Chapter 043Matapos kong sabihin iyon, nakita ko ang pag-angat ng kilay ng Filipino officer, tanda ng pagkakaintindi niya sa sitwasyon.“Tama ang desisyon mo, Merlyn. Hindi pwedeng manatili ka pa sa isang lugar na ganito.”Habang nagsasalita siya, napansin ko ang mga pulis na dumating upang mag-imbestiga sa kaso. Tinulungan nila akong magbigay ng pahayag at nagsimula silang magtala ng mga detalye. Lahat ng sinabi ko tungkol sa nangyari sa akin kay Madam Layla at sa asawa nitong may masamang layunin, ipinaabot sa mga awtoridad.Pinakita ko sa kanila ang video na kuha ko kanina, pati na ang mga text messages mula kay Madam Layla na nag-uutos na hindi ako makaalis. Inalam ng mga pulis kung may iba pang detalye tungkol sa pang-aabuso na nangyari, at sinabi ko sa kanila ang lahat.Naramdaman ko ang bigat ng puso ko, ngunit sa mga sandaling iyon, may konting ginhawa. At least, hindi ako nag-iisa.Matapos ang ilang oras, nilapitan ako ng isang opisyal mula sa embahada.“Merlyn, makakapag-uwi
Chapter 045Napangisi siya. "Oh really?" bulong niya habang bahagyang inilapit ang mukha sa akin. "Then why do I have this?"Mula sa loob ng kanyang coat, may inilabas siyang isang dokumento. Hindi ko man ito makita nang buo, pero sapat na ang pamilyar na selyo sa papel para maunawaan ko.Marriage certificate.Halos hindi ako makahinga. Paano? Kailan?Ngumisi siya, kita sa mukha ang kumpiyansa. "You can never escape me, my wife, again!" mariin nitong sabi. At doon ko napagtanto—wala na akong ibang pagpipilian kundi lumaban.Nanginig ang aking mga kamay habang pinipilit kong maging matatag. Hindi ko na kayang maipit na naman sa mundo niya. Kaya nga tumakas ako, hindi ba?"But… may anak ka na!" Mariin kong sabi, pilit na kinakalma ang aking sarili. "Alam ko ang totoo, Cris. May dumating na babae sa mansyon sa Canada, dala ang bata… anak mo!"Nakita ko ang bahagyang pagliit ng kanyang mga mata, ngunit agad din iyong napalitan ng ngisi—isang ngiting punong-puno ng pangungutya."And so?"
Chapter 046 Nanlamig ang buong katawan ko habang unti-unting bumibigat ang banta sa paligid ko. Alam kong hindi basta pananakot lang ang ginagawa ni Cris—seryoso siya, at alam kong kaya niyang gawin ang kahit ano para lang hindi ako makatakas sa kanya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan, hindi ngayon. Kailangang gumamit ako ng utak. Kailangang makahanap ako ng paraan para makatakas—para mailigtas si Alexa. Muling ngumiti si Cris, pero sa likod ng ngiting iyon ay ang lalaking kayang sirain ang buhay ko nang walang alinlangan. "You should be grateful, wife. I'm giving you a chance to be with me again. Hindi ba't yan naman ang dapat mong gawin bilang asawa ko?" bulong niya, at lalo lang akong napalunok. "Asawa?" Bahagya akong tumawa, puno ng pangungutya. "Wala kang asawa, Cris. Ang kasal natin ay wala nang bisa—at kahit kailan, hindi na ako babalik sa'yo." Napawi ang ngiti niya, at sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang pamumula
Chapter 047 "Sino ka ba talaga?" biglang tanong ko dito. Dahil baka isang lider ng sindikato pala ang naging asawa ko na hindi ko alam ko isang Mafia. Napakunot ang noo niya sa tanong ko, pero imbes na magalit o mabigla, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa labi niya. "Finally," bulong niya, tila natutuwa sa tanong ko. "Ngayon mo lang naisip itanong 'yan, my wife?" Napalunok ako. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lalong lumalim. "Sino ka ba talaga, Cris?" mariin kong ulit, pilit pinapakalma ang nanginginig kong boses. "Bakit parang may kapangyarihan kang gawin ang lahat ng gusto mo? Sino ka? Mafia ka ba?" Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tinapik niya ang natitirang distansya namin at hinaplos ang pisngi ko. May bahagyang lambing sa kilos niya, pero ang titig niya—isang titig na punong-puno ng panganib. "Ano sa tingin mo?" pabulong niyang tanong. Parang tumigil ang paghinga ko. "Ikaw..." Napatingin ako sa kanya, pilit hinahanap ang sagot sa mata niya. "Ikaw nga ba?"
Chapter 048Lumipas ang mga oras, ngunit pakiramdam ko’y isang iglap lang ang lahat. Nasa loob ako ng isang marangyang sasakyan, nakatingin sa labas ng bintana habang tahimik na lumulunok ng kaba.Si Cris ay nasa tabi ko, walang imik ngunit ramdam ko ang presensya niya—mabigat, makapangyarihan, at nakakatakot sa isang paraan na hindi ko maipaliwanag.Ito na ba ang buhay na nakatakda para sa akin? Isang buhay na kontrolado niya?Napapikit ako, pilit pinakakalma ang sarili.“Malapit na tayo,” malamig na sabi niya, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Bahay ba niya? Isa na namang kulungan para sa akin?Hinawakan ko ang laylayan ng suot kong damit, pilit nilalabanan ang takot. Wala na akong magagawa. Wala na akong ibang pagpipilian.Ngunit kahit anong mangyari… hindi ako dapat sumuko.Dahil kahit anong mangyari, hahanapan ko ng paraan ang kalayaan ko.Nang tuluyan naming marating ang destinasyon, bumukas ang pinto ng sasakyan. Mabilis akong lu
Chapter 049Anak, Merlyn. Bakit hindi mo subukang buksan ang puso mo para sa aking anak. Alam ko na biglaan ang lahat pero diba may ikagagan ng puso mo ang tanggapin ang lahat -yung walang alinlangan at iwaksi ang mga nakaraan lalo na ang pagka-substitute bride mo," sabi ni Mrs. Montereal sa akin. Napatingin ako kay Mrs. Montereal. May lambing ang boses niya, ngunit ramdam ko ang bigat ng nais niyang iparating.Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Napakapit ako sa laylayan ng aking damit, pilit hinahanap ang tamang salita."Mrs. Montereal..." mahina kong sambit, ngunit pinutol niya agad iyon sa isang maliit na ngiti."Tawagin mo na lang akong Mama," aniya, na parang hindi niya alintana ang distansyang inilalagay ko sa pagitan namin.Napakurap ako. Mama?Hindi ko alam kung paano ko dapat tanggapin iyon. Wala akong maalalang tinawag kong "Mama" sa ganoong paraan—at hindi ko alam kung gusto kong simulan iyon ngayon.Alam kong mabait siya, o marahil iyon lang ang gusto niyang ip
Chapter 050Kinabukasan, isang mahinang katok ang gumising sa akin. Napabalikwas sana ako ng bangon, ngunit biglang sumagi sa isip ko ang init ng bisig na mahigpit na nakayapos sa aking baywang.Napalunok ako, unti-unting nagkamalay sa posisyon namin ni Cris. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa aking leeg, nagdudulot ng kilabot na hindi ko maintindihan.Pinilit kong kumalma, ngunit hindi ko mapigilan ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Hindi ito dapat maging ganito. Pero bakit parang may kung anong kakaibang pakiramdam ang bumalot sa katawan ko?Muling kumatok ang katulong sa pinto. "Ma'am, Sir, handa na po ang almusal."Napaigtad ako, saka marahang tinapik si Cris sa braso. "Cris... gising na," mahinang sabi ko, pilit na pinapanatili ang normal na tono ng boses ko kahit hindi ko maalis ang pamumula ng aking mukha.Narinig ko ang mahinang ungol niya bago siya lalong humigpit sa pagkakayakap sa akin. "Hmm… limang minuto pa," mahinang bulong niya, waring inaantok pa.
Chapter 051"Sandali ang akala ko ay kinidnap ka niya?" sabay turo kay Cris. Bahagyang nakangiti si Alexa sa aking sinabi.Napakunot ang noo ko sa reaksyon ni Alexa. Sa halip na magalit o mag-panic, bahagya lang siyang ngumiti—parang hindi siya nababahala sa sinabi ko.“Merlyn,” mahinahon niyang sabi, hawak pa rin ang kamay ko. “Walang nangyaring totoong kidnapping.”Napatingin ako kay Cris, na nakahalukipkip lang at may bahagyang ngiti sa labi."Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko, hindi makapaniwala.Bumuntong-hininga si Alexa bago tumingin kay Cris, na parang hinihintay ang pagpayag nitong ipaliwanag ang lahat. Nang tumango ito, muling binalik ni Alexa ang tingin sa akin."Matagal na kitang gustong pauwiin, Merlyn. Hindi mo lang alam, pero ilang beses na akong nakipag-ugnayan sa’yo noon para makumbinsi kang huwag nang bumalik sa ibang bansa. Ayoko na kasing maghirap ka pa, lalo na’t alam kong hindi mo kailangang magsakripisyo ng ganun para sa atin."Napatulala ako sa kanya. "Pero
Chapter 078Merlyn POVMaaliwalas ang umaga. Maaga kaming nagising ni Mila para magtinda ng suman sa palengke, pero ngayong tapos na ang gawain, nakaupo na kami sa balkonahe ng maliit naming bahay, may tasa ng mainit na tsokolate sa kamay.Tahimik lang si Mila habang sinusuyop ang mainit na inumin. Napatingin ako sa kanya—parang may iniisip.“Anak Mila,” mahina kong tawag.Napalingon siya sa akin, ngumiti. “Opo, Nanay?”Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Sa susunod na pasukan, mag-aaral ka na sa private school.”Napakunot ang noo niya. “Ha? Bakit po, Nay? Eh, okay naman po ako sa public school. Mabait naman po si Teacher Agnes. At may mga kaibigan na rin po ako dun.”Hinaplos ko ang buhok niya. “Alam ko, anak. At hindi kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Pero gusto ko lang sanang mabigyan ka ng mas maraming oportunidad. Mas maganda ang pasilidad doon, at may scholarship program na inalok sa'yo. Ibig sabihin, halos wala tayong babayaran.”Nanlaki ang mga mata niya. “May scholarship po ak
Chapter 077Kinagabihan, habang natutulog si Mila sa maliit naming papag na may kulambo, tahimik akong nakaupo sa tabi ng lamparang nakapatong sa lamesita. May hawak akong lumang diary—ang tanging alaala ng lumipas na buhay na pilit kong kinalimutan.Sa bawat pahina ay mga salitang isinulat ko noon—panahong hindi ko pa alam ang kahulugan ng katahimikan. Mga gabing umiiyak ako sa takot, sa sakit, at sa kawalang-kasiguraduhan kung makakabangon pa ba ako. Ngunit ngayon, habang binabasa ko ito, dama ko ang layo ko na sa dating ako. Parang ibang tao na ang nagsulat ng mga iyon.Kumatok ang alaala ni Cris. Hindi ko alam kung dahil ba sa diary o sa katahimikan ng gabi, pero bigla ko siyang naalala. Ang mga mata niyang mapangusap, ang tinig niyang minsang naging musika sa tenga ko—bago ito naging dahilan ng bawat luha.Napahawak ako sa dibdib ko. May kirot pa rin. Hindi na kasing tindi ng dati, pero andoon pa rin. Siguro dahil hindi ganun kadaling kalimutan ang taong minsang minahal mo ng buo
Chapter 076Merlyn POVAnim na taon na ang lumipas mula noong tuluyan akong lumayo sa puder ni Cris. Ni balita tungkol sa kanya ay wala akong natanggap. Parang nawala na lang siya sa mundo ko. Tahimik ang naging buhay namin—ako at ang anak kong si Mila—dito sa isang liblib na probinsya. Malayo sa gulo, malayo sa ingay ng siyudad, at higit sa lahat... malayo sa alaala niya.Ngayon, limang taong gulang na si Mila. Siya ang nagsilbing liwanag ko sa lahat ng madilim na pinagdaanan ko. Sa bawat ngiti niya, nakakalimutan kong minsang nasaktan ako. Sa bawat yakap niya, para bang buo na ulit ako.Simple lang ang pamumuhay namin dito. Nagtitinda ako ng kakanin sa palengke tuwing umaga habang si Mila naman ay nagsisimula nang pumasok sa daycare center malapit sa amin. Kapag hapon, sabay kaming nagdidilig ng mga halaman sa likod-bahay, o kaya’y nagbibilad ng mga tuyo at gulay para ibenta kinabukasan. Minsan, tinutulungan ko rin ang kapitbahay sa pagtatahi kapalit ng ilang kilong bigas o gulay.W
Chapter 075Naramdaman ko ang mga mata ko na tila nagiging mabigat, pero pinilit kong maging matatag."Hindi ko pa alam... Siguro, ang unang hakbang ay tanggapin ang nangyari at magpatuloy sa buhay. Hindi ko pa alam kung paano, pero sigurado akong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko."Patuloy lang ang mga tanong nila—sunod-sunod, walang humpay—at pakiramdam ko'y unti-unti akong nauubusan ng sagot. Ngunit sa kabila ng lahat, ang mga salita ni Mommy ang nagsilbing gabay ko, parang liwanag sa gitna ng dilim."Mr. Montereal," muling tanong ng isang reporter,"Narinig namin na balak mong pumunta sa ibang bansa. Paano na ang negosyo ng pamilya mo rito kapag lumipad ka patungong USA? Ano ang susunod na hakbang mo sa pagpapalago ng kumpanya?"Nag-isip ako sandali, pilit na inuuna ang mga bagay na makakatulong sa akin na magpatuloy."Oo, balak kong magtungo sa ibang bansa para makapag-move on at mas mag-focus sa negosyo. Sa Amerika, magtutulungan kami ng pamilya ko. Iiwan ko muna ang negosyo k
Chapter 074Napatigil ako sa narinig na suhestiyon ni Mommy. "Stage?" Tanong ko, tanging gulat at kalituhan ang nararamdaman ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Paano makakatulong ang stage sa akin ngayon, na ang lahat ng nararamdaman ko ay sakit at pagkatalo?"Oo," sagot ni Mommy, ang boses ay may kalmado at matinding determinasyon. "Doon mo kayang makita ang iyong sarili muli. Hindi mo kailangang mag-isa sa lahat ng ito. Hindi mo kailangang magtago pa."Walang nagbago sa aking pakiramdam, ngunit sa mga salitang iyon ni Mommy, parang may isang munting posibilidad na nagbigay-liwanag sa aking isipan. Isang maliit na bahagi ng aking puso ang nag-sabi na baka may dahilan pa, baka may pagkakataon pang makabangon."Pero... paano?" tanong ko, ang tono ko ay puno pa rin ng pag-aalinlangan. "Hindi ko kayang magharap ng mga tao, lalo na kung sila ay may alam tungkol sa lahat ng nangyari.""Simula sa ngayon," sagot ni Mommy, "Hindi mo kailangang patagilid na tumakbo. Hindi ka na mag-isa. Hindi mo
Chapter 073Lumipas ang anim na buwan, hindi ako umuwi sa mansyon kung saan ang alaala ng aking asawa andoon. Laging tumatawag si Mommy pero lagi ko itong pinatayan ng phone.Walang ibang ginawa ko sa loob ng mga buwan kundi mag mukmok sa mansyon binili ko para sana sa kay Merlyn at sa anak namin.Tanging kasama ko lamang ay alak wala ng iba. Ni paglinis sa aking katawan ay hindi ko ginawa. Humahaba na ang balbas at buhok ko.Ang mga buwan na iyon ay para bang isang mahabang dilim na walang katapusan. Hindi ko na kayang tingnan ang sarili ko sa salamin, hindi ko na kayang makita ang mukha ko na puno ng sakit at pagkatalo. Sa mansyon na binili ko para sana kay Merlyn at sa anak namin, tila ang mga dingding mismo ay nagsasalita ng mga alaala—mga alaala ng kaligayahan na unti-unting nawala.Hindi ko na pinansin ang tawag ni Mommy, wala na akong lakas para makipag-usap. Sa bawat tunog ng telepono, iniwasan ko ito, binaba ang bawat tawag. Siguro, takot na rin akong marinig ang mga salitang
Chapter 072Pagkatapos ng libing, hindi ko magawang umuwi sa mansion na punong-puno ng alaala nina Merlyn at ng anak namin. Sa halip, dumiretso ako sa bagong bili kong bahay—malayo sa lahat, malayo sa sakit.Tahimik akong bumaba ng sasakyan. Ang malawak na bakuran at ang malamig na simoy ng hangin ay dapat sana'y nagpapagaan ng pakiramdam ko, pero walang kahit anong lugar ang makakabawas sa bigat na dinadala ko.Pagpasok ko sa loob, sumalubong sa akin ang katahimikan. Walang ibang tunog kundi ang mahihinang yapak ng mga paa ko sa marmol na sahig. Isinandal ko ang likod ko sa pinto at dahan-dahang bumagsak sa sahig. Doon, sa gitna ng kadiliman, tuluyan kong binitiwan ang lahat ng emosyon na matagal ko nang pinipigil."Hindi ko na alam paano mabuhay nang wala kayo..." bulong ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ngiti ni Merlyn, ang maliliit na kamay ng anak namin na minsang mahigpit na humawak sa daliri ko.Wala na sila. At kahit ilang beses kong ulitin sa isip ko ang kato
Chapter 071 Napahinto ako sa tapat ng isang maliit na parke. May mga batang naglalaro, masayang nagtatawanan. Isang eksena na hindi ko na kailanman mararanasan kasama ang anak ko. Napaupo ako sa isang bench, pinagmamasdan ang kawalan. Tumulo na naman ang mga luha ko. "Kung pwede lang bumalik sa nakaraan..." bulong ko sa hangin. "Kung pwede lang burahin ang lahat ng kasalanan ko..." Pero huli na ang lahat. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa at tiningnan ang screen. Isang unknown number. Nag-alinlangan akong sagutin, pero sa huli ay pinindot ko ang green button. "Hello?" mahina kong bati. Isang sandaling katahimikan ang sumunod bago narinig ko ang isang pamilyar na tinig. "Cris..." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maaaring magkamali. "M-Merlyn?" Pero agad din akong natauhan nang mapagtantong si Mommy pala ang tumawag. "Cris, anak..." mahina at garalgal ang boses ni Mommy. Ramdam ko ang lungkot sa bawat sali
Chapter 070"Ang tanga-tanga ko. Ahhhh.....!" ulit kong sabi habang sinusuntok ko ang sahig ng aming mansion hanggang dumugo ang aking kamay."Cris, anak! Tama na!" Sigaw ni Mommy habang pilit na pinipigilan ang kamay ko. Pero wala akong naririnig. Hindi ko na alintana ang sakit sa mga kamao ko. Mas matindi ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko."Bakit ko sila pinabayaan?!" Paulit-ulit kong isigaw. "Bakit ko sinaktan si Merlyn? Bakit ako naging duwag?!"Nanginginig ang katawan ko habang nakaluhod pa rin sa malamig na sahig. Ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa mga sugat ko, pero wala pa rin 'yon sa nararamdaman kong kirot sa loob."Cris, anak..." Hinawakan ni Mommy ang mukha ko, pilit akong pinapakalma. Pero kahit ang yakap niya ay hindi mapawi ang bigat na bumalot sa pagkatao ko. "Hindi mo na mababago ang nangyari.""Pero kasalanan ko 'to, Mommy!" Napapikit ako nang mariin. "Kung hindi ko lang pinabayaan si Merlyn... Kung hindi ko siya pinagpalit... Kung ako lang sana ang pinili