Alex's PovPagkalabas ko sa ospital ay nagpahinga lamang ako ng isang Linggo at pagkatapos ay lumipad ako papuntang Spain kasama ang mga magulang ko. Nagpaiwan si Alexa na sa bahay na ni Uriel muling tumira. May mga bodyguard naman na kasama ang kakambal ko kaya kahit paano ay panatag ang loob namin nina Daddy at Mama na maiiwan namin siya. At saka nakatitiyak ako na hindi siya pababayaan ni Uriel. Ang sabi sa akin ni Alexa sa una ay hindi raw makapaniwala si Uriel nang makausap niya ito lalo na at wala naman ako sa harapan nito para maniwala itong magkambal nga kaming dalawa ni Alexa. Ngunit sapat na ang video na nakuhanan ko at pati na rin ang statement ni Myrna. Ngayon ay naniwala na ang lalaki na hindi si Alexa ang pumatay sa kanyang ina kundi ang mag-inang nakatira sa bahay niya. Sa malas ay nakatunog si Aling Lorena kaya bago pa makauwi sa bahay niya si Uriel na may mga kasamang pulis para ipadampot ang pinagkakatiwalaan niyang mayordoma ay mabilis nang nakatakas ang matanda a
Alex's PovParang may tambol sa loob ng aking dibdib sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso habang naglalakad ako papasok sa gate ng malaking bahay ni Uriel. Sobra akong kinakabahan. Mahigit isang buwan ko siyang hindi nakita at wala rin akong balita sa kanya dahil iniiwasan kong magtanong sa kakambal ko kapag tumatawag siya sa akin. Way ko iyon para mabilis kong makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Ngunit sayang lang pala ang effort ko na makalimutan siya dahil heto at papasok ulit ako sa buhay niya bilang substitute wife. Hindi ko naman magawang tanggihan si Alexa dahil nakikita kong desperada na talaga siya. Kaya isinantabi ko ang sarili kong damdamin para sa kanya.Saglit akong huminto sa paglalakad nang malapit na ako sa may pintuan. Alam kong nakauwi na siya dahil nakagarahe na sa loob ng gate ang kanyang kotse. Huminga ako ng malalim para alisin ang kabang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita ni Uriel. Nag-aalala ako na baka makahalata siya na hind
Alex's PovPakiramdam ko ay saglit na huminto ang aking paghinga nang marinig ko ang itinawag ni Uriel sa akin. Nahalata kaya niya na ako si Alex at hindi si Alexa? Malakas ang kabog ng dibdib na nilingon ko siya."A-Anong -sabi mo?" bahagya tuloy akong nautal dahil sa sobrang kaba. Kapag sinabi niyang alam niya na ako si Alex at hindi si Alexa ay talagang tatakbo agad ako palabas sa bahay niya. Bahalang maglakad ako pauwi sa bahay namin ang importante ay makalayo ako sa harapan niya."Ang sabi ko ay kumusta na ang kakambal mong si Alex?" bahagyang nakataas ang kilay na sagot ni Uriel. "Hindi ba may kakambal kang Alex ang pangalan?"Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi niya. "Ah, oo. Kinukumusta mo pala ang kakambal kong si Alex. Akala ko ay—""Akala mo ay iniisip kong ikaw si Alex?" aniya na inunahan ako sa aking sasabihin. "Of course not. Bakit ko naman iisipin iyon? Akala ko ay sasabihin mong imbitagan ko siyang dito mag-dinner sa bahay. Iyan sana ang
Alex's PovPaglabas ko sa bahay ni Uriel ay nasa tabi na siya ng sasakyan niya at naghihintay sa akin. Agad na namutawi sa kanyang mga labi ang isang matamis na ngiti nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya. "You're so beautiful, Alex," humahangang puri niya sa akin nang makalapit na ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng magkabilang pisngi sa kanyang papuri kahit na ang pagkakaalam niya ay ako si si Alexa. Ngunit dahil totoong pangalan ko ang binanggit niya kaya pakiramdam ko ay ako ang pinupuri niya at hindi si Alexa."Simple lang naman ay ayos ko at saka konting baby powder at lipstick lang naman ang inilagay ko sa mukha ko tapos ang ganda ko na agad?" nakangiti kong biro sa kanya ngunit ang kalooban ko ay nininerbyos. Lagi na lang akong kinakabahan kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay mabubuko niya anumang oras na nagpapanggap lamang ako."Your simplicity makes you more beautiful, Alex," sagot niya sa akin. Damang-dama ko na sinsero siya sa kanyang papuri s
