Hindi pinalampas ng isang istasyon na makakuha ng exclusive interview kay Astrid. Mabilis silang makaamoy ng maibabalita sa madla. Maraming intriga ang iniwan niya sa Pilipinas gayundin ang mga kumakalat na malisyosong balita tungkol kay Pancho. “Darling Cousin, nabuhay ka! Magaling ang strategy mo this time. You got the heart of the people and obviously Pancho’s heart. Hindi ka umubra sa asawa ko but you got a big fish. Ano’ng pasabog ang dala mo? Did you bring home your kids? I can’t wait to see them,” dire-dretsong sabi ni Castela. Alam niyang nagsisimula ng away ang kanyang pinsan. “I am here to clean up my mess.” “That’s good. Hindi palalampasin ng kompanya ang ganyang mga ugali ng kanilang empleyado. Masuwerte ka, you got Pancho’s back.” Ikinalma ni Astrid ang pinatutunguhan ng kanilang usapan. Tumunog ang kanyang cellphone at pinagmamadali na siya sa set. Sinalubong na siya ng make-up artist upang ayusan na siya. Abala ang kuwarto. Labas-masok ang nagdadala ng bulaklak at
Nagtakbuhan ang mga bata papalapit sa dalawa. Masayang niyakap ni Pancho ang tatlo kasabay na matamis na halik mula sa mga anak.“Daddy, can we go out tomorrow?” ani Ashton. Sumiksik si Ashley sa ama at hinawakan ang magkabilang pisngi nito upang makuha ang kanyang atensyon.“We want to go out with you, Daddy,” dagdag naman ng batang babae. Kinindatan si Pancho ng mala-tsinita nitong mata at ngumiting muli.“Mommy and I will talk about it,” sabay-lingon sa babaeng nakameywang sa gilid.Simula ng dumating sila at nakuntento lang ang mga bata na maglaro at magtakbuhan sa malawak na bakuran. Hindi sila nakakalabas dahil trabaho kaagad ang inatupag ni Astrid. Dadalaw lang ang ama maging sina Philip at ang kanyang mga magulang ngunit hindi man lang sila makapamasyal bilang mag-anak.Pagdating ni Astrid galing trabaho ay magkakasabay naman silang kakain ng hapunan at patutulugin na niya ang mga ito ng maaga upang makauwi kaagad si Pancho.“Let’s go down and eat now,” utos ni Astrid. Walang m
Bago umalis sa America ay masinsinang nag-usap sina Pancho at Melvin. Akala pa nga ni Astrid ay mag-aaway ang dalawa ngunit ang seguridad lang ni Astrid at ng mga bata ang inaalala ni Melvin.“Why do you worry so much about my kids?”“I considered them my kids too.”“Get real. Get yourself a wife and make babies.”“Don’t dare joke on me like that.”“Don’t you dare cling to my wife and my kids.”Hindi doon nagtatapos ang iringan ng dalawa. Hindi pa sumusuko ang pusong matagal nang umasa kay Astrid. Sinuyo niya ang babae ngunit hanggang kaibigan lang talaga sila.Sumunod si Melvin sa Pilipinas. Sinikap niyang alamin ang detalye tungkol kay Pancho. Tumuloy siya sa hotel at sinigurong masosorpresa ang mga bata sa kanyang pagdating. Natunton niya ang bahay ni Astrid.“Melvin! What are you doing here?” Napasigaw ang babae sa terrace matapos makaalis ni Pancho.Patakbong pingbuksan ni Marissa ng gate ang bagong dating na bisita. Napalutong muli si Yaya Magda. Alam niya ang gustong almusal ng
“Maghintay ka na lang sa balita, Nadine and Pancho will be yours.” Nakikinig lang ng tahimik ang babae sa kabilang linya habang iba ang kanyang nai-imagine sa kanyang isipan.Kung may plano si Castela, mayroon din siya ngunit hindi para kina Astrid at Pancho. Nakita naman niyang masaya ang lalaki sa kanyang desisyon. Wala na ring pakialam sa Adelle.“Bilog ng mundo, Castela. For sure, the world will have its 360 digri turn on you. I pity you my darling.” Narinig niyang pinatay n ani Castela ang kabilang linya.Kritikal ang kondisyon ni Astrid ngunit mabilis siyang natanggal sa loob ng kotse. Walang inaksayang pagkakataon ang Emergency Rescue Team. Nilagyan siya ng neckbrace atsaka sabay-sabay na iniangat ang kanyang duguang katawan. Mabilis ang kilos ng mga medic sa loob ng ambulancia.Ikinabit ang ilang gadget sa kanya. Kinuha ang kanyang blood pressure. Wala siyang malay ng mga oras na iyon at lalong humihina ang kanyang pulso hanggang biglang mag-flat ito.Binigyan na siya ng CPR
Hindi lang ang mga Carbonel ang nag-alala ng todo dahil sa pangyayari. Umiiyak ang mag-asawang Morales ng mabalitaan ang aksidente. Ngunit hindi lang iyong ang problema. Nagkaroon rin ng panloloob sa mansion kaya hindi maiwasan ni Dave na mapaisip na baka mag sumasabotahe kay Astrid.Tanghali ng maaksidente si Astrid. Kinagabihan naman ng pinasok ng hindi kilalang mga lalaki ang mansion.Napailing ang hindi katandaang lalaki. Nagsimula ang lahat noong magkaroon ng salu-salo sa mansion. Pinaiimbestigahan na ang pangyayari. Ngunit nalaman nilang wasak ang lahat ng CCTV at wala ang mga SD card ng naglalaman ng lahat ng CCTV footages. Walang nawawalang mga pera at alahas ngunit pinasamantalahan si Marissa bago ito binaril.Huli na ng makita ni Pancho ang pinadalang kopya ng SD card na kailangan niya laban kay Castela.“Si Castela ang kailangan nating paimbestigahan, Attorney,” diin ni Pancho.“Pancho, hipag mo ‘yun,” paliwanag ng abogado.“Wala akong pakialam. Wala pa rin akong tiwala sa
Pinili ni Astrid ang umalis at iwan kay Pancho ang mga bata upang makaiwas sa mas malagim na plano ni Castela. Wala na siyang sinasanto. Hindi na niya naisip na magpinsan sila. Walang kama-kamag-anak. Ang mahalaga ay maihatid siya sa kanyang huling hantungan.Naging tahimik ang buhay ni Astrid. Sinakap niyang magpakatatag.Inihatid nina Attorney at Benny si Astrid sa Florida. Sinagot nila ang pamasahe dahil kritikal at nasa panganib si Astrid. Gusto niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang kliyente.“Ilayo mo ako dito, Attorney. Make it quick. I wanna live. I want to live with my kids and Pancho.” Halos pabulong na pakiusap ni Astrid. Mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ni Attorney. Hinang-hina pa siya at parang hinahabol ang kanyang buhay.Nagdesisyon kaagad ang kanyang abogado na gawin ang nararpat para sa kanyang boss lalo na’t may banta sa buhay niya.‘Hon, magiging okay lang kaya si Astrid dito.”Mahigpit ang kapit ni Benny sa braso ng kanyang asawa.“Huwag kang mag-alala.” Kas
Biglang nawala sa mood si Castela at ayaw niyang umattend sa mga events ng BCC. Tiyak na ang malamig na pakikitungo ng nakatatandang kapatid ang sasalubong sa kanya. Kahit magpaliwanag siya ay parang balewala rin ang lahat sa kanya. Alam niyang Malaki ang problema ni Pancho at wala siyang naitulong nang maglahong parang bula si Astrid kaya lalo niyang binakuran ang asawa upang hindi na makagawa ng hakbang na makakapagpalala sa sitwasyon nilang magkapatid. Kahit si Philip ay may mga problema ring kinakaharap sa kanilang relasyon bilang mag-asawa. Wala siyang hinangad kundi ang magkaroon sila ng anak upang mabuo ang kanilang pamilya.Kinabukasan, nalaman na lang ni Philip sa mga staff ang umiikot na balita sa buong kompanya. Nadatnan niya ang alingasngas ng mga empleyado sa Marketing Department. Maging si Philip ay nasaksihan ang tila malaking kababalaghan sa BCC. Noong isang araw pa niya naispatan ang babaeng kamukhang- kamukha ni Astrid. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Para
“You are making me crazy Miss Reid. Your face looked exactly like ….my fiancée!”“Is that what you need to confirm?”“Miss Reid…”“You can go, Mr. President. Your fiancée, ‘yung kamukha ko? Oh, come on, you know your fiancée too well right? If you do, you don’t need to confirm something like this? O, baka naman style mo lang ‘yan?”Napakunot ang noo niya sa kanyang narinig. Sapo niya ang kanyang ulo at gusto niyang matunaw sa labis na kahihiyan at heto ngayon, inisip ni Artemis na alibi lang lahat ng iyon. Napabuntung-hininga na lang siya.“Hindi ako tulad ng iniisip mo.” Inirapan niya ang babaeng kausap.“Besides, you are engaged, that’s what I heard. Kung sakali, ano pang babalikan niya?” Tumayo si Artemis at lumapit sa center table kung saan niya iniwan ang alak ng nagdaang gabi.“What do you mean?”“I am referring to your girlfriend, Astrid.”“How do you know her?”“You mentioned her name while kissing me. Ako ba si Astrid?”“Your eyes, your smile, your kiss…”“You must have forgo