Karina's Point of View. Nangangatal ang aking kamay na dinukot ang aking cellphone sa aking hand bag. Lintik na Henry yon! Ang sabi ko sa kanya ay patayin si Cheska pero bakit Buhay na Buhay itong naka tayo kanina sa conference room! At may gana pa ngang kunin ang share ng kanyang ama! Ilang segundo palang ay sinagot na ni Henry ang tawag ko sa kanya."Oh Karina may ipapa dispatsya ka nanaman ba-" Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin nang mag salita ako. Sa boses nya ay mukhang kagigising lang nya. "Hindi bat sinabi ko sayong iligpit mo ng maayos si Cheska! Bakit sya nandito ngayon! H'wag mong sabihing hindi mo sya pinatay?" Nang gigigil kong sabi. Namumuo ang pawis ngayon sa aking nuo hindi ko alam kung dahil ba sa init ng panahon o dahil sa init ng aking ulo. Natawa si Henry sa kabilang linya, "Hindi ba't pina imbestigahan ni Nico ang pagkamatay ng kanyang asawa?..." Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Oo nga't noong pinaligpit nya si Cheska ay nabalitaan ni Nico na wala
Pag pasok palang ni Cheska at ni Renz sa venue ng welcome party na sinet up nya para sa kanya ay bumungad na agad sa kanya ang madaming tao nag nag tatawanan. Karamihan sa mga yon ay mga baguhang investors at ang iba naman ay ang dating kaibigan ng kanyang ama sa kompanya. Humigpit ang pag kakahawak nya sa braso ni Renz. Formal lang ang party pero sinadya nyang may suot ng maikli na kulay pula na mistida at ang mamahalin nyang sandal. Madaming naka tingin sa kanilang dalawa ni Renz paniguradong kumalat na ang Balita na nag babalik sya. "Don't be nervous, ok?"Bulong ni Renz na tinanguan nya. Nauna nilang nilapitan ang mga investors. "Nandito na pala ang taga pagmana ni Criston!" Bati nang kakilala ng kanyang ama. Sa Isang gilid ay si Nico na pinag mamasdan si Cheska na nakikipag tawanan sa mga investors. Humigpit ang pagkaka hawak ni Nico sa baso na may lamang alak ng bumaba ang kanyang tingin sa suot na mistida ni Cheska. Bakit ganoon ang suot nya? Sinadya ba yon ng Babae? Umigt
Tumayo si Cheska mula sa kanyang pagkaka upo upang pumunta sa comfort room upang mag ayos. Katatapos lang nila kumain at kasalukuyan nang nag uusap patungkol sa kompanya at bukas nga ay napag kasunduan nang iyon ang magiging unang araw nya bilang isang Vice president. Hindi pa sya nakaka alis sa pagkaka upo ng mag salita si Harvey. "Balita ko ay nag Trabaho ka kay Nico bilang isang Sekretarya?" Tumaas ang Isang kilay ni Karina sa narinig. Nag trabaho na si Cheska kay Nico? Bakit hindi nya ito alam? Ilang buwan at bakit tinago ito ni Nico sa kanya?"Ohh bakit nag trabaho sya kay Nico... Bakit nyo naman hinayaan na mag trabaho ang anak ni Criston bilang isang sekretarya" "That's why I'm also wondering kung paano sya naging sekretarya ni Nico knowing na itong si Nico naman ay hindi masyadong nag papapasok sa kompanya kahit na kakilala nya at... lalo na sa mga hindi naman masyadong gamay ang trabaho". Nanliit ang mga mata ni Harvey sa kanya na parang sinusuri sya. "Well, may haka hak
Nanlulumo ang mga mata ni Cheska na naka tingin sa harap ng salamin. Ang kanyang buhok ay magulo habang ang kanyang labi naman ay nawalan na ng kulay at lumagpas na rin ang kanyang suot na lipstick sa labi. Wala syang nagawa kundi mag hilamos para mag retouch ng kanyang make up mamaya. Habang naka pikit syang nag hihilamos ay naalala nya ang ginawa ni Nico kanina kaya binilisan nya ang ginagawa para hindi nya na ito maisip. Nang matapos ay nag punas sya ng mukha at nag simula ng mag apply ng make up. Patapos na sya at ang huling gagawin nalang nya ay mag lalagay ng lipstick. Habang naka tingin sa salamin at inoobserbahan ang kanyang pag apply ng lipstick upang hindi ito lumagpas ay pumasok nanaman sa kanyang isipan si Nico. Napa irap sya sa hangin sabay bato ng kanyang lipstick sa basurahan sa kanyang gilid. Simula ngayon ay ayaw nya na ang shade ng kanyang lipstick!"Damn Nico!" Naiirita nyang ani. Kinuha nya ang kanyang hand bag at lalabas na ng CR ng bigla syang may nabangga da
Mia's Point Of view. Tahimik akong naka upo na pinag mamasdan silang lahat. Tumigil ang aking mundo kanina at parang tumakas na rin ang aking kaluluwa sa aking katawan. Hindi ko namalayan na kanina pa pala kinukuha ni Cheska ang aking atensyon. "Ano nga ulit yon?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Kanina nga lang bago ng nakaka durog mundong rebelasyon ay bigla nalang nawala si Renz na parang bula. Mas mabuti na rin 'yon para hindi ako masaktan kapag nakikita ko sya dahil hindi mawawari na parang pinag biyak na bunga ng prutas ang pagkakahawig nila ng anak namin. "Sabi ko kamusta kana ngayon? How's your career and your life noong nawala ako?" May halong pag aalala ang tono ng boses ni Cheska. Sya pa rin ang dati kong kaibigan na gustong malaman ang mga nangyari sa aking Buhay kahit ilang taon na ang nakalilipas. "Simula nong nawala ka nagkanda letche letche ang buhay ko... May minahal akong lalaki na hindi ko pwedeng mahalin pero dahil mapag pumilit ang aking puso ay nagpadala
Ngayon ang unang araw ni Cheska bilang Vice President ng kumpanya. Pag labas nya palang ng kanyang pribadong sasakyan ay sumalubong na sa kanya ang ibang mga guard. Naka hilera na rin sa labas ng kompanya ang Iba't ibang myembro ng kompanya na nasa matatas na rangko. Lahat sila ay may respetong naka tingin sa kanya. "Good morning Ma'am Cheska" Bati nang mangilan ngilan sa kanya na kanyang tinanguan lang. She doesn't bother to greet them back dahil karamihan dun ay ang mga nagmaliit sa kanya gaya nalang ni Hanna na pinag taksilan sya noon. Wala naman na syang pake alam ngayon dahil habang binababa sya. Ito sya ngayon matuwid na naka tayong umaangat. Pagpasok nya sa loob ng kompanya ay dumeretsyo na sya sa elevator. Sumunod sa kanya ang bago nyang sekretarya na kaka hire lang. "Anong pangalan mo?" "Anastasi-a po" Kabado nyang sagot. "Schedule my appointment to Mr. Mostrales at exact 7:00 pm. Sa Westline Hotel" pag uutos nya sa sekretarya nyang agad din nitong isinulat sa hawak nit
Anong oras na ang nakalilipas bago matapos ang meeting nilang dalawa ni Mr. Neil Mostrales ang Isang investor na taga pag mana ng Isang kompanya. Ngayon ay babalik na si Cheska sa opisina dahil may aasikasuhin pa sya bago tuluyang umuwi. Nang makarating ay bumungad na sa kanya si Karina na naka kandong kay Nico. Napako ata sya sa kanyang kinalalagyan at hindi naka galaw dahil sa gulat. "Ohh Hi Cheska!" Magiliw at malanding tanong bati sa kanya ni Karina. Ibinaba nya ang kanyang ulo na nag lakad sa kanyang table. "Tapos gusto ko after ng wedding ceremony natin sa simbahan. Gamitin na natin transportation ang eroplano natin to accommodate our guest papuntang Maldives. May kakilala ka naman doon hindi ba? Kaibigan mo naman si Neil, balita ko pag aari ng Lolo nya ang isang hotel doon. Para doon na rin tayo mag honeymoon. What do you think?" Tumango lang si Nico. Ang naririnig nyang sinasabi ni Karina ay lumalabas din lang sa kabila nyang tenga.Parang minartilyo ang kanyang puso sa na