Alex's PovPagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nagulat si Alexa nang makita niya akong pumasok sa pintuan ng bahay namin. Agad niya akong sinalubong para usisain kung bakit ako narito sa bahay."O bakit ka nandito, Alex? Nabuko ba ni Uriel na nagpapanggap ka lamang at pinalayas ka niya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alexa sa mahinang boses. Nagpalingon-lingon pa ito sa paligid at siniguro na walang nakarinig sa kanyang sinabi maski si Mama. Inilihim lang kasi namin sa mga magulang namin ang ginawa naming pagapalit muli ni Alexa dahil siguradong hindi nila kami papayagan lalong-lalo na si Mama."Siyempre, hindi. Nagpunta ako rito para sabihin sa'yo ang good news na dala ko," nakangiti kong sagot sa kanya. Ayokong mahalata niya na hindi ako masaya kaya sinigurado ko na masaya ang ekspresyon na nakalarawan sa mukha ko kahit na ang totoo ay nagdurugo ang puso ko."Talaga? Ano ang good news na dala mo?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Alexa. Halatado sa mukha nito ang excitement
Alex's Pov"Ano ang gagawin natin, Alex?" kinakabahang tanong sa akin ni Alexa na bigla pang napahawak sa aking siko.Bago ko pa masagot ang tanong niya ay nakalapit na sa amin ang dalawang lalaki. "Sumama kayo sa amin ng maayos kung ayaw ninyong masaktan," mapanganib ang boses na kausap sa amin ng isa sa dalawang lalaki. Walang sumagot sa amin ni Alexa sa halip ay nagkatinginan lamang kami. "Takbo, Alexa!" sigaw ko sa kakambal ko nang makita kong sumenyas ang lalaki sa kasamahan niya na lapitan kami. Nang marinig naman ng kakambal ko ang sigaw ko ay agad itong kumaripas ng takbo kasabay ko. Ngunit mas mabilis tumakbo sa amin ang dalawang lalaki kaya agad nila kaming naabutan."Akala niyo ay makakatakas kayo sa amin, ha? Pwes! Nagkakamali kayo. Dahil mananagot kami sa boss namin kapag hindi namin kayo naisama ngayon," mariing kausap sa amin ng isa sa dalawang lalaking kidnapper."Bitiwan mo ako!" malakas kong sigaw habang pilit na kumakawala sa lalaking nakahawal ng mahigpit sa mga
Alex's PovWala imikan kaming tatlo habang nagbibiyahe kami pabalik sa bahay namin. Si Alexa ay takot pa rin hanggang ngayon kaya nananahimik lamang sa kinauupuan niya. Ako naman ay okupado ang isip ko sa mga salitang binitawan ni Uriel kanina. Madalas ko siyang mahuli na nakatingin sa akin sa rear view mirror at kapag nagtatagpo ang mga paningin namin sa salamin ay mabilis akong nag-iiwas ng tingin. Mahirap na at baka mahuli pa kami ni Alexa na nagkakatitigan sa salamin ay baka kung ano pa ang isipin niya sa amin. "Uriel," tawag ko sa kanya. Bahagya lamang niya akong sinulyapan sa may salamin at muling itinuon ang paningin sa kalsada. "Nakikiusap ako na sana ay huwag mo nang iparating sa mga magulang namin ang nangyari. Ayaw namin na mag-alala pa sila sa amin," pakiusap ko sa kanya. Ayoko sanang ako ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming tatlo ngunit hindi maaaring makarating sa mga magulang namin ang nangyaring ito kaya napilitan na akong magsalita."Magkakilala na ba ka
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud