NASA isang pampublikong ospital si Amanda, naka pila siya upang makakuha ng numero sa pag papacheck up, nais niyang malaman kung malala na ba ang kanyang sakit, nang makakuha siya ng numero ay nag hanap siya ng mauupuan upang doon mag antay na tawagin ang hawak nyang numero.Meron siyang nakasabay doon na buntis na, ito ay hindi nakakuha ng numero dahil naabutan ng cut-off, normal na lamang sa mga pampublikong ospital ang ganoon. "hija, ilang buwan na ang nasa sinapupunan mo?" tanong niya sa babaeng tumabi sa kanya, "Mag aanim na buwan na po," sagot naman sakanya ng babae habang ito ay naka tingin sa kaniyang tiyan."hindi ka pa ba uuwi? naabutan ka ng cut-off, di' ba?" tanong muli ni Amanda sa babae, "Hindi po muna, magbabaka-sakali po ako na mapag bigyan." ani ng babae at tipid na ngumiti. "Anim na buwan na po kasi ang tiyan ko ngunit ni isang beses ay wala pa akong check up, kapos po kasi kami, malayo din ang aming tirahan kaya hindi ko din po magawa na mag punta sa pampublikong os
"Rai, anong nangyare?" tanong ni Lenie ng makalapit sa kaniyang kaibigan. "H-Hindi ko din alam...." umiiyak na sabi nito kay Lenie, agad naman tumulo ang luha ni Lenie ng makita ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. "B-basta.... tumawag si tita.... Amanda. n-nang sagutin ko ang tawag.... maingay na kapaligiran ang narinig ko... may isang nag salita, sabi nawalan daw ng malay si tita amanda....." lalo pang umiyak si Raiza ng maalala niya ang mga narinig niya nung kausap nito ang lalaking nakakuha ng telepono ni Amanda. "tapos... narinig ko s-sabi ng mga tao.... w-wala na daw.... wala na daw pulso si T-tita Amanda..." putol putol na turan ni Raiza halos hindi ito maintindihan dahil humahagolhol ito ng mag kwento sa kaniyang kaibigan.. Tila gumuho ang munto ni Lenie ng marinig ang sinabi ng kaniyang kaibigan, hindi nya maisip bakit si Raiza ang kaniyang tinawagan imbes na siya, 'Ako ang anak mo ma,,,' anito sa kaniyang isipan. "bakit.... b-bakit hindi ako ang tinawagan niya?" ani Leni
tiim-bagang napatingin si Dylan sa natutulog na babae, kasabay ang mapait na ngiti sa mga labi, "Congrats, Bro. magiging tatay ka na," wika ni Dylan pilit na hindi pinahalata ang nararamdaman na galit, lumapit naman agad si Diego sa doktor tila maamong nag tanong. "Doc, kumusta pi siya? bakit po nawalan ng malay a-ang........ nobya ko?" tila nagdalawang isip ito ng bigkasin ang mga katagang pinakawalan niya. "Okay naman na sya. She need more Rest, bawal mastress. pag nag tuloy tuloy ay baka hindi kayanin ng katawan niya, at makasama iyon sa bata. I suggest na mag Bedrest muna siya," tumango lang si Diego bilang pag sang-ayon sa doktor, maya maya ay nakita nilang nagising na si Lenie. umalis na ang doktor ng mga oras na iyon Nang makita ni Dylan na may malay na ang babae, kuyom ang kamaong nilisan ang silid. 'Akala ko ay iba ka lahat ng kababaihan, Nabibilang ka rin pala sa kanila. mapanamantala,' sa isip ni Dylan, nang makalayo sa Silid ay nasuntok nito ang pader dahilan para mag d
DINALA NA sa isang private room si Lenie matapos itong dalhin sa Emergency room. mahimbing itong natutulog, nilapitan ito ni Raiza at naupo sa tabi ng kama ng kaibigan. Nilapitan naman ni Diego ang OB na nag suri sa babae, "doc, kamusta ang bata?" tanong niya sa doktor. ngumiti ito ng tipid bago ito mag salita, "Ligtas na ang bata, sa sitwasyon niya kailangan ka nya. kailangan mo siyang libangin, hanggat maaari ay iwasan mong mastress ang asawa mo," ani ng doktor, nagulat siya ng sabihin nito na asawa niya si Lenie, hindi niya sinabi na hindi siya ang ama at kasintahan ng babae. "Hindi maiiwasan ang stress, lalo't namatayan ang pasyente. matinding pag unawa ang kailangan mo, ang mga buntis ay maselan. Maaari pa itong mag dulot ng postpartum depression sa kanya," paliwanag pa nito. tumango lang siya at nag pasalamat na sa doktor, nang umalis ang doktor ay nilapitan na niya ang dalawang babae."Tingin mo ba'y sasabihin ni Lenie kung sino ang ama ng kaniyang pinag bubuntis?" tanong ni
"Kung gano'n, hayaan mo na lang akong maging Ama ng bata, Lenlen dungis," Napatingin si Lenie kay Diego, nag tataka ang kaniyang mga mata, "P-paano mo nalaman na Lenlen ang palayaw ko?" hindi makapaniwalang turan ni Lenie sa kaharap na lalaki. Ngiting-ngiti ito ang sagutin ang tanong ng babae, "Ikaw kaya ang nag sabi sa'akin niyan dati," aniya nito sa kanya. "Ha?" tila litong-lito si Lenie sa mga sinasabi ng lalaki, napansin naman ni Diego na hindi maunawaan ng babae ang kaniyang tinuturan. "ako yung batang niligtas mo noon sa mga batang nam-bully sa'akin nung maligaw ako," pag papaliwanag niya sa babae, agad naman nag liwanag ang mga mata ni Lenie senyales na naalala na siya nito. "Ikaw yung batang mabango pero duwag," pang aasar ni Lenie sa lalaking kaharap. nakita ni Diego na tumatawa ang babae kaya kahit asar-asarin siya nito ay okay lang sa kaniya basta masaya ang babae. "Ako nga yun, pina imbestigahan kita at nakumpirma kong ikaw ung Batang matagal ko nang hinahanap,
KASALUKUYAN naman nasa meeting si Dylan, kasama niya si Maxine ang kanyang sekretarya dahil hindi pumasok si Lenie sa trabaho. Hindi niya alam na nagdadalamhati ang babae dahil umalis siya ng gabing iyon. Natapos ang kanyang meeting "That's all for today, Great work," aniya sa kumbinsidong tono. Mabilis itong tumayo upang bumalik sa kaniyang opisina. agad naman siyang sinalubong ng sekretarya nya, "Sir. Dylan, na reschedule ko na po ang mga business meeting nyo for tomorrow," aniya sa boss habang sinusundan itong nag lalakad. "Okay," tipid na turan nito sa kanya. "Is that all you need Sir?" tanong pa ni Maxine. "Yes, you may go." aniya sa kaniyang sekretarya. agad naman itong lumabas at isinara ang pinto ng opisina ni Dylan. wala ito sa mood tila seryoso lang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naalala niya ang gabing umiyak ng sobra ang babae, iniisip niya kung ano ang nangyare at bakit ito umiyak ng ganon, sandali siyang bahala ngunit bumalik din sa walang pakialam na ekspresy
"Itigil na natin ang.... ang pag papanggap na magka relasyon," Natigilan si Lenie, para syang natulala sa mga binitawang salita ng lalaki. kinurap-kurap nya ang mga mata. "Ha?" ayan lang ang tanging lumabas sa bibig niya. hindi nya alam kung anong sasabihin o anong irereak sa tinuran ng lalaki. Hindi maipinta ang itsura ni Dylan pakiramdam niya ay pinag lalaruan siya ni Lenie. Hindi ba't dapat ay natutuwa siya dahil pwede na nilang isapubliko ang relasyon nila ni Diego? ani sa kaniyang isipan. Hindi nag salita si Lenie, naka awang pa din ang mga labi nito na tila nabigla. "Sasabihin ko na lamang kay Dad, na kasalanan ko ang lahat kung bakit tayo nag hiwalay." ani Dylan sa babae. Bumalik sa wisyo si Lenie at bumawi ng hininga. "A-ah, b-bakit?" nauutal na tanong niya sa lalaki. "S-sabagay, tama din iyon para hindi na natin niloloko si Tito Marco," dagdag pa nya. 'Paano na ang nasa sinapupunan ko? dapat ko bang sabihin sa kanya?' nag tatalo ang kanyang isip at puso. hindi nya
NAG AAYOS na si Lenie ng mukha, simple lang ang ayos niya naka Black Dress ito. simple lang ang kanyang make up, sa simpleng ayos niya ay umaangat padin ang ganda nya, ang simple ay nagiging bongga. "Len, andito na si Diego." sigaw ni Raiza sa labas ng kaniyang kwarto. "Oo sige palabas na," agad na tumalima si Lenie, kinuha ang kaniyang maliit na bag at lumabas. pag labas niya ay nakita nya ang kanyang kaibigan suot ang isang red dress, at si DIego naman ay naka black suit, napaka gwapo nito sa kanyang kasuotan sandali siyang napa titig sa lalaki at agad naman ding inalis kanyang mga tingin. "Ang ganda mo Rai, mukha kang mayaman sa suot mo." papuri nito sa kaniyang kaibigan na totoong maganda talaga. "Ako, hindi mo manlang ba ako pupuriin?" hinging atensyon naman ni Diego sa babae, natawa naman ng bahagya si Raiza sa inasal ng lalaki. "Ikaw din Len, ang ganda ganda mo, buti nalang at isang buwan ka palang na buntis hindi halata ang tiyan mo napaka sexy mo tignan," ani Raiza sa ka
PINILIT ni Lenie na mag mukhang maayos kahit pa namumugto na ang mga mata, Hindi niya kayang manatili sa bahay ng kaniyang ama. Parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay na iyon. Narinig niya ang busina mula sa labas ng kanilang bahay, Alam niyang si King na iyon. lumabas siya agad at walang sabi sabing pumasok sa sasakyan ng lalaki. Napansin ni King ang mugtong mga mata ni Lenie, Nag tataka siya, kanina lang ay masaya ito ngayon Nakita niyang galing sa pag iyak ang babae. "May nangyare ba?" nag aalalang tanong ni King sa babae, Hindi siya sinagot ni Lenie sa halip ay tipid itong ngumiti sa kaniya. "Happy birthday, Kingkong." bati ni Lenie sa kaniya, Kahit alam niyang may mabigat ma problema ito, hindi na lang niya pinilit na mag kwento ang babae, nirerespeto niya ang desisyon nito. Malumanay na pinaandar ni King ang kaniyang sasakyan, Tahimik lang ang byahe nila. hanggang sa makarating sila sa Mansyon nito, Nanatiling tahimik si Lenie. Bumaba sila ng sasakyan, Pin
NAKA tingin lang si Lenie kay Dylan, Pinag iisipang maigi kung dapat paba niyang malaman ang buong katotohanan o hayaan nalang iyon at ibaon sa limot. Malalim na bumuntong hininga si Lenie, Kailangan niyan harapin iyon, kung hindi niya aalamin. parang tinanggalan niya ang kaniyang sarili na malaman ang buong katotohanan, kung bakit lubos siyang nawasak. "Makikinig ako," Matapang na saad ni Lenie. ngumiti si Dylan, at nag simulang ikwento ang nangyare kanina. ----- "Dylan, maawa ka b-buntis ako," Pakiusap ni Maxine sa sobrang takot dahil sa labis na bilis nang takbo ng kotse. Hindi siya pinakinggan ni Dylan, Tila wala na itong takot sa kamatayan, wala nang saysay ang buhay niya dahil wala na sa kaniya ang babaeng pinaka mamahal niya. Nakita ni Maxine ang pag tulo ng
BLANGKO ang isipan ni Dylan ng tinungo ang bahay ng nga Sandoval, Lugmok ang ang itsura at puno ng pag sisisi ang mga mata. Nakatayo lang siya sa labas ng malaking gate ng mga Sandoval, Hindi niya alam kung paano at kung saan kukuha ng lakas ng loob para makausap si Lenie. Nangungilila na siya sa babae, Gusto niyang makausap manlang ito. Alam niyan hindi na niya pwedeng ipilit ang sarili sa babae dahil isa na siyang marumi at hindi karapat dapat dito. Tanggap na niya iyon sa kaniyan loob, sadyang hindi lang niya mapigilan na hindi mangulila sa dating asawa. Malalim na huminga si Dylan at malakas na napabuntong hininga, Buong loob niyang nilakasan ang kaniyang dibdib upang humugod ng lakas, Dahan dahan niyang pinindot ang Doorbell na nasa labas ng gate. Ilang sandali pa'y may narinig siyang yabag ng paa, "Sino yan--" natigilan si Lenie ng pag bukas niya ng gate ay tumambad sa kaniya si Dylan. Nagulat siya sa itsura nito, malaki ang eyebags na halatang hindi nakakatulog
ALIGAGA si Dylan, nasa health center sila. Kasama niya si Maxine do'n dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang maselang parte ng katawan. Hindi siya mapakali dahil hindi naman niya iyon nararamdaman noon.Minabuti niyang mag patingin kasama si Maxine dahil masama ang kaniyang kutob dito.Lumapit ang doktor sa kanila dala ang resulta ng HIV test nni Maxine, "Doc, Ano pong resulta?" tanong kaagad ni Dylan."Ms. Smith, I want to discuss your test results with you," panimula ng doktor, hindi sila umimik, tila inaantay ang susunod na sasabihin ng doktor."unfortunately, your HIv test came back positive, which means that you have contracted the human immunodeficiency virus." dagdag pa ng Doktor sa kanila.Labis ang pagka bigla sa mukha ni Dylan, tama ang kaniyang hinala. Nahawa nga siya ng HIV sa babae... napatingin siya kay Maxine na parang nandidiri siya dito."Umamin ka sakin, Sino pa ang nakatalik mo bukod sa'akin? SU
INILAPAG ni Lenie ang Urn ni Amanda sa isang kwarto kung saan ipinaayos ni Ramon para sa labi ni Amanda, masaya si Lenie ng makuha ng mga kaibigan ang gamit niya. Lumabas siya at pinuntahan ang mga ito sa garden nila, agad naman siyang sinalubong ni King na may mga ngiti sa labi at pumunta sa kaniyang likuran upang itulak ang kaniyang wheelchair. "Ano ba yan Len, bilisan mo ang pag galing at mag paganda ka ng bongga, hayaan mong mamatay sa pag sisisi si Dylan dahil niloko ka niya," bungad ni Raiza sa kaniyang kaibigan, napangiti lang si Lenie sa sinabi ng kaibigan. "Hindi na niya kailangan maging maganda, maganda naman na siya," papuri ni King sa babae na dahilan ng pag pula ng pisngi nito. "Huwag na natin siya pag usapan," saad ni Lenie, ayaw na niyang marinig ang tungkol sa lalaki, gusto niyang makalimot sa sakit na ibinigay nito sa kaniya lalo pa't nawalan siya ng anak ng dahil sa ginawa nito sa kaniya. "T
"Anong pinag sasabi mo diyan, Ahas ka!" galit na saad ni Raiza kay Maxine, agad naman siyang hinawakan ni DIego sa braso nang akmang susugurin nito ang babae. "Enough, Hon. Let her explain," saad ni Diego, napatingin sa kaniya ang nobya na hindi makapaniwala sa tinuran ng nobyo. "Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo," ani Raiza at walang sabi-sabing pumasok na sa loob ng bahay nila Dylan. Dumaretso sila sa Living room ng bahay, umupo silang tatlo at naiwang nakatayo si Maxine. Biglang dumating si Dylan do'n. "A-anong ginagawa nyo dito?" tanong niya nang makita ang tatlo sa kaniyang bahay. "Hindi ba't dapat kami ang mag tanong niyan? anong ginagawa ng babaeng yan dito?" taas kilay na turan ni Raiza, halata ang mataray nitong itsura dahil sa nakita. "M-may kailangan kayong malaman," ani Dylan maluman
"Wala ka bang gagawin?" tanong ni Lenie sa naiwang lalaki sa kaniyang silid. Tumingin ito sa kaniya habang nag babalat ng mansanas, "Wala, natapos ko naman na ang session ng lola mo," kaswal na saad nito sa kaniya. Inabot ni King ang hiniwang mansanas kay Lenie, "Salamat," ani Lenie sa lalaki, tumabi naman ito sa kaniya at umupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Salamat sa pag dala mo dito kay Lola, ha?" saad ni Lenie sa lalaki, ngumiti si King sa kaniya. "Alam kong gusto ka niyang makita, at ganon ka din." turan ni King sa babae. Bumalot ang katahimikan sa buong silid, Pinag masdan ni King ang itsuran ni Lenie, tahimik lang ito pero alam niyang mabigat ang dinadalang problema sa dibdib ng babae. "Pwede kang mag sabi sakin ng nararamdaman mo," Basag ni King sa katahimikan ng silid, Napatingin si Lenie sa kaniya at tipid na ngumiti. "A-ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ni Lenie sa lalaki, natawa naman si King sa tanong ng babae sa kaniya kaya mas pinili nalang niyang tu
NAKITA ni Lenie ang tuluyang pag labas ni Dylan sa kaniyang silid, do'n niya naibuhos ang labis na hinagpis at sakit na kanina pa niya pinipigilan dahil ayaw niyang makita ni Dylan na sobra siyang nasasaktan, ayaw niyang bigyan ito ng kahit kaunting pag-asa na maaayos pa ang unos sa pagitan nilang dalawa, hanggang dito na lang para sa kaniya ang istorya nilang mag asawa. Pinunasan ni Lenie luha sa kaniyang mukha, inayod niya ang tindig ng kanyang balikat. "Kakayanin ko, kailangan kong kayanin" aniya sa kaniyang sarili, hindi madali para sa kaniya ang naging desisyon nya pero kailangan niyang gawin iyon. Kung tunay ang pag-mamahal sakaniya ni Dylan, hindi nito gagawin ang bagay na labis na makakadurog sa kaniya. Mahal siya ni Dylan pero hindi ganon ka puro ang pag mamahal na iyon kaya nagawa siyang pag taksilan ng asawa, Sapat na para kay Lenie na mag desisyon ng hiwalayan lalo pa't wala na ang nag iissng dahilan kung
PINAKALMA ni Ramon si Lenie dahil masama para sa anak ang umiyak ng sobra at mastress, "anong gusto mong gawin ko, Anak. sabihin mo at gagawin ko." malumanay na saad ni Ramon habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nag isip si Lenie, sobrang sakit ng idinulot sa kaniya ni Dylan, Hindi na niya kaya pang makasama o makita manlang ang lalaki, ang buong akala niya'y mahal siyang totoo nito, ngunit nag kamali siya. KAya lang ito nang ibang lalaki, manloloko. Tumingin si Lenie sa kaniyang ama, "A-ayoko na pong... maging asawa ni D-dylan," ani Lenie basag ang mga tinig nito dahil sa matinding pag iyak. "Gusto mo ba ng divorce?" tanong ni Ramon sa anak. Tumango naman si Lenie sa kaniyang ama. "Wala nang say-say ang kasal namin, wala na din naman ang anak ko. Nandidiri ako sa kaniya... Hindi ko na siya gustong makita," ani Lenie kasabay ang pag tulo muli ng luha sa kaniyang mga mata. may pighati sa mga mata nito, halo