As the meeting neared its end, Hivo could sense a mix of anticipation and satisfaction in the air. The restaurant's ambiance provided a comfortable backdrop for their conversation, fostering an atmosphere of creativity and collaboration. The underrated-profile designer had shared her portfolio, showcasing a collection of works that may not have garnered widespread attention but exuded immense potential. Pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata nito, tiniklop niya ang folder at binigay ito pabalik sa babaeng kausap niya at tumayo. Sumabay rin ito sa pagtayo niya at siya naman ay awtomatikong naglahad ng kamay at binati ito ng, "Congratulations, and have a good start in Solvet gems, Miss Martinez. I am confident that our collaboration will be a powerful force in our work together." Isang matamis na ngiti ang binigay ni Miss Martinez sa kaniya, isang magandang babae, na may exuding professionalism. She possessed an average height, a well-proportioned physique, and a clean, invitin
Hindi pa malinaw para kay Belle ang lahat, ngunit masasabi na niyang 70% sa hinala niya ay totoo ang 30% na kulang nito ay malalaman lamang niya kay Mark. Hindi pa alam ni Hivo ang ibig niyang sabihin, at saka na lang niya ipaalam rito kapag nakausap na niya ang kaibigan. Umalis ang matandang Soulvero. Mayroon lang itong personal driver at bodyguard. Ibang bodyguard na naman, hindi na iyong bodyguard nito noon. Ngunit kahit may bodyguard ito, hindi pa rin niya masasabing safe ang matanda lalo na't sa nakikita niyang desperado na si Gordon. Ang desperado naging agresibo, at ang agresibong nananakit na ng tao. What if ang nangyari sa matandang Soulvero noon ay si Gordon ang mastermind? Posible. Bintangera talaga ang kaniyang isipan. Nakakuha naman siya ng lambing mula sa kaniyang asawa matapos ang tensiyon na pag-uusap. Napag-alaman niyang tumawag ito sa bahay upang alamin ang ginagawa niya kaya nakatanggap ito ng balita mula kay Harian. "Sigurado ka, wala siyang ginawa sa'yo?" na
Dahil sa tampo—alam naman niyang hindi nararapat magtampo in public lalo na sa harap ng mga kasama nila ay susuyuin siya nito. Ngunit gusto niyang pag-tripan ang asawa niya kaya kahit ilang beses siya nito kinalabit para sa goodbye kiss hindi niya ito pinagbibigyan. Natatawa lang ang mga kasama nila lalo na't pinanindigan nito ang sinabing hindi ito aalis hangga't walang goodbye kiss. "Sige na..." Hinimas-himas pa ng hinlalaki nito ang kaniyang siko at dumistansya lamang siya. "Ayoko, doon ka kay Samantha humalik," matigas niyang sabi at sinamaan pa ito ng tingin. Natawa naman si Eloise, alam niyang nagkokontrol rin ng pagtawa si Mark. Nagpatuloy pa siya, "Tutal mahilig ka naman sa hindi nagto-toothbrush." Lalong lumakas ang tawa ni Eloise, binaliwala lang ito ni Hivo at sumagot, "Ikaw lang naman ang hindi nagto-toothbrush na kinakahiligan ko." Dahil sa sinabi nito lalong tumalim ang titig niya sa asawa niya—hinarap ito lalo at dinuro, "Hoy, lalaking Soulvero! Nagto-toothbru
Siguro nga talagang first time para sa mga taong sanay sa normal na ugali ni Hivo ang mga ugali niya ngayong masasabing masaya, makulit. Kauna-unahang pagkakataon din naman kasi ang pagiging palakwento niya kay Eloise. Natutuwa kasi siya dahil magkasundo si Eloise at ang asawa niya. Kaya nasabi na rin niya ang mga naging bonding nila, ngunit hindi naman lahat. "Ang unique kasi ng ugali ni ma'am Belle eh. Iyong tipong wala siyang pakialam kung ano sasabihin ng tao sa kaniya basta paprangkahin niya," natatawa pang sabi nito. Kumurba naman ang mga ngiti sa mga labi niya habang nagmamaneho. Naabutan pa sila ng traffic. "That's the things I liked about her. Especially, for those reasons: she's unconcerned about judgment and open about her background." "Background, sir?" Naramdaman niya ang pagtitig ni Eloise sa kaniya. Sinulyapan niya ito sandali at sumagot, "Yes. Well, hindi maganda ang background niya sa mata ng iba pero proud siya na napagdaanan niya iyon." "What back..." Eloi
"Nay..." Matagal bago niya ito makita, ang huli kasi ay musmos pa lamang siya, at alam niyang nalilito ito kung sino siya. Kaya ang namumutlang mukha at takot na reaction nito ay naintindihan niya. Upang mas malinawan ito, nagpakilala na lamang siya, "Ako ito, Nay, si Hivo." Ang naintindihan niya sa reaction nito ay napalitan nang pagtataka nang mabitawan nito ang hawak nitong paper bag. Napailing ito, "Anong..." Nalilito siya sa animo'y takot nitong inaasta. "Anong ginagawa mo dito?" "Nay?" Humakbang siya papalapit—nasasaktan sa mala-estrangherong tugon ng ina. Napaatras ito at sinabing, "Huwag mo akong susundan." Mas masakit ang makita niya itong nagmamadaling tumakbo palayo. Binaliwala niya ang presensya ni Eloise na panigurado nagtataka na rin sa ginagawa niya at hinabol ang kanyang ina. "Nay! Nay sandali!" "Sir!" Sigurado sumunod si Eloise sa kaniya. Huminto siya sandali at nilingon ito. Tinuro niya ang sasakyan, "Bantayan mo!" "Sir, saan ka pupunta! Baka mapano
Sa kabilang panig, kasalukuyan pa ring pinag-uusapan ni Belle and Mark ang tungkol sa apilyedong Sansmith. Inamin na nga ni Mark na isa siyang Sansmith at ang tungkol sa palakang bracelet—binigay lang naman nito sa kaniya bilang warning sa pamilyang Hulterar. "Ang ganda ng apilyedong Sansmith, pang scientist nga," puri naman niya habang sinasalansan sa kamay niya ang mga baraha. "Pero kung Sansmith ang apelyido mo? Ano naman ang apangalan mo?" tanong niya. Agad itong nagsalita ng, "Pwede secret muna?" Sinamaan niya ito ng tingin at bumulong, "Daya..." Nagpaliwanag naman ito. "Hindi ko muna sasabihin ang lahat ng impormasyon. Hintayin ko lang ang kambal ko—naniniwala ako na makikita ko pa siya—or kapag magsimula nang matakot ang mga Hulterar—well..." He smirked. "Nagsimula na nga silang matakot kasi noong pumasok ako sa mansion at nilagyan ng maraming palaka ang kwarto ni Samantha, nagkaroon na sila ng mga palaisipan." "Ano? Ano? Mga palaka—nilagay mo?" natatanga niyang tanong.Ku
Dinaanan na lang siya ni Hivo sa Eagles-Bet pagsapit ng hapon. Tahimik itong nagmamaneho habang sila'y papauwi maging sa hapunan hindi ito kumikibo—talagang walang kasigla-sigla. Pinansin ito ng lolo, tumutugon lamang ito na may respeto't pagmamahal at ngumiti, ngunit mababakas pa rin sa reaction nito ang kawalan ng gana. Sa pag-akyat ng hagdan upang mamahinga, inalalayan nito ang lolo. Makikita talaga niya sa mga kilos ni Hivo kung gaano nito kamahal ang matanda. Hindi na nakakapagtaka kung bakit handa itong gawin ang lahat maprotektahan lang ang buhay nito. Sa totoo magulang nitong asawa niya, wala siyang idea kung bakit ito pinabayaan noon pero naniniwala siyang sa mga magulang na marunong mag-appreciate ng anak masasabi niyang napaka-swerte ng mga magulang nito. Sa kaniya? Hindi niya alam kung naging maswerte ba si Bernadette sa kaniya o maging ang tatay niya maliban sa pera. Kasi ang swerte lamang na nakuha ng mga ito sa kaniya ay ang nagawa siyang pakinabangan. Ngunit,
Kasalukuyan siyang nasa kama pa rin, habang si Hivo ay nasa desk nito at halatang may ginuguhit. Napansin niyang nakakunot ang noo nito, tila may gustong silipin sa kung ano man ang ginuguhit nito.Dahil doon ay kumunot din ang noo niya, nagtataka sa kasalukuyang reaction nito. Tumagilid siya sa paghiga habang nakatukod ang kamay sa ulo at nagtanong, "Bakit ganiyan ang reaction mo?" Sumagot ito, "I'm just figuring something out.""Figuring something out what?" tanong naman niya. Sumulyap ito sa kaniya ngumiti nang bahagya at nagsalita, "Remember, when I told you, I used to be a batang kalye?" Tumango siya saka lang din niya naalalang may balak pala siyang magtanong tungkol sa dahilan kung bakit naging batang kalye ito dati. Nagpatuloy ito, "May nakasagupa kasi akong tabang babae na may masamang ugali, calling me mapanghe." Napakunot naman siya ng noo at sinabing, "That's my line, bakit nanggagaya ang batang iyan?" Tumaas ang kilay nito, nakangising tumingin sa kaniya at sinabing,
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."