Share

DRAGON 91.3

Ilang beses niyang sinubukang gisingin si Stasia, umaasang babangon ito at iirapan siya dahil sa ipinapakita niyang kahinaan ngayon. Namuti na ang kayang mga mata sa kaaasa ngunit ni hindi man lang nagbago ang itsura nito. Nakapikit pa din ito at walang buhay. Kahit anong gawin niya ay hindi gumigising ang kanyang kaibigan.

Napatigil siya at mahigpit na niyakap ang bangkay ni Stacia at doon lalong humagulgol. Inilabas niya lahat ng sakit, ang nabuong sama ng loob sa Raizel Knights. Inangat niya ang ulo at ang mga luhaan nitong mata ay nanlisik, kasabay no'n ay ang pagdilim ng kalangitan. Tila nakikisama ang buong paligid sa kanyang pagdadalamhati. Ang puso niya ay punong-puno ng sakit at pait.

'Sila ang may kasalanan!' 

'Sila ang pumatay sa kanya!' 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status