Aleya's Pov"What? May mga taong nagtangka sa buhay mo? Nasaktan ka ba? Tinamaan ka ba ng bala nila?" nag-aalalang tanong sa akin ni Deo matapos marinig ang aking kuwento. Maaga pa lang kasi ay nasa bahay ko na siya para kuhanin ang kotse niya at sabihin sa akin ang dahilan kung vakit bigla siyang umalis kagabi nang walang paalam."Huwag kang OA, friend. Wala ako ngayon sa harapan mo kung tinamaan ako ng bala ng baril nila kaya hindi ako nasaktan," natatawa na naiiling na sabi ko sa kanya. "Siyanga pala. Ano ba ang nangyari kagabi at bigla ka na lamang nawala sa bar?"Napailing si Deo at biglang nalukot ang mukha. "Paano ba naman kasi kagabi habang nag-oorder ako ng drinks natin ay may lumapit sa akin na isang magandang babae at humingi ng tulong. Ayay daw kasing mabuksan ang pintuan sa cr ng mga babae. Nang samahan ko naman sa cr ay wala naman siyang kaibigan na na-stock doon tapos nang pabalik na ako ay bigla naman siyang nahilo. Nakiusap siyang ihatid ko siya sa bahay niya dahil h
Aleya's Pov"Aleya! Aleya!" narinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan mula kay Enrique sa labas ng pintuan. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan at nag-aalalang pumasok ito. Nagulat ako nang bigla na lamang siyang yumakap sa akin nang makita niya akong nakatunghay sa lalaking nanloob sa bahay ko na nakahandusay sa sahig. "Thank, God, you're okay. Ano ang nangyari? Bakit may patay na tao sa labas?""Mga masasamang tao sila. Pinagtangkaan nila ang buhay ko ngunit hindi sila nagtagumpay," sagot ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang dalawang lalaking nakita nito. Isa sa labas at isa rito sa koob ng bahay ko. "Halika, Enrique. Dalhin natin sa ospital ang lalaking ito baka matuluyan pa. Kailangan ko siya ng buhay para malaman ko kung sino ang nag-utis sa kanila na patayin ako."Dali-dali namang kumilos si Enrique. Binuhat nito ang lalaki palabaa at isinakay sa kanyang kotse para dalhin sa ospital. Pagdating sa ospital ay agad na ipinasok sa Emergency Room ang lalaki. "Are you oka
Aleya's Pov"Aleya, tama na iyan. Nakailang baso ka na ng alak. Hindi mo maso-solve ang problema mo kung idadaan mo sa pag-inom," pigil sa akin ni Enrique sa tangka kong paglagok muli ng baso ng alak na nasa harapan ko. Nasa loob kami ng disco bar na pag-aari ni Lincon. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak dahil baka sakaling paggising ko bukas ay hindi na ulit mangyayari na maiisahan ako ng kung sino mang kalaban ko o kalaban man ni Uriel na nagtatago sa dilim. Mahirap ang gamitong sitwasyon. Sila ay nasa liwanag at ako ang nasa dilim kung kaya palagi nila akong naiisahan. Nangangapa lamang ako kung sinong tao ang maaaring nasa likuran ng lahat ng mga nangyayari sa akin at sa paligid ko."Huwag mo akong pakialaman, Enrique! Umalis ka sa tabi ko kung ayaw mong makita na umiinom ako ng alak," singhal ko sa kanya. Sa kalasingan ay mukhang sa kanya ko pa yata maibubuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon."Lasing ka kaya iuuwi na kita sa bahay mo," aniya sa akin pagkatapos ay inaga
Aleya's PovPilit kong kinalimutan ang namagitan sa amin ni Enrique at ipinukos ang aking konsentrasyon sa misyon namin ni Deo. Bagama't nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinuntahan o di kaya ay tinawagan ng binata para pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa amin ay may bahagi ng puso ko ang nalulungkot sa tila pangbabalewala niya sa namagitan sa amin. Ngunit kapag nararamdaman ko ang lungkot na iyon ay mabilis kong iwinawaglit sa aking isip ang bagay na iyon. Kailangan kasi buo ang konsentrasyon ko sa aming misyon.Muling pinasok namin ni Deo ang bahay ni Mr. Juico. Itinaon namin na umuwi siya sa Iloilo kaya wala siya sa bahay niya rito sa Maynila. Muling in-interrupt ng aming hacker ang koneksiyon ng mga CCTV sa buong subdivision kaya pati bahay ni Mr. Juico ay hindi maayos ang mga CCTV. Mabilis kaming nakapasok sa bahay nito dahil ang mga guwardiya nito ay pa-easy-easy lang. Wala kasi ang amo nila kaya sinasamantala ng mga guwardiya ang magsaya. Nag-iinuman kasi ang mga ito sa gili
Aleya's PovMatagumpay na nailabas namin ni Deo sa lihim na silid na nasa loob ng bahay ni Mr. Juico si Ms. Sylvia Villareal. Agad namin siyang idiniritso sa ospital para matingnan ang kalagayan niya. Naiwan ako sa ospital para may magbantay kay Ms. Villareal samantalang dumiritso na sa opisina ni Ninong si Deo para ireport ang kanyang natuklasan at para makakuha na rin ng search warrant para makapasok at mahalughog ng mga pulis ang bahay ni Mr. Juico. Habang hinihintay ko naman ang paglabas ng doktor na sumusuri kay Ms. Villareal ay tinawagan ko so Enrique at ipinaalam sa kanya na natagpuan namin ang kanyang tiyahin. Hindi naman nagtagal ay humahangos na dumating ang binata."Nasaan ang tita ko, Aleya? Kumusta na siya?" magkasunod na tanong ni Enrique nang tuluyan na siyang makalapit sa akin."Nasa loob pa siya ng emergency room at sinusuri ng mga doktor," dagling sagot ko sa kanya. Sa gulat ko ay bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit."Thank you for saving my aunt, Aleya.
Aleya's PovPagkatapos ng failed na paghahalughog namin sa bahay ni Mr. Juico ay na-suspende kami ni Deo kasama ang sampung member ng narcotic team na pumasok sa loob ng bahay nito. Mabuti na lamang at hindi nasuspende si Ninong dahil malakas ang kapit niya sa itaas. Hindi sana kami masususpende dahil hawak kami ni Ninong na mataas ang katungkulan sa ONP ngunit naisip namin na mas maganda ang makita ni Mr. Juico na masuspende kami para isipin niya na nanalo na nga siya. Na wala na kaming kakayahan ni Deo para kalabanin siya. Ngunit ang totoo ay front lamang ang ginawang pagsuspende sa amin dahil binigyan pa rin kami ng.mission ni Ninong na mangalap ng mas matibay na ebidensya laban sa pulitiko. Hindi namin alam kunv talaga bang may hudas sa team namin kaya kami lang ng kaibigan ko ang nakakaalam nito. Sa ngayon ay mainit pa kami ni Deo sa mga mata ni Mr. Juico kaya kailangan naming ipakita sa kanya ang kabiguan namin dahil sa pagkakasuspende namin sa trabaho. At para mangyari iyon ay
Aleya's PovMagkasabay kaming gumapang ni Enrique papunta sa likuran ng kotse ni Deo. Nang makapagtago na kami ay agad niyang hinawakan ang aking mga braso at iniupo."Are you okay, Aleya? Wala ka bang tama ng bala?" hindi maitago ang pag-aalala na tanong niya sa akin. Inikot-ikot pa niya papunta sa kaliwa at kanan ang aking katawan para tiyakin na wala akong tama ng baril sa katawan."I'm okay, Enrique. Wala akong tama ng baril pero sa tingin ko ay tatamaan talaga ako kapag hindi mo ako binitawan para makayuko," reklamo ko sa kanya. Hindi ko rin mahugot ang baril ko sa aking tagiliran dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso."Oh, I'm sorry," aniya sa akin bago ako binitiwan. Nang mapatingin naman ako kay Deo ay naiiling ito habang nakataas ang isang kilay at tila nanunudyo ang mga mata. Inirapan ko siya pagkatapos ay hinugot ko ang baril ko at pumuwesto sa tabi ni Enrique na may hawak na ring baril.Nang huminto sa pagbaril ang mga kalaban ay sumenyas sa akin si
Aleya's PovIt's Sunday morning. Maaga akong nagising dahil balak kong magsimba. It's my mom's birthday at hindi ko sila kasama kaya magsisimba na lamang ako para sa kanya. Pagbangon ko sa higaan ay deretso na ako sa banyo at nag-toothbrush pagkatapos ay bumaba ako sa kitchen para humigop ng mainit na kape. Pagkatapos kong magkape ay bumalik na ako sa silid ko at naligo.Isang bestidang plain white na hanggang siko ang manggas at abot naman sa aking tuhod ang haba ang napili kong isuot na pinaresan ko ng sapatos na tennis. Alam ko na marami ang magtataas ng kilay kapag nakita nila ang suot ko dahil nakasuot ako ng dress pero tennis shoes ang sapin sa paa. But it doesn't matter to me. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa suot ko as long as comfortable ako sa aking suot. Hindi ako naglagay ng makeup at tanging pulbo at lip gloss lamang ang kolorete ko sa mukha. Napangiti ako nang makita ang aking sarili sa harapan ng full size na salamin. Para akong si Maria Clara sa