CHAPTER 28THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Ayan, ang ganda-ganda naman. One more time bago tayo magpalit ng pose. Ten shots in one… two… three…ayan… perfect!” Saad ng photographer ko para sa isang photoshoot ng brand na sikat na jewelry sa Pilipinas."Ang ganda naman, perfect na perfect at walang tapon talaga kahit anong angle. Sanay na sanay ka na talaga Miss. Shanna Cole, good job baby girl,” papuri niya ulit sa akin. Hindi nila alam na baka ito na muna ang last ko na photoshoot dahil tutukan ko muna ang kalusugan ko para sa nalalapit ko na pagpanganak kahit malayo pa. Hindi pwede na iwasan ko lang ang mga kini crave ko na pagkain. Mabuti na lang at hindi nagtataka si Zane kung bakit bili ako ng bili ng mga pagkain sa kanya kahit hating-gabi na at wala naman siyang reklamo.Minsan nagtatampo lang ako kung bakit hindi niya alam ang mga ganito pero naisip ko na lang na lalaki siya at hindi siya ‘yong nakakaranas kung ano ang naranasan ko habang buntis. Na kahit ako, ngayon ko lang ito
CHAPTER 29THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Shanna! Aalis na kayo? Mabuti naman at nakahabol ako." Napangiti na lamang ako, kamuntikan ko pa nga itong makalimutan si ate."Ito na ba ang pinaluto ko sa inyo ate Glory? Muntik ko na nga itong makalimutan eh. Thank you." Saad ko. “What's that?" Sinilip ni Zane ang supot na kinuha niya sa tindera. “Banana cue, camote cue and nilagang mais? Kakainin mo ito lahat? That's a lot, babe." Sumimangot ako sa sinabi niya kaya hinablot ko ito sa kamay niya.“Hindi kaya at kulang pa nga ito sa akin, eh." Sabi ko at agad kong inabot ang one thousand pesos ko na bayad kay Ate Glory. “Hala! Wala akong sukli nito ma’am Shanna, meron lang akong five hundred pesos dito, hintayin niyo na lang po at magpapabarya na lang po muna ako riyan sa gasoline station.” aniya. Agad akong umiling sa pagtangkang pag-alis ni manang. “Huwag niyo na pong suklian, sa katunayan ay sa inyo po ang buo na pera na yan.”"Ay hala! Sure ka ma’am?” Hindi makapanigurado niya na tanon
CHAPTER 30THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Hi mom! This is Shanna Cole, my girlfriend. Babe, my mom.” Binalik ni Mrs Mornett ang tingin sa akin at nakangiti na itong pinagmasdan ako.“Hello po, I am pleased to meet you po." Bati ko sa kanya, hinawakan niya ako sa aking kamay at agad na yumakap. Nabigla naman ako sa ginawa niya at tinugon ko rin ang yakap nito. “It's nice to meet you too, iha, ikaw ba ang apo ni madam Alma, you're so beautiful naman.” Papuri ng ginang sa akin kaya biglang nawala ang kaba at takot ko kanina.“Yes po, apo po ako ni Lola Alma and your beautiful too, tita," nahihiya kong sabi." Mommy! “"Po?”"Just call me mommy or mama, mother, omma. I don't care, just choose.” Napangiti ako. Matagal ko na rin na gustong tumawag ng mommy sa isang ina."Mo.. mommy, ang ganda niyo po.” Nauutal ko na sabi. “I know right, alam mo ba na matagal ka ng gustong ipakilala ng anak ko sa amin ng dad niya, but I guess both of you are busy at that time and now, I'm glad that finally,
CHAPTER 31THE Billionaire's Kidnapper“Hey!"“Hi? Tapos na kayo?’ tanong ko kay Zane bago siya umupo sa tabi ko. May narinig kaya siya? “Yeah, tapos na babe, anong pinag-uusapan niyo na dalawa?” hays, salamat, buti na lang. “Ikaw!" Walang pa tumpik-tumpik na sabi ni mommy sa kanyang anak.“Ako? What about me?" Nalilitong tanong ni Zane, hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa kanyang kandungan at nilalaro ang palasingsingan ko habang hinihintay ang sagot ni mommy.“Ang slow mo, dapat alam mo na I mean sinagad mo pa lalo para mabuntis mo na ang girlfriend mo-”"Mommy! Iyan ka na naman.” Natawa ako dahil sa bigla na lang umasim ang mukha ng katabi ko dahil sa kanyang ina. “What? Totoo naman, basta kung magka baby na kayong dalawa, alagaan niyo ng mabuti. And of course ako dapat mag-alaga sa kanya. Right? Shanna Cole.” Napabaling agad ako kay mommy habang may nakakalokang ngiti sa akin habang nakatingin sa maliit ko pa lang na tiyan."Don't worry mom, malapit na po iyan mang
CHAPTER 32THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERDahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, nasilaw sa sinag ng liwanag kaya agad ko namang pinikit muli ang mga mata ko.“Zane?" Bulong ko sa pangalan ni Zane, pero walang sumasagot. Dahil nakapag-adjust na siguro ako kaya iminulat ko ulit ang mga mata. Tahimik na kwarto at hindi familiar sa akin na amoy ang nalalanghap ko. Inikot ko ang paningin ko para mas makita kung saan ako. Iniisip ko kung ano ang nangyari bago ako na tulog. Kasama ko naman si Zane, di ba?“Hey!" Narinig ko na may nagsalita ng boses ng lalaki. “Are you okay? May masakit pa ba sa iyo? Tinawag ko na ang nurse at paparating na sila rito." Nurse? Kunot noo akong napaisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Kilala ko ba ito? Hindi rin naman nagtagal ay may pumasok nga na dalawang naka panghospital na uniform.“Hello Miss, check lang kita ha, ‘yong braso niyo po para sa blood pressure. Okay, thank you. Ano ang nararamdaman mo ngayon?" Pinagmasdan ko lang sila na kung ano na check
CHAPTER 33THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Oh, iha. Bakit parang matamlay ka yata?" Tanong ni Lola sa akin. Nasa kanyang kwarto siya at nakahiga, ganoon din ako na tumabi pa ng higa sa kanya. Dito sa kwarto ni Lola ako matutulog ngayong gabi. Pakiramdam ko kasi, may kaunting takot na akong nararamdaman ngayon. Nasa edge na ng bibig ko na sabihin kay Lola ang nangyari sa akin kanina pero hindi ko talaga kaya bagkos nag-aalala ako sa kalusugan sa nag-iisa kong Lola Alma.“I don't know Lola, ganito ba talaga kapag buntis ka po ba noong ipinanganak mo po si mommy? Halos everyday, wala na akong ibang ginawa kundi ang matulog at lumamon ng pagkain and look at me now, feeling ko ang taba-taba ko na.” Pag-iiba ko ng usapan."Well, kung ano man ang naramdaman mo apo ay ganyan din ako, lalo na kapag umaga na gigising ka lang para sumuka pero wala namang lumalabas sa bibig at sa tingin ko isa iyan kung bakit ka matamlay at wala ang boyfriend mo. Tama ba? Ganyan din ako no’ng buntis ako at wala sa t
CHAPTER 34 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER (SPG)“Hi" unang bungad ko kay Zane pagkarating niya sa bahay. “What took you so long? Hmm?" He grabbed my nape to kiss my lips. Halata sa kanyang mukha ang pagod galing sa biyahe. “Sobrang traffic babe, kamuntikan na nga akong magpasundo sa helicopter ni Dark Romanoz. Noong tinawagan ko saka pa umusad ang daloy ng sasakyan.” Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Sorry babe, I miss you. How about me? Do you miss me,too?" Aniya at hindi pa nga siya nakapasok sa loob ay agad niya akong binuhat at dinala sa couch at iniwan sa loob malapit sa pinto ang kanyang maleta. Pagkaupo ni Zane sa sofa ay isinama niya ako para doon na maupo sa kandungan n'ya.“Na miss din kita, walang gabi na hindi ako umiiyak dahil nangungulila sa'yo." Mas lalo niya akong hinapit sa kanyang katawan para mayakap. “I know babe, I know." Inangat ko ang ulo ko at pinagtitigan siya.“Paano mo nalaman? Na umiiyak ako?" Ngumiti siya at hinalikan muna ako sa labi bago binalik ang at
CHAPTER 35THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERNaalimpungatan ako kaya nagising ako. Hindi ko alam kung anong oras na ba, gumalaw ako pero agad ding napamura dahil sa nararamdaman na sakit sa katawan na parang binugbog ng limang beses lalo na ang pagitan ng hita ko.Sinilip ko ang kabilang side kung saan siya nakahiga pero wala roon si Zane, may kaluskos ako na narinig at pag-uusap. Inilipat ko ang tingin sa balcony at nakita ko na nakabukas ito.Napangiti ako, ang aga-aga naman nagising, hindi ba siya napagod kagabi? Siya ang maraming ginagawang galaw at kinarga pa nga ako pero sa amin, parang ako pa yata ang na pagod at lupaypay dahil sa sakit ng katawan ko.Binihisan ako ni Zane ng kanyang t-shirt at dahil siguro alam niya na mahahapdian lang ako kapag sinuotan niya ako ng panty kaya boxer short niya na lang ang pinasuot sa akin.Kahit masakit ay dahan-dahan akong bumangon at bumaba sa kama. Wala akong footwear habang naglalakad patungo sa balcony kaya napangiti lamang ako dahil para