Hindi maintindihan ni Zek kung ano ang nangyayari, hindi niya mahagilap sa isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Inaalala niya ang nangyari kahapon at naalala niyang biglang naglaho ang babaeng tinatawag ni Liah na Annabelle. Palaisipan pa rin sa kaniya bakit lagi sumusulpot ang babae at balak na patayin ang babaeng mahal niya.
“Kuya?” Isang boses ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni-muni. Sinundan niya ang boses at nakita niya ang kaniyang kapatid.
“Ezra? Oh? Bakit?”
“Are you ready for your wedding?” masiglang tanong nito sa kaniya.
“What? Wedding?” takang tanong niya.
“Yeah. You’re gonna marry, Laura? How could you not remember?”
Nag-isip ang binata at naalala niya na buntis ang babae at siya ang tinuturong ama ng bata. Iyon ang dahilan bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya munang ayusin ang gusot na ito bago niya hanapin ang babae. Huminga siya nang malalim at patuloy na iniisip kung paano niya hahanapin ang babaeng mahal niya.
Nagtataka rin siya bakit hindi nila maalala si Liah, at nagtatanong siya sa kanyang sarili kung sino ang dalawang babaeng dumating kahapon. Hindi na rin niya maalala kung saan napunta ang babaeng si Annabelle. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala rin siyang alam kung saan galing ang babae, o saan nakatira si Liah. Tumayo siya at lumabas, kailangan niyang puntahan ang apartment ni Liah. Baka may makita siyang bagay na nakakapagturo sa kaniya kung nasaan ito.
~**~
Samantala, sa palasyo ng Verona ay hindi pa rin nagigising ang prinsesa, patuloy pa rin naghahanap ng lunas at sagot si Tara. Hindi rin makikitang umiilaw ang pantas ni Liah, at tulad ni Liah, parang patay na sanga ito. Hindi rin nila alam bakit umiilaw ang buong katawan ng dalaga, pero parang patay na ito.
“Anong gagawin natin, Tara?” balisang tanong ng reyna.
“Hindi ko rin alam, Mahal na Reyna.”
Ilan mga sandaling lumipas ay naramdaman nilang nagigising na ang prinsesa. Agad silang tumungo sa silid nito at nakita nilang nakatayo na si Liah sa kaniyang balkonahe. Buhay na buhay ito at nakikipag-usap ito sa mga ibon.
“Amaliah?” sambit ng reyna. Lumingon ang dalaga at ngumiti sa kaniya, ngunit nagkatinginan ang reyna at si Tara, tila may nakita silang kakaiba sa dalaga. Hindi nila mawari ang kakaibang aura ng dalaga.
“Anong pakiramdam mo, anak?”
Ngunit hindi sumagot ang dalaga, ngiti lamang ang tanging tugon nito. Nagtaka naman ang dalawa.
“Nagugugtom ka ba, Hija?” tanong muli ng reyna. Tumango ang dalaga at ngumiti.
“Opo, Ma.” Nakiramdam naman si Tara sa kilos at bawat salita ng dalaga, alam niyang may kakaibang nangyayari sa prinsesa. Sinubukan niyang kausapin ang dalaga pero tanging tango at ngiti lamang ang tinutugon nito.
“Sige, halika na at bumaba na tayo sa kusina,” ani ng reyna. Naunang lumakad ang prinsesa at nahuli naman ang reyna at ang kaniyang pantas. Nag-usap ang dalawa sa pamamagitan ng isip.
“Kakaiba ang kinikilos ng prinsesa, Mahal na Reyna.”
“Oo. Parang hindi siya ang anak ko, Tara.”
“Pero imposibleng hindi natin agad malalaman ‘yon,”
“Baka pagod lang at mahina pa ang katawan niya,”
“Hayaan na muna natin siya, Mahal na Reyna.”
“Mabuti pa nga.”
~***~
Samantala nais malaman ni Zek kung ano ang nangyari bakit hindi maalala ng lahat si Liah. Kahit si Nana Senya ay hindi kilala si Liah. Muli siyang bumalik sa apartment kung saan nakatira ang dalaga. Nagtanong-tanong din siya sa kaniyang mga kapit-bahay, pero kahit sila ay hindi kilala ang dalaga. Ngayon pakiramdam niya ay nawawala na siya sa kaniyang sarili. Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung nasaan ang babaeng mahal niya.
Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kaniyang kotse at umuwi sa palasyo. Nang muli siyang nakabalik ng bahay nila ay nasumpungan niya si Laura at ang ama nito sa lanai ng palasyo nila at kausap ang mga magulang niya. Nang nakita siya ng babae ay agad itong tumayo at lumapit sa kaniya.
“Hi, Babe,” ani nito, sabay h***k sa labi niya. Umaakto itong parang walang nangyaring gulo. Parang walang nangyari, nakangiti pa ang lahat nang makita nilang hinalikan ng babae si Zek. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ng babae nang hindi tinugon ni Zek ang h***k niya.
“May problema ba?” tanong ng babae. Hindi naman sumagot ang prinsipe. Labis ang pagtataka ng babae sa kinikilos ng lalaki.
“Babe? What’s wrong?”
“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ng lalaki. Lumaki naman ang mga mata ng babae sa trato ng lalaki sa kaniya.
“What’s wrong with you?!” bulalas ng babae. Tinanggal naman ng lalaki ang kamay ng babae na nakapulupot sa leeg niya.
“Anong problema, anak?” tanong ng ina niya.
“Wala, Ma. Pagod lang ako,” tugon niya sabay talikod sa kanila at pumasok sa kaniyang silid.
“Zek!” sigaw ng babae. Pero hindi lumingon ang prinsipe.
~***~
Hindi maintindihan ni Tara at ng reyna ang kakaibang kinikilos ng dalaga. Hindi rin nila alam kung paano gumaling ang mga sugat at naging malakas ito nang gano’n kadali. Alam naman nilang malakas ang prinsesa pero hindi nila maintindihan bakit bigla-bigla itong lumakas. Pero sa kabila ng kakaibang kilos ng dalaga ay naging panatag na rin ang reyna at naging kampati na siya na magaling na ang kaniyang anak. Pero hindi kay Tara, malakas ang pakiramdam niyang may mali sa prinsesa.
“Mauna na po ako sa aking silid,” biglang sambit ng prinsesa. Tumayo na rin ito.
“Busog ka na ba?” tanong ng ina niya.
“Oho.”
“Sige, magpahinga ka na.”
Tumalikod na ang dalaga nang hindi man lang tumugon sa ina niya, at nakakapagtaka na hindi ito h*****k sa kaniyang ina bago umalis. Pero binaliwala iyon ng reyna.
“Hindi ko alam, Mahal na Reyna, pero hindi maganda ang aking nararamdaman sa kakaibang kinikilos ng prinsesa,” ani ni Tara. Huminga naman nang malamin ang reyna habang tumatayo sa kaniyang kinauupuan at tumungo sa bintana.
“Ako rin, Tara. Hindi ugali ng anak ko ang umalis na lamang nang hindi ako hinahalikan. Darating na si Lukas at Elle sa susunod na buwan at ang hari naman ay babalik na rin. Hindi ko alam kung pa paano ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.”
“Ipatawag mo si Agustus, Mahal na Reyna.”
“Pero tapos na ang misyon nila, Tara.”
“Pwede rin na pumunta tayo sa mga De Arcon.”
“Mas delikado, Tara. Kapag nalaman nilang nakabalik na ang prinsesa na hindi pa tapos ang misyon niya ay mapipilitan akong isuko ang kaharian ng Verona sa pamumuno nila,” nanlulumong sagot ng reyna.
“Tanging tunay lamang na pag-ibig ang pag-asa natin, Tara. Hindi maaaring mangyari muli ang nangyari noon. Hindi ko na hahayaan.”
“Kailangan mahanap ni Zek ang anak ko, kailangan niyang ipaglaban ang anak ko,” naluluhang saad ng reyna.
“Alam kong magkikita rin silang dalawa,’ tugon naman ni Tara. Hindi rin mapakali ang punong pantas dahil sa nakita niyang patay pa rin ang pantas ni Liah. Hindi ito nagbago pero hindi niya sinabi sa reyna, dahil alam niyang mag-aalala na naman ito.
~**~
Patuloy pa rin ang pag-iisip ng paraan ni Zek kung paano niya mahahanap si Liah, pero dahil kay Laura ay hindi niya iyon magawa. Kinausap siya ng kaniyang ina na, asikasuhin ang kasal nila ni Laura, pero hindi siya papayag na makasal sa babae. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya ang ama ng batang pinagbubuntis ni Laura. Kailangan niyang makagawa ng paraan para hindi matuloy ang kanilang kasal. Napukaw naman ang kaniyang atensyon nang biglang may kumatok sa kaniyang pinto.
“Mahal na Prinsipe!” sigaw ng isang boses. Agad siyang tumayo at pinagbuksan ang tao sa labas. Nang buksan niya ay bumungad sa kaniya ang Heneral ng palasyo.
“Bakit?” takang tanong niya.
“Maraming patay sa kabilang kaharian,” hingal na sagot niya.
“Ha? Bakit? Anong nangyari?”
“Umatake na naman ang mga lobong itim, kasama ang mga masasamang mangkukulam, at patungo na sila dito sa ating kaharian,”
“Mauna ka na, susunod ako.” Utos niya. Agad na yumuko ang heneral at paatras na tumalikod at umalis.
“Malapit na ang pagsapit ng selebrasyon nila, naghahanap na naman sila ng mga alay!” galit na sambit ng prinsipe habang nakakuyom ang mga kamao.
~**~
Habang sa kabilang dako ay patuloy ang paghahasik ng lagim ng mga mangkukulam at mga itim na lobo na pinamumunuan ng isang babae. Samantala sa palasyo ng Verona ay hinahanap ng lahat ang prinsesa. Hindi nila makita kahit saan ang dalaga, kahit sa gubat ay hinanap nila pero hindi nila makita.
“Hindi na maganda ang nangyayari, Mahal na Reyna. Hindi na,” ani ni Tara.
“Anong gagawin natin, Tara?”
“Ipatawag mo na ulit si Agustus, mas malakas ang kaniyang pang-amoy kaysa sa atin mga mangkukulam.”
“Sige, wala na rin tayong magagawa. Ipapatawag ko rin ang ibang mangkukulam na maaaring makatulong sa atin.”
“May na balitaan din akong maraming patay sa isang kaharian na malapit sa kaharian ng Tyre, sumalakay ang mga mangkukulam, at alam kong tayo na naman ang sisihin dahil sa mga kalahi natin.”
“Alam ko. Malapit na ang kabilugan ng pulang buwan at naghahanap muli sila ng mga alay na maharlika. Kailangn natin mahanap si Liah, at pigilan ang maitim na balak ng mga kalahi natin.”
Sa isang iglap ay biglang sumigaw ang isang sundalo ng palasyo. Napalingon naman ang dalawang babae sa sundalo. Nagmamadali itong lumapit sa kanila at humihingal na nagsalita.
“Nakatakas ang mangkukulam!” anunsyo nito. Sa sobrang bigla ay sabay silang nagsalita.
“Ano?!”
“Paanong nakatakas si Lusiana?!” ani ng reyna.
-Witch in the Palace.
Tumungo si Tara at ang reyna sa kulungan, kung saan nila kinulong ang bruha. At habang papalapit sila nang papalapit sa kulungan, biglang lumitaw ang ina ng reyna. “Nabalitaan ko ang nangyari, Airah.” Lumingon naman ang anak niya na hindi na nagulat na bigla na lamang sumulpot ang mahal niyang ina. Habang si Tara ay tahimik na nagmamasaid sa paligid, dahil baka may nagtatagong kalaban sa gilid-gilid. Madilim, masikip at mga batong pader ang kanilang dinadaan. At sa bawat hakbang nila ay binubuksan ni Tara ang mga sulong nakadikit sa pader na bato. Unti-unting lumiliwanag ang paligid. “Paano nawalan ng bisa ang mahikang nilagay ko?” tanong ng inang reyna. Halatang nagtataka ito sa mga nangyari. “Malapit na ang kabilugan ng buwan, Ina, at nagsisimula na silang maghasik ng lagim sa bawat parti ng mundo.” “Naramdaman ko ring nakauwi na ang aking apo, Airah.” Yumuko ang reyna, dahil hindi ni
“Sinadyang putulin ang kaniyang dila para hindi siya makapagsalita, Mahal na Prinsipe.”Hindi nagsalita ang binata, nag-iisip ito kung ano ang gagawin. “May naisip na ako. Para malaman natin kung saan siya nanggaling at kung sino ang nag-utos sa kaniya ito ang gawin natin. Hinila niya papalayo ang kaniyang sundalo at dinala sa labas ng kulungan. Nang matapos nilang mag-usap ay napagpasiyahan nilang hayaan ang lalaki. Pinakain at binigyan nila ng tubig para bumalik ang lakas nito.“Kailangan natin romonda sa buong paligid ng kaharian para siguraduhin ligtas ang mga tao at ang ibang lahi na nandito sa territoryo ko.”“Masusunod, Mahal na Prinsipe.Paano nga pala ang pagliligtas sa anak ng Duke?”“Ganito makinig ka, papalayain natin ang bihag natin at do’n tayo gagawa ng aksyon. Susundan natin ang bihag hanggang sa ma
Biglang nag-vibrate ang tracker ni Zek, na inilagay niya sa kaniyang bulsa. Alam niyang may kalaban sa paligid kaya minabuti na rin niyang e-vibrate mode ang tracker niya para hindi makagawa ng ingay. Agad niyang inalerto ang kaniyang mga kasama sa pamamagitan ng paghatid ng coordinates at para ma-secure ang bawat perimeter nila. Kailangan nilang mag-ingat, dahil hindi tao ang kanilang kalaban. Nang makuha na ng mga kasama niya ang signal ay hindi na sila nagsayang pa ng oras. Agad silang naghanda at naging mas alerto. Ngunit sa kabilang parti ng gubat ay may dalawang babaeng nag-uusap, nakakubli sa isang malaking puno. "Kailangan ko ng bumalik sa Verona, Ina. Siguradong hinahanap pa rin nila ang katawan ni Liah." "Sige, anak kailangan ko na rin puntahan ang kapatid ng prinsipe, kailangan na na
"Bitawan mo ako!" Isang sigaw ang umalingawngaw sa loob ng isang kweba. Kung saan makikita at maririnig ang iyak, sigaw at hignagpis ng ibang batang nakagapos."Tumahimik ka!" ani ng isang boses, si Lusiana."What the hell!" sigaw ni Ezra. Nagpupumiglas siya at sinusubukang kumawala sa tali."I will kill you!" sigaw niya pa."Kahit anong gawin mo ay hindi ka makakatakas sa mahika ko, Hija. Kaya wag mo nang sayangin ang lakas mo.""Sino ka? At ano ang balak mo sa amin?""Wag kang atat, Hija. Pero sabagay papatayin din nami
Maghuhubad na sanasi Marcus ng kaniyang damit nang pigilan siya ng batang maharlika.“Wag ka munang magmadali, Marcus. Kailangan sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit, para sabay din tayong makaalis dito. Hindi maaring magkahiwalay tayo.”Tumango si Marcus nang mapagtantong tama ang sinabi ni Naro. Tumingin naman si Ezra kay Marcus, na parang may nais itong sabihin sa kaniya. Agad naman nakuha ni Marcus ang nais ni Ezra.“Naro, kailangan natin tumalikod para makahubad ang mga prinsesa.”“Sige, masusunod.” Tumalikod naman ang dalawang lalaki at nagsalita si Marcus.“Pagbilang ko ng tatlo ay sabay-sabay tayong magbabaliktad ng damit natin, maliwanag ba?” ani niya sa maawtoridad na boses. Tila nagmimistula siyang lider ng grupo.“Maliwanag!” sabay nilan
Samantala sa kaharian ng Verona ay makikitang parang wala ng buhay ang prinsesa. Nag-aalala na rin ang punong pantas at ang reyna dahil marami nang nawawalang mga maharlika."Wala pa ring malay ang prinsesa. Ano ang gagawin natin, Tara?"" Hindi ko rin alam, Mahal na Reyna at isa pa may malaki tayong problema.""Ano iyon?"Huminga nang malalim ang pantas bago sumagot sa Reyna. Halatang nababalisa ang pantas. Nangangamba sa maaring reaksyon ng reyna."May dumating na balita mula sa ating pinagkakatiwalaan mensahero, nagpaplanong magsagawa ng himagsikan ang ibang kaharian laban sa atin, Mahal na Reyna. Hindi na raw nila hahayaang mangyari ang nangyari noon."&n
Nang matapos makipag-usap sa itim na pantas ang mag-asawa ay tumungo na sila sa lugar ng mga Serano. Kasama ang kanilang mga alagad ay nagmartsa sila na tila ba naghahamon ng digmaan. Habang papalapit sila nang papalapit sa bukana ng puno ay sinusubukan ni Lusiana na mawalan ng bisa ang mahikang nakabalot sa puno. "Malakas ang mahikang nakabalot sa bukana ng kaharian nila, Mahal." "Auggghhhh!" Inis na sigaw ni Lusiana. Hindi niya matibag ang harang ng mga Serano. "Tumabi ka, Lusiana, ako na ang bahalang sumira sa harang," saad ng hari. Tumabi si Lusiana at binigyang laya ang daan para makalapit ang hari. Ngunit nang simula ang hari ay bigla namang bumukas ng malawak ang bukana ng kaharian ng mga Serano. Tila isang gate na kasya ang isang libong sundal
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu