Chapter 77Mabilis na akong nakalayo sa lugar na parang walang nangyari, nasalubong ko pa nga ang mga pulis na nagmamadali papunta sa cementery, siguro may nag-report sa kanila ng nangyayari sa loob kaya sila pupunta roon, napalingon na lang ako sa mga pulis na lumampas sa akin, hanggang nagputoloy na ako sa pagmamaneho ng aking motor.Naisipan kung magpunta sa condo ni boss Frank dahil gusto kong tulungan niya akong lulutasin kong kaso ng mga magulang ko. Magpapasama rin ako sa kanya para puntahan ang abogado ko, dahil balak kong makausap ito ng personal tungkol sa kayamanan na iniwan sa akin ng papa ko.Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho para mabilis akong makarating sa condo ni Boss Frank Smith.Hindi naglaon ay nasa tapat na ako ng gate ng compound ng condo ni boss Frank Smith.Nagmadali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si boss Smith.Nag-ring ang cellphone nito at ka agad naman itong sinagot ni boss Frank.“Nathalie, what is your problem? Why do you call me?” bunga
Chapter 78Hindi naman kami nagtagal dito at nang matapos namin makausap si attorney William ay nagpapaalam na kami.“Attorney William, maraming salamat po at umaasa ako sa ‘yo sapagkat malaki ang tiwala ko sa ‘yo, Attorney.”“Huwag ka mag-alala Nathalie, kahit ikamatay ko pa ay hindi ko ibebenta ang tiwala ng Papa mo sa akin,” sambit nito.“Mabuti naman po kung ganoon, attorney William.”“So, paano po kailangan na po namin umalis ng boss ko, hanggang sa muli po nating pagkikita,” anas ko.“Sige Nathalie mag-iingat kayo,” paalala nito.Lumabas na nga kami sa opisina ni attorney William at nagtungo na kami sa sasakyan ni boss Frank. Pumasok na ako sa loob at ganoon din si boss Frank.“Nathalie, hindi ko akalain na may malaki kayamanan pala ang mga magulang mo at maswerte ka dahil pinamana niya ito sa ‘yo, siguro Nathalie ito ang dahilan kung bakit pinatay ang mga magulang mo, dahil sa kayamanan nila. Hindi naman sa nangi-ngialam ako, pero may kutob ako Nathalie na baka ang Tito Markus
Chapter 79Kinaumagahan maaga akong nagising at bumangon ka agad ako at nagtungo na ako sa kusina, nakita ko ang boss ko na masarap ang pagkakatulog sa sofa, medyo naawa naman ako dahil piniliit niyang magkasya ang kanyang katawan sa sofa at namamaluktot na ito, hinayaan ko lang siya dahil mahimbing ang pagkakatulog nito kahit ganoon ang sitwasyon niya.Nagtungo na ako kusina, naisip kong magluto para naman makabawi ako sa boss ko dahil lagi na lang niya ako pinagluluto kapag magkasama kami sa isang bahay.Binuksan ko ang repregerator at sakto naman at marami naman maluluto kaya naman hinanda ko na ang mga lulutuin ko. Hanggang nagsimula na akong magluto at hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako.Nalangap ko ang mabangong amoy ng mga niluto ko mukhang gaganahan kumain nito si Frank nito, kapag magising siya ay sana nga ay magustuhan niya ang mga lutong hinanda ko para sa kanya.Lumapit na ako sa sofa kung saan naroon nag boss ko si Frank, ginising ko na ito para kumain, habang gi
Chapter 80 Nagmamadali kong inayos ang sarili ko, humarap lang ako saglit sa salamin at nagsuot na ako ng jacket, kinuha ko ang baril ko sa ilalim ng kama pinagmasdan ko ito nang matagal, itong baril na ito ang tutubos sa mga taong pumatay sa magulang ko.Ilang sandali nga ay lumabas na ako sa kwarto at tuloy-tuloy na humakbang sa pinto ng unit ni boss Frank, naghintay muna ako rito sa hallway at pinagmasdan ko ang paligid.Naisipan ko naman tawagan si manang Erlyn upang sabihan dito na maghanda na sila dahil susunduin ko sila ngayon. Sinabi ko rin kung saang lugar kami magkikita. “Manang, kung sakaling magtanong si Tito Markus kung saan kayo pupunta ang sabihan mo’y mag-outing tayo upang hindi siya maghinala,” bilin ko sa babae. Na agad naman nitong sinang-ayunan. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Manang. Lalo at naghahanda na ito ng mga gagamitin nila ng dalawang bata. Isang marahas na paghinga na lamang ang aking ginawa nang i-off ko ang aking cellphone. Malungk
Chapter 81Nabaling na naman ang atensyon ko sa kotse na nasa likoran namin, dahil kahit saan kami dumaan ay sumusunod ito, hindi ko alam kung sino ang sakay nito, baka mamaya si tito Markus ito at nakita niyang kasama ko ang mga bata at si Manang pero mukhang hindi naman siya ito dahil kilala ko ang kotse ng Tito ko, dahil minsan ginagamit ko ito para ipasyal ang mga bata.Sino kaya ang sakay ng kotse na iyon at bakit kami nito sinusundan puwede ring mga tauhan ito ng tito ko at pinag-utos na niya na sundan ako o sina Manang kasama ang mga bata. Marahas akong nagbuntonghininga. Tumingin din ako kina Manang sa likod ng sasakyan at nakita kong natutulog na sila. Hanggang sa muli akong napatingin sa side mirror ng kotse at nakita kong patuloy pa rin kaming sinusundan ng kotse. Nakakasura talaga, oh! Kailan ba kami tatantanan ng mga ito? Mukhang kahit saan kami magpunta ay sinusundan niya kami. Sige lang ipagtuloy lang ninyo ang ginagawa ninyo. Malalaman ko rin ang buong katotohan
Chapter 82KASALUKUYAN akong nasa labas ng reast house, dahil naglalakad-lakad ako pinagmamasdan ko ang napakagandang lugar, kasabay ng paglanghap ng sariwang hangin na dumadampi sa aking balat.Tama nga si boss Frank talagang mag-eenjoy ako sa lugar na ito at mas magugustuhin ko pang dito na lang manirahan dahil napaka-sariwang hangin ang nalalangap dito dahil na rin sa palibot ito ng kabundokan.Nagulat na lang ako ng may braso na bigla na lang yumakap sa likod ko kaya naman humarap ako sa taong nakayakap sa akin.Paglingon ko'y ang bumungad sa akin ang gwapong mukha ni boss Frank, nakatitig ito sa akin na parang masaya ang reaction ng mukha niya, hindi ko alam kung bakit.“Nathalie, narito ka lang pala kanina pa kita hinahanap, ang aga mo naman magising Nathalie,” sambit nito.“Ahmmm--- bakit mo po ako hinahanap boss Frank?” tanong ko.“Wala naman Nathalie, paggising ko kasi ay wala ka na sa aking tabi, kaya agad kitang hinanap.”“ Baka naman mamiss mo lang ako, boss?” pabirong s
Chapter 83Mayamaya lang ay natapos na akong kumain, iniwan ko muna saglit sina manang at si Angel, nagtungo ako sa banyo para maligo dahil para naman fresh na ako at maakit na naman sa akin ang boss kong si Frank Smith. Hala! Ano bang nangyayari sa utak ko nababaliw na yata ako? Dahil kung ano-ano na lang iniisip ko?Hindi naman nagtagal ay natapos na rin akong maligo, pumasok na ako sa kwarto ni Frank para naman makapagbihis.Hindi pa rin nakikita ng aking mga mata ang binata, saan kaya nagpunta ‘iyon bakit kanina pa siya hindi bumabalik…” bulong ko.Matapos ko magbihis ay lumabas ako ng bahay, narinig kong nagring ang cellphone ko, nakita ko na tumatawag si Tito Markus, kaya medyo kinabahan ako, hindi ko pwede sagutin ang tawag niya dahil kapag sinagot ko ito malalaman niya kung nasaan kami at baka puntahan niya kami rito. Hinahayaan ko na lang na mag-ring ang akin cellphone. Hanggang magsawa na ito sa kakatawag, tiyak na hinahanap na kami noon lalo’t wala si Manang sa bahay wala
Chapter 84Medyo umatras ako ng bahagya sa boss ko napayuko ako dahil nahiya ako sa kaniyang ginagawa sa akin, naisipan ko ng magpapaalam, sumang-ayon naman ito sa akin, lumabas na nga ako sa secreto hide out ni boss Frank, bumalik na ako sa loob ng rest house nagtungo ako sa kwarto ni boss Frank upang maghanda sa aking sarili dahil mamayang gabi ay isa-isahin namin ang mga kalaban ko.Bigla naman nagring ang cellphone ko, si Betong pala ang tumatawag sa akin.“Betong, anong balita sa pinahanap ko sa ‘yo?” tanong ko.“Miss Nathalie, nagpag-alaman ko kung saan sila naglulungga rito sa Santa Clara at dito pala sa lumang gusali na malapit sa tulay,” sambit ni Betong.“Okay maraming salamat, ngayon din ay pupunta ako riyan,” sambit ko.Nagmadali na nga ako sa aking pagkilos at nakita kong narito na si Frank Smith ka agad din pala itong umunod sa akin, dahil nakita ko na narito na siya sa loob ng bahay, napansin ko na nagtungo siya sa kusina siguro nagugutom na ito, lumapit din ako rito
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki