MACOY’S POVNANANAKIT... ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay may nakapatong na tig-isang sako ng bigas sa magkabila niyang mga mata sa bigat ng mga iyon. Kung siya lang ang masusunod, gusto niya lang na manatiling nakapikit.Pero may pamilyar na boses na paulit-ulit na tumatawag sa pangalan niya.Macoy. Macoy. Gumising ka na, please.Kaya kahit hirap, ay pilit na idinilat niya ang mga mata. Mukhang nananaginip nga siya dahil mukha agad ni Jade ang nakita niya.Imposibleng naroon ito hindi na sila nito nag-uusap matapos itong lumipat ng di umano’y ‘pansamantala’ sa military base, kasama ang tatay ni JM. May kung anong kumurot sa puso niya sa isiping iyon.Pero hindi natigil ang pagtawag nito sa pangalan niya, at kung hindi nga siya nagkakamali ay umiiyak pa ito. Kaya muli niyang pinilit ang sarili na magmulat ng mga mata.Hindi nga siya nananaginip lang, nandito nga talaga si Jade sa tabi niya. Pinakatitigan niya ito. Ang daming pumasok sa isipan niya. Gusto niyang maghina
MACOY’S POV HINDI . . . niya makalimutan kung paano niya tinapos ang nakakailang na sandali sa pagitan nila ni Jade noong isang araw. FLASHBACK: Nakailang lunok siya ng laway hanggang sa matuyo na ang bibig niya. Pilit na iniisip niya kung paano niya lulusutan ang muntikang pagkabuko ng nararamdaman niya. “A-Ahm, A-Aray, s-sumakit bigla ‘y-yong u-ulo ko…a-aray…” wika niya. Iyon ang unang pumasok ulit sa isip niya. Ah, bahala na si Asiong Salongga! Basta ang importante ay malusutan niya ang sitwasyong ito. Oo, inaamin niyang gusto niya ring makausap ang dalaga. Lalo na ngayon kung kailan mas malinaw na ang lahat para sa kanya. Pero ngayong narito na nga ito sa harapan niya, hindi niya naman malaman kung ano, at paano niya sasabihin ang mga bagay na akala niya ay nakahanda na siyang sabihin, basta’t magkaharap lang ulit sila. Bukod sa ni kailan ay hindi pa siya nakapagtapat ng nararamdaman niya sa kahit na kaninong babae, tingin niya ay hindi ito ang tamang pagkakataon para
MACOY’S POV SA…dalawampu’t pitong taon niya sa mundo, isang beses lang siya umiyak. At iyon ay noong malaman niya mula mismo sa nanay niya, na bunga siya ng paglalapastangan ng kung sinong lalaki sa ina niya. Umiyak siya ng umiyak habang hinihiling na sana ay hindi totoo ang lahat ng iyon. Pero nasaid ang luha niya at lahat, walang nagbago sa katotohanan ng buhay niya. Kaya magmula noon, ni minsan, hindi na ulit niya hinayaan ang sariling umiyak. Kahit na may masakit sa kanya, o di kaya ay may nakaaway siya o malungkot siya, itinatak niya sa isip niya, na kahit lumuha ka ng dugo, mangyayari ang kung ano man ang itinakda. At wala kang magagawa doon. Bago dumating si Jade sa buhay nila, wala siyang ibang inisip kung di ang kung paano niya maiaahon sa hirap ang nanay niya. Tanggap na niya, na para sa mga tulad niyang ipinanganak na mahirap, hindi lahat ay pwede niyang makuha. Kailangan talaga niyang magsakripisyo. Hindi pwedeng makuha niya ang sarili niyang kaligayahan habang iniisip ni
JADE’S POV“HINIHINTAY… na lang natin na i-idischarge siya ng physiotherapist niya, and then you are good to take him home, Mrs. Enriquez,” wika ng doktor na siyang in charge sa overall care ni JM.May kung anong kurot sa puso siyang naramdaman ng tawagin siya nitong Mrs. Enriquez. Hindi niya alam kung itatama niya ba ang maling akala nito sa posisyon niya sa buhay ng ama ng anak niya, o hahayaan na lang niya. Bago pa man siya makapagpasya ay tumalikod na ang doktor.“U-Uhm,” alangan niyang tawag dito. Agad din naman siya nitong nilingon.Hindi ko asawa si General Enriquez.Iyon talaga ang gusto niyang sabihin.Kaya lang bigla niya ring naisip na maaari itong mag-follow up question ng ‘Kung hindi ka niya asawa, ano ka niya?’At sa totoo lang, hindi niya alam kung paano niya iyon sasagutin. Had it been few weeks earlier, pwede niya sigurong sabihing girlfriend siya ng heneral. But since the night of Macoy’s accident, ay hindi na niya ito nakita o nakausap man lang. To be honest,
JADE’S POV “AAAAHHHHHH” Her screams of motivation suddenly became scream of fear nang may biglang humawak sa pulsuhan niya at inagaw ang hawak niyang vase. Bago pa siya makapag-react ay nagawa na siya nitong paikutin para maigapos siya sa sarili niyang mga braso, habang hawak pa rin siya nito. Sa pagpupumilit niyang makawala mula rito ay natalisod siya ng kanto ng kama kaya nawalan siya ng balanse at tuloy-tuloy na napabagsak sa malambot na kutson. And because the intruder had her in bundle, pati ito ay nahila niya nang bumagsak siya. “Let me go! Help!!!!” malakas niyang sigaw habang pilit na nagpupumiglas, nang maramdaman niyang nakapakubabaw ito sa kanya. “What are you doing here?” narinig niyang tanong ng taong gumapi sa kanya. Natigilan siya sa pagpoprotesta at agad na napadilat. Tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng kaisa-isang lalaking gusto niyang makita ng mga oras na iyon. “R-Red...” sambit niya sa pangalan nito. His expression went from shocked to ice cold real qu
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.