Kabanata 16 – Mga Alaala at Bagong Tanong
Matapos ang hapunan, masaya si Isabella na kasama muli ang kanyang pamilya. Ang saya ng gabing iyon ay tila panandaliang bumura sa mga problema niya sa Villafuerte mansion.Habang nagliligpit ng pinggan, napansin niya ang isang bagay.> "Nga pala, Ma, asan si Daniel?"> "Lumabas siya kasama ang mga kaibigan niya. Alam mo naman ‘yun, mahilig sa banda-banda," sagot ni Elena habang naghuhugas ng plato.Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Daniel. May dala itong gitara, halatang galing sa jamming.> "Uy, ate! Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka!" masayang bati ni Daniel.Sa sobrang tuwa, agad siyang niyakap ng kapatid. Napangiti si Isabella. Kahit kailan, si Daniel ay palaging palakaibigan at puno ng enerhiya.> "Kakauwi lang namin kanina. Kamusta ka na?"> "Ayos naman! Ikaw? Kamusta naman ang pagiging Villafuerte?" biKabanata 17 – Mga Lihim na PakiramdamAng Tahimik na UmagaNagising si Isabella sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa kulang sa tulog. Paglingon niya, nakita niyang tulog pa si Sebastian sa couch, mukhang walang iniindang pagod.> "Nakakaasar," bulong niya sa sarili. "Paano siya nakakatulog nang ganyan ka-relax?"Agad siyang bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan niyang linisin ang isip niya, lalo na matapos ang nangyari kagabi.Habang nasa shower, hindi niya mapigilan ang sarili niyang isipin ang yakap ni Sebastian. Bakit parang may kung anong bumabagabag sa kanya? Hindi dapat siya naguguluhan. Dapat lang naman siyang mainis, hindi ba?Ang Pag-iwasPaglabas niya ng banyo, nakita niyang gising na si Sebastian at kaswal na nakaupo sa couch, naglalaro ng kanyang cellphone.> "Gising ka na pala," malamig na sabi niya.> "Oo, na
KABANATA 18 – ANG LARAWANG KAILANGANG MABURA Sa hapag-kainan, bumigat ang atmospera nang basagin ang katahimikan. "Patunayan mo, Sebastian, na wala kang ginawang mali. Nakakahiya ka." ani, Don Victor". Walang nagawa kundi yumuko ang ilan sa mesa. Tahimik lang si Isabella, habang si Mercedes ay hindi rin nagsalita. Alam nilang hindi ito ang tamang oras para sumabat. Matapos ang hapunan, umakyat sina Isabella at Sebastian sa kanilang silid. "Ano na ngayon ang plano mo?" tanong ni Isabella habang nakatayo sa may gilid ng kama. Huminga nang malalim. "Gagawan ko ng paraan ‘yan bukas. Sa ngayon, pahinga muna ako at mag-iisip." Hindi na kumontra si Isabella at nagpasya na lang ding magpahinga. Ilang saglit ang lumipas, tinawagan ni Sebastian si Ake ang driver niya. "Bukas, may lakad tayo nang maaga." "Saan tayo pupunta, boss?" sagot ng nasa kabilang linya. "May kailangan tayong hanapin." Alam niyang hindi siya puwedeng magkamali. "Sige, boss. Anong oras tayo aalis?" ta
KABANATA 19 – ANG PAGSILAT NI JAKEKUMALAT ANG BALITAHindi pa man tuluyang lumalamig ang eskandalo, mas lumala pa ito nang may lumabas na bagong set ng larawan sa social media. Hindi lang iyon—may isang anonymous na account na nagpakalat ng mas kontrobersyal na kwento:"Si Sebastian Villafuerte, nahuling may ibang babae sa isang sikat na bar. Totoo nga bang isang sapilitang kasal lang ang dahilan ng relasyon nila ni Isabella Ramirez?"Naging laman ng mga pahayagan at online tabloids ang balita. Kahit saan magpunta si Isabella, may bumubulong, may nakatingin nang may pagtataka, at may tahasang nagko-komento tungkol sa kanyang asawa.Sa Villafuerte Group, naramdaman ni Sebastian ang bigat ng sitwasyon. May ilang investors ang nagtanong sa board members kung paano nila aayusin ang eskandalo. Si Don Victor, bagamat matibay pa rin sa panlabas, ay hindi nagustuhan ang nangyari.“Hindi natin kayang hayaang masira ang pangalan ng p
KABANATA 20 – ANG BISITA NI SEBASTIANPagkatapos ng Nangyari KaninaNapabuntong-hininga si Isabella habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Pilit niyang pinapakalma ang sarili matapos ang sagutan nila nina Mercedes at Kasandra. Hindi niya maalis sa isip ang panlalait ng mga ito, pero ayaw niyang ipakitang naapektuhan siya.Para maibsan ang inis, bumaba siya sa kusina at naabutan doon si Manang Lydia na abala sa paghahanda ng hapunan."Manang, gusto kong tumulong," sabi niya habang kinukuha ang isang kutsilyo upang maghiwa ng gulay.Nagulat ang matanda. "Naku, ma’am, ako na po dito. Hindi niyo na kailangang mag-abala."Mapilit si Isabella. "Wala naman akong ginagawa, Manang. Mas gusto kong may pinagkakaabalahan." At isa pa nami-mis kong magluto, Manang.Bago pa makasagot si Manang Lydia, isang malamig na tinig ang sumingit."Hayaan mo siyang kumilos at tumulong diyan," ani Mercedes na kakapasok lang sa kusina
KABANATA 21 – ANG MATANDANG REYNA AND UNKNOWN CALLING Ang Pagdating ng HalimawPinagmasdan ni Isabella ang matandang babaeng bumaba sa mamahaling kotse. Matikas itong lumakad, suot ang isang eleganteng damit na nagpapakita ng kanyang kayamanan at kapangyarihan. Ang buhok nito ay maayos na nakaayos, at ang kanyang mga mata—matalim at walang bahid ng emosyon—ay diretso nakatuon kay Isabella.Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong bigat sa kanyang dibdib habang lumalapit ito.“Ma’am Isabella,” bulong ng isa sa mga kasambahay. “Si Senyora Beatrice po ‘yan, ang ina ni Don Victor.”Napakislot si Isabella. Ang lola ni Sebastian.Hindi pa niya ito nakikita noon, pero narinig na niya ang pangalan nito mula kay Manang Lydia. Kilala si Senyora Beatrice bilang isang matapang at estriktang babae—ang dating reyna ng pamilya Villafuerte bago pa man namuno si Don Victor.At ngayon, narito siya, nakatayo sa harap ni Isabella, s
KABANATA 22 – ANG LIHIM NA PAGTATAGPONakahanda na si Isabella bago pa mag-alas-diyes. Isang simpleng damit ang sinuot niya, sapat para maging presentable pero hindi kapansin-pansin. Habang bumababa siya sa hagdan, tahimik ang buong bahay. Si Mercedes ay nasa veranda pa rin, umiinom ng kape, at si Don Victor ay tila may kausap sa telepono.Ngunit nang makarating siya sa may pinto, isang malamig na boses ang pumigil sa kanya.“Aalis ka na?”Napalingon siya at nakita si Sebastian, nakatayo malapit sa isang haligi, nakapamulsa at nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong bigat sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.“Oo,” sagot niya, sinisikap na gawing normal ang boses. “Uuwe lang ako sa amin.”Hindi agad sumagot si Sebastian. Para bang may iniisip ito. Lumapit siya nang bahagya, ang mga mata’y para bang sinusuri ang kanyang mukha.“Sino’ng susundo sa’yo?” tanong nito.Saglit siyang na
KABANATA 23 – ANG GALIT NI SEBASTIAN Pagkapasok pa lang nila sa kwarto, agad na isinara ni Sebastian ang pinto nang malakas. Halos yumanig ang buong silid sa lakas ng pagbagsak nito. Hindi pa man nakakabawi si Isabella mula sa kaba, humarap na sa kanya si Sebastian, ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit. "Ano'ng relasyon niyo ni Mike?" madiing tanong nito, ang boses malalim at puno ng hinanakit. Napaatras si Isabella, naguguluhan. "Ano bang problema mo? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko? Nagkita lang kami ni Mike—wala namang masama do’n!" Mabilis lumapit si Sebastian, bahagyang yumuko upang mapantayan ang kanyang tingin. "Hindi lang ‘yon, Isabella! Nagsinungaling ka sa’kin! Sabi mo, uuwi ka sa inyo, pero ang totoo, may ibang lalaki kang pinuntahan!" Napasinghap si Isabella. Hindi niya inaasahan ang ganitong matinding reaksyon ni Sebastian. Para bang hindi lang ito galit—may halong sakit sa tono nito. Per
KABANATA 24 – ANG PAGKIKITA NINA SEBASTIAN AT MIKEMabilis na pinaandar ni Sebastian ang kanyang sasakyan, hindi alintana ang bilis nito sa kalsada. Wala siyang pakialam kung may makakita o may makarinig—kailangan niyang makausap si Mike Fuentes. Kailangan niyang malaman kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Isabella."Putangina!" mura niya sa sarili, mahigpit na hinampas ang manibela. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit ba siya nagagalit nang ganito? Hindi ba dapat wala siyang pakialam? Asawa niya lang si Isabella sa papel. Wala siyang karapatan na pigilan ito kung gusto nitong makipagkita sa ibang lalaki.Pero bakit? Bakit parang gusto niyang buweltahan ang lalaking iyon?Makalipas ang ilang minuto, nakarating siya sa opisina ni Mike. Diretso siyang pumasok sa gusali, hindi man lang ininda ang pagtutol ng receptionist.“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok nang basta-basta—”Tiningnan niya lang ito nang masama, dahil
Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.“Gabi na,” bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. “May work pa tayo bukas…”“Hmm,” sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella nama’y dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.“Gusto mo ng tea?” tanong ni Sebastian
KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. “Ma’am Isabella, may delivery po para sa inyo.” Napakunot-noo siya. “Delivery? Wala naman akong inorder—” Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. – S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa ko…
Kabanata 69Huwag making mahina —Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screen—Mirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak… Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si
Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre
Kabanata 67 – Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.“Seb… hindi mo na ba talaga ako mahal?” mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.“Andrea… hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ’yan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,” sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. “Alam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?”Sa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni
Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo na’t nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andrea—si Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. “Anak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andrea— at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U
Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. “Sebastian…” mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. “Akala ko… hindi na kita makikita ulit,” dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanya—si Isabella. --- “Bakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?” tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na
Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi
Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mata’y nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasok—si Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce