"Welcome home." Ang kadalasang nasasabi ng mga taong bumabalik sa kani-kanilang tahanan lalo na sa mga nangingibang-bansa."Senyora, nandito na po tayo sa mansion," dinig niyang wika ng isang security."Thank you, Drie. And please take our luggage inside," tugon niya."Welcome home, Senyora. And don't worry with your luggage. We will bring inside," sagot nito.Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pintuan. Dahan-dahan siyang bumaba saka pumaikot sa kabilang banda ng sasakyan saka niya inalalayan ang anak na makababa. Kagaya niya ito ay iginala ang paningin. Maaring may nais sabihin ngunit hindi masabi-sabi dahil na rin sa templada ng mukha. Kaya naman ay yumuko siya upang makapantay dito."Theo anak, ito ang tahanan natin. Simula ngayon ay dito na tayo maninirahan. At sana anak sa pagbabalik natin dito ay may magandang ibubunga." Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at hinaplos-haplos ito.Nadudurog ang puso niya sa tuwing nasa ganoon silang sitwasyon. Lalo at habang lumalak
***NANG nailabas o nasabi niya ang kaniyang saloobin sa kanyang tiyuhin na kaedad niya ay nabunutan na siya ng tinik. Kahit pa sabihing nalaman ito ng abuela nila ay mas gumaan ito. Hindi kinaya ng kalooban niya ang konsensiyang humahabol sa kaniya kaya't naikuwento rin niya sa wakas. Ngunit laking pasasalamat niya dahil nawala ang bigat na pagkatao niya. Kaya naman ay nakuha niyang biruin ang tiyuhin."Ihanda mo na lang ang perang iyan, Lewis. Para sa honeymoon namin, take note round trip with full benefits including hotel accommodation and food. Sa ngayon ako na muna ang bahala sa pamasahe ko papunta at pauwing Spain." Nakatawa niyang pangangantiyaw.Biro lang naman niya iyon. Animo'y doon siya kumuha ng lakas dahil sa pagkasabi niya sa saloobing sinolo sa loob ng isang taon. Ngunit kahit hindi niya iyon sabihin ay sigurado naman siyang gagawin nito. Dahil kahit laging sermon ang inaabot niya rito ay kailanman hindi ito nagpabaya sa kaniya."Iyan lang ba ang kaya mong hilingin sa a
"¿Tienes familia ahora, Enrico? Hace solo tres años que estoy fuera de Madrid pero parece que finalmente encontraste a tu alma gemela. Eres una persona muy adicta al trabajo. ¿Cómo estás aquí, Enrico?( Do you have a family now, Enrico? It's just three years that I am away from Madrid but it seems that you finally found your soulmate. You are very workaholic person. How are you doing here, Enrico?)" tanong ng tinig na nagpaangat kay Enrico.Abala naman kasi siya sa ginagawa. Simula nang siya ang namahala sa Gonzalez Hospital ay mas naging busy na siya. Kaso hindi niya inakalang ito ang mismong bibisita sa kaniya sa pagamutan. Ito ang may-ari sa hospital kaya't hindi niya ipinagkakaila na nagulat siya sa bigla nitong pagdalaw. Kahit pa sabihing hindi nakapagtataka iyon dahil sa mabait naman talaga ito."¿Senyora Leonara? ¡Estás de vuelta aquí en Madrid! ¡Guau! Bienvenida de nuevo, Senyora. ¿Cómo estás? ¿Desde que volviste aquí? Siéntese, señorita.( Senyora Leonara? You are back here in
"Senyora, ano po ang maipaglilingkod namin sa iyo?" tanong ng isang security."Hi, gusto ko sanang makausap ang chief ninyo kung nandiyan. May mga katanungan lang ako," tugon niya."Sige po, Senyora. Saglit lang po at tawagin ko," anito at akmang papasok sa guard house.Kaso hindi na natuloy dahil eksakto namang bumukas ang pintuan at iniluwa ang chief of security."Good morning, Senyora. What can I do for you? Sana tinawagan mo na lamang ako nang sa ganoon ay ako na ang pumasok diyan sa loob," agad ay saad nito."Okay lang, Martin. Wala namang problema. Follow me in the garden. May itatanong lamang ako," tugon niya saka nagpatiunang lumakad patungong garden.After sometimes..."Ano pala ang itatanong mo sa akin, Senyora?" tanong ni Martin nang nasa garden na sila ng amo."About my Dad, Martin. Tatlong taon akong nawala rito sa Madrid at akala ko ay nagbago na siya. Ngunit hindi pa pala dahil ganoon pa rin ang trato niya sa akin. Kumusta naman siya sa loob ng tatlong taon?" patanong d
Sa pagpanaw ng kaniyang ina ay hindi na muling bumalik ang dating sigla ng kanilang tahanan. Kahit pa sabihing hindi na kagaya ng dati na lagi siyang minumura, nilalait, binabato ng masasakit na salita ng ama ay hindi na naibalik pa ang dating sigla ng buhay nila."No importa si visito al papá,(Hindi naman siguro kalabisan kung bisitahin ko si Papa,)" ani Leonora sa sarili isang araw na nagmumuni-muni siya.Naisip niya kasi na kahit bali-baliktarin man niya ang mundo ay ito pa rin ang taong pinagkakautangan niya ng buhay kaya naisip niyang ibaba na ang kaniyang pride. Siya na lamang ang magpakumbaba dahil siya ang anak. Wala siya sa mundong ibabaw kung wala ang mga magulang niya. Pumanaw man ang ina niya ay buhay na buhay naman ang ama. Kaya't hindi naman masama kung siya na ang unang lalapit sa ama. Baka sakaling tuluyan na siya nitong mapatawad."Baka sakaling sa gagawin kong ito ay magsasalita na ang anak ko," muli ay bulong niya.But the world is not on her side. Dahil mas lumal
Few days later..."Hindi ka pa natutulog, Honey," pukaw ni Bryan Christoph sa asawang panay ang pakawala ng malalim na hininga."Sa muling pagbiyahe ng anak natin ay hindi ko maiwasang matakot. Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari noon sa kaniya noong una niyang binalak na bumalik ng Madrid," tugon nito.Kaya naman ay agad siyang umusog sa tabi nito kahit pa sabihing magkatabi na sila sa higaan nila. Bahagya niya itong niyakap bago isinandig ang katawan sa headboard ng higaan nila. Hinaplos-haplos niya ang mahaba nitong buhok. Triyenta-dos na ang panganay nilang anak at ganoon na rin katagal na mag-asawa sila. Kaya't masasabi niyang kilalang-kilala na niya ito. At saka wala nang ibang nakakaunawa sa pakiramdam nito kundi siya . Anak din niya si Aries Dale kaya't nararamdaman din niya kung ano ang saloobin nito."Honey, nauunawaan kita dahil anak ko rin siya. Wala tayong ibang gagawin ngayon kundi magtiwala at supurtahan ang mga wishes niya. Saka iba noon at sa ngayon dahil sa oras n
They are about to enter the house when someone unexpectedly hugged him!"Kuya!!! Nandito rin pala kayo ni Lewis? Anong ginagawa n'yo rito?" Tili ng dalagang yumakap kay Aries Dale na walang kundi si Janina Khate. Ang nag-iisang anak na babae ng Papa Garreth niya."Makatili ka naman wagas para yayakap lang eh. Don't you know that my eardrums was getting close to broken?" Nakasimangot tuloy si Lewis.Hindi naman sa galit siya rito. Dahil ang totoo ay talagang nagulat siya bukod sa bigla itong yumakap ay napatili pa ng pagkalakas-lakas."Peace tayo, Lewis, ikaw naman kasi bakit ba napakamagulatin mo? Saka ano bang ginagawa n'yo rito? Hindi man lang kayo nagpasabing darating kayo at nakapaglinis ako." Abot hanggang taenga ang ngiting nakabalot sa mukha nito."Kami nga ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan, Janina. Anong ginagawa mo rito sa Spain? Haler, may tinatakbuhan ka na naman ano? Tsk! Tsk! Kababae mong tao napakalagalag mo naman." Paismid na biro ni Aries Dale sa pinsan na
Couple of days later...Hindi na muling bumalik si Leonora sa tahanan ng ama simula ng kinumpronta niya ito. Hahamigin niya munang muli ang sarili bago magpakitang muli. Hindi siya bato upang hindi magpatawad. Sila rin ang nagmulat sa kaniya sa paggalang sa kapwa at pagpapatawad. Kaya't idinadalangin niya na sana ay sa lalong madaling panahon na iyon. Dahil gusto niyang mamuhay ng walang dala-dalang bigat sa dibdib.Si Baby Theodora Aries?Masigla pa rin at sa paglipas ng mga araw ay mas nakikita ang mukha ni Aries dito. At sa pagkakaalala sa anak ay napatingin siya rito. Kaso mas naramdaman niya ang pangungulila sa ama nito. Dalawang pa ay tatlong taon na ang anak nila samantalang apat nasa tiyan pa lamang niya ito noong huli silang nagkita."Hang on a little bit, Baby Theo. Someday magkikita rin tayo ng Daddy mo at sana magsasalita ka na kapag makadaupang palad mo na siya. Ipapalibing muna ng Mommy mo ang abo ng Tito Eric mo. Sigurado akong natutuwa siya sa kabilang panig ng mundo h