Hindi lahat ng parte ng lugar na iyon ay pinuntahan nila. Sunod lang siya nang sunod kay Mark kung saan ito pupunta at kung ano ang ginagawa nito. Nakarating sila kung saan maraming jelly joy, mayroon doon na malaking palaka. Siguro kasing laki ng car toy.Hindi ito tunay pero tumatalon ito dahil mayroon itong remote control, ngunit kapag hinawakan ang lamig nito ay walang pinagkaiba sa buhay.Hindi niya maiwasang matawa sa naisip nitong kalokohan. At nang maihanda na nito ang artificial na palakang iyon, muli silang pumasok sa isa pang elevator at makikita niya sa digital screen, na ang kinaroroonan nila ay gumagalaw pero hindi niya maramdaman na nag-iiba sila ng location. Sa pagbukas nito, bumungad sa kaniya ang mga malalaking chamber. Hindi niya alam kung saang parte na iyon ng lugar pero sa loob ng chamber may mga lamang robot. Wala itong pinagnaiba sa transformer na mapapanood niya sa TV. Pero alam niyang hindi iyon sasakyan, mga robot lang talaga. "Nasaan tayo?" tanong niya.
Nagising si Belle dahil sa malamig na tubig na nararamdaman niya sa kaniyang mukha. Dulot ng gulat nagpanic siya, ngunit hindi siya makagalaw. Agad na narinig niya ang tawa ng isang babae na sinasabing, "Gising na ang higad." Bumungad sa paningin niya ang imahe ni Felicia na nakaupo sa isang upuan at nakaharap sa kaniya. Nakatali ang kaniyang kamay at paa na nakahiga sa sahig kaya mas masisilayan niya ang maputing binti nito suot ang pulang sapatos. Sa unang pagmulat ng kaniyang mga mata ay wala pang eksena na pumapasok sa isipan niya ngunit sa huli, habang inaalala niya ang lahat, takot na takot siyang malaman na nakuha sila ni Mark ng Gordon na iyon."Nasaan ako?" tanong niya. Isang tawa ang narinig niya mula sa mga babaeng nasa harapan niya. Si Felicia at ang ina ni Samantha. Hinahanap ng mga mata niya si Mark ngunit napapansin niyang siya lamang ang bihag roon. Labis ang takot na kanyang nararamdaman ngunit dahil si Felicia ang kaharap niya, gumagana ang pride niya. "Nasaan k
Matapos siya nitong kalagan, inalalayan siya nitong makabangon at pinapasok sa isa pang kwarto. Halos hindi niya maihakbang ang mga paa niya sa sobrang pananakit ng katawan niya. Sa loob ng kwarto, inalalayan siya nitong makaupo sa higaan. Plywood lang itong pinatong sa lagayan ng kama at mayroong dalawang unan at manipis na kumot. Wala pang bintana ang kwarto, maliit lang ito at nakaka-suffocate. Kung siya ang naririto, hindi niya alam kung mamumuhay siya nang matagal. Pagkaupo niya, nagsalita siya, "Ang buong akala ng lahat wala ka na po. Hinahanapan pa rin ni Hivo ng hustisya ang pagkámátay mo."Tumango ito at hinawakan ang mukha niya. Dinikit nito sa bibig ang daliri at saka nag-shh. Ibig sabihin manahimik siya muna. Sinunod niya ito at saka naman nito in-examine ang katawan niya. Habang kapa ito nang kapa sa kabuuan niya may pumasok pang isang babaeng naka-wheelchair sa kwarto. Mahigpit niyang pinapatahimik ng ina ni Hivo kaya kahit nagtataka siya sa babaeng pumasok nanahimik
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a