JADE’S POVM A B U T I . . . na lang at pumayag din si Red na doon muna sila ni Aira. Bukod kasi sa gusto niya rin makita kung anong ginagawa nito sa trabaho, she was hoping na magkakaroon pa siyang chance na makausap ulit si Daniel. Marami pa kasi siyang gustong itanong dito. “You can stay, but you have to strictly obey the rules. Delikado ang field kapag may on going drill,” pagpapaalala pa ng binata. Sunod-sunod naman ang naging pagtango niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga bago nagpatiunang maglakad. Sinenyasan sila nito ni Aira na sumunod kaya gan’on naman ang ginawa nila. “Ate, crush mo na din ba si General?” maya maya ay pasimpleng bulong ng kaibigan sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata. Mamaya ay may makarinig pa sa kanila at kung ano pa ang isipin.. Iginiya sila ng binata sa isang tent na nasa likod ng isang tranparent barrier. Ang ilang opisyal na naroon ay agad na sumaludo nang makita si Red. Kumuha ito ng dalawang headphone at binalingan sila
JADE’S POV I T . . . was her instinct that made her react that way. Agad siyang nilingon ni Red. At base sa pagkakalukot ng mukha nito, alam niyang hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang iyon. Noon niya lang naalala ang sinabi nitong hindi totoo ang engagement nito at ng ate niya. Pinakatitigan lang siya ng binata at agad na kinuha pabalik ang kamay niya. Sa pagkakataong ito ay mas hinigpitan nito ang pagkakahawak doon, ‘tsaka binalingan ang kapatid niya. Nilapitan naman sila ng huli at hindi ito nag-abalang itago ang pagtitig sa magkahawak na mga kamay nila ni Red. Even though she knows na walang relasyon ang mga ito, she still feels uncomfortable. Kaya ilang beses niya pang sinubukang bawiin ang kamay niya mula kay Red, pero hindi nito iyon binibitawan. “R-Red,” sambit niya na may himig ng pag-awat dito. Pero muli lang siya nitong nilingon. “No!” mariin nitong tugon. Bakas ang pagpipigil nito ng inis. Nakita niya ang pag ngisi ng kapatid niya. Alam niyang hindi nito na
JADE’S POV H I N D I . . . niya alam kung gaano katagal na nakatitig lang siya kay Red. Gan’on di naman kasi ito sa kanya, habang hawak pa rin nito ang kamay niya. She wanted to ask him to say it again, dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. Pero natatakot naman siya na baka nga iba pala ang sinabi nito at mali lang ang narinig niya. Hinihintay niyang ito ang maunang magsalita pero wala na itong sinabi. Sa halip ay binalingan na nito ang kapatid niya. Did I really hear it wrong?! Tanong niya tuloy sa isip. “Please leave. Or else mapipilitan akong ipatawag ang security and ban you from entering the military camp completely,” ma-awtoridad nitong sabi kay Ariana. “B-But M-Miggy—" “Let’s go, Trinity,” agad na yaya ni Red sa kanya. Hinila siya nito at dire-diresto nilang nilampasan ang ate niya. Mabilis at mahahaba ang naging hakbang ng binata, kaya lakad-takbo ang ginawa niya para makasabay dito. Nang makalayo sila ng husto, ay unti-unti nang bumagal ang paglakad nito at tuluya
JADE’S POV WHEN... she realized what she has done ay napatuptop siya ng sariling bibig.Whatever got into her to make her do that, hindi niya alam. Basta ang alam niya, she wants him to not be mad anymore and for him to not leave. Ni hindi niya alam kung saang balon siya humugot ng lakas ng loob na gawin ang ginawa niya! Never in her lifetime did she ever think na magagawa niyang siya ang mag-first move! How much more will you embarrass yourself in front of this man, Jade! Kastigo niya sa sarili.“A-Ahm...g-good night! Bye!” mabilis niyang sabi at halos takbuhin na niya ang papasok sa building.Gusto niyang sabunutan ang sarili! Kung malalaman lang ni Aira ang ginawa niya, baka hindi lang siya nito sabunutan, baka kalbuhin pa siya nito!“Stop right there!” ma-awtoridad na utos ni Red.Talo pa niya ang isang robot n awtomatiko namang sumunod.Napapikit siya at napayukom ng kamao nang maramdaman niya ang paglapit nito mula sa likuran niya.‘yan na nga ba ang sinasabi ko, Tri
JADE’S POVHE’S...joking right? Tanong niya sa sarili sa isip.“Wife agad???” gulat niyang tanong pabalik.“Yes. Bakit pa natin pahahabain kung d’on naman din tayo tutuloy? Besides, may JM na tayo. The only thing that is left, really, is for you to officially be Mrs. Juan Miguel Enriquez,” sagot nito na para bang kaswal na bagay lang ang pinag-uusapan nila.Nagsimula tuloy siyang magpanic at agad na naitulak ito.“T-Teka lang naman, sa pagkakaalala ko, may tamang pagkakasunod-sunod ang mga bagay, bago humantong sa kasalan,” mabilis niyang wika.Bakas naman sa itsura nito ang gulat, dahil marahil sa biglaan niyang pagtulak dito.“N-Ni hindi mo pa nga alam kung mahal din ba kita, tapos kasal agad?” dagdag niya pa.“Okay, so, mahal mo din ba ako?” tanong naman nito sa kaswal pa ring paraan.Ilang beses bumuka-buka ang bibig niya pero walang lumalabas na salita mula roon. Napakabilis at diretso kasi ng pagkakatanong nito. Para bang nagtatanong lang ito ng presyo ng galunggong sa
JADE’S POV“ANONG. . . sinabi mo???!!!” malakas na sabi ni Aira.“Shhh! Ang ingay mo!” Saway niya rito sabay mabilis na tinakpan niya ang bibig nito.Naroon ito at si Scarlet para sumama sa pagbisita kay JM . Of course, nabanggit niya sa mga ito ang naganap sa pagitan nila ng tatay ng anak niya.At ‘eto nga’t halos bulabugin ng kaibigan niya ang buong military camp! Samantalang tahimik lang si Scarlet.Pilit na tinanggal naman nito ang kamay niya kaya pinakawalan niya na rin ito.“Teka, teka, Ate. P-Parang ang bilis yata ng mga pangyayari. P-Paanong kayo na? Walang ligaw-ligaw? Jowa agad???” sunod-sunod na tanong pa ni Aira nang kumalma ito kahit paano.“Tsaka isa pa, alam mo ba kung ano ‘tong pinasok mo, Ate? Aba’y parang kelan lang ipinabaranggay mo pa si General dahil ‘ka mo ginugulo ka, tapos ngayon boyfriend mo na???! Okay ka lang?” tila naninermon pang dagdag nito.Napabuntong hininga siya. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ni Aira.But Scarlet is strangely quiet
JADE’S POV “ATE...sorry ah,” biglang basag ni Aira sa katahimikan, habang naglalakad silang tatlo nina Scarlet pabalik sa quarters niya. Pauwi na kasi sila galing sa ospital at halos mag-aalas singko na ng hapon. Mas pinili nilang maglakad dahil hindi naman gan’on kalayo ang ospital mula sa tinutuluyan niya. “Sorry para saan?” Nagtataka niyang tanong. Her head was somewhere else nang biglang magsalita ang kaibigan kaya medyo lutang siya. “Sa inasal ko kanina sa harap n’yo ni General,” sagot naman nito. “Ay dapat pala Kuya na ang itatawag ko sa kanya, nagpromise nga pala ako sa kanya,” dugtong pa nito. Napangiti siya at bahagyang hinimas ito sa likod. “Okay lang ‘yon. Alam ko naman concern ka lang sa’kin,” tugon niya. Umiling ito. “Hindi, Ate. Masyado akong nadala,” “Nadala saan?” Narinig niyang bumuntong hininga ito. “N’ong isang gabi kasi, inabutan ko si Kuya Macoy nakatitig sa picture mo,” sabi nito. Nilingon niya ito at gan’on din ito sa kanya. She suddenly felt guil
JADE’S POVNAPAKUNOT... siya ng noo. Kilalang-kilala? Ulit niya sa isip.Paano naman kaya siya nakilala ng mga ito?“Myself, Joaquin and Uno were in the Special Force Alpha Team na pinamunuan ni Red noon. It was the same team na in charge sa kaso ni Dysangco five years ago,” wika ni Daniel na mukhang nabasa ang tanong sa isip niya.He gave her a meaningful look.Dysangco, she repeated again.She will never forget that name. Kung iisipin, ito ang ugat ng lahat ng paghihirap niya.“And this is Arnualdo, he was Red’s fake cousin during the undercover mission,” pagpapatuloy pa ni Daniel.“Pero pwede mo akong tawaging Yoda, Miss Byutipul. Tutal, future cousin-in law naman kita,” singit naman ng lalaking tinawag ni Daniel na Arnualdo. Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito.She was lost in her own thoughts.“Miss Byutipul, Miss Byutipul...” paulit-ulit na bulong niya.Why does that sounds familiar? Tanong niya pa sa sarili.Para kasing narinig na niya iyon dati, pero hind