They are about to enter the house when someone unexpectedly hugged him!"Kuya!!! Nandito rin pala kayo ni Lewis? Anong ginagawa n'yo rito?" Tili ng dalagang yumakap kay Aries Dale na walang kundi si Janina Khate. Ang nag-iisang anak na babae ng Papa Garreth niya."Makatili ka naman wagas para yayakap lang eh. Don't you know that my eardrums was getting close to broken?" Nakasimangot tuloy si Lewis.Hindi naman sa galit siya rito. Dahil ang totoo ay talagang nagulat siya bukod sa bigla itong yumakap ay napatili pa ng pagkalakas-lakas."Peace tayo, Lewis, ikaw naman kasi bakit ba napakamagulatin mo? Saka ano bang ginagawa n'yo rito? Hindi man lang kayo nagpasabing darating kayo at nakapaglinis ako." Abot hanggang taenga ang ngiting nakabalot sa mukha nito."Kami nga ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan, Janina. Anong ginagawa mo rito sa Spain? Haler, may tinatakbuhan ka na naman ano? Tsk! Tsk! Kababae mong tao napakalagalag mo naman." Paismid na biro ni Aries Dale sa pinsan na
Couple of days later...Hindi na muling bumalik si Leonora sa tahanan ng ama simula ng kinumpronta niya ito. Hahamigin niya munang muli ang sarili bago magpakitang muli. Hindi siya bato upang hindi magpatawad. Sila rin ang nagmulat sa kaniya sa paggalang sa kapwa at pagpapatawad. Kaya't idinadalangin niya na sana ay sa lalong madaling panahon na iyon. Dahil gusto niyang mamuhay ng walang dala-dalang bigat sa dibdib.Si Baby Theodora Aries?Masigla pa rin at sa paglipas ng mga araw ay mas nakikita ang mukha ni Aries dito. At sa pagkakaalala sa anak ay napatingin siya rito. Kaso mas naramdaman niya ang pangungulila sa ama nito. Dalawang pa ay tatlong taon na ang anak nila samantalang apat nasa tiyan pa lamang niya ito noong huli silang nagkita."Hang on a little bit, Baby Theo. Someday magkikita rin tayo ng Daddy mo at sana magsasalita ka na kapag makadaupang palad mo na siya. Ipapalibing muna ng Mommy mo ang abo ng Tito Eric mo. Sigurado akong natutuwa siya sa kabilang panig ng mundo h
Ilang araw din ang pinalipas ni Leonora after she found out the truth. Siya, si baby Theodora Aries, at ang mag-asawang kasa-kasama niya sa mansion na iniwan ng asawa niya sa kaniya at ang ilang bodyguards nilang mag-ina. Kahit ayaw niyang magsama sana ng bodyguard kahit saan siya magpunta ngunit talagang pinanindigan ng mga tauhan ng yumao niyang asawa ang pag-alaga sa kanila. Very private ang pagpalibing niya sa abo ng asawa. Kahit ang ama niya ay wala ring kaalam-alam na ipinalibing na niya ang abo ng matalik na kaibigan."All the preparations are done, Senyora. The car is waiting as well for you and young Master," ani Martin sa among babae."Thank you, Martin. Let's go." Tumango siya rito habang yakap-yakap ang jar ng abo ni Senyor Eric."Uncle Martin will carry you, Baby Theo." Inilahad nito ang mga braso sa anak niya ngunit himalang umiling-iling ito. Bagkus ay iminuwestra na maglalakad. Kaya naman ay hinayaan lamang nila."Ah, Senyora, nandito na rin si Father. Papasukin ko ba
"Welcome back to my home, Senyora." Nakangiting pag-welcome ni Enrico sa among babae kaso sapak ang napala sa pinsan."Tsk! Tsk! Pakana n'yo na naman ito ni Lewis ano?" taas-kilay pa nitong tanong.Kaso inunahan naman ito ni Lewis. Ito ang sumagot sa tanong ni Aries Dale."At kung sabihin kong plano nga namin, may angal ka? Aba'y magpasalamat ka dahil may thrill ang love story ninyo ng mahal mo. Kung sinabi ko ang totoo noong nasa bansa tauo ay baka sinolo mo na naman ang lakad." Napataas ang kilay nitong tumingin sa dalawang kulang na lamang ay pinagdikit na tuko!"Tapos sinimulan mo akong tuksuhin sa Pilipinas sa Paris at ngayon nama'y sasabihin mo na...ay jusmiomarimar kayong dalawa." Nakangiwing tinampal ni Aries Dale ang noo dahil sa napagtantong naisahan na naman siya ng pinsan at tiyuhin."Susme, pinsan. Huwag kang magulo dahil si hipag ang kausap ko hindi ikaw." Tuloy ay napatawang umilag ang binata dahil nakaamba na naman ang kamao nito."Papa, why you punched him? Are you fi
Mga pusong nangungulila sa bawat isa. Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa. Pagkaalis ng tatlo ay sinunggaban na nila ang isa't isa. Parehas na silang malaya kaya't wala ng problema upang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Kaya't sa pagkakataong iyon wala na silang naisip kundi muling maipadama sa bawat isa ang pangungulila. Without breaking their kisses, they found themselves trying to go upstairs to the room where they spent their moments for how many months three years ago. And here they are again. But the things are different from from before. Iisa lamang ang alam nilang hindi nagbago.They miss each other terrible!Pagpasok pa lamang nila sa silid ay pasipang isinara at inilocked ni Aries Dale ang pintuan. Sisiguraduhin niyang magiging kaniyang muli ang mahal niya. Their kisses and caresses are going wild as well. Naghiwalay lamang ang kanilang labi nang pinangapusan sila ng hininga. Still, they are looking to each other intently."I love you so much, my dearest Leonara. I re
"So, what's your plan now, Aries and Leonora?" tanong ni Lewis kinabukasan. Nasa hapag silang lahat para sa almusal nila."Kung ako ang masusunod ay uuwi na tayong lahat sa Pilipinas. Subalit naisip ko ring nandito pa si Senyor Fernando. Hindi rin naman puweding isantabi lamang siya dahil wala ang mahal ko kung wala siya," agad na saad ni Aries Dale."Teka lang, Kuya Aries, bakit Senyor Fernando pa rin ang tawag mo? Diba dapat Papa na rin dahil magiging mag-asawa na kayo ni Ate Leonora." Napatingin tuloy si Janina sa pinsan dahil sa paraan nang pagtawag ng pinsan sa biyanang lalaki."May tama ka at may mali, Iha. Tama ka sa magiging mag-asawa na sila oras na naisagawa ang kasal subalit mali ka dahil ikaw na rin ang nagsabing magiging mag-asawa pa lamang sila," nakatawang pahayag ni Lewis.Kaya't napangiti ang Espanyola. Lahat naman sila ay nagsasalita ng Español kaya't nagkakaunawaan silang lahat. Alam at ramdam niyang hindi siya nagkamali sa taong pinagkatiwalaan sa puso at pagkatao.
"Ha? Ano kamo, Senyora?" Napatayong bigla si Enrico dahil sa narinig mula sa among babae."Alam kong maliwanag ang pagkasabi ko, Enrico. Heto ang buong papeles ng GONZALEZ HOSPITAL. Tatlong taon mong sinolo ang pamamalakad sa pagamutan kaya't alam kong kayang-kaya mo na iyang pamahalaan," ani Leonora kasabay nang paglapag sa sealed envelope na naglalaman ng buong papeles at ownership ng pagamutan.Kaso dahil hindi pa rin makapaniwala si Enrico ay hindi siya agad umimik. Napaupo siyang muli subalit nanatiling nakatitig sa sealed envelope. Aba'y sino ang hindi matameme kung basta na lamang ibibigay ng amo mo ang full authority and ownership ng pagamutan? Pinamanaan na nga siya nito ng ilang milyong euro's tapos ipinamahala sa kaniya ito ng tatlong taon at ngayon ay ipinapamigay na lamang! He must be dreaming that he won a lottery! And his prize is the ownership of GONZALEZ HOSPITAL."Hey, cousin. My dearest Leonara is talking to you. Aba'y kailan mo pa nalunok ang dila mo?" tuloy ay tan
"Welcome here in Madrid Spain, Senyors and Senyoras. My name is Martin. The chief of securities of Senyora Leonara." Pagpakilala ni Martin sa mga VIP's na galing sa bansang Pilipinas.Siya ang pinkaiusapan ng amo niya na susundo sa mga ninuno nito. Dahil kung ano ang iniwan nitong trabaho tatlong taon na ang nakalipas ay binalikan nito. Siya ang naging witness sa civil wedding nila ng amo niyang babae kaya't legal na ang pagsasama sa mansion. Natutuwa nga siya dahil nakikita niya ang kabutihan ng yumao niyang amo sa katauhan nito at mas natutuwa siya dahil malaki na ang ipinagbago ng amo niyang babae simula bumalik sa buhay nito ang asawang si Attorney Harden."Thank you, Mr Martin. By the way my name is Bryan Christoph and she's my wife Shainar Joy. They are my parents. My Dad Terrence Christopher and my Mom Florida Bryana. You can call us by our names because we are not your masters." Agad na inilahad ni Bryan Christoph ang palad sa tauhan ng manugang nila. Di yata't VIP's silang la