THE PAST, HIGH SCHOOL LIFEIsang babae ang nakikipaglaban sa kapwa babae, kanya-kanyang diskarte para manalo. Balian ng buto, basagan ng mukha at kapag mamalasin, mawawalan ng buhay. Every weekend, nandito ang mga ilang kabataan, nakikipag pustahan kay kamatayan. Matira matibay. Mga big time ang mga pumupunta dito para sumugal."The winner is Wild Angel!" Sigaw ng host habang itinataas ang kamay ng isang matangkad at sexy'ng dalaga na naka-mask sa ibabaw ng ring. Hiyawan ng mga tao ang maririnig sa lahat ng sulok ng malaking gym. Nasa liblib na lugar siya ngayon. As usual, She's bored kaya madalas dito siya nakatambay. Nagtataasang mga puno sa loob at labas. Mataas na pader at maraming mga goons na nakabantay sa paligid."Paano ba ako napunta dito? Nah, yan ang hindi ko alam. Basta isang araw, nagising na lang akong nandito na at nakikipag basagan ng mukha. Yes, she belongs to gang society, isang organisasyon ng mga kabataang salat sa pagmamahal at pag-aalaga ng mga magulang. 'Yo
Nasa pinakahuling upuan umupo si Yanah, tahimik at nakasalampak ang headset niya sa dalawang tainga.Maaga siyang hinatid ng Daddy niya sa school na nilipatan niya kaya no choice siya. She is a fourth year high school student at nasa first section siya.Maingay sa loob ng room nila dahil wala pang guro. Every row ay kanya-kanyang marites at iba-iba ang topic. Nakapikit si Yanah, habang nakikinig ng music sa mamahaling phone niya."Psst, Jasmin! Bukas pa-copy sa exam huh! Alam mo naman siguro ang mangyayari sayo kapag hindi mo kami pinakopya ng barkada ko." Nakangising wika ni Marga. Napataas ang kilay ni Yanah sa narinig. Transferee siya at tahimik siyang nakikinig sa maangas na kaklase . "Marga, ayoko! Baka mahuli tayo ni teacher!" Tanggi ni Jasmin."Basta walang pero-pero kung ayaw mong mamulbos ng chalk!" Banta ni Marga."Kapag hindi ka papayag! Good luck sayo girl!" Sigunda naman ng kaibigan ni Marga na si Vanessa."Oo na. Basta huwag akong mapahamak sa gagawin nyo! Ang tatam
HIGH SCHOOL LIFENasa School si Marian habang nakapangalumbaba, at pinagmamasdan ang mga kaklase niya na paroo't parito, parang sinisilaban sa mga puwet at hindi mapakali sa isang lugar, at kanina pa siya naririndi sa ingay. Siya ang secretary ng classroom nila at napapagod na siya sa paglista ng maiingay na mga kaklase niya. Wala ang adviser nila at ang President ng classroom nila kaya masayang-masaya ang mga pasaway niyang mga kaklase."Marian, Babe, marami na ba akong penalty diyan sa listahan mo, sa maiingay?" Nakatawang tukso sa kanya ng pinakamayabang at preskong kaklase niya. Si Exel,lagi siya nitong inaasar at laging nakabuntot sa kanya kapag pumasok sa school. Siya ang pinaka-bad boy sa buong campus. Nasa first section sila at napapaisip siya,"Bakit ang mayabang na Exel na 'to ay nasa first section, bulakbol at maliit naman ang mga grades," bulong niya sa sarili.Tiningnan niya ito ng matalim at saka inirapan."Nagsusungit ka na naman Babe, may dalaw ka ba?" Asar nito."C
Sa province nila Emerald ay may pa league ng basketball. First time niyang gumala sa basketball court kasama ang kaibigan niyang si Sean, kababata niya ito at magkasama sila lagi kapag weekend."Sean, galingan mo ang paglalaro huh, dapat ipanalo mo ang team n'yo!" Masiglang wika ni Emerald. "Syempre, nandiyan ka eh, nagpapalakas ng loob ko lagi. Basta e-cheer mo lang ako, huh!" Nakangiting sagot ni Sean. "Syempre naman. Ako pa ba? I'm your number 1 fan. At ako ang muse n'yo remember?" Sabay kindat niya rito."Paging all the captain balls, please proceed to the court, followed by the team mates." Narinig nilang sabi ng emcee. "Ayan, magsisimula na! Sean, good luck sayo!" Sabay mabilis na halik ang iginawad niya sa pisngi nito.Napatanga ito sa ginawa niya, ngunit ng makabawi ito ay nakangiting tumalikod na."Sean, sean!" Sigaw niya sa pangalan nito habang nagche- cheer ."Sean, I love you!" Sigaw ng isang babae sa likod niya.Nagpanting ang tainga niya sa narinig at napalingon siya
Papasok si Yanah sa Canteen dahil recess time nila sa tanghali. Nag-order siya ng fries, spaghetti and fresh juice. Halos wala ng bakanteng table sa Canteen, nilibot niya ang mga mata para maghanap ng maupuan. Napangiti siya ng may table na bakante sa sulok. Pandalawahang upuan.Tinungo niya ang table ngunit bago siya nakarating ay may naunang umupo doon na matangkad na lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito, kaya lumapit siya."Hi! You won't mind if I sit here?" Malambing na tanong niya sa lalaki.Nilingon siya ng lalaki at nagtama ang kanilang mga mata."Oh! Shit! Siya!?" Biglang kinabahan si Yanah dahil sa presensya ng lalaki."Sure, Babe! C'mon! Sit beside me." Nakangising tugon nito."Mmmm. A playboy is playing around again." Nakairap na wika niya.Natawa ito sa sinabi niya, " Babe, alam ko naman na masaya ka na nakita mo ako dito. Me, myself, JARED, willing to accompany you."Si Jared ay anak ng kaibigan ng Daddy niya. Ayaw niya dito dahil nayayabangan siya at napakababaero
"Sweetie, bilisan mo diyan, ma-late ka na sa graduation ball n'yo. Nasa baba na si Jared, kanina ka pa hinihintay." Sigaw ni Mommy sa labas ng room ko."Hayaan n'yo po si Jared mag-antay Mom. Tama lang yan sa kanya!" Balik sigaw ko."Bwisit na babaero na yan, hindi talaga nagbabago." Nakasimangot na sabi niya.Nag-ring ang phone niya at si Kael ang tumatawag ang right hand niya. "Yes Kael, may problema ba?" Tanong niya."Malaking problema my Queen, dahil ang graduation ball ninyo mamaya ay guguluhin ng Legendary Princess. My street gang kasi na sasali sa graduation ball," balita ni Kael.Si Kael ay wala ng pamilya at nakita niya lang ito na palaboy- laboy sa kalye kaya naisipan niyang tulungan ito at siya ang patirahin sa penthouse niya. Pinaaral niya rin ito sa private school at binihisan. Itinuturing niyang tunay na kapatid."Sige, ihanda mo ang mga tao natin at harangan ang pagpasok ng Legendary Princess. Kahit anong mangyari Kael. Huwag na huwag n'yo sila hahayaan na makagawa ng
Late in the evening, nang nararamdaman ni Marian na nanlalagkit na ang mukha niya dahil sa ka kasayaw sa dance floor kasama ang mga kaklase niya. "Excuse me, guys! Restroom lang ako!" Paalam niya sa mga ito at tumalikod na. Naka-inom din naman siya ng tatlong baso ng ladies drink. Kaya medyo nahihilo rin siya. Kahit matamis ang nainom niya, pero parang may something sa inumin na iyon na nakakahina ng tuhod. "High school life, oh my high school life, wala pa rin akong jowa!" Natatawa niyang kanta habang sumasabay sa maingay na music na narinig niya.Habang naglalakad siya ay pasayaw-sayaw pa siya habang kumakanta. Wala siyang pakialam sa mga taong natatawa sa kanya. "Tsk! Nakakalasing ba ang champaign? Hindi naman yata." Kausap niya sa sarili.Nasa madilim na siya na part ng building papasok sa restroom. Napatili siya ng may humablot sa kanya, sa baywang niya."Hey! Stay away from me!" Pagpupumiglas niya."Shhhh. It's me, Exel." Bulong nito sa tainga niya."Are you crazy! Papata
Sumapit ang graduation ball ni Emerald, sobrang saya niya dahil makikita na niyang muli si Sean. Dahil sa nangyaring gulo sa basketball league, grounded siya. Pinagbawalan siya ng mommy niya na sumama kay Sean dahil naghahanap lang daw siya ng problema. Wala siyang nagawa kundi magkulong sa silid niya. Hindi naman sila magkasundo ng nag-iisa niyang kapatid. Ang Ate Vanessa niya ay hindi niya kasundo dahil mainit lagi ang dugo nito sa kanya.Mama's girl ang ate niya at Papa's girl naman siya."Dad, huwag mo na lang akong ihatid. Ang driver na lang natin ang maghahatid sa akin." "Anak, it's okay. Lalabas rin naman ako, dahil may ka meeting ako ngayon na investor sa hotel na pupuntahan mo." Nakangiting sagot ng daddy niya."Talaga po? Okay, Dad, ikaw ang bahala. I love you." Malambing na wika niya at niyakap ito."Dalaga na ang bunso ko. Baka my nanliligaw na rin sayo? Sabihin mo sa akin at nang makilatis ko," Nakangiting tukso ng daddy niya."May crush na ako, Dad and he's the man
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon
Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa
Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg
Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin
Nasa kwarto na niya si Marian habang hindi alam ang gagawin. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip. Parang kilalang-kilala siya ng lalaki kanina. Kung hindi lang ito tinawag ng babaeng kasama nito kagabi baka hindi siya nito bibitawan. “Anong gagawin ko? Kailangan na makaalis ako dito bago ako mapunta sa babaeng yon!” Bulong niya sa isip habang nagpalakad-lakad paparoo’t-parito. Kapag kuway may mga yabag siyang narinig papunta sa silid niya. “No. Hindi ito maaari.” Nagpa-panic na ang kalooban niya. Wala na siyang ibang choice kundi dumaan sa bintana. Mabilis niya itong binuksan at tumalon papunta sa malaking puno. Marami itong mga dahon kaya pwede siyang makakubli doon. “Mars, talon!” Biglang nag-pop up ang isang eksena sa kanyang isipan. Napakapit siyang mabuti sa malaking sanga. “Sino ba talaga ako!” Naguguluhang sambit niya. “Ang mga bata, dalhin niyo na sa hideout. Bilis!” Utos ng isang babae sa mga kasamahan nitong mga armadong lalaki, “Isakay n'yo sil
Ang araw ay kumikislap sa ibabaw ng tubig, at ang mga alon ay dahan-dahang pumupulupot bago bumagsak sa baybayin. Si Emerald, ay nakatayo sa buhanginan, hawak ang malapad na surfboard, ramdam ang halo-halong emosyon, takot, kaba at pananabik sa kanyang dibdib. Isinuot niya ang kanyang rash guard at itinali ang leash sa kanyang bukung-bukong. Tumitig siya sa dagat, handang salubungin ang kanyang unang alon. Ang kanyang mga kalamnan ay bahagyang banat mula sa pag-warm up.Ang unang tama ng malamig na tubig sa kanyang binti ay nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Humiga siya sa board at nagsimulang mag-paddle papalapit sa mga alon, ang bawat stroke ng kanyang braso ay laban sa malambot na hampas ng tubig.Habang papalapit ang alon, ramdam niya ang kilig sa kanyang tiyan. Pinalalim niya ang kanyang paddle, sumasabay sa alon hanggang sa maramdaman niya ang tulak nito sa ilalim ng board. Isang mabilis na galaw, at tumayo siya—ang kanyang mga tuhod bahagyang nakabaluktot, ang mga mata nak
Maagang nagising si Yanah dahil balak niyang balikan si Marian sa resort kung saan niya nakita. Kailangan na makuha niya ito sa lalong madaling panahon. Nasa isang Isla sila ng asawa niya dahil sa isang business trip. Ayaw naman siyang iwan sa bahay na mag-isa kaya kahit saan ito magpunta sinasama siya nito. Nasa isang five star hotel sila ngayon at tatlong araw lang ang ilalagi nila sa Isla. Tinitigan niya ang himbing na himbing na natutulog na asawa. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito kagabi. Gumalaw ito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit niyakap siya nito sa bewang. Napapatili na lang siya sa isipan. Ilang minuto muna siyang hindi gumalaw. Nang masiguro niyang himbing na ang tulog nito ulit, dahan-dahan na kinalas niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa maliit na bewang niya at kinabig siya pa harap at dinala nito ang braso niya sa bewang nito. Kaya nakayakap na siya ngayon dito. Kahit matagal na silang magkasama