CHAPTER 23THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER"Hi! How are you feeling right now?" Agad kong inikot ang paningin ko dahil sa hindi familiar na lugar o kwarto itong hinihigaan ko. Basi sa amoy ng paligid ay alam ko na kung saan ako. May nakita ako na nurse at agad niya akong inaasikaso sa pamamagitan ng pagcheck sa akin simula sa blood pressure. Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko. "Shanna Cole! Grabe kang babae ka, pinakaba mo kami, kanina. Akala namin kung ano na ang nangyari sayo kanina. Napabuhat ako sa'yo na wala sa oras. Kumusta ka na? May masakit pa ba sayo ngayon? Saan banda para mapagamot agad natin?" "Kumusta na?" Sa mukha palang ng dalawa kong kaibigan na sina Monshin at Nathalia ay alam kong kanina pa sila nag-aalala sa akin at for sure buong gabi nila akong binabantayan, inaantok na ang mga mata nila."What happened ba?" Tinulungan ako ni Monshin na makaupo sa hospital bed. Sinandal ko ang likod sa headboard para makarelax ako at pinakiramdaman ang sarili ko kung may masakit b
CHAPTER 24THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERInikot ko ang paningin ko kung saan niya ako dinala. Bumaba kami sa isang subdivision sa Taguig. Pagkarating niya sa hospital at malaman na kung pwede na ako ma discharge ay agad n'ya akong inaasikaso, ang mga bayarin ay siya na ang nagbayad at walang imik na umalis kami sa hospital kaya napa goodluck na lang ang mga kaibigan ko na naghugis ang mga bibig pabilog dahil sa pagkakita nila kay Viño Zane. Anong meron eh kilala na nila ang kasama ko. “Saan tayo? Kaninong bahay ito?" Tanong ko at patuloy pa ring inikot ang paningin at baka may babae nagtatago, malay natin at nanigurado lamang ako. Napaatras ako dahil sa agaran niyang paglingon sa akin habang may galit pa rin sa kanyang mga mata. “This is my house kaya wala kang dapat poproblemahin kahit sumigaw kapa, gabi na at delikado na kung uuwi tayo sa Isla. Go upstairs and change your clothes, use mine. Oorder lang ako ng pagkain natin.” Malamig niya na sabi sa akin kaya napanguso ako.Bumaling
CHAPTER 25THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPERNapabalikwas ako ng bangon dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko. Madaling araw pa lang pero ito na agad ang bumungad sa akin. Pumasok ako sa banyo at dumiretso sa toilet bowl, ilang minuto na ako doon pero halos wala man lang lumabas sa bibig ko kaya napapaiyak na ako.Naramdaman kong may humaplos sa likod ko at dinungaw niya ako.“Hey, what's wrong?"“I don't know, masama yung pakiramdam ko kanina na para akong nasusuka pero wala naman lumalabas," naiiyak ko na sumbong kay Zane.Patuloy lang siya sa paghaplos ng likod ko at dahil nawala na ang pagsusuka ko ay tinulungan niya akong makatayo at dumiretso sa sink para magmugmog.“Hindi ka yata natunawan sa kinain natin kagabi kaya ka nasusuka ngayon?” aniya. "Siguro… " niyakap niya ako at maya-maya ay binuhat niya ako para madala sa kama. “Tatawagan ko muna ang doctor." Aniya pero agad ko siyang pinigilan.“Huwag na, I'm okay now. Pangit naman ang irarason ko sa doctor na kumain lang ako ng mar
CHAPTER 26THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Really, apo? Saan s'ya at gusto ko na siyang makita." Excited na tanong ni lola.“May meeting lang po ngayon Lola at maya-maya, ipakilala ko po siya sa inyo. Pero Lola ha, behave po, baka kung ano-ano po ang itatanong niyo sa kanya." Paalala ko kay Lola Alma na ngayon ay tumatawa pa dahil sa paalala ko, dumiretso na ako rito galing ako sa office at dahil nababagot ako roon kaya umuwi na lang ako sa bahay. “What? Chill, apo. Wala akong gagawin na hindi maganda sa kanya. Okay? Kaya relax. Inhale and exhale,” ani ni lola habang nanonood ng K-drama sa kanyamg tablet.Nasa gazebo kami ngayon at dito ko muna naisipan na pumunta para na rin makausap si Lola tungkol sa lalaking napupusuan ko at walang iba kundi si Zane.Kakagising ko lang at alas dos na ng hapon nagising, pag-uwi ko kasi dito ay nakatulog ulit ako at hindi ko naabutan si Lola na umalis pala kaninang umaga kaya ngayon pa lang ako kumain ng tanghalian pagkatapos nilantakan ko na itong m
CHAPTER 27THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Lola, mag-ingat po kayo sa paghakbang.” Paalala ko kay Lola habang pababa ito ng hagdan. “One more step na lang, there you go. By the way la, si Zane po, boyfriend ko and Zane…this is my Lola Alma.” Pakilala ko sa kanilang dalawa.“Hello po, I'm Viño Zane Mornett po. Nice meeting you po Lola," wika ni Zane at nagmano kay Lola Alma.“Ikaw pala ang tinutukoy ng apo ko at ngayon alam ko na kung bakit gusto ka ng apo ko, ang gwapo mo pala sa personal, iyang looks mo ay hindi pang Korean kundi….ano ba ang lahi niyo, iho?""Half Italian po. My father is Italian and my mom is pure Filipina po.” Ani ni Zane. "I see, you look so familiar but I'm not sure kung saan ko nakita ang mukha mo. But don't worry, wala pa naman akong nakikita na ganyang mukha sa pornsite-” pareho kaming napaubo ni Zane dahil sa huling sinabi ni lola.“Lola naman! Hindi po ganyan si Zane.”"Alam ko, nanghuhula lang naman ang Lola mo apo, malay ba natin.” "Don't worry lola, hind
CHAPTER 28THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Ayan, ang ganda-ganda naman. One more time bago tayo magpalit ng pose. Ten shots in one… two… three…ayan… perfect!” Saad ng photographer ko para sa isang photoshoot ng brand na sikat na jewelry sa Pilipinas."Ang ganda naman, perfect na perfect at walang tapon talaga kahit anong angle. Sanay na sanay ka na talaga Miss. Shanna Cole, good job baby girl,” papuri niya ulit sa akin. Hindi nila alam na baka ito na muna ang last ko na photoshoot dahil tutukan ko muna ang kalusugan ko para sa nalalapit ko na pagpanganak kahit malayo pa. Hindi pwede na iwasan ko lang ang mga kini crave ko na pagkain. Mabuti na lang at hindi nagtataka si Zane kung bakit bili ako ng bili ng mga pagkain sa kanya kahit hating-gabi na at wala naman siyang reklamo.Minsan nagtatampo lang ako kung bakit hindi niya alam ang mga ganito pero naisip ko na lang na lalaki siya at hindi siya ‘yong nakakaranas kung ano ang naranasan ko habang buntis. Na kahit ako, ngayon ko lang ito
CHAPTER 29THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Shanna! Aalis na kayo? Mabuti naman at nakahabol ako." Napangiti na lamang ako, kamuntikan ko pa nga itong makalimutan si ate."Ito na ba ang pinaluto ko sa inyo ate Glory? Muntik ko na nga itong makalimutan eh. Thank you." Saad ko. “What's that?" Sinilip ni Zane ang supot na kinuha niya sa tindera. “Banana cue, camote cue and nilagang mais? Kakainin mo ito lahat? That's a lot, babe." Sumimangot ako sa sinabi niya kaya hinablot ko ito sa kamay niya.“Hindi kaya at kulang pa nga ito sa akin, eh." Sabi ko at agad kong inabot ang one thousand pesos ko na bayad kay Ate Glory. “Hala! Wala akong sukli nito ma’am Shanna, meron lang akong five hundred pesos dito, hintayin niyo na lang po at magpapabarya na lang po muna ako riyan sa gasoline station.” aniya. Agad akong umiling sa pagtangkang pag-alis ni manang. “Huwag niyo na pong suklian, sa katunayan ay sa inyo po ang buo na pera na yan.”"Ay hala! Sure ka ma’am?” Hindi makapanigurado niya na tanon
CHAPTER 30THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER“Hi mom! This is Shanna Cole, my girlfriend. Babe, my mom.” Binalik ni Mrs Mornett ang tingin sa akin at nakangiti na itong pinagmasdan ako.“Hello po, I am pleased to meet you po." Bati ko sa kanya, hinawakan niya ako sa aking kamay at agad na yumakap. Nabigla naman ako sa ginawa niya at tinugon ko rin ang yakap nito. “It's nice to meet you too, iha, ikaw ba ang apo ni madam Alma, you're so beautiful naman.” Papuri ng ginang sa akin kaya biglang nawala ang kaba at takot ko kanina.“Yes po, apo po ako ni Lola Alma and your beautiful too, tita," nahihiya kong sabi." Mommy! “"Po?”"Just call me mommy or mama, mother, omma. I don't care, just choose.” Napangiti ako. Matagal ko na rin na gustong tumawag ng mommy sa isang ina."Mo.. mommy, ang ganda niyo po.” Nauutal ko na sabi. “I know right, alam mo ba na matagal ka ng gustong ipakilala ng anak ko sa amin ng dad niya, but I guess both of you are busy at that time and now, I'm glad that finally,