Matapos ang mga nangyaring eksena kanina ay nag sabay si Nico at si Cheska papunta sa dati nilang tinitirahan. Kung saan nag simula ang lahat, kung saan sya naging masaya, malungkot, umiyak, at nasaktan. Walang iba kundi sa Mansion ng mga Enchavez. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daanan. Ang kanyang mga mata ay humupa na sa pag iyak. Kapag nakahanap naman ng tyempo si Nico ay sinusulyapan nya si Cheska. Umigting ang kanyang panga ng makitang nag pipigil iyak nanaman ang Babae at pilit itong tinatago sa kanya. Kalaunan ay nakarating na rin sila sa malaking gate ng Mansion. Kusa itong nag bukas. Nag simula nang kumabog ang puso ni Cheska. Hindi nya inaakalang babalik sya sa lugar na ito. Nang maayos nang naka parke ang kanilang sinasakyan ay nag dadalawang isip sya kung bababa ba sya o mananatili lang sa loob ng sasakyan dahil hindi pa sya handang harapin ang dati nyang mga in-laws. Napansin ito ni Nico kaya naman sya ang naunang bumaba u
Tatawagan na sana ni Cheska si Nico upang sabihin kung nasaan si Chelsea nang biglang may nag text sa kanya. (Unregistered number: If you want to see Chelsea alive and breathing so fine you should come to this address *** **********. I'll be waiting for you, but not so patient. I only have two rules. 1st don't tell to Nico and 2nd once you call a police or pulling some strings to call the intelligence security. Hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin ang bungo nang so long lost daughter mo.)Nanginginig ang kamay ni Cheska na nahulog ang kanyang cellphone. Walang ibang pumapasok sa kanyang utak kundi ang iligtas ang kanyang anak. Nag uunahang tumulo ang mga luha ni Cheska at patakbong pumunta sa parking lot at pinaharurot ang kanyang sasakyan papunta sa address na sinend ni Karina.Sa kalagitnaan nang kalsada ay patuloy pa rin ang panginginig nang kanyang kamay sa pag mamanneho. Ilang beses na rin syang kamuntikang mabangga at panay ang kanyang busina. Kulang nalang ay paliparin n
Napalunok si Nico nang mariin, "Pero paano naman ako?..." Pagak na tumawa si Cheska, "Noon ba inisip mo ako? Inisip mo ba kung paano ako noon o kung paano ba ang ginawa mong sariling pamilya?""That's why I'm here to repent for my sins... Alam ko nag kamali ako Cheska. Madami akong nagawang pag kakamali na mismong ako hindi ko alam kung anong pamamaraan ba ang gagawin ko para mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pag kakamali. Cheska..." Nag mamakaawang tawag ni Nico sa kanyang pangalan. "Tao rin ako nag kakamali ako-" "Oo, nag kamali ka Nico pero ang mga ginawa mo sa'kin kahit kailan ay hindi yon naging maka tao! Para akong basura na anytime pwede mong itapon at pwede mong pulutin kung kailangan mo pa!"Pinipiga ang puso ni Nico sa kanyang naririnig mula kay Cheska. Kahit hindi naman nya naging intention na makasakit ay grabe ngang nasaktan ang kanyang asawa. Ngunit ngayon gagawin nya na ang lahat para maka bawi at mabuo ang kanilang pamilya. Haharapin nya na ang lahat at hindi nya
"What's your favorite color Chelse-a" Utal na tanong ni Cheska sa kanyang anak. Kasalukuyang naka kandong sa kanya ang panganay na anak. Hindi pa rin ito makapaniwala na buhay sya at hard copy pa nga nya ito. Isang mini Cheska kung tatawagin kaya hindi maipag kakaila na anak nya ang kasama ngayon. Matapos nga nang iyakan nila kanina ay ganon din ang pag iyak ni Aden nang makita na ang kanyang Ate na inaakalang matagal nang patay. Kahit sino naman ay ganoon ang magiging reaksyon. "I love color pink Mommy!" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag syang Mommy nang kanyang anak. "So, we have the same color Baby... How about your favorite food?" Ngayong kapiling nya na ang anak ay kikilalanin nya ito nang mabuti at pinapangako nyang babawi sya sa mga pag kukulang nya. "I don't have an exact favorite food Mommy, but I like eating ice cream when I'm sad so I think an Ice cream will do po". Maligayang sagot ni Chelsea sa kanya. Sa Isang sulok ay si Nico na pinag mamasdan ang kanyang mag Ina
May mga bagay talaga na dumadating sa ating Buhay na mahirap paniwalaan ngunit may mga bagay din na mahirap tangapin kung ito ay totoo. Minsan kung sinu swerte ay mga bagay na nakakapag pasaya sa atin, ngunit karamihan ay mga masasamang Balita na hindi natin kaya tanggapin. Buhay si Chelsea? Buhay ang anak namin? Ilang taon na ang nakalilipas na hindi nya pinaniniwala ang kanyang sarili na patay si Chelsea ngunit bakit kung kailan tanggap nya na ay sasabihin naman ni Nico na buhay sya?Anong scenario ang gustong ipalabas ni Nico ngayon? Binunot ni Nico ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ito. Nag text sya sa Isang katulong na nag babantay kay Chelsea upang dalhin si Chelsea sa kanilang location ngayon ni Cheska sa rooftop ng Condo. Hindi pa nakakabawi si Cheska sa parang panaginip na pangyayari ng may pinakita si Nico na litrato ng isang Batang Babae. Babaeng mala anghel ang mukha sa ganda na kamukhang kamukha nya. Tumulo ang luha ni Cheska habang nanginginig na kinuha ang c
Mag gagabi na ng maka uwi si Cheska. Kaninang mga alas tres ng hapon ay naka uwi na sya para mag prepare ng simple celebration nila sa Condo, ngunit muli nanaman syang umalis upang bisitahin ang puntod ni Chelsea at makapag paalam na aalis na muna sila ni Aden sa Pilipinas. Kung pwede lang dalhin ang mga labi ng anak ay gagawin nya ito. Si Chelsea lang naman ang dahilan kung bakit parang may pumipigil sa kanila na umalis. Pag bukas ng elevator ay para syang tinakasan ng sariling dugo ng makita si Nico na nanlulumo. Namumula ang mga mata nito na alam nyang dahil sa pag iyak. Ano kaya ang dahilan ng pag iyak nya?Hindi nya alam kung papasok sya sa loob ng elevator o mag papakain sa lupa. Paano nya nga ba haharapin si Nico na walang sinasabing masakit na salita sa lalaki? Paano nga ba harapin ang Isang lalaki na kahit mahal mo pa ay mahirap mahalin? At para kayong laging inalalayo ng Tadhana sa isa't isa at mayat mayang pinag tatagpo. "Cheska." Utal na tawag nito sa pangalan nya. Masy
Ilang linggo nang naka kulong si Cheska sa kanyang kwarto para mag mukmok at harapin lahat ang kanyang nararamdaman. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan at karamihan doon ay ang tanong na Bakit? Bakit sa lahat ng tao na pwedeng pumatay sa kanyang ama ay ang pamilya pa ni Nico? At bakit lahat nalang ay may kinalaman kay Nico? Talaga bang ganito makipag laro ang Tadhana na kalalabanin sya sa pamamagitan ng ganitong pamaraan? O dahil sa ilang taon ng kanilang pag sasama ay matagal ng umayaw ang Tadhana sa kanila? Masakit isipin, pero kailangan kayanin. "May mga tao na para lang sa isa't isa sa Isang relasyon bilang mag girlfriend at boyfriend pero hindi sila para sa isa't isa kapag ikinasal na, kumbaga hindi na pwede ang relasyon nila bilang mag asawa...." Wala sa sariling wika ni Cheska habang naka tingin sya sa harap ng salamin. Ngayong araw nya lang nagawang ibangon ang kanyang sarili muli. Hindi naman pu pwedeng mag papa tangay sya sa agos ng buhay. Minsan kailang
Nagkamali si Cheska, nag kamali sya sa pag aakala na mas masakit ang kanyang naramdaman noong nag balik ang kanyang mga ala-ala. Mas may isasakit pa pala ngayong nalaman nya ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Sa gitna ng mga kasiyahan nyang nararamdaman ay ang tao namang nadudurog sa gitna ng kanyang mga ngiti. At isa na don ay ang kanyang kaibigan. Si Mia na tinuring nyang kapatid. Naka uwi na sya sa kanilang apartment. Wala sya sa kanyang sarili. Tumakas na ata ang kaluluwa nya sa kanyang katawan. Bumungad sa kanya ang kanilang katulong na nag aalala. "Ma'am, si Sir Renz po pala. Madalas na po ang pagiging balisa nya at pagiging matamlay. Hindi na rin po sya lumalabas ng kwarto para kumain." Nag aalalang sumbong ng katulong sa kanya. "Mag uusap nalang kami mamaya at h'wag kang mag alala... I'll make sure na kakain sya ngayong gabi" Nilagpasan ni Cheska ang katulong ko at tumungo sa Kusina upang uminom ng tubig. Sumama sa kanya ang katulong, ngayon ay may maliit na guhit ng n
Bakit lahat ng tao sa aking paligid ay may mga tinatagong sekreto? Ano pa ba ang mga hindi ko pa nalalaman. Ngayon ay nasa loob sya ng Taxi papunta sa tinitirahang Apartment ni Mia. Ewan ba nya sa kanyang katawan pero nakakaramdam pa rin sya ng malakas na tibok ng puso na parang may masamang mangyayari o ngayon o dahil ba sa mga nalaman nya kanina. Matapos nga ng mga nangyari kanina ay wala sya sa sarili na lumabas ng Mansion. "Matanda na si Mama... kahit anong pilit nyang bumangon mula sa sakit ay hindi na kakayanin ng kanyang katawan." Mahina nyang bulong sa loob ng sasakyan. Pala isipan pa rin sa kanya kung sino ang batang kasama ni Nico noong huli nya itong nakita sa Mall kasama ang Babae. Halata pa sa mukha nilang dalawa ang gulat na parang naka kita ng multo ng makita silang dalawa ni Aden. Hindi nya rin alam kung bakit nakakaramdam sya ng lukso ng dugo sa Bata na 'yon at hindi ipagkaka ila na kahawig nya ang batang 'yon at isa pa ay kung nabubuhay man si Chelsea tiyak na ka
Matapos ang mga nangyaring eksena kanina ay nag sabay si Nico at si Cheska papunta sa dati nilang tinitirahan. Kung saan nag simula ang lahat, kung saan sya naging masaya, malungkot, umiyak, at nasaktan. Walang iba kundi sa Mansion ng mga Enchavez. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng sasakyan habang binabaybay nila ang daanan. Ang kanyang mga mata ay humupa na sa pag iyak. Kapag nakahanap naman ng tyempo si Nico ay sinusulyapan nya si Cheska. Umigting ang kanyang panga ng makitang nag pipigil iyak nanaman ang Babae at pilit itong tinatago sa kanya. Kalaunan ay nakarating na rin sila sa malaking gate ng Mansion. Kusa itong nag bukas. Nag simula nang kumabog ang puso ni Cheska. Hindi nya inaakalang babalik sya sa lugar na ito. Nang maayos nang naka parke ang kanilang sinasakyan ay nag dadalawang isip sya kung bababa ba sya o mananatili lang sa loob ng sasakyan dahil hindi pa sya handang harapin ang dati nyang mga in-laws. Napansin ito ni Nico kaya naman sya ang naunang bumaba u