Nagising si Ace, at ngayon kasalukuyan itong inaasikaso ni Zayn. Iniilawan nito ang mga mata ng anak nila, inobserbahan ang reaction, ni-check ang heart rate, blood pressure, at kung ano-ano pa at ang last na observation ay ang alamin kung kilala sila. Humarap sila rito bilang mga magulang, hinawakan niya ang kamay nito, habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya. Ngumiti siya, habang si Mark naman hinawakan ito sa balikat. Hindi pa nagsasalita si Ace pero sa reaction pa lang nito nasasaktan na siya, parang hindi sila kilala at ang unang salita nitong sinabi, "Who are you?" Napayuko si Mark, humagulhol siya ng iyak. Si Zayn huminga na lang nang malalim, maririnig niya mula sa likuran niya ang hikbi ni Natalie. Sinikap ni Mark magsalita, "H-Hindi mo kami kilala?"Hindi ito sumagot, sobrang inosente ang reaction nitong nakatingin lang sa kanila. Hindi na niya kinaya ang sakit at nagpakilala agad, "Ako ang mommy mo." Hinawakan siya ni Mark sa balikat at inangat. Si Zayn ang na
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nagsusuka pa lang si Gwyneth. Halos hindi niya makontrol ang sarili niyang kumain ng seafoods. Sinubaybayan niya ang unti-unting paglaki ng tiyan niya sa bawat pagdaan ng araw, at ngayon, due date na niya, naghihintay na lang siya ng pagkakataon na umatake ang sakit patunay na manganganak na siya. Halos hindi na umalis si Ave sa tabi niya. Oras-oras tinatanong siya nito kung sumasakit na ba ang tiyan niya. Bawat araw ito ang ginagawa nito, halatang mas excited pa ito sa kaniya. Napag-usapan rin nila ang pangalan. Alam niya na ang gusto ni Ace, ay Austin Ace pero Ace na kasi ang pangalan nito na ama, at may gusto ring ipangalan si Ave knowing na lalaki talaga ang anak niya base sa ultrasound. Ang gusto nito, gawing abbreviation ang Ace kung talagang importante sa Sansmith ang pangalang Ace. Kaya ang naisipan nilang pangalan, ay Austin Cu-Ero Abernathy. Bigay ni Ave ang Cu-Ero.Hindi niya mailagay sa apelyido ng bata ang Sansmith dahil walang a
Finally, Austin Cu-Ero Abernathy has existed in the world. Ikalawang araw nang stay ni Gwyneth sa hospital. Inaasikaso na ng tiyahin niya ang pag-discharge niya. Siya naman, habang ininda ang sugat dulot ng panganganak, abot langit na saya naman ang nararamdaman niya nang mahawakan ang kaniyang anak. Karga-karga niya itong, kinagigiliwan naman ng magkapatid na si Simon and Shaira. Nasa tabi lang din niya si Ave, nakatitig rin sa bata, at pangiti-ngiti. "He's so cute," ngiting-ngiti na wika ni Shaira. Nilalaro nito ang maliliit na daliri ng anak niyang paunat-unat ng katawan at minsan pa ay nagnunotnot ng dila na nakapikit ang mga mata."He looks like me," pagmamayabang naman ni Simon. "You kidding me?" arangkada agad ni Shaira. Para hindi matuloy ang bangayan ng mga ito, nagsalita na si Ave, "Behave. Just so you know, he looks more like his dad, 98%." Tama si Ave, ang mukha ng anak kiya ay talagang si Ace. Dumaloy na naman ang luha niya mula sa kaniyang mga mata, iniisip na sa pa
Parang nagsimula lang si Ace sa simula. Nakikita ng kaniyang ama ang potential niya sa pagiging CEO na nandiyan pa rin. Sa kaniyang pagbabasa, pag-obserba unti-unti niyang naintindihan ang takbo ng kompaniya. Bumalik siya sa pagpasok sa opisina upang pag-aralan muna ang mga inaral niya noon na nakalimutan lang niya. Nakikita niya sa mga empleyado ang awa ng mga ito para sa kaniya, pero pinapakita niyang hindi niya deserve kaawaan dahil malakas siya. Nakalimot lang siya pero siya pa rin si Ace Caleb Sansmith. Handa siyang ibalik ang sarili niya sa kung ano siya dati. Hindi maiiwasang may kulang siyang nararamdaman, tila may dapat pa siyang makilalang tao, hindi lang niya matukoy kung sino. Simula nang managinip siya ng babaeng nanganganak, nagsimula siyang magduda sa sarili niya. What if may girlfriend siyang nabuntis niya? Malinaw naman na wala siyang asawa, lalo na't lahat ng napagtanungan niya, sinasabing single siya. Minsan nagtanong rin siya sa mga empleyado kung may naging ka
"Anong nangyari, Dad?" tanong niya nang kumalas ito ng yakap. Nalilito siya sa sitwasyon.Pawis na pawis itong napahilamos ng mukha na napatingin sa lumalagablab na sasakyan at bumulong, "Hindi ko alam." May mga lumapit na ring guards at nagtanong, "Ayos lang ba kayo, sir? Anong nangyari?""Sumabog ang sasakyan namin, tsk. Mabuti na lang wala kami sa loob," sagot ng ama niya rito. Tatlong gaurds ang nandito ngayon, kaniya-kaniya tawag ang dalawa at ang isa kinakausap sila. Ama niya ang humarap dito siya naman napatingin sa matandang naglalakad palapit sa kanila na may dalang tungkod at tinuro siya nito sabay sabing. "Mabuti kang tao kaya ka mahal ng diyos." Nanayo ang balahibo niya sa sinabi nito. Para bang, pinakita sa kaniya ang matandang ito para mailigtas siya dahil sa totoo lang, kung hindi niya ito nakita hindi siya lalabas ng sasakyan. Napanganga siya, tumulo lang ang luha niya sa realization na iyon. Narinig lang niya ang sinabi ng ama niya sa guard na, "Sigurado ako may na
"Austin, hey baby! Open your mouth, Aah!" Kasalukuyang nagliligpit si Gwyneth ng mga nagkalat na laruan ni Austin. Pinapakain rin ni Simon ito, ngunit dahil sa sobrang kulit, hirap na hirap itong i-corner ang pamangkin. Kasalukuyang ring nakabukas ang TV at naka-play ang children's rhyme. Kung ano ang sayaw ng mga bata roon ganoon din ang takbo ni Austin. Kaya na nitong tumakbo pero hindi nakakatagal at natutumba rin agad. Ngunit dahil pursigido itong tumakbo, hindi na nila makontrol. Minsan pa ay sa sobrang kakulitan, nadadapa ito, nahuhulog sa unang baytang ng hagdan dahil minsan umaakyat kahit hindi kaya. 11 months old na si Austin. Nababanggit na rin nito ang salitang mommy, at tinuturuan din ni Simon ng daddy. On purpose, ika nga nito. Napaigtad naman siya nang biglang sumigaw si Simon, "What a prick!" Pagtingin niya rito puno ng pagkain ng bata ang mukha nito at napahalakhak siya. Tumatawa pa si Austin, pinagtatawanan ang Uncle. "Gosh, Austin!" Pati damit ni Simon, namantsa
Parang tumigil ang mundo niya. Napatitig sa dating paboritong mga mata, labi, hubog ng mukha. Ito ang mukha ng lalaking mahal niya, na noon ay sa tuwing nakikita siya nito agad na kumukurba ang ngiti sa mga labi ngunit ngayon, ang titig nito talagang hindi siya kilala. Napalunok siya nang mariin, bumalatay ang kaba sa buong sistema niya. Huli niyang nakita ito, wala sa katinuan, ngayon sobrang ayos nitong tingnan. Mas lalong gumwapo, hot, mabango ang masakit lang, hindi siya kilala. "Ah yeah, I heard you," ani nito ng tila na-interrupt ito sa kabilang linya. "Sure, siguro mga 5 minutes." Binaba nito ang phone, siya naman napatingin kay Ave na nakatitig rin kay Ace, mabilis niya itong hinawakan sa kamay at hinila sa palabas at sinabing, "Malapit na mag-6." Tuloy-tuloy lang ang takbo niya, hilang-hila niya si Ave ngunit ang sabi nito. "Iyong wallet mo nahulog." Napahinto siya at nag-taas-baba ang dibdib niya dulot ng kaba. Sa wallet niya naroon ang picture nila ni Ace pati ni Baby
Kinabukasan, kinausap ni Gwyneth ang kaniyang ama, na gusto niyang lumipat sila ni Austin sa place ng kaniyang ina. Pinaintindi naman niya kung bakit at dahil na naman iyon kay Tatiana. Pumayag ito since nakakaintindi. Nakakalungkot para kay Avery, pero hindi ito pwedeng sumama dahil naroon ang magpinsan sa mansion. Hinatid lang din siya ng kaniyang ama roon, tuwang-tuwa naman ang ina niya nang makita si Austin at umiyak pa ito dahil naawa sa kaniya. Buong araw, inasikaso niya ang mga gamit ng anak niya. Bumili ng crib ang kaniyang ama para kay Austin at umuwi lang ito, halos magga-gabi na. Nakahinga siya nang maluwag nang maging okay na ang sitwasyon nila. Si Austin, nakatulog na sa bisig ng kaniyang ina. "Anong balak mo?" tanong nito sa kaniya. "Balak sa?" tanong niya rin pabalik. Hindi niya kasi nakuha ang ibig nitong sabihin. Titig na titig siya sa mukha nito, talagang bata pa ang mama niya. Para pa rin itong dalaga kung tingnan. "Nagkita kayo ni Ace kanina, shempre anak niya r
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain