Sa loob ng itim na van na nakaparada sa tapat ng entrance ng iskinita, kung saan si Levon ang nasa driver seat at siya naman ay nakaupo sa tabi nito, si Zayn at ang kapatid ni Belle ang nasa likuran nila, hindi nila maaring pag-usapan ang tunay na plano nila sa entertainer lalo na't isang studyante at teenager pa lamang ang kapatid nito. Ngunit dahil may mga tanong itong si Levon, idinaan lamang siya sa chat. 'You paid 1.3 million, will you give the rest?' tanong nito sa mensahe. Tiningnan niya ito, kinibitan siya nito ng balikat. Tumingin siya sa kaniyang likuran sandali sa kapatid ni Belle na kasalukuyang humihikbi.Siksik na siksik ang katawan nito sa gilid upuan na animo'y takot makalapit kay Zayn. Si Zayn naman ay kasalukuyang nakaharap sa dalagita at pinapatahan—pinapaintindi na ligtas na ito. Sandali niyang ibinalik ang paningin niya kay Levon at saka nagreply sa chat nito, 'May isang salita ako, alam mo iyan.' Umayos nang upo si Levon, kasabay naman ng tinig ni Zayn sa l
Tunay ngang si Belle ang kailangan ni Hivo. Alam niya ang rason ng lalaki kung bakit ito tumulong sa kaniya, ngunit nasa sistema pa rin niya ang kaniyang pinakamataas na hangarin sa buhay.Ang sinabi niya rito ay may isang daang porsyentong may katotohanan—nais niya ang isang lalaking papakasalan siya sa rason ng tunay na pagmamahal hindi para sa pera. Totoo ngang si Hivo ay mayaman, na kahit legal na kasal ang kailangan nito, once pumayag siya malaki ang posibilidad na ang mga pag-aari nito ay maging pag-aari rin niya. Ngunit kung titingnan lamang niya ang lalaki; sa tindig nito, sa pangangatawan, sa expression ng mukha na talagang halatang negosyo lang ang mahalaga, masasabi niyang malabong ibigin siya nito. Sa madaling salita hindi si Hivo Soulvero ang lalaking kailangan niya. Walang katulad nito ang magmamahal sa isang katulad niya at ang maging tingin lamang nito sa kaniya ay isang pantakip sa kung ano mang delikadong butas na pinoproblema nito. Ngunit may nakuha na siya rito
As expected, Belle woke up late, and her sister woke up earlier. That girl was currently sitting on the edge of the bed, quiet, but when she felt her awake, she turned to look at her."Anong oras tayo uuwi ate? Miss ko na si Papa." Animo'y nawalan ito sa kunsiderasyon na siya ay kakamulat lamang ng mata, sa agarang tanong nito tungkol sa pag-uwi. Sandali siyang naninibago sa sitwasyon dahil sa unang nakita niya ay puting kama, thick and soft—the surroundings are colored like elegant transparent chocolate. That is not her room.Sandaling paninibago lamang iyon dahil kalaunan, naalala na niya kung nasaan sila. Lalo na't unang sumagi sa isipan niya ay ang halik. Napalunok siya ng tila bumalik sa pakiramdam niya ang init ng mga halik ng doctor. Aminado naman siyang matindi ang naging epekto ng halik ng lalaking iyon sa kaniya. Tila sa lahat ng labing natikman niya iyon ang kakaiba. She blew out an air in a weak way and chose to get up to pay attention to her sister. "Mamaya uuwi na tay
Belle was completely out of focus, she didn't know if she had made the right decision after hearing what Hivo said. Now she saw herself surprising Vilkas' maids at his mansion upon her arrival. Sa pagkakataong iyon, wala si Felicia roon, at paniguradong si Vilkas ang madatnan niya dahil ayon kay Hivo, sa mansion nito ginanap ang meeting nila. Alam na rin niya kung bakit. Alam niya na inaasahan ni Vilkas ang pagdating niya. Now, she found him at the back, standing, facing his infinite style swimming pool, holding a glass of wine, whilst looking at the farthest property of him. Nakatitig pa lang siya sa likuran nito, punong-puno na ng sama ng loob ang kaniyang puso; nakakuyom ang kaniyang kamao na nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. Katulad ng inaasahan, naramdaman siya ni Vilkas. "I was expecting you to come." Mahina lamang ang pananalita nito ngunit baritono. "Bakit?" Kasabay ng tanong niyang iyon ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Magkano ang binayad niya? Sigurad
Belle seemed so drunk that she hardly knew what was going on around her. She felt sick—ultimately, she had no ability to lift her body, she couldn't even open her eyes.Nararamdaman niya, binubuhat siya, may nagpalit ng damit niya, she just wasn't sure who. There's a presence insisted on feeding her. She didn't even know how many times she swallowed food to satisfy ng pangangailangan ng sikmura niya. Hindi niya rin mawari ang lasa ng pagkain, at ngayon ay ramdam niyang nakahiga na siya sa malambot na kama. May naramdaman niyang sakit animo'y tumusok sa balat niya sa kamay at ang mga naririnig lamang niya ay ang umi-echo na boses babae at lalaki—nag-uusap tungkol sa kalagayan niya. Whoever they were, she was secretly sending thanks.Ilang sandali ang lumipas, hindi niya alam kung gaano katagal. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, gumala ang paningin niya sa kisame. Hindi kisame ng kwarto niya ang kaniyang nakikita. Pagtingin niya kaliwa't kanan, mas lalong hindi disenyo ng kwarto niya
She is not really comfortable in her current situation. Sanay na siya na kapag nagkasakit siya, ginagamot lang niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot at sapat na pahinga. She will only take care of everything when she recovers. But now, on her watch, the doctor is currently removing the dextrose from her hand dulot nga na malikot siya and her blood is mixing with the 5% water inside the hose.Ramdam naman niya ang relief nang maalis na ito sa kamay niya. Massaging her knuckles sinasalubong niya ng tingin ang mga mata ng lalaking nakatitig sa kaniya. Napansin niya ang kaunting pagbanat ng labi nito na animo'y gustong matawa kaya hindi rin niya napigilan magtanong ng, "What?" He cocked his head to the side, smirking, saying, "You have a mole on the underside of your left butt cheeks. I was enchanted."Her widen eyes glued at him, her cheeks burning out of shame. Literal siyang napalunok. Hivo's eyes really flickered in his throat that went up and down.It's true that s
Samantha Hulterar, pangalan pa lang ang alam niya sa babaeng ito pero nararamdaman na niyang hindi ito tumatanggap ng pagkatalo. Kung tutuusin ganon din naman siya basta nasa tama lang, at hangga't alam niyang tama siya, hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nasasampal sa mukha ng kalaban niya. Ito ba ang nakita ni Hivo sa kaniya kung bakit simula nang makilala siya nito hindi na siya nito tinantanan? Ngayon na bayad na siya, sigurado nang hindi na siya makakaatras pa. Sira ang phone niya, noong nabasa ito ng ulan kaya hindi na siya nagulat pa nang ibigay ni Hivo sa kaniya ang bagong cellphone. Hawak niya ito habang nakatitig sa mensaheng natanggap niya mula sa bank. Naroon ang pagkumpleto ng halaga niya—ang natira sa sampong milyon.Tumingin siya sa lalaking pinapanood rin ang reaction niya. Tila hinihintay lang nitong magtama ang mga mata nila saka nito binabaan ng tingin ang papel na nakaipit sa folder—clipboard na nasa pagitan lang din nila. Hinawakan nito ito at inusog
After she signed the contract, Hivo left. Ayon sa binata, i-aabot lang niya ang papel na iyon sa lawyer na kinuha nito. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng pera. Pwede kang maging sagrado kahit hindi ka nakasuot ng wedding gown or wala kang sing-sing sa palasingsingngan. Sobrang baldado ang pangarap niya—parang sinira lang ito nang lalaki. Hindi ito ang gusto niya kung tutuusin; nais niyang maranasang makasuot ng wedding dress at makitang may sing-sing sa kaniyang daliri pero wala. Bukod sa hindi niya mahal ang lalaki, hindi pa siya nabigyan ng pangarap niyang kasal. Wala na ba siyang karapatang maging masaya? She is currently sitting on the bed. There was food prepared on the small table in front of her; grilled chicken with vegetables and rice, there is also chicken soup at malinis na tubig. Next to the glass, there is medicine that she should take.Si Hivo ang naghanda ng lahat nang iyon. Lihim naman siyang nagpapasalamat pero may kaakibat na pag-ismid. Masasabi niyang si Hiv
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."