INIP NA INIP si Samarra habang nakaupo sa mahabang upuan ng audience racetrack bench ng Sydney Dragway.
Tumingin siya sa kaniyang relo.
It’s four o’clock in the afternoon. Halos lampas ng isang oras na niya hinihintay si Ezekiel pero ni anino nito ay hindi man lang niya nakita.
Napakagat labi si Samarra kapagkuwan kinuha niya ang cellphone sa bag para tawagan niya si Ezekiel.
Wait….
Biglang natigilan si Samarra at napaisip kung tatawagan ba niya si Ezekiel o maghihintay na lang siya rito kung kailan ito darating.
Oh, God! What should I do?
Should I dial his number?
Frustrated ang mukha ni Samarra habang nakatigtig sa cellphone na hawak niya.
What if she goes back home alone?
Bigla siyang napatayo sa naisip.
Kung uuwi siyang mag-isa ‘di kaya mapahamak ang kaniyang assistant na si Jameson sa magulang niya?
Wala sa bansa ang magulang niya dahil um-attend ang mga ito sa isang business conference na gaganapin sa Spain kaya hinabilinan ng Daddy Frost niya si Ezekiel na samahan muna siya sa mansyon nila habang wala ang mga ito. Ang magulang naman ni Ezekiel ay noong isang araw pa umuwi sa Pilipinas dahil may aasikasuhin din na mahalaga.
Kaya kung aalis siya ngayon?
Malamang sa malamang ay mapapahamak si Jameson dahil sa kaniya at ayaw niyang mangyari ‘yon sa assistant niya.
Nahahapong napaupo muli si Samarra dahil sa naisip. Ang kaniyang likuran ay isinandal niya sa backrest ng upuan kapagkuwan ay tumingala sa langit.
Napangiti siya nang mapait ng mapansin ang hugis ng ulap na tila mukha ni Ezekiel ang nakikita niya.
Buhat nang malaman niya na hindi si Ezekiel ang kaniyang mapapangasawa, may kung anong pinong kurot sa puso niya na hindi niya kayang pangalanan. She knows she has feelings for Ezekiel, whether she admits it or not.
Kung may kakayahahan lang siya na tumutol sa magulang niya, gagawin niya talaga. ‘Wag lang matuloy ang kasunduang kasal sa kapatid ni Ezekiel.
Sino ba kasing may gusto na mapunta sa sitwasyon niya? Na ‘yong gusto niyang lalaki magiging future brother-in-law niya pa. Ni sa hinagap ayaw niyang maging komplikado ang magiging sitwasyon niya kung sakaling magkaroon siya ng asawa.
Oh, God! How is she going to get out of this? She has never met the younger brother of Ezekiel, whom she will marry three years from now. She is unable to wed a man she doesn't genuinely love.
Kaya kung hihilingin ni Ezekiel na tumakas sila at magpakalayo-layo gagawin niya. Handa niyang iwanan ang maganda niyang buhay makasama lang ito. Pero papaano niya gagawin ‘yon kung wala naman sinasabi si Ezekiel kung gusto ba siya nito o hindi?
Alam niya nakatakda na rin ikasal si Ezekiel sa apo ng kaibigan ng lolo nito. Parehong-pareho ang kanilang magiging sitwasyon ni Ezekiel ang makasal sa taong hindi pa nila lubusan na kilala.
Mas madaling isipin kasi na kung si Ezekiel ang mapapangasawa niya. At least alam na niya ang ugali nito at kaya niya pang pakibagayan kahit na napaka-arogante at dominante ito.
Isang pang buntong-hininga ang ginawa niya at bagot na bagot inilibot ang tingin sa buong racetrack. Nakita niya ang kaniyang pinsan na si Luther na papasok sa loob ng racetrack.
Huminga siya nang malalim at isinandal muli ang likuran sa upuan. Nakatingala siya sa langit at nagmuni-muni. Kapag sumapit ng ala singko ng hapon at hindi pa dumating si Ezekiel. Kahit magalit ito sa kaniya ay uuwi na lang siya na mag-isa. Tutal nandito pa naman ang pinsan niya na puwedeng pagbilinan kung sakaling magkasalisi sila ni Ezekiel.
Ikinurap-kurap ni Samarra ang mga mata at nakakaramdam na rin niya ng antok. Ipinaling niya ang ulo sa magkabilang dulo ng inuupuan niya. May mangilan-ngilan na tao na nakaupo sa kahanay niyang upuan.
Ipipikit na sana ni Samarra ang kaniyang mga mata ng makarinig siya ng matinis na tilian at hagikgikan animo’y mga kinikilig. Nagtutulakan pa ang mga ito na parang may gustong puntahan. She thought that the group of girls the same age as her.
Ipinikit ni Samarra muli ang mga mata at hindi na niya gaanong binigyan pansin ang mga babae.
"OMG! Il était si chaud!” impit na tili ng isang babae sa grupo.
Napadilat muli siya ng mata at nilingon ang mga babae. Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang isang matangkad na babae na nakatayo na pulang-pula ang mukha at parang pigil na pigil ang kilig nito.
Kung sino man ang tinutukoy ng mga ito na hot malamang sobrang hot talaga 'yon, kasi parang sinisilihan ang puwet ng babae kung kiligin dahil may paghampas pa ito sa mga balikat ng kaibigan.
Agad na iginala niya ang mata sa buong paligid ng racetrack at sa gilid ng peripheral views niya nakita niya ang kaniyang pinsan na si Luther na kabababa lang ng sports car nito.
Napailing na lang si Samarra ng ulo at napangiti.
Wala naman kasing kupas ang kaguwapuhan ng pinsan niyang si Luther halos lahat ng kababaihan sa racetrack ay talagang inaabangan ang pinsan niya.
Kinuha ni Samarra ang towel bag niya at inilagay niya sa mukha. Itutuloy na lang niya ang naudlot na pag-idlip dahil sa tilian ng mga babae.
Ipinikit niyang muli ang mata.
“Je crois qu'il est asiatique, probablement philippin,” obserbasyon na wika ng isang babae.
Nanatili lang nakatakip ang mukha ni Samarra ng towel pero ang tainga niya ay nanatiling nakikinig sa mga babae. Kuryosidad man si Samarra ay pinigilan niya pa rin ang sarili na tingnan at alamin kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Alam niya na hindi ang pinsan niyang si Luther ang tinutukoy ng mga ito dahil ang pinsan niya ay walang bahid na Pinoy.
“OH MON DIEU! Il se dirigeait dans notre direction,” anang pa ng isa na may kaba sa boses nito.
Hindi na nakatiis si Samarra ay inis na inalis na niya ang towel na tumatabing sa mukha niya. Agad na sinundan ng mata niya ang itinuturo ng isa pang babae sa kasamahan nito. Sabay-sabay pa ang mga ito na naghagikgikan na animo’y kinikilig sa nakita.
Mula sa kinauupuan kitang-kita niya si Ezekiel sa ‘di kalayuan na naglalakad papalapit sa kinauupuan niya.
Napaayos siya bigla ng upo.
Ezekiel had a gorgeous, well-toned figure, shown by his white t-shirt. He was dressed in rugged jeans that fit him perfectly. He walks like a Greek God, making ladies turn their heads to him.
Awtomatik pa na napakunot ang noo niya ng makita niya ang isang babae na humarang sa dinadaanan ni Ezekiel. Sa tingin niya ay kasing edad lang ‘yon ng lalaki. Muntik pa na mapairap si Samarra ng natatawang hinaplos ng babae ang braso ni Ezekiel kapagkuwan ay inilapit nito ang mukha sa tainga ng lalaki.
Hindi na naalis-alis ang pagkakunot ng noo niya. Mula sa pagkakaupo ay mabilis siyang napatayo ng paraanan ng babae ang isang hintuturo sa dibdib ni Ezekiel habang kagat ang labi na tila inaakit nito ang lalaki.
Agad na umahon ang inis sa dibdib niya hindi sa babae kundi kay Ezekiel mismo dahil parang natutuwa pa ito sa babaing walang pakundangan na nagpapakita ng interest dito.
Men will always be men. Their weak point is a woman with large breasts wearing a little dress.
Napailing ng ulo si Samarra.
I hate you, Ezekiel!
“Whoa, la fille est si coquette; Je la déteste!” Gigil na wika ng isang babae na tumayo.
Napalingon si Samarra sa gilid niya.
Kita niya ang inis sa mukha ng babae dahil ang plano nitong salubungin si Ezekiel ay naudlot dahil sa babaing hitad. Tila katulad niya ay inis na inis din ito sa babaing panay ang dikit ng s**o kay Ezekiel.
Huminga nang malalim si Samarra at ipinikit nang mariin ang mata kapagkuwan ay pabagsak siyang naupo sa upuan. Isinandal niya ang likod sa backrest at kinuha niya ang towel para gawing pantakip sa mukha niya.
Today is the first time she has felt insecure and jealous of others. She was afraid of what might happen if Ezekiel was tempted.
Napanguso si Samarra at pumikit nang mariin habang pinapakalma ang sarili.
Come on, Samarra! Why are you so jealous and worried? You're marrying his youngest brother, not him! Galit na kastigo niya sa sarili.
Mabilis na napamulat ng mata si Samarra ng may humalik sa noo niya ang dalawang kamay niya ay agad niyang itinukod sa dibdib nito para magkaroon ng espasyo sa pagitan nila.
Nabungaran niya ang nangingiting mukha ni Ezekiel na tila masayang-masaya ito. Ang noo nito ay sadyang idikit sa noo niya na halos gahibla na lang ang pagitan ng mga bibig nila.
Oh, God! Impit na d***g niya.
Napalunok pa siya habang ang mata niya ay namimilog at hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
“What are you thinking?” Masuyong hinaplos pa nito ang pisngi niya na ikinapigil ng pagsinghap niya.
“Thinking of what?” takang tanong niya na nagpangiti lang dito na tila may nakakatawa sa sinabi niya.
Ang mukha nito ay lumipat sa tainga niya at binigyan ng masuyong halik na nagpatindig ng balahibo niya. Animo’y may milyong-milyon na boltahe ang nanunulay sa katawan niya. Ang puso niya ay tumibok nang mabilis na tila may sinalihan na fun run racing.
"How do you feel about me talking to random girls? You caught my attention earlier, those jealous eyes. Your lips parted, and you murmured something... Did you curse me?"
Naniningkit ang mata ni Samarra sa inis at pagkapahiya dahil literal na alam pala nito na nakatingin siya kanina sa gawi nito.
Pero s’yempre hindi niya aaminin ‘yon!
"Of course not! I'm not cursing you!" mabilis niyang tanggi sa paratang nito.
Napangisi ito.
“You're undoubtedly jealous, huh!” Hayun na naman ang mapanuksong tingin ni Ezekiel sa kaniya na tila confident ito sa mga sinasabi.
"Oh, please...Kiel. Stop being so arrogant! Maybe I was staring at you there, but I don't care if you want to flirt with that girl. Or even if you dated her!"
Pilit niyang itinutulak ang dibdib nito para mapalayo niya ito sa kaniya. Pero hindi nagpatinag si Ezekiel sa tulak niya bagkus ay hinawakan pa nito nang mahigpit ang dalawa niyang kamay at ibinaba ‘yon sa magkabilang gilid niya.
Tumawa nang mahina si Ezekiel kapagkuwan ay pinakawalan na nito ang mga kamay niya. Ang dalawang kamay nito ay isinuksok sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon.
Umiling-iling pa ito ng ulo habang ang mga mata nito ay hindi inaalis sa kaniya.
“Miel…Miel,” nangingiting bigkas nito sa pangalan niya. “No matter what you do, you are gorgeous,” dagdag na wika pa nito habang ang mata nito ay amused na nakatingin sa kaniya. Ang isang kilay nito ay nakataas na nagpadepina sa guwapo nitong mukha.
I'm dead!
Napalunok si Samarra.
"You are the only one I have waited so long for, so don't be jealous of the other women I talk to. I was in love with you when you were nine years old."
Kinurap-kurap ni Samarra ang mga mata kapagkuwan ay pumikit nang mariin. Hindi siya sigurado kung nakaringgan lang ba niya si Ezekiel o ano?
Literal na laglag ang panga ni Samarra sa narinig. Umuwang ang kaniyang labi at ilang beses pa niyang ikinurap-kurap ang mga mata. Pilit in-a-absorb sa isip niya kung tama ba ang narinig niya. Kumunot-noo siya habang nakatingin kay Ezekiel. Prank lang ba ito? O, baka naman panaginip lang ang lahat ng ito? Pasimple niyang kinurot ang gilid ng hita para malaman kung gising nga ba siya at totoo ang lahat ng nangyayari. Nang makaramdam ng sakit ay pigil na pigil niya ang sarili na kumibot ang labi niya. Para siyang maiiyak na hindi niya maintindihan. Did I hear it right? Isa pang pagdududang sulyap ang ginawa niya sa mga mata nito para arukin kung binibiro ba lamang siya nito o hindi. He loved me when I was nine years old? How did that happen? Have we met before? How did he say that? Napalunok si Samarra habang hindi niya inaalis ang mga mata kay Ezekiel na kaagad din sinalubong ng seryoso nitong mga mata ang sa kaniya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Nahihirapa
MAGHAHATING-GABI NA pero hindi pa rin dalawin ng antok si Samarra. Hindi niya maiwasan na isipin ang nangyari kanina. Para itong video clip na paulit-ulit na nagpi-play sa isip niya. Hindi niya alam na ganoon pala kasakit kapag tinanggihan ng isang lalaki. Naiiling si Samarra habang nakatigtig sa ceiling. Siya na si Samarra Miel O' Harra, is the princess of the O' Harra clan. Tapos tatanggihan lang ng isang Ezekiel Zeus Buenavista? Sino ba siya sa akala niya? Napanguso si Samarra ng sumagi ang mukha ni Ezekiel sa isip niya. Inis na napaupo siya sa kaniyang kama at isinandal ang likuran sa headboard. Nilagay niya ang kanang kamay habang pinakikiramdaman ang tibok ng puso niya.This is her first rejection. Ang masaklap ay kay Ezekiel niya pa iyon naranasan. Hindi naman sila magkarelasyon pero daig pa niya ang na-broken hearted sa sinabi nito.By his staring at her. The way he cared for her, the way he smiled at her. She is aware that Ezekiel has feelings for her.Pero bakit ganoon?
“WHAT? Paki ulit nga ‘yang sinasabi mo, Zach? Hindi ka ba nagbibiro?” natatawang hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan niyang si Primo Mendrez ng sadyain niya itong puntahan sa Mendrez Medical Hospital.Kasalukuyan silang nasa loob ng maliit nitong opisina kung saan ito nag-tutor sa mga lower batch sa ACAD na gusto niya rin subukan ngayon. Tutal ilang buwan na lang magsasara klase at may dalawang buwan silang bakasyon. Tamang-tama lang iyon sa isinasagawa niyang plano. Makakapag-ipon siya kung sakaling pumalpak ang naiisip niyang Plan A.Ang Plan A niya ay magpo-proposed kay Claudel at magpakasal sila kaagad bago sila bumalik galing sa bakasyon. Nang sa gayon ay wala ng magagawa ang magulang niya kung sakaling kasal na sila. Tanggapin man ng mga ito ang kasintahan niyang si Claudel o hindi ay kasal na sila. Ang mahalaga ay naunahan niya ang plano ng mga ito.Ang Plan B niya kung sakaling itakwil at i-cut ang lahat ng card at atm niya ay may pera pa rin siya na magagamit papuntang Ca
TWO YEARS AGO, nang magising si Samarra na nasa loob ng isang pribadong hospital sa America. Blangko ang isipan at hindi niya maramdaman ang mga paa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya at kung bakit siya na-comatose ng isang taon. Pero ayon sa nagpakilala niyang ama na si Frost O’ Harra. Naaksidente siya buhat sa pangangarera niya sa isang kompetisyon na sinalihan niya sa Amerika. Nawalan siya ng control at tuloy-tuloy na sumalpok ang minamaneho niyang kotse sa barrier. Habang ikinukuwento ang mga iyon sa kaniya ay may mga eksenang pumipitik sa isipan niya na malinaw nga na nasa loob siya ng kotse pero hindi siya nag-iisa roon. May mga nakikita siya na nakasuot ng kulay itim na bonnet pero kapag pilit niyang inaalala ay bigla na lang siya nawawalan ng malay. Sa eksenang iyon ay hindi siya nag-iisa. May kasama siya na isang lalaki na blurred sa paningin niya.Madalas napapanaginipan niya rin ang lalaki na kasama niya sa kotse. Pero sa tuwing nagigising siya ay hindi niya
DAIG pa ni Zachary ang adik kung makatingin sa mga tao na bumababa sa mga kotse. Kasalukuyan siya nasa loob ng kotse ni Primo na naka-park sa fifth-floor ng VIP parking ng Zafaria Mall. Next week darating na si Samarra upang magbakasyon sa kanila. Kaya halos hindi na rin niya nagagawang mag-tutor sa opisina ni Primo dahil palaging may bodyguard na nakasunod sa kaniya kahit saan siya magpunta. Ang pagtu-tutor niya ay madalas sa garden ng university niya ginagawa para hindi malaman ng magulang niya. Tatlong oras lagi ang inilalaan niya sa pagtu-tutor at everyday iyon except weekends. Tuwing weekends ay pumapasok siya sa Buenavista Hotel bilang bell boy o 'di kaya ay assistant ng daddy niya para pandagdag sa ipon niya. Lahat ng kinikita niya ay inihahati niya sa dalawang passbook. Ang isa ay join account nila ni Claudel para magamit nila kapag ikinasal na sila. Ang isa naman ay nakapangalan kay Primo para hindi matunugan ng magulang niya ang plano niya. Ang savings niya ay unti-unti na
PARIS, Hôtel Le WaltPAGKAPASOK pa lang ni Samarra sa kuwartong okupado niya sa Hôtel Le Walt, Paris. Kaagad niyang isinara ang pinto at ini-lock. Ang suot niyang makapal black fur hooded coat ay hinubad niya at inilapag sa handle ng maleta kasama ang black leather gloves niya.Habang naglalakad pahayon sa kama ay isa-isa niyang inalis ang mga alahas na suot niya. Ang pares na white gold na hikaw ay inilagay niya sa ibabaw ng nightstand na nasa gilid ng kama niya. Inalis niya rin ang necklace na may sun design at relo na pawang bigay ni Ezekiel ayon sa mommy niya.Umupo siya sa malaki at malambot na kama kapagkuwan ay hinubad niya ang suot niyang boots na hanggang tuhod ang haba. Sinunod niya rin na hinubad ang pants na maong at turtle neck na black long-sleeved. Tanging lace na bra at underwear lang itinira niya sa katawan. Gustuhin man niyang maligo para maibsan ang panlalagkit ng pakiramdam niya ay parang gusto niya munang ilapat ang likuran sa kama. Halos eighteen hours ang naging
HAWAK ni Zachary ang tasa na may laman na mainit na kape habang nasa labas ng veranda ng okupadong kuwarto nila ni Claudel. Nakatayo lang siya roon habang nakatanaw sa nobya niyang si Claudel na masayang nakikipagtawanan sa kaibigan nito na si Bridgette Suller na malapit sa dagat. Punong-puno ng buhay ang ngiti nito na umabot sa mata. Bawat kilos at galaw nito ay kahali-halina na para bang lagi itong kinukuhanan ng larawan. Ang buhok nito na hanggang baywang noon ay sadyang pinaigsian na hanggang balikat na nagpalabas sa kaakit-akit nitong mukha. She has expressive eyes. Kaya makikita kaagad sa mga mata nito kung anong emosyon ang nakalakip doon. Kagabi matapos ang masaya at romantic na dinner nila ni Claudel ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa ama. Hindi niya gustong sagutin iyon pero nabasa niya ang text message na ipinadala ng Kuya Zeke niya. Kaya kahit ayaw niya ay gusto niya pa rin kumpirmahin kung totoo ang sinabi ng Kuya Zeke niya tungkol kay Samarra.Pagkapindot pa la
IMBES na magbihis ng damit na dala niya ay naisipan ni Zachary na maligong muli. Sa bathtub doon niya pinagsawa ang sarili. Gusto niya paglabas niya ng banyo ay walang Claudel na maaabutan sa loob ng kuwarto. Hindi niya pa kaya itong harapin matapos na tanggihan ang proposal niya kanina sa hindi niya malaman na dahilan. Masakit sa kaniya ang ginawa nitong pagtanggi at pagsasalita ng hindi maganda sa kaniya.Nandoon man sa isip niya ang kagustuhan na ikasal siya sa babaing mahal pero may bahagi sa puso niya na nakahinga nang maluwag matapos na tanggihan siya ng nobya. Kung para saan ang saya at kapayapaan na nararamdaman ng puso niya ay hindi niya alam. Ang alam niya bukas uuwi sila sa San Carlos para harapin ang babaing pinili ng magulang niya. Tinanggihan man siya ni Claudel sa proposal niya. Hindi niya pa rin gusto na maikasal siya sa babaing walang pag-ibig. Hindi niya gusto ang ideya ng magulang. Baka imbes na ikabuti niya ang desisyon ng magulang niya para sa kaniya ay baka matul
"Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na
Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
“Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar
BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba
Madilim ang paligid pagpasok pa lang ni Zachary sa kuwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kwarto sa hindi niya malaman na dahilan. Nauna kasi siyang naligo kay Samarra at lumabas ng kuwarto pagkatapos niyang makapagbihis ng damit. Kaagad niyang hinayon ang parteng sala ng treehouse kung saan nila inilapag sa lamesita ang tira nilang pagkain kanina sa tabing-dagat. Iniligpit niya muna ang mga kalat bago siya naghanda ng snack nila ni Samarra.Hawak niya sa isang kamay ang isang tray na may laman ng charcuterie board at wine para sa snack nila habang nanonood ng movie at ang isang kamay naman ay umabot sa switch ng ilaw sa gilid.Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang siyang paglaki ng mata niya. Kung siya ay nagulat sa nakikita. Mas mukhang nagulat ata si Samarra ng biglang lumiwanag ang silid at nakita siya sa tabi ng pinto nakatayo. Ilang segundo pa sila nagkatitigan bago ito napatili nang malakas at napatakip ng mukha.Damn! Mahinang pagmumura niya.Parang kahit ata siya bi
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mga ulap ay nagsisimula ng tumakip sa haring araw. Ang mga bituin sa kalangitan nagsisimula ng sumisilip.Pasado alas singko pa lang ng hapon pero nagsisimula ng dumilim. Lumalamig na rin kaya pareho silang naupo ni Samarra. Kanina ay nagtampisaw sila sandali sa dalampasigan hanggang sa magyaya ang asawa niya na maupo sila saglit. Parehas na rin basa ang suot nilang pang-swimming pero hindi pa sila nakakalangoy dahil ayaw ni Samarra na lumayo pa sila sa tabing-dagat kahit na sinabi na niyang marunong siyang lumangoy. Inalok pa niya ang asawa na tuturuan niya ito na lumangoy pero tumanggi ito. Hindi na lang niya pinilit dahil bukas sa lalayag sila gamit ang yate."Since you want to court me, let's set some rules." Out of nowhere na basta na lang niya narinig na sinabi ni Samarra. Mahina pero puno ng determinasyon nitong sinabi sa kaniya. Hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya o talagang narinig niya iyon.Napalingon siya sa asawa na nakatan
PASADO alas tres ng hapon nang magising si Zachary. He didn’t want to wake up his wife, but he had to. Kailangan na niyang gisingin si Samarra para makapaghanda sa dadalhin nila sa treehouse na malapit sa tabing-dagat. Doon kasi niya naisipan na matulog silang dalawa ng asawa ngayong gabi. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag umaga. May mga kagamitan na roon na maaari nilang gamitin. May malaking kama roon at sariling banyo. May kuryente rin doon kaya hindi naman nakakatakot kung sakaling mag-stay sila roon ng isang gabi. Solar panel ang nagpapagana sa mga ilaw na nakapalibot sa isla. May generator din na backup. Napuntahan na niya iyon at halos bago pa ang mga kagamitan doon. Pinasadya iyon ni ‘Tay Joaquin para kung sakali na ayaw ng mga ito mag-stay sa bahay ay sa treehouse ang mga ito natutulog. Sa cottage na malapit sa tabing-dagat sila maghahapunan pagkatapos nilang maligo at manood ng sunset. Hindi iyon ang pinuntahan nila kagabi dahil malayo iyon kumpara sa cottage na pinu
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa