GLORYBELLE SCARLETT...Napabalikwas s'ya ng bangon at inilibot ang paningin sa paligid. Kinusot- kusot n'ya pa ang kan'yang mga mata at mahinang tinapik-tapik ang kan'yang pisngi."Nananaginip ba ako? Shit! Ganito na ba ako kabaliw kay Gabrielle na kahit sa panaginip ko feel na feel ko ang mga halik at haplos n'ya," pabulong na pagkausap n'ya sa sarili.Pabalik-balik sa isip n'ya ang mga sinabi nito sa kan'yang panaginip pati na ang pag-amin nito na isa itong assassin. Hindi naman s'ya naniniwala dahil sa mga movies n'ya lang napapanuod ang mga assassins at alam n'yang wala n'yan sa totoong buhay.Baka pulis maniwala pa s'ya pero ang sinasabi nitong assassin, no way! Bumaba s'ya sa kama at tumayo, ipinusod n'ya ang kan'yang buhok pataas at lumabas ng kwarto.Natigilan s'ya ng maalala na galing pala s'ya sa palengke at ang kan'yang mga pinamili ay iniwan n'ya lang kanina sa lababo. Sa isiping iyon agad s'yang tumakbo patungo sa kusina at hinanap ang mga binili ngunit wala na ito doon.
GLORYBELLE SCARLETT...Lumipas ang maraming taon at wala pa ring Gabrielle na nagpakita sa kan'ya. Hindi na rin s'ya umaasa pa at hinayaan na lang ang lalaki.Wala din s'yang balita dito kahit pa sa kan'yang mga magulang. She totally lost her communication to them at nag focus sa kan'yang pag-aaral. Magtatapos na s'ya sa medisina at kasalukuyang nagtatrabaho bilang nurse sa isang tanyag na hospital sa Cebu.Tuloy pa rin ang kan'yang raket ngunit sa mga katrabaho n'ya na lang s'ya nagtitinda at hindi na sa kung saan-saang pwesto sa palengke o simbahan.Malaki pa ang pera n'ya sa bangko na ipinagtataka n'ya dahil malaki ang gastusin n'ya sa pag-aaral simula pa sa kan'yang nursing course hanggang sa kan'yang medicine course, ngunit parang hindi naman nagbabawas ang kan'yang pera.Ang sabi ng bangko sa kan'ya, interest lang daw ang kan'yang nagagamit at minsan hindi n'ya pa ito nauubos sa isang buwan kaya hindi n'ya nagagalaw ang principal deposit n'ya.Hinayaan n'ya na lamang at hindi na
GLORYBELLE SCARLETT..."You're bleeding," nahintakutan na sabi n'ya. She's a nurse and soon to be a doctor pero ng makita n'yang dumudugo ang tagiliran ni Gabrielle, sobrang kaba ang nararamdaman n'ya para sa lalaki.Nakita n'ya ang pagngiwi ng binata na parang nasasaktan. Agad n'ya itong sinakluluhan ngunit tinabig nito ang kan'yang kamay at masama s'yang tinapunan ng tingin."Don't touch it!" malamig na saway ng binata sa kan'ya. Inirapan n'ya lamang ito at sinagot."But you are bleeding Gabrielle! Gagamutin kita!" giit n'ya rito."The pain from this wound is nothing compare to the pain of what I saw just now! Seeing you happily eating and talking to that idiot broke me into pieces Scarlett!" bulyaw nito sa kan'ya. Napatulala s'ya sa mga binitawan nitong salita. "Ano daw?" lihim na tanong n'ya sa sarili. Kahit s'ya hindi din maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ng kausap n'ya.Nakamata lang s'ya rito at nakaawang ang bibig dahil sa pagkatulala. She was shocked lalo na sa narin
GLORYBELLE SCARLETT...Matapos ang kulitan nilang tatlo sa kama nagpasya s'yang bumangon at naligo. Damit pa rin ni Gabrielle ang kan'yang ginamit dahil wala s'yang masusuot na iba.Alangan namang mag dress s'ya sa habang nagluluto ng almusal, kaya suot-suot n'ya ulit ang t-shirt at boxer nito.Matapos makapagbihis pumasok s'yang muli sa banyo at kinuha ang first aid kit para malinisan ang sugat ni Gabrielle bago s'ya magluto."Viper alis muna sa tabi ni daddy, lilinisan ni mommy ang sugat ng daddy mo," pagkausap n'ya rito. Para talaga itong tao kung ituring nila at kausapin.Agad naman itong tumalima at sumiksik sa gilid ng kama pero hindi bumaba. Nakamata lang ito sa kan'ya at parang sinasabi na magbe behave ito sa gilid.Napailing na lamang s'ya at napangiti sa alaga ng binata." Tagilid ka ng kunti, lilinisan ko muna ang sugat mo bago ako magluto ng breakfast natin," utos n'ya sa binata. Tumalima naman ito at maingat na itinagilid ang katawan.Umupo s'ya sa kama at sinimulan nang
ESTEBAN GABRIELLE...Nasa gitna s'ya ng pakikipaglaban ng tumawag sa kan'ya si Franz at ipinaalam na may date daw si Scarlett.Nagtagis ang kan'yang bagang ng marinig kung sino ang nagyaya ditong makipag date. Ito ang lalaking nakalusot na magpadala ng mga bulaklak ky Scarlett.Hindi n'ya alam kung paano nito nagawa na makalusot sa taohan n'ya. At ngayon naman ay inaya nito si Scarlett ng date. It's a no! Putang'ina lang, pero hindi n'ya hahayaan na may ka date na iba ang kan'yang fiancee.At dahil sa iniisip, hindi n'ya napansin ang isang kalaban na nasa harapan n'ya na pala. Nabaril s'ya nito at tinamaan s'ya sa tagiliran.Agad n'ya namang binaril ang lalaki at sapol sa ulo ang tama nito."Fvck!" mariing mura n'ya ng maramdaman ang sakit na sumigid sa kan'yang tagiliran."Ayan! Overthinking pa more," narinig n'yang kantyaw ni Flami sa kan'ya."Fvck you!" inis na singhal n'ya sa kaibigan ngunit pinagtatawanan lamang s'ya nito.Hindi mawala sa isip n'ya ang date ni Scarlett at kung an
GLORYBELLE SCARLETT..Nagising s'ya na masakit ang buong katawan. Halos hindi n'ya maigalaw ang kalahati ng katawan n'ya."Anak ng pitong demonyo na hindi pantay ang itlog, sino ang bumugbog sa akin? Yawa!" pagmumura n'ya."Tanga inararo ka hindi binugbog," narinig n'yang boses sa kan'yang utak"Konsensya ikaw ba yan?" parang tanga na tanong n'ya rito. Mahina n'yang nasabunotan ang sarili lalo na ng maalala ang nangyari sa kanila ni Gabrielle na s'yang dahilan ng pananakit ng katawan n'ya ngayon."OMG! Ang petse-petse ko! Gaga ka talaga Glorya, ang rupok-rupok mo! Bakit ka ba kasi nakipag friendship sa ahas ni Gabrielle, ayan tuloy natuklaw ang petse-petse mo! Paano na to? Hindi na tayo berginia collada self!" Mag friendship over na tayo sa totoy bibo ni Gabrielle!" pagkausap n'ya sa sarili na parang tanga.Hindi s'ya mapakali sa kama. Gusto n'ya mang tumayo at magbanyo ngunit sobrang sakit ng kan'yang katawan. Parang maiyak na s'ya sa kan'yang sitwasyon. Nasa ganon s'yang ayos ng bum
GLORYBELLE SCARLETT...Matagumpay silang nakalipat sa kan'yang condo. Inayos n'ya agad ang kwarto ni Viper ng dumating sila. Medyo masakit pa ang kan'yang katawan dahil sa ginawa nila kanina ni Gabrielle bago umalis ng bahay nito, ngunit hindi n'ya na lamang ito ininda.Kasalanan n'ya din naman kasi s'ya ang nag-umpisa, kaya dapat lang na panindigan n'ya ang panlalandi n'ya rito."Baby magpahinga ka na, ako na d'yan," awat sa kan'ya ni Gabrielle. Pumasok ito sa loob ng kwarto at inagaw ang hawak ng comforter na para kay Viper."Akin na yan, magluto ka na lang para pagkatapos ko rito kakain na agad tayo. Gutom na din kasi ako," reklamo n'ya."Are you sure kaya mo na to? I know masakit pa ang katawan mo. We can just order food, ako na ang gagawa nito," presenta ng binata."Kaya ko nga, and please lang love ha, ngayong magkasama na tayo, huwag kang tatamad-tamad magluto, dahil I don't like eating outside food," nakapamewang na sermon n'ya sa lalaki. Napangiti naman ito at tumango."Yes
GLORYBELLE SCARLETT...Naging masaya ang pagsasama nila ni Gabrielle. Halos araw-araw ay pakiramdam n'ya ay nasa cloud nine s'ya.Walang oras na hindi naging sweet ang kasintahan sa kan'ya. Wala na s'yang mahihiling pa, she has everything. Gabrielle itself is his everything.Sinabi na nito ang lahat ng tungkol dito, kabilang na ang uri ng trabaho na meron ito. Nagulat s'ya noong una ngunit sa huli naintindihan n'ya rin at tinanggap ng buo sa puso.Mas lalo pa s'yang nagulat ng sabihin sa kan'ya ni Gabrielle na ang kan'yang bestfriend na si Michelle ay may katulad ding trabaho sa binata.Kaya pala ito palaging wala at palaging mestiryoso dahil isa pala itong assassin. Ikwenento din ng lalaki ang nangyari sa kan'yang pamilya and she felt sorry for what she did to her parents especially to her dad, na wala naman palang intensyon na itakwil s'ya.Pero kahit ganon, nagpapasalamat pa rin s'ya na naglayas s'ya sa kanila dahil marami s'yang natutunan sa buhay at naging matagumpay.Nakatapos n
GLORYBELLE SCARLETT..."Thank you for standing here with me today as we create the ultimate team for life. I promise to be by your side and always love who you are, as well as the person you will grow to be," panimula ng kan'yang vows para sa asawa."I will be there for you when you need me, whenever you need me, and I will support you through misfortune, and celebrate your triumphs. I can’t wait to start this new and exciting adventure with the person I love most in the world," dagdag n'ya at puno ng pagmamahal na tiningnan si Gabrielle."I am so happy to be able to tell you – I do, I will, and I always will.Whatever I have is mine and whatever is yours is mine too.." dagdag n'ya pa na ikinatawa ng lahat ng mga bisita."I love you beyond anything else Esteban Gabrielle Lancaster, my dear husband."Masaya..! Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman n'ya ngayon. Hindi n'ya ito inaasahan. Kaya pala palaging wala ang asawa lately.Busy pala ito sa pag-aasikaso sa kanilang kasal. Mas l
GLORYBELLE SCARLETT...Isang linggo ng panay ang alis ng asawa. Malapit nang humulagpos ang kan'yang pasensya kay Gabrielle.Palagi na lang itong wala at hindi n'ya alam kung saan nagsusuong ang magaling n'yang asawa. Kapag tinatanong n'ya naman ito, ang palaging sagot lamang nito ay may trabaho na importanti at kailangang tapusin.But she doubt it kung sa trabaho ba talaga ang punta ng asawa n'ya. Katulad na lang ngayon na hindi na naman nila mahagilap ang magaling n'yang asawa.Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay nawala na naman ito at hindi na nakabalik hanggang ngayon.Malapit n'ya na talagang makalbo itong si Gabrielle. Parang araw-araw na lang ay sinusubukan nito ang kan'yang pasensya."Mommy bakit may ganyan sa gilid ng dagat? Parang may ikakasal, ang ganda ng decorations," tanong ni Bree na katulad n'ya ay nakadungaw din sa bintana at nakatingin sa dalampasigan na mayroong mga dekorasyon."Hindi ko din alam nak, baka may photo shoot o baka naman may movie shooting," sago
GLORYBELLE SCARLETT..."What the fvck are you doing there Gabrielle? Bakit sa bintana ka dumaan?" inis na singhal n'ya rito. Kinabahan pa naman s'ya ng husto ng makita na may taong gustong buksan ang sliding window ng kwarto nila."You give me eight hours only to be here at ilang minuto na lang matatapos na ang oras na ibinigay mo sa akin, what do you want me to do?" sagot nito sa kan'ya."Then bakit ka sa bintana dumaan? Wala bang pintoan? Pinakaba mo pa akong hayop ka!" inis na singhal n'ya sa asawa."Paano ako dadaan sa pintoan wife kung nilock mo pati sa loob?" nakataas ang kilay na tanong ng asawa sa kan'ya. Natahimik s'ya ng marinig ang sinabi nito. Oo nga naman, paano s'ya makakapasok kung nakalock pati sa loob ang pintoan nila."See? At kanina pa ako doorbell ng doorbell walang nagbubukas ng pinto," dagdag na reklamo pa ni Gabrielle."Eh sa naliligo ako, paano ko marinig ang pag doorbell mo!" taas kilay na sagot n'ya rito."Kaya nga! Kaya wala akong choice kundi sa bintana du
GLORYBELLE SCARLETT..."Mommy masarap ba?" nagulat s'ya ng marinig ang boses ni Bree. Nang silipin n'ya ito, nakita n'yang dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kan'ya."B-Bree...baby g-gising ka na? Totoo ba to? Gising ka na talaga?" naiiyak at parang tanga n'yang tanong sa anak."Gising na gising na mommy, nakita ko na nga na kiniss ka ni daddy eh. Masarap ba mommy?" nakangising tanong nito sa kan'ya. Ngunit imbes na matawa s'ya sa kalokohan nito ay napahagulhol pa s'ya ng iyak.Niyakap n'ya ang anak habang umiiyak. Naramdaman n'ya rin ang pagyakap ng isang kamay nito sa knya."I'm sorry baby, I'm sorry! Patawarin mo si mommy, I didn't mean what I say. Galit na galit lang ako sa daddy mo ng oras na iyon. I'm sorry!" umiiyak na paghingi n'ya ng tawad dito." I'm sorry too mommy. Nang dahil sa ginawa mo baka nag worried na naman si daddy. Baka magalit na yon sa akin," malungkot ma sabi nito. Sinapo n'ya ang mukha ni Bree at hinalikan ito sa noo."Hindi galit ang daddy, na
ESTEBAN GABRIELLE...Naging maayos-ayos na ang lagay ng mag-ina. Medyo napanatag ang loob n'ya matapos ang operasyon ni Bree.Ang akala n'ya na maging ok na ay panandalian lang pala. Nagkaroon ng problema sa operasyon nito pagkatapos ng isang linggo and the doctor advice to bring Bree to America para doon na ipagamot.Mas lalo pang naging magulo ang lahat ng si Lily naman ay sobrang nanghihina na rin at halos hindi na kaya ng katawan nito ang mabuhay. Hindi n'ya alam ang gagawin. Nahahati s'ya sa dalawa. Kung aalis s'ya, iiwan n'ya si Scarlett dito sa Pilipinas at natatakot s'ya na baka sa pagbalik n'ya wala na ang dalaga.Kaya isang desisyon ang nabuo sa kan'yang isip. Agad s'yang pumunta sa kaibigan n'yang judge. Kahit anong mangyari Scarlett is his at hinding-hindi n'ya hahayaan na mawala ito sa kan'ya.Aayusin n'ya lang ang lahat at sasabihin na dito ang tungkol kay Bree. Ipapagamot n'ya muna ang anak n'ya bago ipakilala kay Scarlett. Natatakot s'ya na baka hindi maintindihan ni
ESTEBAN GABRIELLE....PAST..!!Pabalik-balik s'ya ng Cebu para kay Scarlett. Maraming nakaabang na misyon sa kan'ya, ngunit hindi n'ya nakaligtaan ang bumiyahe papuntang Cebu at sumaglit para lang makita ang dalaga.She's doing well and he is a proud fiancee para sa mga achievements ni Scarlett sa buhay. Masaya s'ya na may mabuting naibunga ang katigasan ng ulo nito. Parang normal na lang na routine para sa kan'ya ang makipagbakbakan sa laban at pagkatapos ay uuwi sa Cebu para naman sa babaeng minamahal.Hindi pa rin s'ya nagpapakita rito at nakuntento na lang na pagmasdan ito mula sa malayo. Nakatapos na ito ng nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa hospital na pag-aari ng kaibigan na si Elijah Light Socrates.Katunayan isa din s'ya sa mga investors sa hospital nito kaya madali para sa kan'ya ang papasukin si Scarlett. Walang kaalam-alam ang dalaga na s'ya ang nasa likod sa mabilis na pagkatanggap nito bilang nurse sa hospital ni Socrates.Bumili din s'ya ng bahay sa Cebu para hind
GLORYBELLE SCARLETT...."Bree!""Sabrina!" halos panabay na sigaw nilang dalawa ni Gabrielle sabay takbo palabas para sundan ang bata ngunit huli na ang lahat.Nakita na lang nila si Bree na nakahiga at duguan sa ilalim ng garbage truck na s'yang sinakyan din yata nito noong tumakas ito sa center."Sabrinaaa..!" malakas na sigaw ni Gabrielle sa pangalan ng anak sabay takbo patungo sa truck. Sumuong ito sa ilalim at pilit na kinukuha ang anak.Nagsitakbohan ang mga tao at tumulong para makuha si Bree sa ilalim. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Parang namanhid ang buong katawan n'ya habang nakatingin sa bata na naliligo sa sariling dugo.Maya-maya pa ay may ambulansyang dumating at tamang-tama naman na nakuha na ni Gabrielle si Bree sa ilalim ng truck. Agad na isinakay ito sa ambulansya para dalhin sa hospital.Doon lang s'ya nahimasmasan ng makitang ipinasok na ito sa naturang sasakyan. Agad s'yang tumakbo palapit dito at sumampa. "Bree!" umiiyak na tawag n'ya sa
GLORYBELLE SCARLETT..."G-Gabrielle...!!" nauutal na bigkas n'ya sa pangalan ng dating asawa na nakatayo sa harapan n'ya at katulad n'ya ay nakitaan din ng pagkagulat sa mukha.Pareho ba silang hindi inaasahan ang pagkikita nilang ito o niloloko lang s'ya ng lalaki."B-Baby..., I mean Scarlett!" natatarantang sambit nito sa kan'yang pangalan. Mapakla s'yang ngumiti rito at pilit na pinipigilan ang mga luha, ngunit ang traidor n'yang mga mata at puso ay hindi nakiayon sa kan'ya.Nanubig ito at pilit n'yang dinidilat para lang hindi bumagsak ang mga luha n'ya."Daddy ako ba yong tinawag mong baby?" singit na tanong ni Bree kay Gabrielle. Daddy din ang tawag nito kay Lorenzo at daddy din kay Gabrielle. Sino ba talaga sa dalawa ang ama ni Bree."Ahmmm! Yes baby ikaw yon! Hindi bang sinabi ko na sayo na huwag kang lalabas ng bahay na mag-isa at mas lalong huwag kang umalis ng bahay na hindi nagpapaalam?" sita nito sa bata. "Eh kasi daddy natakot lang naman ako ng may dugo ang shirt mo, ka
GLORYBELLE SCARLETT...Tatlong araw nang hindi n'ya nakikita si Bree at sa loob ng tatlong araw na iyon ay para s'yang pagod na pagod. Wala s'yang ganang kumilos at palagi na lang s'ya nakatambay sa balkonahe ng kan'yang bahay para abangan ang pagdating ng bata.Gustohin n'ya mang puntahan ito sa bahay nila ngunit nahihiya s'ya at nag-aalala na baka nand'yan ang nanay nito at kung ano pa ang iisipin sa kan'ya.Araw-araw din s'yang nagluluto at nagbi bake ng cookies at mga sweets dahil sa pagbabasakali na bibisitahin s'ya ni Bree.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit simula nang makita n'ya ang bata at nakasama ay parang may malaking parte na ng buhay n'ya ang pinunan nito.Bree has a big part in her heart kahit ngayon lamang sila nagkakilala. Hindi na s'ya mapakali na hindi nasisilayan ang magandang mukha nito.Pumasok s'ya sa loob ng bahay ng magdidilim na at wala pa ring Bree na nagpakita sa kan'ya. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at malalim na nag-iisip.Tatlong araw na s'y