Kinabukasan, kinausap ni Gwyneth ang kaniyang ama, na gusto niyang lumipat sila ni Austin sa place ng kaniyang ina. Pinaintindi naman niya kung bakit at dahil na naman iyon kay Tatiana. Pumayag ito since nakakaintindi. Nakakalungkot para kay Avery, pero hindi ito pwedeng sumama dahil naroon ang magpinsan sa mansion. Hinatid lang din siya ng kaniyang ama roon, tuwang-tuwa naman ang ina niya nang makita si Austin at umiyak pa ito dahil naawa sa kaniya. Buong araw, inasikaso niya ang mga gamit ng anak niya. Bumili ng crib ang kaniyang ama para kay Austin at umuwi lang ito, halos magga-gabi na. Nakahinga siya nang maluwag nang maging okay na ang sitwasyon nila. Si Austin, nakatulog na sa bisig ng kaniyang ina. "Anong balak mo?" tanong nito sa kaniya. "Balak sa?" tanong niya rin pabalik. Hindi niya kasi nakuha ang ibig nitong sabihin. Titig na titig siya sa mukha nito, talagang bata pa ang mama niya. Para pa rin itong dalaga kung tingnan. "Nagkita kayo ni Ace kanina, shempre anak niya r
Bumuhos ang emotion sa pagitan nila ni Celestia. Umiyak itong yumakap sa kaniya habang sinasabi, "Halika nga dito."Hindi siya makayakap pabalik dahil hawak niya si Austin, humikbi lang din siya, at nararamdaman niyang kinukuha ni Noah ang bata sa kaniya. Binigay niya ito at yumakap pabalik kay Celestia. Kumalas ito sa pagkayakap pagkatapos ng ilang sandali at nagpunas ng luha habang nagtatanong, "Sa kaniya ba ito?" Si Austin ang tinutukoy nito sa likuran na karga-karga ni Noah at si Ace ang tinutukoy bilang ama. Tumango siya, habang humahagulhol. Mas lalo itong umiyak at tumingala kay Noah. Si Noah naman napabuntong hininga tila ramdam ang pagiging komplikado ng sitwasyon niya. Umiling si Celestia tila ba'y lumong-lumo na sinasabi, "Wala siyang naalala, Gwy." Hindi siya sumagot, tumango lang habang umiiyak. "Alam mo?" tanong pa nito."Sinabi sa akin ni Dad," sagot niya. "Hindi ka man lang nagparamdam kahit sa akin lang," sumbat nito, tuloy-tuloy ang punas ng luha. Nanahimik siya
Mabilis niyang kinuha si Austin mula sa railing at dinala sa loob, nakasalubong niya ang Mama niya. "Saan mo nakita?" Napalunok siyang sumagot, "Doon." Hindi niya tinuro ang tinutukoy niya pero understood na sa balcony niya iyon nakita at dumugtong, "Hinulog niya ang baby bottle niya. Kunin ko lang." Binuhat niya ang anak niya at inabot rito. Kinuha naman iyon ng ina niya at saka siya tumalikod. Deretso siya sa may pintuan at habang naglalakad siya sa hallway, mas lalo siyang kinakabahan. Pumasok siya sa elevator at bumaba sa kasunod nitong floor. Paglabas niya ng elevator, humugot siya nang malalim na hininga. Kailangan niyang harapin si Ace, pero hindi niya alam kung paano ito kausapin. Aakto ba siyang hindi niya ito kilala? Paano niya kontrolin ang kaniyang emotion. Habang papalapit siya sa unit nito, mas lumalakas ang tibok ng puso niya. Hinimas lang niya ang dibdib niya at panay hugot nang malalim na hininga. Napakuyom rin siya ng kamao hanggang sa huminto na siya sa harapa
Tinotoo nga ni Ace ang sinabi nitong mag-papadala ito ng picture para ikompara niya kay Austin. Hindi naman niya kailangan ikompara dahil alam niya ang totoo. Huminga na lang siya nang malalim at napatingin kay Austin na nakadapa sa kama, actually nakatuwad ito pero tulog. Hinayaan niyang ganoon dahil kapag inayos niya, umiiyak. Muling tumunog ang phone niya at binasa niya ang mensahe, galing pa rin kay Ace, "Is that a coincidence?"Nag-reply siya, "Maybe."Maya-maya nagpadala na naman ito ng mensahe, "I lost my memory."Alam niya rin iyon, at alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Nagreply siya kunwari hindi alam, "How did that happened?""My dad told me that I was in a hit-and-run accident. It happened while I was following my girlfriend and desperately pleading with her not to go, but she didn't stop and just left me behind." Napatakip siya ng bibig matapos niyang mabasa iyon. Totoo kaya iyon? Kaya ba siya hinabol ni Ace noon para pigilan hindi para saktan? Tumulo ang luha niya,
Araw ng linggo, talagang hindi kinalimutan ni Celestia ang pangako nitong igagala sila nito ni Austin. Sinundo sila nito, pero kasama si Noah, at sasakyan rin ni Noah ang gamit.Sa loob ng sasakyan, napatanong siya, "So saan tayo pupunta?" Sumagot si Celestia, "Sa bahay namin." "Sa inyo? Ni Auntie Nyx?" Gusto niya ng klaro, baka may bahay na itong dalawa."Bahay namin ni Noah," paglinaw nito, kahit naisip na niya nagulat pa rin siya at napatingin kay Noah sa salamin. Natawa naman ito. "Are you living together?!" bulalas niya. Kandong na kandong ni Celestia si Austin sa unahan. Kaya hirap itong lumingon sa kaniya. "So? Okay lang naman, 2 years na kami no." Umirap-irap pa ito. Napangisi siya at bumulong-bulong. "Edi congratulations." Humagikhik si Celestia. "Bakit? Naiingit ka?" Umirap siya. "Bakit naman ako maiinggit? May anak ako, duh.""Ouch!" ito naman ang sabi ni Noah. "Talim ng dila mo ah. Pero, 25 ka na di ba?" tanong nito. "Bakit ikaw 24 pa lang? Umurong ba edad mo?" ma
Siguro kung hindi dumating si Ace hindi niya nakitang masaya ang anak niya. Halakhak ito nang halakhak kasama ng tatay. Noong hindi pa nito nakita si Ace, dati kung kani-kanino na lang ito nagpapabuhat, ngayon maliban sa kaniya at kay Ace ayaw na nitong lumapit sa iba, kung baga nagsisimula na ang pamimili ni Austin ng mga taong gusto lang nito katulad ng ibang bata. Hindi na ito nagpapabuhat kay Noah, ayaw na rin kay Celestia at Natalie. Napagdesisyunan na lang ng ama na maligo kasama ito. Talagang nakahanda si Ace dahil may kinuha itong maliit na salbabida sa loob ng sasakyan. Bilog na spaceship ang design at may lusutan lang ng mga paa ng bata sa ilalim bilang alalay. Tawa ito nang tawa, habang nilalaro ng ama ang tubig. Sila naman nag-uusap na nanonood lang. Damang-dama niya ang saya habang pinapanood niya ito. Trunks lang ang suot ni Ace kaya kitang-kita niya ang hubog ng katawan nito. Hindi niya rin maiwasang pagmasdan at pagpantasyahan.Nakikita niyang nahahawakan ng anak ni
Pinagmasdan niya ito habang ini-slide paisa-isa ang mga photos sa album niyang iyon. Wala siyang nakitang gulat sa mukha nito, pero may tumulong luha. Dahil doon, bumigay rin ang mga luha niya, at ang sabi na lang niya, "As I expected, you know."Suminghot ito at bumulong, "Lagi kong nararamdaman na may kulang." Nagtuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha nito. "Nandiyan ang mom ko, dad, ang buhay ko, lahat meron na ako, pero laging may kulang. Bukod sa wala akong naalala, may kulang pa rin." Lumunok lang siya at tumingin sa bintana. "Lagi akong nagtatanong kung may girlfriend ba ako, kung ano pa ba ang importante sa akin. Laging sagot nila ay wala na family and business lang ang mahalaga sa akin." Umiling ito. "Pinsan ka ni Celestia, pero wala silang binanggit na ganoon." Ni-off nito ang phone niya, nilapag sa kama at nagpiga ito ng mata para pigilan ang pag-iyak. "I'm sorry, Ace..." bulong naman niya.Huminga ito nang malalim, suminghot at tumayo. Hinarap siya nito. "Sorry for what?"
Pagkatapos ng init na kanilang pinagsaluhan, nag-bihis lang ito at humiga katabi ng anak. Nagbihis lang din siya at saka umupo sa tabi nito. Hinawakan naman nito ang bata para iayos ang higa pero umiyak lang ito at túmúwad ulit. Napakamot na lang ito ng ulo, natawa naman siya ay sinabing, "Hayaan mo na iyan, ganiyan talaga iyan.""Nakakapagod ang ginagawa nito. Hindi ba ito nangangawit?" curious nitong tanong. "Bata iyan, kung ano mang posisyon niya na sa tingin mo weird, komportable iyan," paliwanag naman niya. Tumihaya ito, at hinila-hila bahagya ang damit niya. "Can I take you to our place? Mom and Dad want to see Austin."Hinarap niya ito, ngumiti siya at tumango. "Sure, I missed grandma too."Gumapang siya at yumakap rito. Tinapik-tapik nito ang pwètàn niya, habang siya naman sandaling hinalikan ito sa labi at sinabing, "Dito ka lang? Bababa ako."Tumango ito. Sandaling hinawakan ang pisngi niya. Napapikit naman siya at saka nagpasyang lumayo. Bumaba siya sa kama, nagsuot ng s
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain