Maaga silang nagising dahil naka received sila ng tawag mula sa Black Wagon kagabi pagkauwi nila sa condo.
The supremo asked them to report immediately to the main headquarters.Pagkatapos maligo at magbihis lumabas na s'ya ng kwarto at naabotan ang kaibigan na naghahanda ng almusal."Yoooo bro!" bati n'ya dito."Kumain muna tayo bago umalis," aya sa kan'ya ni Duncan.Umupo naman s'ya at nagsandok ng makakain."Ano sa palagay mo ang rason bakit tayo pinatawag?" tanong nito.Kibit-balikat lamang s'yang sumagot dito at inabot ang tasa ng kape."I have no idea, pero isa lang naman ang rason kung bakit tayo pinapatawag," seryosong sagot n'ya dito."Kung sabagay, misyon na naman to," si Duncan sa kan'ya."What's new? Ganon naman palagi ang nahihita natin kapag pinapatawag tayo," kibit-balikat na sagot n'ya sa kaibigan."Pero nag eenjoy ka naman," buska ni Duncan sa kan'ya."And so are you?" taas kilay na sikmat n'ya sa kaibigan na pinakitaan lang s'ya ng gitnang daliri.Nagpatuloy sila sa pagkain at nang matapos gumayak na sila para paalis ng Madrid.Umakyat sila sa rooftop ng naturang building kung saan naka park ang sarili n'yang helicopter."Who will be the pilot of the day?" tanong ni Duncan sa kan'ya."Gago tayong dalawa lang naman ang nandito, syempre tayong dalawa," sikmat n'ya sa kaibigan na tinawanan lamang nito."Kahit kailan pikon ka talaga bro!" buska pa nito sa kan'ya na sinamaan n'ya lamang ng tingin bilang ganti."Hindi ako pikon, maikli lang talaga ang pasensya ko, kaya umayos ka kung ayaw mong masipa sa puwet," banta n'ya dito.Mabilis naman itong tumakbo papasok sa chopper at pumwesto agad sa co-pilot seat.Napailing na lamang s'ya sa katarantaduhan ng kaibigan. Parang si Red din ito na isip bata minsan.Nagsimula na s'yang kalikutin ang naturang sasakyan at ng maayos na, umalis na agad sila sa naturang lugar.They are heading to Italy kung nasaan ang main headquarters ng naturang ahensya kung saan sila nagtatrabahong dalawa.Matapos ang ilang oras sa himapapawid nakikita na nila ang malawak na helipad ng naturang headquarters na may naka ukit na letter B and W sa gitna.It can accommodate atleast 10 choppers at a time, ganon ito kalaki at kalapad.Nag landing na sila sa naturang helipad ng Black Wagon headquarters at nag kan'ya- kan'ya ng baba sa chopper.Dumeritso agad sila sa basement kung nasaan ang conference room ng mga assassins."Hey mga pangit!" bungad ni Flami ng makapasok sila."Look who's talking? Naturingang Flamingo pero neon green ang kulay," buska ni Duncan dito."Hoy Coddy!" sikmat nito ky Duncan. Coddy ang codename ni Duncan sa Black Wagon.Lahat sila dito ay nag train simula mga bata pa lang at para na silang magkakapatid sa lugar na ito."Panther!" tawag ni Cheetah sa kan'ya. Tinangoan n'ya lamang ito at naupo sa tabi ni Orion na tahimik na naglalaro sa kan'yang cellphone."You're all here?" boses ni Black Sparrow na s'yang kapapasok lang sa loob ng conference room."Yes!" panabay na sagot nilang lahat. Sila ang mga piling assassin na s'yang pinagkakatiwalaan ng Black Wagon sa mga malalaking mission."Black Sparrow is Tobias mother, and Tobias doesn't know about the real job of his mom.S'ya din ang naging mata ni Black Sparrow para kay Tobias."Papunta na dito si Supremo," si Black Sparrow sa kanila."This must be a big and important mission mama. Hindi pupunta si supremo dito kung alam n'yang kaya lang natin," sabat ni Chetaah sa usapan.Mama ang tawag nito ky Black Sparrow. Ito ang naging pangalawang ina nilang lahat at lahat sila mataas ang respeto sa babae.Isa ito sa pinaka magaling na assasin sa buong mundo.'Yes it is!" maikling sagot nito at tiningnan s'ya na parang may ipinapahiwatig sa kan'ya.Magtatanong pa sana s'ya ngunit bumukas ang pintoan at pumasok ang isang lalaki na nasa late fifties na ngunit matikas pa rin ang pangangatawan."Good day supremo," panabay na bati nila sa pinaka bigboss ng kanilang ahensya."How's everyone?" tanong nito."All good!" si Flamingo."Ang tingkad ng kulay ng damit mo Flami. Isn't it Flamingo suppose to be pink?" nakangiwing tanong ni supremo. Nginiwian lamang ito ni Flami at nangalumbaba sa mahabang mesa."Ok let's start!" agaw atensyon ni Black Sparrow sa kanila."In a while, hihintayin muna natin ang bisita," pagbibigay alam ni supremo na ikinakunot ng mga noo nila."May bisita?" gulat na tanong ni Phoenix."Yup! One of the most important person in this mission," sagot ni supremo dito. Napatango lamang silang lahat at nanahimik sa kinauupoan at naghintay ng taong sinasabi ni supremo."Hindi naman nagtagal at pumasok ang naturang tao at nagulat s'ya ng makilala ito."Fvck!" mahinang mura n'ya."Welcome to Black Wagon Assasin's Club Agent Claws, " masayang bati ni supremo dito.He knows the man, hinding hindi n'ya makakalimutan ang mukha nito.Ano ang ginagawa ng taong ito dito? Mga tanong na ang hirap sagutin dahil alam n'yang walang may magsasabi sa kan'ya ng dahilan, it's an assassin's rules.Naupo ang lalaki sa katapat n'ya. Sumulyap muna ito sa kan'ya at bahagya s'yang nginisihan bago itinutok ang mga mata sa projector na nasa harapan."Good day agents, welcome to Black Wagon. Today we will discuss a case, not just an ordinary case but a very big one," panimula ni Black Sparrow na s'yang nakatokang mag explain sa kanila."There's a big syndicate operating in Europe, America, and Asia, it involves cars, money ang killings offcourse," si Black Sparrow."They organise a big race and the target are those from royalties, billionaires, prime minister's son and other influential people in the world," segunda ni supremo. Mataman lamang silang nakikinig sa mga ito."They offer a very big amount as a prize plus the most expensive racing car in the universe. On top of that makakasama ka din sa mga top racers sa buong mundo at makikilala ang pangalan mo," si Black Sparrow.Inagaw naman ni supremo ang pagsasalita para ipagpatuloy ang naturang topic."But behind those offers is a wicked plan of the owner of the event. Isang pakulo ng isang malaking sindikato na hanggang ngayon hindi pa rin matimbog dahil sa mga malalaking taong pumuprotekta sa mga ito," si supremo."Anong wicked plan Supremo?" basag ni Flamingo sa pananahimik nila."Its a Death Race, the race we're hold in the race track first, at papunta ang rota nito sa isang tunnel kung saan doon nila gagawin ang pagpatay sa mga racers na makakalampas sa mga obstacles and trap sa racing track sa labas.""So bakit nila gagawin yon? Ano ang mapapala nila kapag pinatay nila ang racers?" si Phoenix."In order to join in the said race, the participants should pay a few million dollar bucks as a registration fee for the said event," paliwanag ni Black Sparrow."They will collect the money first and then they will kill the racers at ipalabas na aksidente ang lahat para walang mananalo sa nasabing race at walang price na maipapalabas," si supremo."Does the game don't have an insurance? I mean the drivers, event like this should have right Panther?" tanong ni Phoenix sabay lingon sa kan'ya."Yeah!" maikling sagot n'ya."They don't have this, nasa racers na ang desisyon kung kukuha s'ya ng insurance o hindi." sabat ni Black Sparrow."So how can we stop this bullshits syndicate?" agaw eksena ng isang tao na nasa harapan n'ya."One of you will join the race," seryosong sagot ni Supremo."What?" gulat na tanong ni Duncan."Yes Agent Cobby! Isa sa inyo ang papasok at makipag karera sa mga iyon. We will worked together para mapigilan ang sindikatong ito sa gagawin nilang pagpatay sa mga racers," sagot ni Black Sparrow sa kaibigan."Then its pretty obvious naman kung sino ang gusto n'yong ilaban sa mga iyon," nakairap na sabi ni Flami."That's right! Panther will join the race," matigas na sagot ni supremo."No!" malakas na sigaw ni Duncan sabay tayo at hampas sa mesa na ikinagulat nilang lahat pati na ang mga superior nila."He is not going to join the race supremo, spare my brother's life. Alam mo kung gaano ka delikado ang papasukin ni Panther, at walang kasiguraduhan kung makakabalik pa s'ya ng buhay," igting ang mga pangang sabi ni Duncan sa supremo nila."Then what do you want me to do Agent Cobby?" matigas na tanong ni Supremo dito."Maraming paraan supremo, hindi solusyon agad na ipasok n'yo si Panther sa loob ng race na gaganapin. I won't allow you to do that!" galit na sagot ng kaibigan sa supremo nila."Are you disobeying my order Agent Cobby?" dumadagundong ang boses ni supremo sa loob ng conference room. Tahimik lamang ang lahat na nakamasid at nakikinig sa dalawa.Hindi n'ya alam kung bakit ganon ang naging reaction ng kaibigan sa misyong ibinigay sa kan'ya.May alam ba ito sa mga nangyayari o ayaw lang nitong sasabak s'ya sa naturang race dahil delikado."I will supremo, kahit pa buhay ko ang kapalit, hindi kita hahayaan na isabak mo si Panther sa larong iyon." giit ng kaibigan kay supremo."Are you sure about that?" malamig na tanong ni supremo sa kaibigan."Yes, I am! Panther is all I have, he helps me a lot, he let me live in this fvcking world until today, at hindi kita hahayaan na ilagay mo s'ya sa panganib. Even if you kill me, I will fight you for my brother!" galit na sagot ni Duncan sa kanilang supremo."That's enough bro," awat n'ya dito."No! You are not going to accept this mission Zach, not in my watch!" matigas na sagot nito sabay tayo at padabog na umalis ng conference room."What is his problem?" si Flami na hindi na nakatiis sa pananahimik."How do I know?" sagot naman ni Phoenix."He has something behind, I can feel it," si supremo na nakatingin sa pintoan na nilabasan ni Duncan.Everyone is busy studying the blueprint of the racing circuit na gaganapan ng race.Seryoso si supremo sa iniutos nito sa kanila at ngayon lahat sila nakatutok sa pag aaral sa gagawin na pagpapabagsak sa sindikatong mission nila.Maliban na lamang ky Duncan na hindi sumama at masama pa rin ang loob dahil sa pagtanggap n'ya sa naturang mission.Hindi n'ya maintindihan ang kaibigan kung bakit ganon na lang ang pagtutol at reaction nito ng malaman na s'ya ang sasabak sa naturang race."Medyo risky ang naturang track, marami silang nilagay na mga trap na hindi mapapansin ng mga drivers," si Orion na s'ya ngayon ang nasa harap ng computer para masuri ang kabuoan ng racing circuit na pagdadaosan ng naturang karera."Masahol talaga ang ugali ng tao kapag pera na ang pinag uusapan," sabat ni Phoenix."And guess what? According sa information na nakalap ko isang babae ang bigboss ng naturang sindikato," sabat ni Flamingo sa usapan."Babae? Wow! That tough? Kaya n'yang e handle ang ganito kalak
PAULYN'S POV"Nay aalis na po ako," pasigaw na paalam n'ya sa ina. "Sige anak, mag ingat ka," sagot ng nanay n'ya na nasa kusina."Opo nay! Salamat.""Huwag mong kalimutan ang baon mo," anang ina n'ya."Nandito na po nay, salamat ulit!" sagot n'ya sabay kuha ng bag na nasa sofa at sinukbit sa kan'yang balikat."Baby Josh aalis na si mama Pau," paalam n'ya sa bata na nagbabasa ng libro sa isang sulok."Bye!Bye! Mama Pau, take care po," malambing na sabi nito sa kan'ya."Wala bang kiss si Mama Pau Josh?" lambing n'ya sa bata.Mabilis naman itong tumayo at tumakbo sa kinaroroonan n'ya."Syempre meron," nakangising sabi nito sabay hatak sa kan'ya para magpantay ang mukha nila at humalik sa magkabilang pisngi n'ya."Ang sarap naman, kaya mahal na mahal kita eh," gigil na sabi n'ya dito sabay pisil sa pisngi ng napaka gwapong batang lalaki."Syempre naman po, masarap po talaga ako," hagikgik na sagot nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya din."Ikaw Joshua kung ano-ano ang natutunan mo sa kapapa
Ilang araw ng busy si Zachary, narito s'ya ngayon sa Pilipinas para sa isang mission.Kailangan nilang bantayan ang Vitorri heir dahil nanganganib ang buhay nito. Kasama na din sa binabantayan n'ya si Cheetah na may banta din ang buhay.Naninibago s'ya sa paglabas na walang kahit na anong takip ang kan'yang mukha.Ilang taon n'ya bang itinago ang sarili? Four years? Five years? Maraming taon s'yang namuhay sa kadiliman. Matapos ang aksidente na nangyari sa matalik na kaibigan at malamang patay na ito, na inakala ng lahat na s'ya ang nasa loob ng sasakyan, dahil sa prosthetic mask na suot itinago n'ya na din ang sarili para sa paghihiganti.Pinanindigan n'ya ang balita na patay na s'ya para madali sa kan'ya ang pagtugis sa mga taong sangkot sa pagkamatay ni Duncan.Nagtagumpay naman s'yang singilin sila at ngayon isa na lang ang natira.Pero hahayaan n'ya muna itong e enjoy ang buhay bago singilin at patayin.Uunahin n'ya muna ang misyon at pagkatapos ng trabaho n'ya dito, sisingilin
Pinuntahan n'ya si Paulyn sa opisina nito. Napag alaman n'yang sekretarya pala ito ni Tobias.Ayaw pa sana s'ya pasukin ng receptionist dahil wala naman s'yang appointment, ngunit sinabi n'yang asawa s'ya ni Paulyn at kaibigan n'ya si Tobias.Kung kaya s'ya pinahinutulutan na makaakyat sa CEO's office kung nasaan ang babae.Naabutan n'ya itong may hinahanap sa bag at may idea na s'ya kung ano ang hinahanap nito."Are you looking for this?" mabining tanong n'ya sa dalaga. Kita ang gulat nito ng makita s'ya.Lihim s'yang napangiti dahil sa kainosentihan ng mukha ng dalaga, yet alam n'yang may fiesty side ito.Nag-usap pa sila at nag desisyon s'yang ayain na itong mag lunch. Ayaw pa sana ng dalaga pero wala din itong nagawa sa huli kundi ang sumama sa kan'ya.Ang ganitong pakiramdam ay hindi nararamdaman ni Zachary sa dati sa kahit sino.Never pa s'yang nakaramdam ng ganito sa isang babae. Kahit na sa mga kasamahan n'yang babae, na hindi maipagkakaila na mga magaganda din kung sa pag
Mahigit isang oras ang kan'yang byahe bago nakarating sa kumpanya ni Tobias. Tamang tama ang dating n'ya, mag aalas singko na ng hapon at uwian na ng mga empleyado.Nag park s'ya sa harapan ng naturang building at doon ng nagpasyang hintayin si Paulyn.Alam n'yang naasiwa ito kapag pinagtitinginan ng mga tao na magkasama silang dalawa.Lumabas s'ya ng kotse para makalanghap ng hangin.Umupo s'ya sa hood ng sasakyan at hinintay ang paglabas ng mga empleyado."Pogi bibili ka ba?" agaw pansin ng isang babaeng kulay asul ang mga mata.Napakanda ng mga mata nito at napakaganda din ng mukha. Naaliw s'ya sa suot nitong headband na parang tainga ng pusa."May hinihintay lang ako dito," magalang na sagot n'ya. Lumapit pa ito sa kan'ya na may bitbit na maliit na disposable box at may kung anong laman sa loob."Ito free taste, kapag nagustohan mo pwede kang mag order sa akin. Malinis ang pagka gawa n'yan," sabi nito sabay abot sa kan'ya ng isang pagkain na nakabalot sa plastic mula sa box.Kul
Matapos n'yang putulin ang halik na pinagsaluhan nila ng dalaga, dali-dali nitong binuksan ang pintoan ng kotse at mabilis na lumabas.Hindi man lang ito lumingon sa kan'ya. S'ya ang kusang pumutol ng halikan nila dahil kapag hindi n'ya ginawa baka maangkin n'ya ang dalaga sa mismong kotse n'ya na naka park sa harapan lang mismo ng bahay nila ni Paulyn.He can feel his bulge inside his pants. Bumuga s'ya marahas at pilit na pinapakalma ang sarili.Hindi n'ya maintindihan kung bakit ang bilis n'yang uminit kahit sa simpleng pagtama lamang ng mga mata nila ni Paulyn.Ganito na ba s'ya ka horny para sa babae na kakakilala n'ya pa lang."Fvck you Zachary!" inis na mura n'ya sa sarili.Nilingon n'ya ang bahay ng babae at sinigurong nakapasok na ito bago pinaandar ang kotse at pinaharurot palayo.Nahulog s'ya sa malalim na pag iisip at pilit na kinakapa ang damdaming unti-unting umuusbong para kay Paulyn. Hindi bago sa kan'ya ang ganitong pakiramdam. He was once fall in love with a girl, b
Sumunod na silang pumasok sa loob ng bahay habang karga-karga n'ya si Joshua. Tuwang-tuwa naman itong nakikipaglaro sa kan'ya habang papasok sila para sumunod sa ina ni Paulyn.Simply ngunit maaliwalas at malinis na bahay ang bumungad sa kan'ya.Maliit lamang ito kumpara sa mga property n'ya pero napaka homey sa pakiramdam at napakagaan sa loob.Halatang mga mabubuting tao ang nakatira dahil sa ambience ng paligid. Inimbeta s'ya ng nanay ni Paulyn na umupo muna sa sofa na nasa sala at maghahain muna ito sa kusina.Nag presentar s'yang tumulong, ngunit tumanggi ito at sinabing tatawagan na lamang sila kapag kakain na.Nakikipaglaro na lang s'ya kay Joshua na ngayon nakakandong sa kan'ya at madaldal na nagsasalita."Papa Zach do you have kids na din po ba?" inosenteng tanong nito."Wala pang mga kids si papa Zach. Gusto mo ikaw na lang muna ang baby ko?" tanong n'ya rito. Kumislap naman ang mga mata nito sa tuwa. Napapalakpak pa ito dahil sa tinuran n'ya."Pero baby number two ka l
Sinaway n'ya ang sarili sa mga naiisip. Kumaway sila sa mag lola, bago n'ya pinagbuksan ng pinto si Paulyn.Tipid naman itong nagpasalamat sa kan'ya ng makapasok."Papa Zach bye— bye po. Ingat po kayo!" sigaw ni Josh sa kanila habang nakahawak sa kamay ng nanay ni Paulyn."Bye buddy! See you! Aalis na kami nay!" paalam n'ya sa dalawa."Mag ingat kayo mga anak!" sagot ng matanda. Ang sarap pala sa pakiramdam na may ganitong pamilya.Masaya din naman ang kinalakihan n'yang pamilya, ngunit hindi n'ya naranasan ang ganito na inihatid ng ina sa sasakyan.Simula ng may mangyari sa bakasyon nila dati sa Pilipinas, naging malukongtin na ang kan'yang ina. Bumalik lamang ang sigla nito ng inampon nila si Duncan.Ngunit kahit minsan hindi nila naranasan ang ipagluto ng ina nila, dahil palagi itong busy sa mga negosyo katulad din ng kan'yang ama na isang hari sa kanilang lugar.Tanging mga taga silbi lamang ang kasa-kasama nila palagi sa palasyo at s'yang nag aalaga sa kanila hanggang sa nagbibi
GLORYBELLE SCARLETT..."Thank you for standing here with me today as we create the ultimate team for life. I promise to be by your side and always love who you are, as well as the person you will grow to be," panimula ng kan'yang vows para sa asawa."I will be there for you when you need me, whenever you need me, and I will support you through misfortune, and celebrate your triumphs. I can’t wait to start this new and exciting adventure with the person I love most in the world," dagdag n'ya at puno ng pagmamahal na tiningnan si Gabrielle."I am so happy to be able to tell you – I do, I will, and I always will.Whatever I have is mine and whatever is yours is mine too.." dagdag n'ya pa na ikinatawa ng lahat ng mga bisita."I love you beyond anything else Esteban Gabrielle Lancaster, my dear husband."Masaya..! Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman n'ya ngayon. Hindi n'ya ito inaasahan. Kaya pala palaging wala ang asawa lately.Busy pala ito sa pag-aasikaso sa kanilang kasal. Mas l
GLORYBELLE SCARLETT...Isang linggo ng panay ang alis ng asawa. Malapit nang humulagpos ang kan'yang pasensya kay Gabrielle.Palagi na lang itong wala at hindi n'ya alam kung saan nagsusuong ang magaling n'yang asawa. Kapag tinatanong n'ya naman ito, ang palaging sagot lamang nito ay may trabaho na importanti at kailangang tapusin.But she doubt it kung sa trabaho ba talaga ang punta ng asawa n'ya. Katulad na lang ngayon na hindi na naman nila mahagilap ang magaling n'yang asawa.Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay nawala na naman ito at hindi na nakabalik hanggang ngayon.Malapit n'ya na talagang makalbo itong si Gabrielle. Parang araw-araw na lang ay sinusubukan nito ang kan'yang pasensya."Mommy bakit may ganyan sa gilid ng dagat? Parang may ikakasal, ang ganda ng decorations," tanong ni Bree na katulad n'ya ay nakadungaw din sa bintana at nakatingin sa dalampasigan na mayroong mga dekorasyon."Hindi ko din alam nak, baka may photo shoot o baka naman may movie shooting," sago
GLORYBELLE SCARLETT..."What the fvck are you doing there Gabrielle? Bakit sa bintana ka dumaan?" inis na singhal n'ya rito. Kinabahan pa naman s'ya ng husto ng makita na may taong gustong buksan ang sliding window ng kwarto nila."You give me eight hours only to be here at ilang minuto na lang matatapos na ang oras na ibinigay mo sa akin, what do you want me to do?" sagot nito sa kan'ya."Then bakit ka sa bintana dumaan? Wala bang pintoan? Pinakaba mo pa akong hayop ka!" inis na singhal n'ya sa asawa."Paano ako dadaan sa pintoan wife kung nilock mo pati sa loob?" nakataas ang kilay na tanong ng asawa sa kan'ya. Natahimik s'ya ng marinig ang sinabi nito. Oo nga naman, paano s'ya makakapasok kung nakalock pati sa loob ang pintoan nila."See? At kanina pa ako doorbell ng doorbell walang nagbubukas ng pinto," dagdag na reklamo pa ni Gabrielle."Eh sa naliligo ako, paano ko marinig ang pag doorbell mo!" taas kilay na sagot n'ya rito."Kaya nga! Kaya wala akong choice kundi sa bintana du
GLORYBELLE SCARLETT..."Mommy masarap ba?" nagulat s'ya ng marinig ang boses ni Bree. Nang silipin n'ya ito, nakita n'yang dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kan'ya."B-Bree...baby g-gising ka na? Totoo ba to? Gising ka na talaga?" naiiyak at parang tanga n'yang tanong sa anak."Gising na gising na mommy, nakita ko na nga na kiniss ka ni daddy eh. Masarap ba mommy?" nakangising tanong nito sa kan'ya. Ngunit imbes na matawa s'ya sa kalokohan nito ay napahagulhol pa s'ya ng iyak.Niyakap n'ya ang anak habang umiiyak. Naramdaman n'ya rin ang pagyakap ng isang kamay nito sa knya."I'm sorry baby, I'm sorry! Patawarin mo si mommy, I didn't mean what I say. Galit na galit lang ako sa daddy mo ng oras na iyon. I'm sorry!" umiiyak na paghingi n'ya ng tawad dito." I'm sorry too mommy. Nang dahil sa ginawa mo baka nag worried na naman si daddy. Baka magalit na yon sa akin," malungkot ma sabi nito. Sinapo n'ya ang mukha ni Bree at hinalikan ito sa noo."Hindi galit ang daddy, na
ESTEBAN GABRIELLE...Naging maayos-ayos na ang lagay ng mag-ina. Medyo napanatag ang loob n'ya matapos ang operasyon ni Bree.Ang akala n'ya na maging ok na ay panandalian lang pala. Nagkaroon ng problema sa operasyon nito pagkatapos ng isang linggo and the doctor advice to bring Bree to America para doon na ipagamot.Mas lalo pang naging magulo ang lahat ng si Lily naman ay sobrang nanghihina na rin at halos hindi na kaya ng katawan nito ang mabuhay. Hindi n'ya alam ang gagawin. Nahahati s'ya sa dalawa. Kung aalis s'ya, iiwan n'ya si Scarlett dito sa Pilipinas at natatakot s'ya na baka sa pagbalik n'ya wala na ang dalaga.Kaya isang desisyon ang nabuo sa kan'yang isip. Agad s'yang pumunta sa kaibigan n'yang judge. Kahit anong mangyari Scarlett is his at hinding-hindi n'ya hahayaan na mawala ito sa kan'ya.Aayusin n'ya lang ang lahat at sasabihin na dito ang tungkol kay Bree. Ipapagamot n'ya muna ang anak n'ya bago ipakilala kay Scarlett. Natatakot s'ya na baka hindi maintindihan ni
ESTEBAN GABRIELLE....PAST..!!Pabalik-balik s'ya ng Cebu para kay Scarlett. Maraming nakaabang na misyon sa kan'ya, ngunit hindi n'ya nakaligtaan ang bumiyahe papuntang Cebu at sumaglit para lang makita ang dalaga.She's doing well and he is a proud fiancee para sa mga achievements ni Scarlett sa buhay. Masaya s'ya na may mabuting naibunga ang katigasan ng ulo nito. Parang normal na lang na routine para sa kan'ya ang makipagbakbakan sa laban at pagkatapos ay uuwi sa Cebu para naman sa babaeng minamahal.Hindi pa rin s'ya nagpapakita rito at nakuntento na lang na pagmasdan ito mula sa malayo. Nakatapos na ito ng nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa hospital na pag-aari ng kaibigan na si Elijah Light Socrates.Katunayan isa din s'ya sa mga investors sa hospital nito kaya madali para sa kan'ya ang papasukin si Scarlett. Walang kaalam-alam ang dalaga na s'ya ang nasa likod sa mabilis na pagkatanggap nito bilang nurse sa hospital ni Socrates.Bumili din s'ya ng bahay sa Cebu para hind
GLORYBELLE SCARLETT...."Bree!""Sabrina!" halos panabay na sigaw nilang dalawa ni Gabrielle sabay takbo palabas para sundan ang bata ngunit huli na ang lahat.Nakita na lang nila si Bree na nakahiga at duguan sa ilalim ng garbage truck na s'yang sinakyan din yata nito noong tumakas ito sa center."Sabrinaaa..!" malakas na sigaw ni Gabrielle sa pangalan ng anak sabay takbo patungo sa truck. Sumuong ito sa ilalim at pilit na kinukuha ang anak.Nagsitakbohan ang mga tao at tumulong para makuha si Bree sa ilalim. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Parang namanhid ang buong katawan n'ya habang nakatingin sa bata na naliligo sa sariling dugo.Maya-maya pa ay may ambulansyang dumating at tamang-tama naman na nakuha na ni Gabrielle si Bree sa ilalim ng truck. Agad na isinakay ito sa ambulansya para dalhin sa hospital.Doon lang s'ya nahimasmasan ng makitang ipinasok na ito sa naturang sasakyan. Agad s'yang tumakbo palapit dito at sumampa. "Bree!" umiiyak na tawag n'ya sa
GLORYBELLE SCARLETT..."G-Gabrielle...!!" nauutal na bigkas n'ya sa pangalan ng dating asawa na nakatayo sa harapan n'ya at katulad n'ya ay nakitaan din ng pagkagulat sa mukha.Pareho ba silang hindi inaasahan ang pagkikita nilang ito o niloloko lang s'ya ng lalaki."B-Baby..., I mean Scarlett!" natatarantang sambit nito sa kan'yang pangalan. Mapakla s'yang ngumiti rito at pilit na pinipigilan ang mga luha, ngunit ang traidor n'yang mga mata at puso ay hindi nakiayon sa kan'ya.Nanubig ito at pilit n'yang dinidilat para lang hindi bumagsak ang mga luha n'ya."Daddy ako ba yong tinawag mong baby?" singit na tanong ni Bree kay Gabrielle. Daddy din ang tawag nito kay Lorenzo at daddy din kay Gabrielle. Sino ba talaga sa dalawa ang ama ni Bree."Ahmmm! Yes baby ikaw yon! Hindi bang sinabi ko na sayo na huwag kang lalabas ng bahay na mag-isa at mas lalong huwag kang umalis ng bahay na hindi nagpapaalam?" sita nito sa bata. "Eh kasi daddy natakot lang naman ako ng may dugo ang shirt mo, ka
GLORYBELLE SCARLETT...Tatlong araw nang hindi n'ya nakikita si Bree at sa loob ng tatlong araw na iyon ay para s'yang pagod na pagod. Wala s'yang ganang kumilos at palagi na lang s'ya nakatambay sa balkonahe ng kan'yang bahay para abangan ang pagdating ng bata.Gustohin n'ya mang puntahan ito sa bahay nila ngunit nahihiya s'ya at nag-aalala na baka nand'yan ang nanay nito at kung ano pa ang iisipin sa kan'ya.Araw-araw din s'yang nagluluto at nagbi bake ng cookies at mga sweets dahil sa pagbabasakali na bibisitahin s'ya ni Bree.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit simula nang makita n'ya ang bata at nakasama ay parang may malaking parte na ng buhay n'ya ang pinunan nito.Bree has a big part in her heart kahit ngayon lamang sila nagkakilala. Hindi na s'ya mapakali na hindi nasisilayan ang magandang mukha nito.Pumasok s'ya sa loob ng bahay ng magdidilim na at wala pa ring Bree na nagpakita sa kan'ya. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at malalim na nag-iisip.Tatlong araw na s'y