Share

Chapter 5 Kapalit

last update Huling Na-update: 2023-11-15 06:04:19

JESSIE:

NAPABALIKWAS AKO na magising at nasa magarang silid!?

Napakusot-kusot ako ng mga mata dahil baka nananaginip lang ako. Napakurot ako sa hita ko at impit na napadaing na maramdamang nasaktan ako. Hindi ako nagha-halucinate. Lalong-lalong hindi ako....

nananaginip!?

"Nasaan ako?" piping usal ko.

Napalinga-linga ako sa kabuoan ng silid pero hindi talaga ito pamilyar sa akin. Imposible namang nasa mansion ako nila Marcus? Lahat ng silid doon ay napuntahan ko na kaya napaka-imposible na kina Marcus ito.

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas 'yon at niluwal ang isang pamilyar na babae. Isang supistikadang babae na puno ng alahas na suot. Mula sa relo, bracelet, necklace, earings. Doble-doble pa nga ang suot nitong alahas. Maging lahat ng daliri nito sa kamay ay may mga suot na singsing na kumikinang.

"How are you, anak? Nagugutom na ba ang prinsesa ko, hmm?" malambing tanong nito na naupo sa tabi ko.

Napatitig lang ako dito na walang kaemo-emosyon ang mga mata.

"What am I doing here? Bakit ako nasabpoder mo?" inis kong sagot.

Napahalukipkip akong sumandal ng headboard ng kama. Napahinga pa ito ng malalim na matamang nakatitig sa akin.

"Hija, wala na ang Tatay Darwin mo, kaya magmula ngayon? Hindi na ikaw si Jessie Abigail Gonzalez, kundi si Jessica Harris. Do you understand?" napatameme ako na paulit-ulit nire-replay sa isip ang sinaad nito.

"Do you understand?" untag nito sa pagkakatulala ko.

Napailing-iling akong tumulo ang luha.

"Hindi! Hindi pa patay ang Tatay ko! Sinungaling ka!" bulyaw ko na tinulak-tulak ito pero nanatili lang itong nakaupo sa gilid ng kama.

"Enough, Jessica! Hwag mo akong ginagalit, bata ka!" bulyaw na nito ng makailang beses kong nakalmot sa kanyang braso at leeg.

Napahikbi akong sinasamaan ito ng tingin na nakatayo na at nakapamewang sa harap ko.

"I'm not Jessica! I'm Jessie! You're getting worst! Patay na si Jessica! Ako si Jessie!" sigaw ko na pinagbabato ito ng unan.

Maya pa'y napahalakhak itong napailing at bigla akong kinabig sa batok na inilapit sa mukha nito.

"Well, from now on. Patay na si Jessie kasama ang ama nitong isang hamak na family driver lang! Ang lalabas sa publiko? Si Jessica Harris na anak ng isang tanyag na negosyante mula sa England. Hwag ka ng magmatigas, Jessie, patay na....ang Tatay Darwin mo," madiing asik nito na nagngingitngit ang mga ngipin.

Umiling-iling akong malakas itong itinulak. Akmang lalabas na ako ng silid nang buksan nito ang malaking flat screen tv na nakasabit sa dingding.

"Breaking news, isang black BMW na pag-aari ng isang tanyag na negosyante ng bansa mula sa angkan ng pamilya Montereal, nagkayupi-yupi sa pagsalpok nito sa isang truck. Napag-alamang ang sakay nito ang mag-amang nakilalang si Darwin Gonzalez at anak nitong anim na taong gulang na si Jessie Abigail Gonzalez ay dineklarang dead on arrival sa pinagdalhang hospital!"

Nanigas akong nangatog ang mga tuhod sa narinig sa balita. Kita pa doon ang kotse na minamaneho ni Tatay na nagkanda-yupi-yupi nga at ang pagtutulungan ng mga tao para mailabas ang dalawang katawan sa loob nito.

Napasapo ako sa ulo. Nanghihinang napalupasay sa sahig sa kaalamang....

wala na nga si Tatay!!

"See? I told you, wala na ang hampaslupang ama mo, Jessie. Hwag ka ng magmatigas dahil wala ka ng mapupuntahan!" singhal nito.

Sinamaan ko ito ng tingin na nagpahid ng luha at buong lakas itinayo ang nangangatog kong mga tuhod!

"Meron! At mas gugustuhin kong maging palaboy sa kalye, kaysa makasama ka!" sigaw ko na akmang pipihitin ang doorknob pero hindi ko mabuksan!

Napahalakhak lang naman ito.

"Hindi ka makakalabas ng silid na 'to, Jessie. Hanggang hindi mo tinatanggap ang bago mong katauhan."

Napapihit ako dito na nanlilisik ang mga mata! Gusto kong makita si Tatay. Gusto kong ipaalam kay Marcus na buhay ako. Buhay pa ako. Nakakatiyak naman akong aampunin ako nila Tita Moira kapag malaman lang nilang buhay pa ako.

"Napakasama mo!" tumawa lang ito na napailing.

"Yan pa ba ang isusumbat mo sa akin, hija? Bibigyan kita ng marangyang buhay at ito pa ang isusumbat mo sa akin?" natahimik ako pero nanatiling matalim ang mga mata ko dito.

"S-Sino 'yong bata na kasama ni Tatay?" nauutal kong tanong nang maalala ang isang katawan na nakita doon sa sasakyan at iniisip na ako.

"Hmm...sabihin na nating, isang impostor," balewalang saad nito.

Napapakibot ang nguso habang napapapilantik ng mga daliring tinititigan ang mga singsing niya doon.

"Ano?" tumaas ang kilay nitong nagpamewang na ikinalunok ko.

"Sabi ko, impostor. The truth is, akala ng Tatay mo ikaw 'yong batang nakasakay na sa kotse. Ang hindi niya alam? Ibang bata lang 'yon na napulot namin sa gilid ng kalsada. Isang palaboy na walang makain, matirhan, walang magulang. Nakita mo na kung anong nangyari sa kanya? Ganon mo ba gustong mabuhay, Jessie?" kinikilabutan ako sa sinaad nito.

Nakataas pa rin ang kilay nito na nakamata sa akin.

"Hwag ka ng magmatigas. Hindi kita hihigpitan pero isang maling galaw mo lang? Tapos ang kalayaan mong ipagkakaloob ko sayo. Pag-isipan mong maigi, Jessie. Pangalan mo lang naman ang babaguhin natin. Malaya kang mamuhay katulad ng iba, ang kaibahan lang ngayon? Isa kang.....heredera," napalunok akong napipilan sa mga sinaad nito.

Humalik pa ito sa pisngi ko na matamis na ngumiti sa akin bago lumabas ng pinto. Lutang akong napabalik ng kama at inuusisa ang mga nangyari. Pero muling nanikip ang dibdib ko na maalalang wala na si Tatay Darwin.

Napayakap ako sa unan na napahagulhol. Iniisip na rin ng lahat na wala na ako. Paano ako makakatakas dito? Ni hindi ko alam kung nasaan ako? Hindi ko naman kabisado ang number ni Marcus para makahingi ng tulong dito.

Natatakot din ako na tumakas dahil baka sapitin ko rin ang sinapit ng batang ipinalit sa akin na basta na lang nadampot nila Nanay sa kalsada.

Napakasama niyang ina. Iniwanan niya kami ni Tatay ng walang-wala at sumama kung kani-kaninong lalake para umunlad ang buhay. At ngayong malaki na ako at may maayos at masayang pamumuhay sa piling ni Tatay ay manggugulo siya? Kukunin na lang ako basta?

ILANG ARAW DIN akong nakakulong sa kwarto. Kaya wala na akong pamimilian kundi tanggapin ang offer ni Nanay. Kapag nakuha ko na ang tiwala nila, saka ako hihingi ng tulong sa pamilya Montereal. Wala na rin naman akong magagawa, patay na si Tatay Darwin.

"Nasaan ang nanay ko?" taaskilay kong tanong sa maid na laging nagdadala ng pagkain ko.

Para na nga akong biik dito na kain, tulog ang ginagawa. Kahit panliligo ay paliliguan ako ng maid na siyang umaasikaso sa akin lagi. Binabantayan din ako nito kapag may dalang pagkain dahil sinisigurado niyang kumakain ako.

Napangiti itong naupo sa gilid ng kama habang kumakain ako ng prutas na dala nitong snack ko.

"Pumapayag ka na ba, señorita? Ang sabi kasi ni señora, hindi ka niya pupuntahan dito hangga't hindi ka pumapayag sa kasunduan niyo." Maalumanay nitong saad.

Napahinga ako ng malalim na napatitig sa tinuhog kong apple. Gusto ko na ring makalabas sa silid na 'to.

"Oo," walang ganang sagot kong ikinatili nito na bigla akong niyakap.

"Bitaw nga," pagsusungit ko.

Napangiwi naman itong bumitaw na nagniningning ang mga mata. Bakas doon na masayang-masaya ito sa pagpayag ko.

"Tatawagin ko na si señora, señorita." Pamamaalam nito na hindi ko na sinagot at nagpatuloy na lamang sa pagkain ko.

Saglit lang at bumukas muli ang pinto. Hindi ko siya nilingon. Bakit pa? Alam ko namang si nanay ang pumasok sa pamilyar niyang prehens'ya at pabango na agad kong nakabisa.

"Is it true, hija? Pumapayag ka na?" bakas sa tono nito ang saya.

Tumango lang ako na hindi ito tinitignan dahil nakamata naman ito sa akin na naupo sa gilid ng kama. Napahaplos ito sa ulo kong hinayaan ko lang at sa pagkain ang attention.

"A'right, from now on? Hindi na ikaw si Jessie kundi si Jessica. Hindi mo rin pwedeng ipaalam sa iba ang totoong katauhan mo higit sa lahat? Kalimutan mo na ang mga taong nakasalamuha mo dati. Malinaw ba, Jessica?" napaismid na lamang ako.

"Opo."

"Lakasan mo."

"Opo."

Mas nilakasan ko pa ang boses. Napangiti itong tumango-tango habang haplos pa rin ako sa ulo.

"Very good, hija. Hwag kang gagawa ng ikakasira ng usapan natin, Jessica. Kung ayaw mong....parusahan kita," napalunok akong matapang sinalubong ang mga mata nito.

"Fine. I'm Jessica Harris from now on, pero kapalit nito....ang kalayaan ko," ngumiti lang itong tumango.

Kita sa mga mata nitong napakasaya nito sa pagpayag kong mabubuhay ako sa katauhan ng namayapang kakambal ko. Si Ate Jessica. Ang sanggol na tinangay nito pero napabayaan dahil kung kani-kanino nito ipinapaalaga noon para makapagliwaliw kasama ang mga lalake nito.

Kaugnay na kabanata

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 6 Trip

    15 YEARS LATER__MARCUS:PANAY ANG PAG-CHEER sa akin ng mga classmate ko habang naghahanda na kaming mga atleta sa pag-dive dito sa malawak na pool ng university namin. Kailangan kong matalo ang huling records ko at ako muli ang magre-represent ng school namin sa international swimming competition na gaganapin sa England. Naghanda na kaming mag-dive nang pumito na ang coach namin at mabilis tumalon ng pool pagka-tunog ng pito nito. Napapailing na lamang ako dahil 'di hamak namang mas mabilis at maliksi ako sa lahat ng kalaban ko. Kaya nga kampante ang mga classmates at mga professor kong ako ulit ang magri-represent ng school namin. Ang Del Prado's University. Hinihingal akong umahon na agad inabutan ako ni Denzel Castañeda ng towel dahil hindi na magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtili at pagsigaw ng pangalan ko lalo na't...naka-trunks lang ako."Iba talaga pag gwapo eh, hmm?" natatawang tudyo nito na inakbayan ako.Napiling na lamang akong kumaway sa mga itong lalong napapairit

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 7 Pagkikita

    JESSICA:"Wakey! Wakey! Breakfast is ready!" Napaungol ako na nagrereklamo at tinakip ang unan sa mukha ko na marinig ang matinis na boses ni yaya at hinihila ang kumot ko!"Good morning sa alaga kong tulog mantika! Gising na, may ensayo ka ngayon!" ani Nanay Dina na siyang Yaya ko mula pagkabata."Ahhsshh! Five minutes more, Yaya!" dabog ko na nagtalukbong ng kumot pero hinila lang nito."No. 'Yong five minutes mo mapupunta ng ten minutes hanggang abutin na naman tayo ng isang oras dito. Anak naman, dalaga ka na. Dapat kusa ka ng gumigising," panenermon nito na pilit na akong binabangon kahit nakapikit pa ako. Bagsak ang katawan kong inaakay nito sa banyo."Kumilos ka na. Mali-late ka niyan. Wala pa naman si Archie para ihatid ka ng dorm," pagalit pa nito dahil tinutulak lang naman niya ako papasok ng banyo.Si Kuya Archie ang personal driver namin ni Mommy. Tiyak out of town na naman sila kaya wala ito. "Ahhh! Yaya, ang lameeegg!!" tili ko nang buksan ba naman nito ang shower at

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 8 Pagpapakilala

    MARCUS:NAGMAMADALI AKONG bumababa ng hagdanan palabas ng building naming mga swimmer dahil nasa labas si Kuya Angelo at Denzel na ipinaalam ako sa coach at team ko para makapasyal muna kami ni Denzel sa coffeeshop ni Kuya Angelo. Bukas pa naman ang simula ng ensayo namin dahil bagong dating pa lang kami kaya hinayaan muna kami ni coach na makapagpahinga. May mga kasama din akong nanggaling sa visayas at mindanao na ka-team ko at mga bagong kaibigan ko na rin.Sa pagmamadali kong bumaba ng hagdanan ay may nakabangga akong dalawang babaeng paakyat!"Aww! Tumingin ka nga--" Natigilan ito nang mapatingala sa aking ikinatigil ko rin na namilog ang mga matang nakatunghay dito! Nangilid ang luha ko na napatitig sa mukha nito. Sa mga mata, ilong, mga labi. Kahawig na kahawig ng isang babaeng magpahanggang ngayon ay nasa isip at puso ko! Kamukhang-kamukha niya ang dalagang version nito sa panaginip ko noong nagpapakasal na kami at sa araw mismo na napanaginipan ko ito sa malawak na garden

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 9 Crush

    JESSICA:KINABUKASAN AY KATULAD ng daily routine namin dito sa dorm ay maaga kaming bumabangon para mag-jogging kasama ng mga team namin sa malawak na field. Magkaiba kami ni Valeen ng building kaya iba rin ang mga kasama ko kahit sa silid ko at ang mga team mates ko ay kapwa ko mga weight lifter na katulad ko? Masasabing mga malulusog at parang siga kahit na mga babae ang marami sa amin. "Sabay na tayo, Ji!" ani Kendra. Ang kasama ko sa silid. Kaibigan ko rin naman siya maging buong team ng weight lifter. Hindi naman ako namimili ng kakaibiganin basta maayos kang kaharap ay walang problema.Pababa na kami ng lobby at kitang nandidito na nga ang team namin. Mukhang kami na lang ang hinihintay. Kung sa bahay ay halos maghapon na akong nakahilata na lang? Iba naman dito sa dorm dahil alaskwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako."Good morning, Ji!" malambing bati ni Jestoni.Ang makulit kong manliligaw na kahit ilang beses ko nang binasted ay patuloy pa rin. "Morning," balikb

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 10 May gusto

    MARCUS:NAGHAHANDA NA KAMI na mag-dive ng pool nang tawagin ako ni coach Rico. "Marcus!" napalingon ako sa gawi nito. "May bisita ka" sigaw nito dahil nasa kabilang gilid siya ng pool.Napalingon ako sa pinto at napangiti na sinalubong sina Kuya at Denzel na nakangiting naglalakad palapit sa akin. Napapalinga pa sila dito sa loob dahil puro mga naglalawakang pool ang nandidito."Kuya, Denzel," nakipag-goose-bump ako sa mga ito na muling ibinalot sa katawan ang towel dahil naka-trunks na lang ako."Dinaanan ka lang namin. Picture daw tayo. Si Mommy, humihingi ng ebidensya na dinalaw ko ang baby niya," natatawang saad nito na nilabas ang phone.Napahagikhik din si Denzel maging ako dahil kahit nga kagabi ay ilang oras kaming nag-uusap ni Mommy sa videocall dahil hindi rin naman ako tatantanan non hangga't hindi ko sinusunod ang gusto.Ilang selfie din naming tatlo ang kinunan ni kuya at may mga solo pa ako na kita ang malawak na pool sa likuran ko at mga kasama kong swimmer sa paligid

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 11 Part-timer

    JESSICA:NAPAPANGISI AKONG nakatitig dito na namumula at hindi makatingin sa mga mata ko. Kahit na tudyo ko lang naman ang tanong ko kung may gusto ito sa akin ay ang cute niyang pagmasdan na pinamumulaan at hindi makaimik tss. Tumayo na ako nang maramdaman ang akward sa pagitan namin. "Mauna na ako." "S-Sabay na tayo, Chubs!" naalarmang saad nito na napatayo na rin. 'Di ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay. Nakikita niya talaga sa akin ang dati kong katauhan. Katauhan na matagal ko ng inilibing sa limot. Matagal ng patay si Jessie Abigail Gonzalez. Ako na si Jessica Harris ngayon. Hindi na ako ang bestfriend niya.Napalapat ito ng mga labing napaiwas ng tingin at pinamulaan."Tss. Duwag." "Hoy, hindi ah!" alma nito na nanlalaki ang mga mata!Napahagikhik akong mahinang sinipa ito sa binti."Urrgghhh! Fvck!" daing nito.Namilog ang mga mata ko nang mapatid itong namilipit sa mahinang pagsipa ko lang!"A-Ayos ka lang?""Mukha bang oo? Damn Chubs, para kang kabayo kung manipa ah!" a

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 12 Asaran

    MARCUS:BAGSAK ANG KATAWAN kong nakarating ng hotel kung saan naka-stay si Kuya at Denzel. Paano, dalawang araw kong hindi makakasama si chubs. Ni hindi ko nga siya nakita kanina bago ako sinundo ni kuya ng dormitory namin. Nakakainis din ang babaeng 'yon. Ayaw sabihin kung saan nakatira kaya hindi ko alam kung saan siya pupuntahan ngayong weekend. "Pagod na pagod ah," bungad ni Denzel na mapagbuksan ako.Sabog-sabog pa ang buhok na halatang kagigising pa lang. "Ikaw ba naman maghapong pinapalangoy eh," natatawang sagot ko na humilata sa mahabang sofa nitong hotel room na akupado nila ni Kuya. Naupo naman ito sa kaharap ko na napapangusong pinakatititigan ako."Kumusta 'yong kinukwento mong chick mo don? Kailan mo ba kasi siya ipapakilala sa akin? Tamang-tama bukas, pareho kayong walang ensayo, dude! Labas naman tayo oh!" magkakasunod na tanong nito.Napangiti akong napailing na umunan sa braso ko habang nakamata sa ceiling at inaalala si chubs. Kahit madalas niya akong tarayan ay

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 13 Pares

    MARCUS:NAPAPANGUSO AKO habang pinapanood sila Kuya at chubs sa counter. Hindi niya talaga ako sinamahan mag-kape. Ang sama niya. Napakatamis niya pang ngumiti kay Kuya na halatang nagpapa-cute, tsk. May gusto siya kay Kuya? Seryoso ba siya? Ang tanda na ni Kuya para sa kanya. Haist. Kung alam niya lang kung gaano ka-playboy ang crush niya, tss. "Hey, dude!" Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Denzel sa tabi ko. Ang aliwalas ng mukha at bakas ditong nag-enjoy na naman sa pagbubulakbol."Okay ka lang? Bakit pang-byarnes santo ang mukha mo, hmm?" usyoso pa nito. Ngumuso ako sa counter kaya napalingon ito doon at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin. Napabuntong-hininga akong nilalarong tinutusok-tusok ng tinidor ang cake sa harapan ko."Siya 'yon, 'Yong sinasabi kong kinukulit ko sa dorm na weightlifter," saad ko sa mababang tono.Namilog ang mga mata nitong muling nilingon sila Kuya na napapilig ng ulo."Parang nakita ko na siya," anito.Napatitig pa rin sa dalawang masa

    Huling Na-update : 2023-11-19

Pinakabagong kabanata

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 12 Birthmark

    MOIRA:PALAKAD-LAKAD ako ng silid habang pinag-iisipan ang mga dapat ilagay ko sa kontrata namin ni boss tukmol. Hindi ko lang lubos akalaing may matinding lungkot pala siyang napagdaanan noon at sa kamay pa mismo ng matalik niyang kaibigan at long-time girlfriend. Kaya naman pala makahulugan ang mga sinaad ni Aliyah Anderson sa akin ng kausapin ako sa restroom at kwinekwestion ang lalim ng pagmamahalan namin ni boss. 'Yon pala ay ex niya ito at marahil nag-a-assume pang hindi pa nakaka-move-on sa kanya ang boss ko. Tsk. Ang kapal niya para komprontahin ako at tanungin kung mahal nga ba ako ni boss? O baka ginagawa lang rebound. Natigilan ako at napasapo sa ulo ng may mapagtanto."Anak ng tokwang matabang baboy! Para nga pala niya akong ginawang rebound sa pagiging instant fiancee ko sa kanya sa harap ng run away bride niya," parang hibang pagkausap sa sarili na napapasabunot ng ulo. Napapakagat ako ng ibabang labi."Pero bakit kailangan naming magpakasal? Hindi kaya. . . dahil bi

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 11 Offer

    MOIRA:KABADO ako habang kaharap ang mag-asawang Anderson na siyang investor sa kumpanya ni boss tukmol. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay malakas ang kutob ko at nahihinulaan ko na ang mga nangyayari. Sa uri ng tinginan at pagkausap nila sa isa't-isa ay alam ko ng dati na silang magkakakilala. Pero ang ipinagtataka ko ay ang kinikilos ni boss tukmol. Una, binilhan niya ako ng magarang dress sa mamahaling boutique. Nanlumo pa ako na makitang nasa 200 thousand ang suot-suot ko ngayong dress na napili nito. Pinaayusan din ako para daw magmukha akong tao.Ngayon naman ay pinakilala niya akong fiancee! Balak pa yata akong pikutin ng tukmol na 'to! Hindi p'wede! Baka kapag nalaman niyang nabuntis lang ako ng kung sino ay sasabihan akong ipapaako ko sa kanya ang anak ko. H'wag na lang! Ang sama kaya ng ugali niya. Baka mamaya kawawa lang ang anak ko pag ito ang maging step-father ng Mikmik ko. 'Di bale na lang. Kaya kong magbanat ng buto para sa gatas at diapers ng anak ko."So, kail

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 10 Instant Fiance

    AKHIRO:NAKONSENSYA naman akong nalapnos ko ito sa dibdib kahit na ba hindi ko iyon sinasadya. Pagkalabas nito ng banyo ay presentable pa rin naman ito na isinuot ang plain white shirt kong hiniram nito na ini-tuck-in nito sa black pencil skirt nito at napapatungan ng black blazer. Napaayos ako ng tayo at 'di pinahalata ditong nagu-guilty ako. May oras pa naman kami kaya kahit matagalan kami sa lunch meeting namin."Tara na, boss!" masiglang saad nito."Are you comfortable with that?" aniko na muling pinasadaan ang kabuoan nito."Yes, boss, magaling akong magdala ng damit kaya yakang-yaka ko 'to!" Napailing akong nagpatiuna na sa elevator ko. Kaagad namang sumunod ito. Nagpamulsa ako at napapanguso kung paano ko ba ipapamukha sa dalawang traitor at paghinayangan ang pangtatraydor sa akin. Tahimik lang naman si Moi na nasa gilid ko at ito na rin ang nag-press ng button pababa ng ground floor. Yakap pa nito ang iPad at note nito na laging dala-dala para ilista lahat ng mahalagang pagd

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 9 Comeback

    AKHIRO:NAPAPAHILOT ako ng sentido na kay aga-agang pina-init ni Moi ang ulo ko! Napapailing na lamang ako sa kakulitan nito at tapang na magbiro sa akin. At ano daw? Binabasted niya ako dahil hindi niya ako type at masyado na raw akong matanda para sa kanya?! Fvck! Sampung taon lang ang age gap namin. "Damn, Moi. Hindi pa ako gano'n katanda, fvck!" hibang kong pagkausap sa repleksyon kong kaharap mula dito sa restroom! "Fvck! Bakit ko ba iniisip ang sinabi niyang magmumukha kaming mag-ama kapag nag-date kami?! Damn it! Ang lakas ng loob ng kutong-lupa na 'yon! Ang sarap niyang ibalibag sa kama, fvck!"Napapailing na lamang akong napahilamos ng palad sa mukha. Damn, Moi! May araw ka rin sa akin.MAGTATANGHALIAN na nang mapansin ko itong tumayo ng cubicle nito at nagtungong elevator. Napailing na lamang akong binalingang muli ang mga papeles na kaharap ko para sa mga proposal ng mga bagong investor ng kumpanya.Natigilan ako nang madako ang paningin ko sa isang folder.Anderson's Gro

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 8 Basted

    MOIRA:MAAGA kong tinapos ang mga iniuwi kong trabaho para makalaro na muna ang baby kong kanina pa nagpapakarga sa akin. Pero dahil may mga report akong tinatapos itipa sa laptop ko para mai-email sa mga new investor ng poging tukmol kong boss? Kailangan kong tapusin ng wala itong masabi. Sayang naman kung ma-bad-shot ako dito. Mukhang malapit ko pa naman ng mahuli ang kiliti nito. Konting-konti na lang at mapapaamo ko rin siya. Sayang din naman kasi ang 50k na sahod ko sa kanya monthly. Malaking bagay na iyon para sa pangangailangan ni baby at paunti-unti ay makakaipon ako ng pang-future nito."Kumusta ang baby ko? Come to Mama na, anak," pagkausap ko sa anak kong agad nag-angat ng mga braso.Napangiti na lamang ako na matyagang naghintay ito sa akin sa crib nito dito sa may sala katabi ako."Mammaa. Mammaa." Napangiti ako sa muling pagbigkas nito ng katagang Mama ng paulit-ulit. Parang hinahaplos niya ang puso ko sa tuwing binabanggit ang salitang mama. "Ang galing naman ng baby

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 7 Closer

    AKHIRO:MATAPOS ang ilang oras naming paglilibot sa garden nitong mansion ay nagtungo na kami sa loob na iginiya ito sa silid ko. Kumpleto kasi dito na pinasadya ko ang design. May kusina, sala at kahit nga ang theater room, bilyaran, darts at mini bar ay nandidito sa loob ng master's bedroom."Wow." namamanghang bulalas nito na iginagala ang paningin sa paligid nitong silid."Would you mine?" Napalingon ito sa aking nagtatanong ang mga mata. Kimi akong ngumiti na iniangat ang isang champagne. Pilit itong ngumiti na tumango. Binuksan ko ito na kumuha ng dalawang wine glass at pinagsalinan ito."Thank you, Sir.""Stop calling me, Sir. We're not in the office," aniko.Natigilan itong nagtatanong ang mga matang napatingala sa akin. Ang liit niyang babae na kay sarap yakapin. "You don't have to be formal to me today, Moi. Nasa labas naman tayo," kindat ko.Napalapat ito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "O-okay po," mahinang sagot nitong napasimsim sa kanyang baso."Do you know how to p

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 6 Golf

    AKHIRO:NANGINGITI kong pinagmamasdan sa monitor ng cctv ko si Moira na nagkakandahaba ang nguso habang nakatutok sa screen ng monitor nito. Sinadya kong pahirapan ito kaninang umaga sa ginawa nitong kape kahit ang totoo ay masarap naman talaga ang gawa niya at nagustuhan ko. Pero gusto kong subukan ang temper nito kung makakatagal ba ito sa akin. Kaya bawat basong gawa nito ay isang lunok lang ang pagtikim ko at umaasang hindi ko nagustuhan. Pabalang kong ibinabagsak ang baso kaya natatapon ang laman sa lamesa. Tahimik at paulit-ulit lang naman nitong nililinis ang mesa ko. Wala naman akong nakitang pagkairita dito kundi natataranta pa nga ito sa harapan ko na hindi ko nagugustuhan ang timpla nitong kape. Mas masarap pa nga ang gawa nito sa nakasanayan kong timpla ni Divina for fucking ten years!Siya namang biglang sulpot ng kambal ko mula Paris. Si Danica, dahil doon nakabase ang mga ito bilang mga fashion designer ng mga brand clothing namin doon na magkatulong nilang pinalago n

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 5 Arrogant

    MOIRA:MAAGA pa lang ay pumasok na ako ng trabaho dahil ayo'ko ng ma-late muli. Tama na ang minsang nakaligtas akong na-late ako pero swerteng late din ang boss ko.Pag-upo ko pa lang sa swivel chair ko dito sa table kong katapat ng pinto ng opisina ni boss arrogant ay tumunog na ang intercom ko."Ms De Guzman, prepared my coffee." Namilog ang mga mata kong nandidito na ito ng ganto kaaga! Taranta akong tumayo at kumatok muna ng pinto nito bago pinihit ang doorknob at pumasok. Tumuloy na ako ng pantry nito at napasapo ng noo na maalalang hindi ko nga pala alam kung anong uri ng kape ang gusto nito."Bahala na." Nagtimpla ako ng caramel coffee at maingat dinala sa kinaroroonan nito. As usual, nakabusangot at salubong na naman ang mga kilay nitong naka-focus sa mga papeles na binabasa. Tss. Hindi ba nangangawit ang mga kilay niyang lagi na lang salubong?"Good morning, Sir. Kape niyo po." Maingat kong inilapag sa harap nito ang kapeng gawa ko at piping nagdarasal na magustuhan nito.

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 4 First Day

    MOIRA:NAMUTLA AKO NA makumpirmang siya ang lalakeng kanina lang ay kasa-kasama ko sa kama ng hubot-hubad! Kung ganon ako 'yong lintek na nilalang na binanggit niyang nagpaalaga sa kanya at ano daw . . .? Plano siyang pikutin kaya nagtulog-tulugan at naghubad na nakitabi sa kanya?! Napakuyom ako ng kamao na matamang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang naniningkit lalo."M-Magkakilala kayo?" ani Ms Divina na palipat-lipat ng tingin sa amin ni boss."Ahem! No." Agad nitong sagot na nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Iniabot naman ni Ms Divina ang resume ko bago nagtungo sa pantry nitong opisina para igawa ng kape ang boss namin. Saksakan nga ng kakisigan at kagwapuhan pero saksakan din ng pagka-arogante at kasungitan. Salubong pa ang itim na itim at malagong kilay nitong bumagay sa chinito at kulay abong mga mata. Kahit mga pilikmata ay mahaba na makapal!Nag-angat ito ng mukha na napataas ang mga kilay na mahuli akong pinagmamasdan ito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi na ikinangi

DMCA.com Protection Status