JADE’S POV“ANONG. . . sinabi mo???!!!” malakas na sabi ni Aira.“Shhh! Ang ingay mo!” Saway niya rito sabay mabilis na tinakpan niya ang bibig nito.Naroon ito at si Scarlet para sumama sa pagbisita kay JM . Of course, nabanggit niya sa mga ito ang naganap sa pagitan nila ng tatay ng anak niya.At ‘eto nga’t halos bulabugin ng kaibigan niya ang buong military camp! Samantalang tahimik lang si Scarlet.Pilit na tinanggal naman nito ang kamay niya kaya pinakawalan niya na rin ito.“Teka, teka, Ate. P-Parang ang bilis yata ng mga pangyayari. P-Paanong kayo na? Walang ligaw-ligaw? Jowa agad???” sunod-sunod na tanong pa ni Aira nang kumalma ito kahit paano.“Tsaka isa pa, alam mo ba kung ano ‘tong pinasok mo, Ate? Aba’y parang kelan lang ipinabaranggay mo pa si General dahil ‘ka mo ginugulo ka, tapos ngayon boyfriend mo na???! Okay ka lang?” tila naninermon pang dagdag nito.Napabuntong hininga siya. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ni Aira.But Scarlet is strangely quiet
JADE’S POV “ATE...sorry ah,” biglang basag ni Aira sa katahimikan, habang naglalakad silang tatlo nina Scarlet pabalik sa quarters niya. Pauwi na kasi sila galing sa ospital at halos mag-aalas singko na ng hapon. Mas pinili nilang maglakad dahil hindi naman gan’on kalayo ang ospital mula sa tinutuluyan niya. “Sorry para saan?” Nagtataka niyang tanong. Her head was somewhere else nang biglang magsalita ang kaibigan kaya medyo lutang siya. “Sa inasal ko kanina sa harap n’yo ni General,” sagot naman nito. “Ay dapat pala Kuya na ang itatawag ko sa kanya, nagpromise nga pala ako sa kanya,” dugtong pa nito. Napangiti siya at bahagyang hinimas ito sa likod. “Okay lang ‘yon. Alam ko naman concern ka lang sa’kin,” tugon niya. Umiling ito. “Hindi, Ate. Masyado akong nadala,” “Nadala saan?” Narinig niyang bumuntong hininga ito. “N’ong isang gabi kasi, inabutan ko si Kuya Macoy nakatitig sa picture mo,” sabi nito. Nilingon niya ito at gan’on din ito sa kanya. She suddenly felt guil
JADE’S POVNAPAKUNOT... siya ng noo. Kilalang-kilala? Ulit niya sa isip.Paano naman kaya siya nakilala ng mga ito?“Myself, Joaquin and Uno were in the Special Force Alpha Team na pinamunuan ni Red noon. It was the same team na in charge sa kaso ni Dysangco five years ago,” wika ni Daniel na mukhang nabasa ang tanong sa isip niya.He gave her a meaningful look.Dysangco, she repeated again.She will never forget that name. Kung iisipin, ito ang ugat ng lahat ng paghihirap niya.“And this is Arnualdo, he was Red’s fake cousin during the undercover mission,” pagpapatuloy pa ni Daniel.“Pero pwede mo akong tawaging Yoda, Miss Byutipul. Tutal, future cousin-in law naman kita,” singit naman ng lalaking tinawag ni Daniel na Arnualdo. Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito.She was lost in her own thoughts.“Miss Byutipul, Miss Byutipul...” paulit-ulit na bulong niya.Why does that sounds familiar? Tanong niya pa sa sarili.Para kasing narinig na niya iyon dati, pero hind
JADE’S POVH I N D I . . . na niya maalala kung kailan ang huling beses na nakapagshopping at pamper day siya para sa sarili. Magmula nang pumasok sila sa loob ng mall, they have been into different shops. Magmula sa mga damit, accessories, bag, sapatos hanggang sa mga cosmetics at skin care, pinuntahan nila lahat.Hindi niya alam kung nagmamadali ba sila o sadyang maliliksi lang kumilos ang mga lalaking kasama niya, dahil pakiramdam niya ay nasa isa siyang military training.Halos lakad-takbo ang ginagawa niya para lang makasabay sa mabibilis at mahahabang hakbang ng mga ito.“Daniel, hindi pa ba tayo tapos?” hindi niya mapigilang itanong sa lalaki habang naglalakad sila papunta sa iba na namang store.Ngumiti ito bago siya sinagot.“Almost,”She let out a tired sigh.She nearly flinched nang bigla siyang tabihan ng isa sa mga lalaki, na sa pagkakaalala niya ay ay nagngangalang Yoda.“Pagod ka na Miss Byutipul?” nakangiti nitong tanong.“I-I’m okay,” maiksi niyang sagot.Sh
JADE’S POVINILIBOT . . . niya ang paningin sa entrance ng hotel. From the design, the structure and the theme of every wall and pillar, everything speaks of elegance.Hindi ito ang unang beses na makakapasok siya sa hotel na iyon. When she was still the old her, she would come here every now and then for its VIP club. Pero ngayon, pakiramdam niya ay hindi na siya nababagay doon.She could not help but wonder and worry at the same time, kung ano ang magiging impresyon ng pamilya ni Red sa kanya.What if they don’t like her? What if maliitin siya ng mga ito dahil sa estado ng buhay niya ngayon? Hindi malayong mangyari ang mga iyon dahil tipikal iyon sa mga taong may sinabi sa buhay. She should know. After all, she was once one of them.Nagpakawala siya ng malalim na hangin. “E di kung di nila ako magustuhan, di ‘wag. Babalik na lang kami sa Bagong Pag-Asa at---”“At sa tingin mo naman papayag akong umalis kayo ng gan’on-gan’on lang?” agad na putol ng kung sino mula sa likuran
RED’S POVFROM . . . the look on Trinity’s face, mukhang hindi maganda ang balitang natanggap nito. “A-Anong ibig mong sabihin... t-teka nga Aira...k-kumalma ka...a-anong nangyari?” Natataranta nitong sabi sa kausap.She paused as she listened to the person at the other end of the line.Then her face suddenly became as pale as a ghost. And even from when he’s standing, he could see her tremble.Napatuptop ito ng bibig at napatingin sa kanya.What could be the problem? He thought to himself.For a moment ay nakalimutan niya ang gulong ginawa na naman ni Arianna, and all he could think of is Trinity’s worried and pained look.“A-Asan kayo?” tanong nito sa kausap sa nanginginig na boses.Maya maya lang ay tumulo na ang mga luha nito.Doon siya mas lalong nabahala.He let go of Arianna at agad na nilapitan ang girlfriend niya.Gusto niya sanang magtanong kung anong nangyayari, but he held his horses dahil ayaw niyang mas lalong makagulo.“P-Papunta na ako, papunta na ako,” ti
JADE’S POVT H E . . . journey to the hospital took forever. Kung kailan naman nagmamadali siya ay doon naman siya naipit sa napakahabang traffic.She cursed all those who had become presidents, including the one in seat at present, kung bakit ganito kasama ang traffic sa Metro Manila.Hindi siya relehiyosong tao, pero natagpuan niya ang sariling walang patid na nananalangin na sana ay okay lang si Macoy.Kung ano-ano ang pumasok sa isip niya. She regretted the way they parted when they left the hospital para sumama kay Red. She regretted not talking to him and letting him stay in the dark of what was happening with her.She should have told her how grateful she is for all that he has done for her and JM.Dapat ay pinalampas na lang niya ang bawat alitan nila.Dapat ay...Napapikit siya nang sumagi sa isip niya ang posibilidad na hindi na niya ito makitang buhay. “M-Manong, malayo pa po ba tayo?” tanong niya taxi driver sa pagitan ng pag-iyak.“Medyo me distansya pa ho,
JADE’S POVS H E . . . is not the religious type, but she found herself praying so hard that Macoy would wake up alright.Paulit-ulit na nag-re-replay sa isip niya ang huling beses na nakita niya ito. Iyong pag-alis pa nila ni JM sa ospital iyon, matapos maaksidente ang anak. They never spoke after that. And to be honest, she is feeling guilty that she never even tried to reach out to him matapos niyang tumira sa military base para mapalapit sa anak, habang tumatanggap ito ng rehabilitation therapy sa Military Hospital. She got so busy with her own personal relationship, and admittingly forgot about Macoy. Kaya ngayon ay heto siya’t walang patid ang pagdarasal na sana ay hindi iyon ang huling alaala niya sa kaibigang naging sandalan niya sa panahon na walang-wala siyang ibang matatakbuhan. Magmula ng payagan sila ng mga doktor na pumasok sa silid ng binata ay hindi na niya binitiwan ang kamay nito. Abot ang hiling niya na sana ay magkamalay na ito at maging okay na ang lahat. “Plea
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di