Share

DRAGON 64.4

CHAPTER 64.4: PART 4

Napabitaw kaming dalawa sa isa't-isa nang lumubog tubig. Mabilis naman akong lumangoy paitaas para kumuha ng hangin. Agad ko siyang hinagilap noong wala na sa tubig ang aking ulo. Nakita ko ito sa hindi kalayuan habang nakatawa.

"Ang daya mo!" sigaw ko sa kanya habang habol-habol ang sariling hininga. Kahit na malalim ay nagawa ko pa rin ibalanse ang aking katawan dahil alam ko kung paano lumangoy. Bihasa na ako rito mula pa noong pagkabata marahil si dad ang nagturo sa aking lumangoy. 

Malakas lang itong tumawa sa 'kin.

Sa inis ay hinampas ko sa kanya ang tubig at tumalsik ito sa kanya. Tumama pa sa kanyang mata kaya napapikit na siya habang tumatawa. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status