Aleya's Pov"Ang kasong hahawakan ninyo ngayon ay tungkol sa drug lord na na si Abner Juico," panimula ni Ninong Zandro sa kanyang briefing tungkol sa bagong misyon namin ni Deo. Mula sa projector na nasa harapan namin ay nakita ko ang pamilyar na lalaki. Saglit akong nag-isip kung saan ko siya nakita. Mahinang napapitik ang daliri ko sa hangin nang maalala ko na kung saan ko siya nakita. Sa party kagabi ng ama ni Cloe nakita ko ang lalaking ito at siya ang kaibigan na kausap ng ama ng dalaga. Kung ganoon ay isa palang pinaghihinalaang drug lord ang taong iyon? Alam kaya ng senador ang tungkol sa maruming trabaho ng kaibigan niya? "Siya si Abner Juico. Fifty years old, biyudo at may nag-iisang wnak na binata. Isa siya sa pinakamayamang negosyante at pulitiko sa Iloilo. Ang pagkakaalam ng lahat ay isa siyang matulunging mayor sa lugar nila dahil iyon ang image na ipinapakita niya sa mga tao. Ngunit noong isang Linggo ay sinalakay ng team ninyo ang isang malaking laboratory ng pagawaan
Aleya's Pov"Natutuwa ako at nakapasyal ako rito sa bahay mo sa Maynila, Tito Abner. At asahan mo ang aking suporta sa darating na botohan," nakangiting kausap ni Enrique kay Mr. Juico."Inaasahan ko talaga ang suporta mo, Enrique. Kapag magpakasal na kayo ng inaanak kong si Cloe ay magiging inaanak na rin kita. At natutuwa ako na magiging bahagi ka na rin ng buhay namin," masayang wika naman ni Mr. Juico."Ako rin, Tito Abner. Natutuwa rin ako na magiging bahagi kayo ng buhay ko," saad naman ng binata na maganda ang pagkakangiti.Mula sa pinagtataguan kong mababa ngunit mayabong na puno ng artificial cherry blossom ay dinig na dinig ko ang pinag-uusapan nina Enrique at Mr. Juico. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Nakaramdam ako ng galit kay Enrique. Bulag ka talaga, Enrique! Bulag! nagpupuyos ang kalooban na sigaw ko sa aking isip. Kahit sinabi ko na sa aking isip na kakalimutan ko na siya ay nasaktan pa rin ako nang malaman ko na may balak palang pakasalan ng bina
Aleya's PovPagkaalis nila Enrique at Mr. Juico sa tapat ng pinagtataguan kung artificial na puno ng cherry blossom ay ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako lumabas. Muli akong naglakad papunta sa lugar kung saan ko nakita ang dalawang lalaki na tila bulang naglaho nang saglit na mawala sa aking paningin. Kailangan kong kumpirmahin muna na tama ang hinala kong may lihim na kuwarto o daanan sa bahaging iyon bago ako lumabas sa bahay na ito ni Mt. Juico. At kapag nakumpirma ko ang aking hinala ay muli kaming babalik dito ni Deo para pasukin ang lihim na silid kung meron man.Pallingon-lingon ako sa aking paligid habang kinakapa ng aking mga kamay dingding. Makinis ang pagkakapintura ng dingding at wala akong nakakapasa na bitak na posibleng may sekretong pintuan sa bahaging ito. Idinikit ko ang aking tainga sa dingding para pakinggan kung may mga gumagalaw ba mula sa kabilang dingding. Biglang rumagasa ang aking adrenalin nang marinig kong tila may mga paggalaw sa likuran ng dindi
Enrique's Pov"Ano ang nangyari sa lakad mo kahapon, Pare?" agad na tanong sa akin ni Lincon nang lapitan nkya ako at naupo sa katapat na upuan ng kinauupuan ko. Pagkagaling ko kanina sa bahay ni Tito Abner ay agad akong dumiretso sa disco bar na ito kung saan ang matalik kong kaibigan na si Lincon ang may-ari."Hindi ko nakita ang silid kung saan naroon ang tita ko, Lincon. But guess who kung sino-sino ang nakita ko na nag-sneak in sa bahay ni Tito Abner," sabi ko sa kanya matapos lagukin ang konting alak na laman ng baso."Sino?" curious na tanong naman nito."My ex-bodyguard at ang boyfriend niya," mabilis kong sagot. "Hindi ko alam kung ano ang sadya nila sa bahay ni Tito ngunit tila may kinalaman iyon sa lihim na silid na aksidenteng natagpuan ni Aleya.""Si Aleya at boyfriend niya ay pumasok ng palihim sa bahay ni Mr. Juico? Ano ang pakay nila roon? Saka naman kaya ang itinatago ng taong iyon sa silid na iyon? Hindi kaya ang Tita Sylvia mo?""Hindi ko alam. Pero katulad ng dalaw
Aleya's PovPumayag ako na makipag-usap kay Enrique ay pakinggan ang mga nais niyang sabihin sa akin. Sumakay ako sa kotse at humantong kami sa gilid ng isang park. Hindi kami bumaba sa halip ay ipinarada lamang niya sa gilid ng kalsada ang kotse niya at hinayaang nakabukas ang makina. Akala ko ay mag-uumpisa agad siyang magpaliwanag sa akin nang huminto ang sasakyan niya ngunit nanatili siyang walang kibo at nakatitig lamang sa akin. Ilang minuto na siyang nakatitig lamang sa akin kaya hindi na ako nakatiis at ako ang unang nagsalita."Kaya mo ba ako dinala rito para titigan lamang? Wala ka bang balak na magsalita?" tanong ko sa kanya nang hindi na ako makatiis sa nararamdaman kong pagkailang sa kanyang titig."I'm sorry," mabilis na paumanhin ni Enrique. "Hindi lang talaga ako makapaniwalang pumayag ka na makipag-usap sa akin. Na pakinggan ang mga paliwanag ko sa mga nagawa ko sa'yo.""Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin at baka magbago pa ang isip ko," mataray na sabi ko
Aleya's Pov"What? May mga taong nagtangka sa buhay mo? Nasaktan ka ba? Tinamaan ka ba ng bala nila?" nag-aalalang tanong sa akin ni Deo matapos marinig ang aking kuwento. Maaga pa lang kasi ay nasa bahay ko na siya para kuhanin ang kotse niya at sabihin sa akin ang dahilan kung vakit bigla siyang umalis kagabi nang walang paalam."Huwag kang OA, friend. Wala ako ngayon sa harapan mo kung tinamaan ako ng bala ng baril nila kaya hindi ako nasaktan," natatawa na naiiling na sabi ko sa kanya. "Siyanga pala. Ano ba ang nangyari kagabi at bigla ka na lamang nawala sa bar?"Napailing si Deo at biglang nalukot ang mukha. "Paano ba naman kasi kagabi habang nag-oorder ako ng drinks natin ay may lumapit sa akin na isang magandang babae at humingi ng tulong. Ayay daw kasing mabuksan ang pintuan sa cr ng mga babae. Nang samahan ko naman sa cr ay wala naman siyang kaibigan na na-stock doon tapos nang pabalik na ako ay bigla naman siyang nahilo. Nakiusap siyang ihatid ko siya sa bahay niya dahil h
Aleya's Pov"Aleya! Aleya!" narinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan mula kay Enrique sa labas ng pintuan. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan at nag-aalalang pumasok ito. Nagulat ako nang bigla na lamang siyang yumakap sa akin nang makita niya akong nakatunghay sa lalaking nanloob sa bahay ko na nakahandusay sa sahig. "Thank, God, you're okay. Ano ang nangyari? Bakit may patay na tao sa labas?""Mga masasamang tao sila. Pinagtangkaan nila ang buhay ko ngunit hindi sila nagtagumpay," sagot ko sa kanya na ang tinutukoy ko ay ang dalawang lalaking nakita nito. Isa sa labas at isa rito sa koob ng bahay ko. "Halika, Enrique. Dalhin natin sa ospital ang lalaking ito baka matuluyan pa. Kailangan ko siya ng buhay para malaman ko kung sino ang nag-utis sa kanila na patayin ako."Dali-dali namang kumilos si Enrique. Binuhat nito ang lalaki palabaa at isinakay sa kanyang kotse para dalhin sa ospital. Pagdating sa ospital ay agad na ipinasok sa Emergency Room ang lalaki. "Are you oka
Aleya's Pov"Aleya, tama na iyan. Nakailang baso ka na ng alak. Hindi mo maso-solve ang problema mo kung idadaan mo sa pag-inom," pigil sa akin ni Enrique sa tangka kong paglagok muli ng baso ng alak na nasa harapan ko. Nasa loob kami ng disco bar na pag-aari ni Lincon. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak dahil baka sakaling paggising ko bukas ay hindi na ulit mangyayari na maiisahan ako ng kung sino mang kalaban ko o kalaban man ni Uriel na nagtatago sa dilim. Mahirap ang gamitong sitwasyon. Sila ay nasa liwanag at ako ang nasa dilim kung kaya palagi nila akong naiisahan. Nangangapa lamang ako kung sinong tao ang maaaring nasa likuran ng lahat ng mga nangyayari sa akin at sa paligid ko."Huwag mo akong pakialaman, Enrique! Umalis ka sa tabi ko kung ayaw mong makita na umiinom ako ng alak," singhal ko sa kanya. Sa kalasingan ay mukhang sa kanya ko pa yata maibubuhos ang galit na nararamdaman ko ngayon."Lasing ka kaya iuuwi na kita sa bahay mo," aniya sa akin pagkatapos ay inaga
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang