JADE’S POV A S . . . soon as she shut the door and saw the man in uniform inside her own space, doon niya na-realize kung ano ang ginawa niya. Kung bakit naman kasi sa lahat ng pwede niyang itanong ay iyon pa ang lumabas sa bibig niya. Kahit naman siya, kung may magtatanong n’on sa kanya, she may think na imbitasyon iyon para kumain. It was too late to refute her own words, kaya itinuloy niya na lang. Hindi naman niya akalain na papayag ito. Mula sa likuran ay pinagmasdan niya ito habang inililibot nito ang paningin sa paligid. Did he always had such broad shoulders? Agad na ipinilig niya ang ulo para gising ang sarili sa pagpapantasya niya. Minabuti niyang simulan na lang ang pagluluto para matapos na siya agad at makakakain na sila. “S-Saglit lang ‘to. Maupo ka muna,” sabi niya ‘tsaka nagsimula nang maghiwa. “You will need a few more things in here,” wika naman nito na parang hindi siya narinig kanina. “Ha?” Nang tingnan niya ito ay abala pa rin ito sa paglibot ng paningi
JADE’S POVA L A S . . . siete pa lang ng umaga ay nakahanda na siya. Kahit na sinabi ni Red na alas otso pa sila aalis, ayaw niyang magpahintay dito kung sakali. Gusto niya, kapag kumatok ito ay ready to go na siya.Nakaupo na siya sa sofa at ka-text si Aira, habang hinihintay na lang na daanan siya ng binata.Kinakamusta siya ng kaibigan at nagtatanong ito kung pwede ha itong pumunta sa kanya ngayon. Magta-type pa lang sana siya ng sagot niya nang may kumatok na sa pinto. Mabilis na dinampot niya ang sling bag at tinungo ang pinto.Agad na tumambad sa kanya ang lalaking hinihintay niya.Nakasuot ito ng puting t-shirt, camouflaged cargo pants at combat boots. Normal na suot ng mga sundalo. Pero bakit parang iba ‘yong sa binata? Dahil kaya may katungkulan ito, may kakaiba sa suot nito? Paano’y kagaya n’ong formal uniform, bagay na bagay rito ang suot nito ngayon.She had to blink a few more times dahil mukhang hindi pa siya fully awake.“Morning,” kaswal nitong bati.“M-M
JADE’S POVI T . . . has been a long day. Matapos bisitahin at makausap nila ang doktor ni JM ay sinamahan naman siya ni Red para siya naman ang i-check up.Just a few laboratory test and some food supplement prescriptions at natapos na sila.Dinaanan lang nila si Aira na naghintay na lang sa may gate, at dumiretso na sa pamimili.Hanggang sa huli, patuloy siya sa pagtanggi sa mga gusto nitong bilhin. Magmula sa mga mamahaling kobre-kama, unan, punda, damit, hanggang sa aircon at kung ano-ano pa, gusto nitong bilhin. Kung hindi pa siya nagbanta na aalis siya kung patuloy itong kukuha ng kung ano-ano sa mall, ay hindi pa ito titigil.Noon lang din yata niya nakitang natameme ang madaldal na si Aira. Siguro gaya niya, iniisip din nitong nagtatapon ng pera si Red.Alas singko na ng hapon, at nasa biyahe na sila pauwi sa kampo.“Gutom na kayo?” maya maya ay tanong ng binata habang seryoso sa pagmamaneho.“Mawalang-galang lang ho ano, General, ako nama’y curious lang. May balak h
JADE’S POV H E . . . was an orphan at six, Iyong ang naisip niya habang nakatingin sa binatang abala pa rin na nakikipagbiruan sa mga sundalo. She can’t help but think kung paano nito tinanggap na wala na itong magulang sa gan’on kamurang edad. Her heart kind of ached for him. She may not had a good relationship with her parents, but at least they were there. She remembers how she still calls for her mom whenever she is in pain. But Red did not have that. At six, he might had to endure the pain and the urge to call out for his mom, knowing na wala naman itong nanay na darating. “Daniel?” tawag niya sa kaibigan ng binata. Nilingon naman siya nito. “W-What happened to his parents?” tanong niya. Mukhang sandali itong nag-alinlangan kung sasagutin ba siya o hindi. Pero kinalaunan ay napabuntong hininga ito at tumingin sa ibang direksyon. “They were both killed in an ambush,” seryoso nitong sagot. Napahigit siya ng hininga. “His father, Former General Emilio Enriquez, and his
JADE’S POVM A B U T I . . . na lang at pumayag din si Red na doon muna sila ni Aira. Bukod kasi sa gusto niya rin makita kung anong ginagawa nito sa trabaho, she was hoping na magkakaroon pa siyang chance na makausap ulit si Daniel. Marami pa kasi siyang gustong itanong dito. “You can stay, but you have to strictly obey the rules. Delikado ang field kapag may on going drill,” pagpapaalala pa ng binata. Sunod-sunod naman ang naging pagtango niya.Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong hininga bago nagpatiunang maglakad. Sinenyasan sila nito ni Aira na sumunod kaya gan’on naman ang ginawa nila. “Ate, crush mo na din ba si General?” maya maya ay pasimpleng bulong ng kaibigan sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata. Mamaya ay may makarinig pa sa kanila at kung ano pa ang isipin.. Iginiya sila ng binata sa isang tent na nasa likod ng isang tranparent barrier. Ang ilang opisyal na naroon ay agad na sumaludo nang makita si Red. Kumuha ito ng dalawang headphone at binalingan sila
JADE’S POV I T . . . was her instinct that made her react that way. Agad siyang nilingon ni Red. At base sa pagkakalukot ng mukha nito, alam niyang hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang iyon. Noon niya lang naalala ang sinabi nitong hindi totoo ang engagement nito at ng ate niya. Pinakatitigan lang siya ng binata at agad na kinuha pabalik ang kamay niya. Sa pagkakataong ito ay mas hinigpitan nito ang pagkakahawak doon, ‘tsaka binalingan ang kapatid niya. Nilapitan naman sila ng huli at hindi ito nag-abalang itago ang pagtitig sa magkahawak na mga kamay nila ni Red. Even though she knows na walang relasyon ang mga ito, she still feels uncomfortable. Kaya ilang beses niya pang sinubukang bawiin ang kamay niya mula kay Red, pero hindi nito iyon binibitawan. “R-Red,” sambit niya na may himig ng pag-awat dito. Pero muli lang siya nitong nilingon. “No!” mariin nitong tugon. Bakas ang pagpipigil nito ng inis. Nakita niya ang pag ngisi ng kapatid niya. Alam niyang hindi nito na
JADE’S POV H I N D I . . . niya alam kung gaano katagal na nakatitig lang siya kay Red. Gan’on di naman kasi ito sa kanya, habang hawak pa rin nito ang kamay niya. She wanted to ask him to say it again, dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. Pero natatakot naman siya na baka nga iba pala ang sinabi nito at mali lang ang narinig niya. Hinihintay niyang ito ang maunang magsalita pero wala na itong sinabi. Sa halip ay binalingan na nito ang kapatid niya. Did I really hear it wrong?! Tanong niya tuloy sa isip. “Please leave. Or else mapipilitan akong ipatawag ang security and ban you from entering the military camp completely,” ma-awtoridad nitong sabi kay Ariana. “B-But M-Miggy—" “Let’s go, Trinity,” agad na yaya ni Red sa kanya. Hinila siya nito at dire-diresto nilang nilampasan ang ate niya. Mabilis at mahahaba ang naging hakbang ng binata, kaya lakad-takbo ang ginawa niya para makasabay dito. Nang makalayo sila ng husto, ay unti-unti nang bumagal ang paglakad nito at tuluya
JADE’S POV WHEN... she realized what she has done ay napatuptop siya ng sariling bibig.Whatever got into her to make her do that, hindi niya alam. Basta ang alam niya, she wants him to not be mad anymore and for him to not leave. Ni hindi niya alam kung saang balon siya humugot ng lakas ng loob na gawin ang ginawa niya! Never in her lifetime did she ever think na magagawa niyang siya ang mag-first move! How much more will you embarrass yourself in front of this man, Jade! Kastigo niya sa sarili.“A-Ahm...g-good night! Bye!” mabilis niyang sabi at halos takbuhin na niya ang papasok sa building.Gusto niyang sabunutan ang sarili! Kung malalaman lang ni Aira ang ginawa niya, baka hindi lang siya nito sabunutan, baka kalbuhin pa siya nito!“Stop right there!” ma-awtoridad na utos ni Red.Talo pa niya ang isang robot n awtomatiko namang sumunod.Napapikit siya at napayukom ng kamao nang maramdaman niya ang paglapit nito mula sa likuran niya.‘yan na nga ba ang sinasabi ko, Tri
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil
JADE’S POV“AIRA… bakit ba tayo nagtatago dito? Kailangan na nating umalis dahil by now, malamang ay alam na nila na nakatakas kami at sigurado ako na ipapasuyod ni General Rodriguez ang buong villa para mahanap kami,” reklamo niya sa kaibigan habang nakatalungko sila at nagtatago sa may mga halamanan.Matapos kasi sila nitong kaladkarin kanina ay iginiya sila nito sa may mayayabong na halamanan sa may ‘di kalayuan lang sa mansyon. “Shh, sa ingay mong ‘yan ate, kahit sa Timbuktu ka magtago, mahahanap at mahahanap ka nila,” saway naman nito sa kanya sabay luminga-linga sa paligid.She started to grow impatient. They really have no time for this. Kailangan na nilang umalis at magpakalayo-layo, dahil kung hindi, tiyak na mahahanap sila ng mga tao ng heneral in no time. “P-Pero–”“Basta mag-relax ka lang d’yan ate, okay? Alam ko medyo tagilid ang ugali n’ong ate mo, pero wala rin naman tayong choice. Siya lang ang alam kong makakatulong sa inyo,” pabulong ulit nitong saway sa kanya. Sa
JADE'S POVPIGIL... ang hininga niya sa bawat paghakbang nila ni JM habang halos dumikit na sila sa matataas na pader ng bakuran.Hinintay niyang kumagat muna ang dilim bago nila sinimulan ang pagtakas.Mabuti na lang napaniwala niya sina General Rodriguez sa palusot niyang hindi maganda ang pakiramdam ni JM kaya mananatili lang ito sa kwarto. Habang siya naman ay lumalabas lang kapag kukuha siya ng pagkain nilang dalawa.Gaya nga ng narinig niya kanina sa usapan ng mag-anak, nagdagdag ng seguridad ang mga ito sa paligid ng mansyon. Ilang mga naka-unipormeng lalaki na may dalang military dog na din ang nakita niyang palakad-lakad sa bakuran simula kaninang hapon.Alam niyang hindi magiging madali ang makalusot sa mga bantay, pero handa siyang gawin ang lahat huwag lang mailayo ang anak niya sa kanya.Nagpag-usapan nila ni Aira na magkikita sila sa entrance ng mansyon. Susubukan nitong i-distract ang bantay habang susubukan nilang tumakas mag-ina. Hindi niya alam kung magwo-work ba ang
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di