Share

Chapter 3

Author: iyahrodriguez_
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Jaiceph’s POV

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip ni Lolo? Baka naman may magagawa ka,” maktol ko.

“Para namang madaling mapagbago ang isip ng matandang ‘yon?” nakataas ang kilay na tugon sa akin ni Mommy. Kinuha nito ang pepino na nakalapat sa noo ko saka iyon ipinahid sa pisngi ko na may homemade facial scrub na gawa sa honey at pulang asukal. Napangiwi ako ng isubo iyon ni Mommy at balewalang nguyain.

“You’re gross! May pagkain naman sa ibaba, my God, Lucinda!” maarteng aniko sabay irap dito.

Bumungisngis lang ito na parang bata at hindi pinansin ang sinabi ko. Akma pa uli itong kukuha ng pepino sa mukha ko pero tinapik ko na ang kamay niya at pinandilatan siya. Beauty rest ang kailangan ko pero kapag ganitong nasa paligid ang Mommy ko mas lalo akong na-i-stress.

I was raised by a variety of nannies and governesses dahil isang self-proclaimed artist ang Mommy ko na buong buhay na atang nagso-soul searching, to the point na nakalimutan na nitong may anak ito. Minsan lang kaming magkita sa isang taon. Tuwing birthday at holidays ay naroroon ito at may dalang kung ano-ano para sa akin. Matagal ko nang na-out grow ang sama ng loob na nararamdaman ko. Sa murang edad pinilit ko na lang unawain ang Mommy ko. Naging masaya rin naman ang kabataan ko, at isa pa mas naging spoiled ako kay Lolo dahil sa kakulangan ng atensiyon ng isang ina, pilit iyong pinupunan ng Lolo ko sa paraang alam nito, ang paliguan ako ng mga materyal na bagay. And I enjoyed it. Nagagawa at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.

“You’re my mother. You supposed to have a say in my life as well,” pangungulit ko. Hoping against hope na may magagawa si Mommy para mapigil ang engagement party ko. Just thinking I need to marry that freaking Mayor makes me want to choke someone! Argh, this can’t be happening!

“Asa ka pa! Ayoko ngang mapagbuntungan ng galit ni daddy. At isa pa, mabait naman ang mga Marcial, crush ko nga dati ang magiging father-in-law mo.” Humagikgik pa ito na parang teenager. Sarap sipain pabalik sa Tawi-tawi kung saan ito huling nanggaling. “Saka kasalanan mo rin naman, kaya magdusa ka. Kung hindi mo binigyan ng sakit ng ulo ang daddy hindi ‘yon makakaisip na ipakasal ka kaagad.”

“Para namang hindi ka rin sakit ng ulo ni, Lolo.”

“Hoy, Billienda Jaiceph, ikaw lang ang sakit ng ulo na dinala ko sa Lolo mo.” Proud na proud pa itong nameywang sa harapan ko saka kami nagkatawanan, naging private joke na naming dalawa iyon. 

“Sooo I really can’t get away with it...” malungkot kong bulong. Kumuha rin ako ng pepino na nasa mukha ko at kinain.

“Malay mo matutunan mong mahalin ang mapapangasawa mo. Hindi ka naman ipapakasal ng daddy kung alam niyang ikapapahamak mo ‘yon.” Lumapit ito sa akin. Nakikuha ng pepino at kinain.

“I’m scared,” mahinang bulong ko. Bumuntong-hininga ako at hinayaang ilabas ang totoong nararamdaman ko. 

“On your first night?” birong totoo ni Mommy.

Naitirik ko ang mga mata ko pero hindi ko napigilan ang matawa. Kagat-labi akong bumaling kay Mommy. “You think his...”

“Huge? And thick and long and--”

“Oh, shut up!” Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak dahil sa kinapupuntahan ng usapan namin.

“What?” natatawang tanong ni Mommy.

“You know what? I’m taking a bath. Wala kang kuwentang kausap!” Tumayo na ako at tinungo ang banyo.

“Jaiceph...”

Napalingon ako ng tawagin ako ni Mommy. Seryoso na ang mukha nito na nakatingin sa akin.

“You can come with me if you really don’t want to marry him,” anito.

“Paano si Lolo?”

Nagkibit balikat ito. “Matanda na siya.”

Napalabi ako at umiling. Si Lolo lang ang hindi nang-iwan sa akin nang magpasya ang mga magulang ko na hindi manatili sa tabi ko habang lumalaki ako. Ang Lolo ko ang umaakyat sa stage kahit wala naman siyang medal na isasabit sa leeg ko. Ang Lolo ko rin ang uma-attend kapag kailangan ng parents sa PTA meeting sa school. Ito rin ang nagpupuyat kapag nagkakasakit ako. Kaya paano ko kakayaning iwan ang Lolo ko ngayong siya naman ang may kailangan sa akin?

“Nah. Ayokong mamundok kasama mo, it’s sooo not like me,” aniko. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo. 

--

“Congratulations, mare!” bati ni Jinx sa akin sabay halik sa pisngi ko. Ngising-ngisi ang lukaret halatang nang-aasar. 

“Tse! Isa ka pa e, alam mo kung hindi dahil sa ‘yo wala ako rito ngayon!”

Humawak ito sa dibdib at nagkunwaring offended. “Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko pa?”

Naningkit ang mga matang dinuro ko siya. “Kung hindi mo ako pinabayaang malasing sa beach, hindi maiisipan ng Lolo ko na ipakasal ako!”

Tumawa naman ito. Pinalis ang kamay kong nakaduro sa kanya. “Ekshusmi ha, as far as I remember kinukulit kitang bumalik na tayo sa suite natin pero ikaw tong nagpaka-party animal. Ayaw mo kayang paawat. Sigaw ka nang sigaw ng YOLO.” Inilabas nito ang compact powder nito at walang pakundangang nag-retouch sa harapan ko.

Hindi naman ako nakasagot. Naalala ko ngang hinihila na ako ni Jinx paalis pero masyado akong high sa kasiyahang nararamdaman ko ng mga oras na ‘yon.

“At isa pa,” anito. Ibinalik na nito sa silver pouch nito ang compact powder. “Quota ka na talaga sa Lolo mo, anytime soon ipapakasal at ipapakasal ka pa rin niya kahit hindi ka nakuhanan ng mga litrato na may hawak na pipe sa buhanginan.” Tumawa ito. “Saan mo ba kasi nakuha yong mga ‘yon?”

“Aba, malay ko?” Pinandilatan ko siya. “Nagising na lang ako na hawak ko yung mga ‘yon.”

“Kaloka ka talaga-- aw shit ayan na yung fiance moooo... Oh, my God! Oh my God! Ang hot talaga ni Mayor! Shit ang suwerte mong gaga ka!” anito. Niyugyog pa ang balikat ko.

Inis naman na tinapik ko ang kamay ng luka-luka na halos mangisay na sa tabi ko. Napalingon ako sa bagong dating. Napataas ang kilay ko kay Mayor Manolo Marcial na nakasuot ng barong tagalog, slacks, at may specs pa sa mata. Malinis at wala kahit isang hiblang buhok ang nakalawit sa mukha nito. Kagalang-galang, karespe-respeto ang dating nito. Parang ang bango-bango rin at ang linis-linis. Napasimangot ako.

“Anong tingin niya sa engagement party namin inauguration? awarding ceremony?” Kahit pa ang lapad tignan ng dibdib niya sa suot niyang barong, at kahit nagsusumigaw ang byceps nito na parang ang sarap lambitinan habang nakikipagkamay ito sa mga bisitang sumasalubong dito naiinis pa rin ako. Hidni man lang ito nag-effort na kahit papaano ay lumevel sa edad ko. Mukha kaming mag tiyuhin. 

Siniko ako ni Jinx. Tawa ito nang tawa. “Shutacaa girl! Ikaw lang ata ang naiirita kay Mayor samantalang lahat ng mga babae rito halos tumulo ang laway. Ang sharap-sharap niya kaya pag ganyang nakabarong tagalog siya. Kaka-wet!”

“Ang che-cheap niyo!”

“Ooohh, coming from a girl na nakipagrelasyon sa isang drug addict, iba kaaa!” Nang-aasar na nag-slow clap pa ito.

“He’s a victim too, okay. Ang mga cheap yung mga nagbebenta at nagpapakalat ng droga!”

“Sabi mo e,” anito. Umiikot nag mga mata. Hindi na siya pinansin. Nakilapit na rin ito sa pinagkakaguluhang Mayor.

Naiwan naman ako sa isang sulok at nagmamasid lang sa paligid, partikular sa aking fiance na ngayon ay kausap na ng Lolo ko. Ngiting-ngiti si Lolo sa kung anumang sinasabi rito ng lalaki. Hanggang sa dumako ang tingin sa akin ni Manolo. Muntik pa akong mabilaukan dahil sa pagkabigla. Hindi ko naman akalain na lilingon siya at mahuhuli niya akong pinagmamasdan siya. Bigla akong nataranta. Hindi ko naman alam kung bakit bigla na lang akong nataranta ng salubungin niya nag mga tingin ko.

Napalingon na rin si Lolo. Iginiya ito ni Lolo at papalapit na sila ngayon sa akin. kung hindi nga lang ako magiging katatawanan tatakbo ako pabalik sa loob ng mansion. I compose my self and wait for them to get close to me. Pinilit kong itago ang panginginig ng mga kamay ko kaya humalukipkip ako. Habang naglalakad naman sila ay hindi naman inaalis ni Manolo ang mga mata sa akin. Hinahagod niya ako ng tingin na parang pinag-aaralan. Mukha namang hindi nito nagustuhan ang nakita dahil nakita kong bahagya itong umiling at nag-iwas ng tingin. 

Nakaramdam naman ako ng inis para sa lalaki. Ang kapal ng mukha nito. Ilang galon ng gatas ang pinanligo ko kanina pagkatapos iiling ito na parang dismayado? Dapat ako ang mailing dahil ako ang lugi rito! Hello!

Kahit isa pa siya sa sought after Mayor ng buong bansa hindi na siya lugi sa akin. I’m an heiress, and I’m fucking hot. Maraming kaidad ko ang naglulumuhod sa harapan ko para lang mabigyan ko sila kahit kaunting pansin.

“Hija...” pukaw ni Lolo nang makalapit sila sa akin. “This is Mayor Manolo Salcedo Marcial, your fiance,” pagpapakilala ni Lolo kay Manolo. “And this is my granddaughter, Billienda Jaiceph Sales Camandig.”

Ngumiti naman ako at inilahad ang palad ko sa lalaki. “Kamusta po kayo ngayon, Mayor?” aniko na ipinagdiinan ang ‘Po’ para ipamukha sa kanyang mas matanda siya sa akin.

Umani ako ng matalim na tingin kay Lolo habang napataas naman ang kilay ni Mayor Manolo. May dumaang amusement sa mga mata. Tumikhim ito at iniabot ang kamay ako. Mahigpit nitong ginagap ang kamay ko. Mainit at malambot ang palad ng batang Mayor. Agad kong binawi ang kamay dahil parang nakukuryente ako sa pagkakalapat ng mga balat namin. Kahit pa nagdaop lang ang mga palad namin. May sa demonyo ata to! 

Pasimple kong ipinunas sa suot kong dress ang palad ko. Pag-angat ng tingin ko ay magkasalubong ang mga kilay ng Mayor na nakatingin sa palad ko.

“Ang mabuti pa’y iwanan ko muna kayong dalawa para makapag-usap kayo. Kakausapin ko lang ang organizer. Asan ba ang Mommy mo?”

“Andiyan lang yon,” walang ganang sagot ko.

Umalis na si Lolo kumuha naman ako ng wine sa dumaang waiter. Ganoon di ang ginawa ni Mayor. Lumakad ito papalapit sa tabi ko at sumandal sa bar counter na nasa likuran namin.

“Are you allowed to drink?” tanong nito na nakapagpatindig ng balahibo ko sa leeg. Mabilis ko siyang nilingon. Pakiramdam ko kasi ay kay lapit ng bibig niya sa leeg ko. Wala sa loob na nadama ko ang leeg ko.

“I-I’m not a child...”

“Really?”

“Why? Are you going to spanked me if I’m not?” I snarled at him, wasn’t thinking the implications of what I said.

I heard him laughed. It was husky, seductive, and intimate all at the same time. I wanted to cringe, but instead I felt fascinated. Parang nakakahipnotismo ang tawa nito kaya hindi ko maiwasang mapatanga rito. Hindi naman pala ganoon katanda itong tignan. Kung aalisin ang specs nito mas magmumukha itong bata ng mga ilang taon. Napansin ko rin na hazel nut pala ang kulay ng mga mata nito, at walang pores si Mayor! Makinis ang balat nito. Walang lines na sign of aging. Ang youthful ng kutis nito. Nate-tempt na akong tanungin ang skin care niya.

Nagulat na lang ako nang lumapat ang kamay nito sa ilalim ng baba ko para isara ang nakaawang kong bibig. Di ko napansin na literal na nga-nga ako sa harapan ni Mayor. Para mapagtakpan ang pagkapahiya pinalis ko ang kamay niya na nasa baba ko.

Baliwala naman dito ang ginawa ko. Uminom ito ng alak habang ang mga mata ay nakatingin sa akin. Nag-uumpisa na akong mailang sa mga titig niya. Hindi dahil sa feeling molested ako kundi dahil may nagiging epekto sa akin ang mga titig ng lalaki. Something... sensual.

“E-Excuse me,” aniko. Walang lingon-lingon na iniwanan ko siya roon. Huminto lang ako sa paglalakad ng nakaliko na ako sa pool na nasa kabilang side ng mansion. Mas mabuti pang dito an lang muna ako. Hahanapin naman ako ni Lolo kapag kailangan niya na ako. Naupo ako sa isang lounger chair na naroroon.

“Jaiceph...”

Related chapters

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 4

    Jaiceph’s POVNapalingon ako sa pamilyar na tinig na tumawag sa akin. Nakita ko sa aking likuran si Meurs Juste, my ex-boyfriend for two... days. Yun lang ang kinaya namin. Masayado kasi itong palikero, pati new number ko nililigawan ng gago akala ibang tao. Pero in good terms naman kami. Maayos ang paghihiwalay namin kahit muntik ko nang ibuhos sa kanya ang milk tea na dala-dala niya nung huling nakikipagbati siya sa akin.Ngumiti ako. Relieved dahil sa wakas may makakausap na akong kaidad ko. Puro oldies na kasi ang mga nasa loob. Feelling ko nga SONA ang idinaraos sa mansion hindi engagement party. May mga ininvite rin naman akong mga kaibigan ko pero hindi ko alam kung bakit late na naman ang mga yun. Sabagay mas sanay kasi kaming hating-gabi kung pumarty. Sino ba naman kasi ang pumaparty ng alas sais ng gabi? Sa mga ba

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 5

    Manolo's POVOh, how I wish I could struggle her lovely neck, but I can't. Maraming taong nakatingin sa amin kaya mabilis ko ring pinaskilan ng aral na ngiti ang labi ko. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at ibinaba ang kamay sa baywang niya saka siya hinapit papalapit sa akin. I'm not a conventional man. It doesn't matter to me if a woman is a virgin or not, but having experienced such a scandal will not please anyone.I'm a fucking politician running for Governor in the next election. Such scandals will not help my reputation. What should I do? Our family enslaved by debt, and I am the only one who can afford to repay it. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ko na rerendahan ang apo ni Gov. Sales. Kailangang maintindihan nito na hindi lang ito basta makakapangasawa ng isang simpleng tao, isa siyang pulitiko kaya sa ayaw at sa gusto kailangan nitong lumayo sa mga eskandalo na maaaring dumungis sa pangalan niyang ibibigay rito."Ms. Jaiceph," pukaw ng emcee.Sabay nila itong

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 1

    Jaiceph’s POV“Wala ka na ba talagang dadalhin sa pamilya na ‘to kundi kahihiyan?”Napaikot ang mga mata ko. Ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang ‘yon? Wala na bang bago? Nakakasawa.“Hindi ka na ba talaga magbabago?”Kung sabihin ko kayanghindi napara hindi siya tanong nang tanong? Kaso baka ihampas sa akin ni Lolo ang tungkod na hawak niya. Mahapdi pa ang balat ko dahil sa sunburn. Matutuwa na sana ako sa tanned kong balat kung hindi nga lang sobrang hapdi. Wala akong sun block ng mabilad ako sa araw. Sino ba naman kasing tanga ang naglalagay ng sun block kapag gabi na? Saka malay ko bang sa gilid ako ng dagat makatulog at magising na tirik na ang araw.

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 2

    Manolo’s POVHalos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot ng noo ko habang naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ng daddy ko. Marahan na tango at maliit na ngiti naman ang isinasagot ko sa mga tauhan ng daddy ko na bumabati sa akin kahit pa mas gusto kong dedmahin ang mga ito. After five years as a politician, I’ve mastered the art of being polite even when I don’t feel like it.Tatlong katok ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng opisina ni daddy. Walang ibang tao sa opisina nito na ikinapagpasalamat ko. Umangat naman ang tingin ni daddy sa akin mula sa laptop na nasa harapan nito.Tinaasan niya ako ng isang kilay nang makita ako. Dumiretso ang likod nito at sumandal sa swivel chair. Ipinatong ang magkabilang siko sa handle at pinagsalikop iyon. Mukhang al

Latest chapter

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 3

    Jaiceph’s POV“Hindi na ba talaga magbabago ang isip ni Lolo? Baka naman may magagawa ka,” maktol ko.“Para namang madaling mapagbago ang isip ng matandang ‘yon?” nakataas ang kilay na tugon sa akin ni Mommy. Kinuha nito ang pepino na nakalapat sa noo ko saka iyon ipinahid sa pisngi ko na may homemade facial scrub na gawa sa honey at pulang asukal. Napangiwi ako ng isubo iyon ni Mommy at balewalang nguyain.“You’re gross! May pagkain naman sa ibaba, my God, Lucinda!” maarteng aniko sabay irap dito.Bumungisngis lang ito na parang bata at hindi pinansin ang sinabi ko. Akma pa uli itong kukuha ng pepino sa mukha ko pero tinapik ko na ang kamay niya at pinandilatan siya. Beauty rest ang kailangan ko per

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 2

    Manolo’s POVHalos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot ng noo ko habang naglalakad papalapit sa pinto ng opisina ng daddy ko. Marahan na tango at maliit na ngiti naman ang isinasagot ko sa mga tauhan ng daddy ko na bumabati sa akin kahit pa mas gusto kong dedmahin ang mga ito. After five years as a politician, I’ve mastered the art of being polite even when I don’t feel like it.Tatlong katok ang ginawa ko bago buksan ang pintuan ng opisina ni daddy. Walang ibang tao sa opisina nito na ikinapagpasalamat ko. Umangat naman ang tingin ni daddy sa akin mula sa laptop na nasa harapan nito.Tinaasan niya ako ng isang kilay nang makita ako. Dumiretso ang likod nito at sumandal sa swivel chair. Ipinatong ang magkabilang siko sa handle at pinagsalikop iyon. Mukhang al

  • THE MAYOR'S PRODIGAL WIFE   Chapter 1

    Jaiceph’s POV“Wala ka na ba talagang dadalhin sa pamilya na ‘to kundi kahihiyan?”Napaikot ang mga mata ko. Ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang ‘yon? Wala na bang bago? Nakakasawa.“Hindi ka na ba talaga magbabago?”Kung sabihin ko kayanghindi napara hindi siya tanong nang tanong? Kaso baka ihampas sa akin ni Lolo ang tungkod na hawak niya. Mahapdi pa ang balat ko dahil sa sunburn. Matutuwa na sana ako sa tanned kong balat kung hindi nga lang sobrang hapdi. Wala akong sun block ng mabilad ako sa araw. Sino ba naman kasing tanga ang naglalagay ng sun block kapag gabi na? Saka malay ko bang sa gilid ako ng dagat makatulog at magising na tirik na ang araw.

DMCA.com Protection Status