Share

Chapter Thirty Six

As the days goes on!

"Ano na naman ang problema ng anak natin, my dearest? Ilang araw ko na siyang napapansing nagkukulong sa silid niya," ani Leonora sa asawa saka napatingin sa silid ni Hugo.

"Wala akong alam o mas tamang sabihin kong hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, my dearest. Dahil kagaya mo ay napansin ko rin ang pagkukulong niya. Hindi pa nagtagal simula nang nagkaayos kayo ng half-brother mo ngunit mukhang may panibago na naman tayong problema," pahayag ni Aries Dale.

Totoo naman kasing wala siyang maapuhap na salitang naaangkop upang isagot sa tanong ng asawa niya. Hindi na yata sila nawalan ng suliranin sa buhay. Kung kailan nagkakaedad na sila ay saka naman sunod-sunod ang pagdating ng problema sa kanilang mag-asawa.

"Ano kaya kung puntahan natin siya, my dearest? Since na nandito si Theodore at nasa kaniya rin ang kambal ay puntahan kaya natin si Hugo upang kausapin siya. Hindi ako sanay na nagkukulong siya. Mas gugustuhin ko pang maghabulan silang lahat at magmukha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status