What's the matter? Bakit simula ng halikan ko sya kagabi ay naging weird na sya. Sa pag kaka alam ko kasi ay hinahalikan nya ako noon pero sa nuo ko lang as as sign of respect. Alam kong kinakabahan ngayon si Renz dahil kanina nya pa ginugungun ang kanyang legs habang nag mamaneho. "Sa ating dalawa parang ikaw ang hindi maayos, Renz". Muli kong kinuha ang aking binabasa. Alam kong kapag papanoorin ko lang sya mag maneho ay mas lalo syang kakabahan. "Are your sure about your plan?" Tumango ako without even looking at him. Sigurado na ako sa plano ko. Hindi ako papayag na hindi ako makaka ganti at hahayaan ko lang ang mga taong s
Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang
Nagkamali si Cheska, nag kamali sya sa pag aakala na mas masakit ang kanyang naramdaman noong nag balik ang kanyang mga ala-ala. Mas may isasakit pa pala ngayong nalaman nya ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa gitna ng mga kasiyahan nyang nararamdaman ay ang tao namang nadudurog sa gitna ng kanyang mga ngiti. At isa na don ay ang kanyang kaibigan. Si Mia na tinuring nyang kapatid. Naka uwi na sya sa kanilang apartment. Wala sya sa kanyang sarili. Tumakas na ata ang kaluluwa nya sa kanyang katawan. Bumungad sa kanya ang kanilang katulong na nag aalala. "Ma'am, si Sir Renz po pala. Madalas na po ang pagiging balisa nya at pagiging matamlay. Hindi na rin po sya lumalabas ng kwarto para kumain." Nag aalalang sumbong ng katulong sa kanya. "Mag uusap nalang kami mamaya at h'wag kang mag alala... I'll make sure na kakain sya ngayong gabi" Nilagpasan ni Cheska ang katulong ko at tumungo sa Kusina upang uminom ng tubig. Sumama sa kanya ang katulong, ngayon ay may maliit na guhit ng n
Bakit lahat ng tao sa aking paligid ay may mga tinatagong sekreto? Ano pa ba ang mga hindi ko pa nalalaman. Ngayon ay nasa loob sya ng Taxi papunta sa tinitirahang Apartment ni Mia. Ewan ba nya sa kanyang katawan pero nakakaramdam pa rin sya ng malakas na tibok ng puso na parang may masamang mangyayari o ngayon o dahil ba sa mga nalaman nya kanina. Matapos nga ng mga nangyari kanina ay wala sya sa sarili na lumabas ng Mansion. "Matanda na si Mama... kahit anong pilit nyang bumangon mula sa sakit ay hindi na kakayanin ng kanyang katawan." Mahina nyang bulong sa loob ng sasakyan. Pala isipan pa rin sa kanya kung sino ang batang kasama ni Nico noong huli nya itong nakita sa Mall kasama ang Babae. Halata pa sa mukha nilang dalawa ang gulat na parang naka kita ng multo ng makita silang dalawa ni Aden. Hindi nya rin alam kung bakit nakakaramdam sya ng lukso ng dugo sa Bata na 'yon at hindi ipagkaka ila na kahawig nya ang batang 'yon at isa pa ay kung nabubuhay man si Chelsea tiyak na ka
Matapos ang mga nangyaring eksena kanina ay nag sabay si Nico at si Cheska papunta sa dati nilang tinitirahan. Kung saan nag simula ang lahat, kung saan sya naging masaya, malungkot, umiyak, at nasaktan. Walang iba kundi sa Mansion ng mga Enchavez. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daanan. Ang kanyang mga mata ay humupa na sa pag iyak. Kapag nakahanap naman ng tyempo si Nico ay sinusulyapan nya si Cheska. Umigting ang kanyang panga ng makitang nag pipigil iyak nanaman ang Babae at pilit itong tinatago sa kanya. Kalaunan ay nakarating na rin sila sa malaking gate ng Mansion. Kusa itong nag bukas. Nag simula nang kumabog ang puso ni Cheska. Hindi nya inaakalang babalik sya sa lugar na ito. Nang maayos nang naka parke ang kanilang sinasakyan ay nag dadalawang isip sya kung bababa ba sya o mananatili lang sa loob ng sasakyan dahil hindi pa sya handang harapin ang dati nyang mga in-laws. Napansin ito ni Nico kaya naman sya ang naunang bumaba u