Nawala ang magandang mood ni Aliyah na gumala, wala siyang imik na naglakad dahil sa irita . Hindi na sila tumuloy sa disco house."Babe, I'm sorry of what happened," paumanhin nito. Huminto siya at pinaningkitan ito ng mga mata."At bakit ka nagsosorry? May kasalanan ka ba?" Pinamewangan niya ito."Nagsosorry ako dahil kasalanan ko kung bakit naging magulo ngayon ang buhay mo. Nasasaktan ka physically dahil sa mga babaeng naging bahagi ng nakaraan ko." "Ang babaeng 'yon ang problema, wala sayo! At sabi mo nga bahagi na lang sila ng nakaraan mo kaya kung maaari lang huwag mo na silang dalhin pa sa kasalukuyan.""Nasaktan ka ba?" Hinaplos nito ang ulo niya."Slight lang naman. Don't worry, nakaganti rin naman ako." Napangiti siya. "Mas masakit ang mag-asawang sampal na binigay ko sa kanya.""I'm worried about you, siguradong hindi ka patatahimikin ni Avery." Niyakap siya nito ng mahigpit."I'm not afraid of her. I can handle myself." Humiwalay siya ng yakap,at hinawakan ang pisngi ni
KINABUKASAN, nagising siyang wala si Reed sa tabi niya. Babangon na sana siya ngunit lantang-lanta ang pakiramdam niya. Hindi na naman kasi siya tinantanan ng asawa niya kagabi."ASAWA?" Napabalikwas siya bigla, "Ouch!" Napahiga ulit siya at pumikit, masakit pa talaga ang hiyas niya."My god! May asawa na ako. Paano ko 'to sasabihin kina Mom at Dad." Itinaas niya ang kamay na may diamond ring at dahan-dahan na minulat ang mga mata, "Oh gosh! Hindi na talaga 'to panaginip! Kasal na talaga ako." Napatili siya sa isip. Nanlalambot pa talaga ang katawan niya at nahihilo siya. Tinatamad pa siyang bumangon.Biglang bumukas ang pintuan ng bathroom at iniluwa si Reed na nakatapis lang ng towel. Mamasa-masa pa ang buhok nito dahil bagong ligo at naa- amoy pa niya ang ginamit nitong bath soap at gel. Parang nang una niya lang itong makita sa rocky outcraft.Napaawang ang labi niya dahil sa kakisigan at kagwapuhan ng hubby niya. Parang gumaan ang pakiramdam niya ng makita ito. "My beloved wi
WARNING: RATED SPGNapabalikwas siya sa gulat nang biglang bumukas ang bathroom, "Reed? My god! Bakit ka ba pumasok dito."Hindi ito sumagot, bagkus nakita niya itong napalunok habang hinahagod siya mula ulo hanggang , "Reed Sebastian?!" Pasigaw na tawag niya sa pangalan nito. "My gosh! nakatitig siya sa! Oh no!" Mabilis pa sa alas-kwatro na napaupo siya sa tub na puno ng tubig.Ang bilis ng tibok ng puso niya at hindi tuloy siya makatitig dito. Lumapit ito sa harapan niya at mabilis na nagtanggal ng saplot sa katawan habang hindi siya hinihiwalayan ng tingin."Hey! What are you doing? Why are you taking off your clothes?" Nanlalaki na ang mga mata niya at napapalunok. Magkikita na naman sila ng Junior nito."I will take a bath with you. You're taking so long, I've been waiting for you outside for a few minutes. Maybe you need me to bathe you." Pilyong sagot nito at mabilis na sumampa sa tub."Baby, tapos ka ng maligo." Maktol niya dahil nasa likuran na niya ito at hinahaplos ang lik
Gabi na ng dumating sila sa bahay nila Reed. Hindi na siya nito hinatid pa sa condo niya dahil ang gusto nito, sa bahay na nila siya tumira.Napahinto ito sa pagmamaneho sa may gate nila dahil may nakaharang na babae sa harapan ng bahay nila. Nakayuko ito habang nakaupo at nakasandig sa gate nila."What's wrong with this bitch?" Nagsalubong ang mga kilay nito."Who's that girl?" Hindi nila ito namukhaan dahil nakayuko ito. Bubusinahan na sana nito ang babae ngunit pinigilan niya ito."Babain mo, baka need niya ng tulong." Utos niya."No. I think I know her. Dito ka lang." Bumaba ito."Sino siya?"Pahabol na tanong niya ngunit hindi na siya nito nilingon pa.Sinundan na lang niya ito ng tingin at hinintay ang susunod na mangyayari."Hey! Avery, get up!" Singhal niya agad nang makalapit ito.Nanlaki ang mata nito at napangiti, "Hon, y-your here! I miss you!" Malambing na wika nito at mabilis na kumunyapit sa braso nito.Kumulo ang dugo ni Aliyah ng mapag sino, ang babae."Ang kapal tal
Nasa Naphintash Mall si Aliyah at katatapos lang bayaran ang lahat ng pinamili niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Sobrang taas ng pila sa counter kaya sumakit ang mga paa niya sa kakatayo. Nagpalinga-linga siya para maghanap ng malapit na coffee shop, para doon na lang hintayin si Darlene ngunit iba ang bumungad sa paningin niya.Kaya napangiwi siya, "Kapag minamalas ka nga naman. Kung sino pa ang ayaw mong makita. Ito pa ang laging nagpapakita." Na bulong na lang niya sa kawalan. Naglakad siya na parang hindi nakita ang babae. Ngunit ito ang lumapit sa kanya at binangga nito ang balikat niya."Ow! You… Sorry! Well, ang liit talaga ng mundo para sa ating dalawa. Sa wakas nagtagpo ulit ang landas natin! Wala ka yatang kasama ngayon?" Sarcastic na umpisa nito. Hindi niya ito pinansin at nilagpasan niya lang ito."Hoy! Bruha ka! Kinakausap pa kita. " Hinablot nito ang braso niya."What the heck? Anong kailangan mo sa akin? Sino ka ba sa akala mo? Close ba tayo?" Nakataas kilay na tan
Nasa mini bar siya ng Mansion nila habang umiinom ng alak. Hindi siya pinayagan ng mommy niya na mag-lakwatsa dahil sa nangyaring eskandalo sa mall, "Bwisit na babaeng higad na iyon! Nang dahil sa kanya easy na lang kay Reed na saktan ako." Binato niya ang hawak na kupita sa wall."Hindi ako papayag na mawala ka sa akin ng tuluyan, Reed Sebastian! Akin ka lang! Akin lang!" Winalis ng kamay niya ang mamahaling flower vase sa center table kaya bumagsak ito sa sahig at nag-talsikan ang mga bubog at naglikha ng ingay kaya napa-sugod ang mommy niya."Avery, what's wrong with you? Nababaliw ka na ba? Ang mahal ng bili ko sa antique na vase na iyan tapos babasagin mo lang? Ano ba ang problema mo!?" Nagpupuyos sa galit ang mommy niya."Wala akong pakialam kung mahal ang vase na yan, dahil hindi mababayaran ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa pambabalewala ni Reed sa akin. Ang sakit mommy!" Humagulgol na siya at umupo sa sahig. "What the hell Avery? You have so many men in your life. Why
"Dalhin n'yo siya sa bodega. Susunod na ako ngayon?" Utos nito habang humihitit ng sigarilyo sa may pool area ng bahay niya."Yes, Boss! On the way na kami. At tulog siya ngayon dahil nakainom yata ang gaga!" Sagot ng lalaki sa kabilang linya."Good. Don't forget to cover her eyes well, so she won't recognize me and cover her mouth so she can't make a noise."Napatingin siya sa malinaw at malinis na tubig sa swimming pool. "Makakaganti ka na din sa wakas, Baby! Makakatikim ang babaeng yon sa latigo ni Hudas!" Wika nito bago tinapon sa astray ang sigarilyo niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng pool area. Nagngingitngit ang kalooban niya dahil sa sinapit ni Aliyah sa babaeng pinadukot niya. Hindi siya makakapayag na saktan ito ng kahit na sino dahil makakatikim talaga ang sino man ng latigo ni Hudas.Wala siyang pinahihintulutan na manakit sa babaeng lihim niyang minahal sa mahabang panahon. At sa dinami-rami ng magiging karibal niya, ang mortal pa niyang kaaway. Ang lalaking malaki
Nang nasa Penthouse sila ni Aliyah, ang Mansion ni Reed ay sinalakay ng isang mamamatay tao. Hindi siya makontak ng mga tauhan niya noon dahil naka-off ang phone niya. Kaya tinawag niya ang head guard sa Mansion niya ng mabalitaan niya ang nangyari. "S-Sir, pasensya na po kayo sa mga nangyari na pagpatay sa tatlong tauhan natin na nakabantay sa Mansion n'yo. Mabilis po ang mga pangyayari at napuruhan talaga ang tatlong nakabantay sa madilim na parte ng Mansion. Ice pick po ang ginamit sa pananaksak." Paliwanag nito habang nakayuko. "Nakilala n'yo ba kung sino ang pumaslang sa kanila?" Malamig na tanong niya."Malinis magtrabaho ang tarantado, Boss! Walang kahit anong bakas at ebidensya na naiwan." Sagot nito habang hindi pa rin inaangat ang mukha nito.Alam niyang takot ito sa nangyaring kapabayaan nila."Sige, magdagdag ka ng tauhan para ipalit sa mga pumanaw. And make sure na mabigyan ng sapat na halaga ang pamilya na naiwan nila. Makakaalis ka na." Wika niya na seryoso ang mukha.
WARNING: SPGMahimbing na natutulog si Reed nang marinig niya ang sigaw ng asawa, "Reed, manganganak na yata ako. Ang sakit na ng tiyan ko." Napabalikwas siya ng bangon, dahil naalimpungatan siya, "Aliyah, w-wait…" Hindi magkandaugaga na sabi niya. Mabilis na nag soot siya ng pants at nilapitan ang asawa. Naka boxer short at sando lang kasi ito kapag natutulog. Bubuhatin na sana niya ito ngunit pinigilan siya nito, "Lalabas na yata siya, Reed… Ahhh! Ang sakit!" Lalo siyang nalito at nataranta kung ano ang uunahing gawin, hinaplos niya ang tiyan nito, "Pigilan mo muna, wait lang!" Aalis na sana siya ngunit napasigaw ulit ito dahil may lumabas ng tubig sa pwerta nito, "Holly shit!" Nanlaki ang mga mata niya, "Wait, sandali, Aliyah…" "T-Tanggalin mo ang underwear ko, bilis! Lalabas na siya." Utos nito habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay nito.Halos manlamig ang buong katawan niya sa narinig. Kung sa ibang sitwasyon pa sila ngayon kahit hindi nito sabihin na hubarin ang un
Hindi maipinta ang mukha ni Aliyah habang nakaupo sa sasakyan na katabi ang asawa.Narinig niya ang sunod-sunod na buntong hininga nito. Alam niyang kanina pa ito naiinis sa kanya. Pagkatapos kase siya nitong ipasok sa sasakyan kanina ay tahimik na ito at hindi na nagsalita pa. Pareho silang nakasimangot.Walang isa na nagsalita sa kanilang tatlo tahimik sila sa buong byahe kaya hindi na natiis pa ni Zimmer ang katahimikan. Kanina pa niya gusto magsalita dahil sa naiisip na senyales sa ipinapakitang pagbabago ng mood ni Aliyah. "Bro, naiisip mo ba ang naiisip ko sa akto ngayon ng katabi mo?" Basag nito sa katahimikan. "Yeah. Tinutupak na naman. " Sagot nito at sinulyapan pa siya pero iningusan niya lang ito. "Lakas ng trip! I can't imagine that she like to eat that fucking…" Hinarap niya ang asawa at pinalo ang braso para matigil sa pagsasalita, "Kung mag-usap kayo parang wala ako sa paligid n'yo!" Humalukipkip siya, "Ikaw Zimmer, hindi na tayo friends. Isa ka din, ang arte mo.
Ang honeymoon nila ang pinakamasayang sandali na hindi makakalimutan ni Aliyah. Walang araw na hindi siya pinasaya ng asawa. Kaya lalo niya itong minamahal.Sa dalawang buwan na pamamalagi nila sa El Nido na silang dalawa lang ay langit para sa kanya. Pauwi na sila pabalik sa Manila, masayang sinasabayan ni Reed ang kanta ni Dan Hills na I fall all over again sa FM na napili niya, habang nakahawak ito sa kamay niya. Patingin-tingin pa ito sa kanya at tila inaakit siya. May pa halik-halik pa ito sa kamay niya. Kilig na kilig naman siya sa ginagawa nito, para siyang teenager na hinaharanahan ng crush niya. Napapangiti na lang siya sa kalandian nito. Maganda ang boses nito at napakasarap sa pandinig. "I love you Reed." Bigla ay bulalas niya. Basta lumabas na lang ito sa bibig niya ng kusa. Matamis itong ngumiti sa kanya, "I love you too, Baby, more than you love me. It's corny but I'm not ashamed to tell you how much I love you." Malambing na sagot nito. "Eyy! Corny but I love i
WARNING: SPGMahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliyah kahit alas nuebe na ng umaga. Nakaligo na at nakapagluto na rin si Reed ng agahan nila ngunit ang babae ay parang tulog mantika. Pagod na pagod ito dahil sa paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng asawa kagabi.Sarap na sarap ito sa pagtulog habang nakayakap sa unan na ginamit ng asawa. Mahinang tinulak ni Reed ang pintuan para hindi ito magising. Napapangiti siya sa ayos ng asawa sa pagkakahiga, kitang-kita niya ang makinis at bilugan nitong hita na nagpagising na naman sa ahas niya na ngayon nagpapasikip ng pants niya. Bagong ligo siya ngunit nagsisimula na naman siyang pagpawisan ng malapot kahit naka aircon pa ang silid nila."Fuck, Aliyah. I'm really addicted to you." Bulong niya sa sarili habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa kama. Napapalunok pa siya dahil sa paglalaway. Parang asong ulol."Your fucking hot, baby, kaya ako baliw na baliw sayo." Sambit pa niya. Nasa tapat na siya ng kama ng tumihaya ito at lalo si
Over the landscape, the broad sand is cascading across the land. Ang malamig na hangin ay nagdudulot ng kaginhawaan sa pakiramdam, mula sa mainit at papalubog na araw. Sa di kalayuan, humahampas ang tubig sa mga bato. Tahimik ang buong paligid. Isang enggrandeng kasal ang magaganap ngayon sa rocky outcraft kung saan unang nagkatagpo ang dalawang taong pinagtagpo at tinadhana. Ilang beses man silang sinubok ng panahon ngunit hindi hadlang ang mga iyon para mawala ang pagmamahal sa isa't-isa. Ang red carpet na nilatag sa mas pinalawak na bulwagan ng batuhan ay puno ng mga bulaklak. May mga balloons at string lights din na may iba't-ibang mga hugis na lalong nagpaganda sa venue. Maraming mga paro-paro na lumilipad sa mga bulaklak. Tila mga diyosa at diwata ang mga babae at mga adonis na bumaba sa langit naman ang mga lalaki. Labas ang matitipunong mga dibdib dahil sa mga long sleeve ng mga ito na sinadyang hindi e button ang dalawang butones sa may dibdib ng mga ito.. Masayang mga
Nasa open cottage sina Aliyah, at Reem kinahapunan. Nakatingin sila sa papalubog na araw. "Parang kailan lang, ano? Dati, tayong dalawa lang ang nagbabakasyon tuwing summer. But you can see naman may kambal ka na. At preggy na din ako. May kanya-kanya na tayong pamilya." Nakangiting wika ni Reem habang nakatingin sa malawak na karagatan. "Oo nga eh, ang dami kong napagdaanan. Akala ko nga hindi ko makakayanan. Pero kita mo naman ngayon, I'm still alive and kicking." Napahalakhak na sagot niya. Yong masasakit na mga karanasan paglipas pala ng panahon ay pagtatawanan mo na lang. "Hindi ko rin expected na mala teleserye pala ang magiging lovelife mo with your hubby. But anyways, hindi pa ba nag-aaya sayo si Reed na magpakasal sa simbahan in public?" Sinulyapan siya nito bago tumingin muli sa malayong karagatan. "Wala e, baka wala na siyang balak. Ang rupok ko kasi. Shity! Dapat sana hindi agad ako sumama sa kanya, dapat nagpakipot din ako ng konti." Nakasimangot na sagot niya sabay h
WARNING: SPGNaglakad-lakad siya ngayon sa dalampasigan. Ang bahagyang simoy ng hangin ay nagsimulang umihip sa kanya habang patuloy siyang naglalakad. Feeling niya dinuduyan siya sa alapaap habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang bilis talagang lumipas ng panahon, parang kailan lang ang gulo ng buhay niya. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Maraming masasayang ala-ala ang bumalik sa isipan niya kasama ang asawa niya. Hindi niya maiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya ang nangyaring pagsagip sa kanya nito ilang buwan na ang nakaraan. Halos panawan siya ng ulirat ng mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa dalampasigan, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa Beach resort siya, ang lahat ng kanyang mga problema, pag-aalala at mga alalahanin ay nakakalimutan niya kapag nakikita niya ang malawak na karagatan. Palubog na ang haring araw at malamig na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Nasa El Nido sila ngayon at kasalukuyang nagbaba
"Reed, akin ka lang! Ang tagal kung naghintay sayo, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan!" Sigaw ni Avery at mabilis na kinuha ang baril sa sahig at itinutok kay Reed ng akmang bubuhatin na ang asawa na walang malay. "Damn you, woman! Umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako sayo." Madilim ang aura niya nang humarap siya sa babae. Kanina pa siya gigil na gigil dito. Kahit malalakas ang pagsabog sa labas at pagpapalitan ng baril, tila silang tatlo lang ang nasa lugar at walang pakialam sa maaaring mangyari kapag nagtagal pa sila sa silid na iyon. "No. Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pa na mamatay ka na lang! Papatayin kita at pagkatapos, magbabaril din ako sa sarili ko." Umiiyak na wika nito. Nanginginig ang kamay nito habang mahigpit na hawak ang baril. "Put down your gun, Avery. I'm warning you!" Dahan-dahan niya itong nilapitan. "No. Huwag kang lalapit! D'yan ka lang!" Sigaw nito habang umaatras at nanlilisik ang mga mata. Huminto siya, "Then, give me your
SAMANTALA, nakarating ang grupo nina Reed sa lugar na pinagdalhan kina Aliyah, Dianne at mga bata."Ready to ramble!" Darren smirked and wink sa mga kasama. Ito ngayon ang leader ng mga sniper kasama ang limang tauhan nila na galing din sa LA, kasama niyang umuwi sa bansa. Naka-posisyon na ngayon ang mga backup nila na nauna na sa kanila. Sinulyapan ni William ang wristwatch, "Time to play. Kailangan na uuwi tayong walang kahit anong latay sa katawan. Dahil kung sino man ang masusugatan ngayon, may punishment para magtanda." Wika nito."What? Iba ka din, Dude! Pero ano ba ang punishment?" Tanong ni Darren habang nakakunot ang noo."Kapag nasugatan kayong mga lalaki kayo, itatago ko lahat ng mga babaeng kinahuhumalingan ninyo. Kaya huwag palampa-lampa. Puro lang kayo papogi!" Isang seryosong boses ang sumagot sa tanong ni Darren na nagmumula sa earpiece na soot nila. May mga mahihinang tawa din ng mga babae sa background nito."What the!? Baby ko?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Dar