Pakiramdam ni Samarra ultimo pagtibok ng puso niya ay kusang tumigil ng hayunin ni Zachary ang ikalawang palapag ng penthouse. Hindi katulad ng Buenavista Hotel ang Buenavista Resort na may dalawang palapag.Sa bawat paghakabang ng paa ni Zachary paakyat sa hagdanan ay siyang paghigit ng kaniyang paghinga at pagpikit nang mariin. Gusto niyang sitahin ito dahil may elevator naman ang penthouse pahayon sa second floor pero hindi nito ginamit. Talagang pinanindigan nito ang pamahiin "kuno" nito na kailangan buhat ang bride hanggang sa makarating ng kama. Hindi niya alam kung totoo ba iyon o gawa-gawa lang nito para mabuhat siya?Piping hiling niya na makarating silang dalawa nang maayos sa itaas. Kung hindi makakatikim talaga sa kaniya si Zachary kapag nagkataon na gumulong sila pababa. Ang daming pakana ng lalaki na kung hindi lang sila magkapareho ng edad iisipin niya na ninuno ito ni Ezekiel. Dahil sa daming paniniwala.Kasabay ng dahan-dahan na pagbaba ni Zachary sa kaniya sa kama an
Kung papaano idinabog ni Samarra ang mga paa ay ganoon din nito ibinagsak papinid ang pinto ng banyo. Naipikit pa ni Zachary ang mga mata dahil sa lakas ng pagkakasara 'nun. Talagang sinigurado ni Samarra na matutulilig ang kaniyang tainga sa lakas ng pagkakabagsak ng pinto.Ilang segundo pa ang pinalipas niya saka niya lang nagawa na imulat ang mga mata.Hindi niya napigilan na ngumiti sa ginawa ng asawa na tila bata na nagtatampo kapag hindi naibigay ang gustong laruan.Asawa?Kinagat niya ang ibabang labi habang dumadagundong ang dibdib niya sa kaba at excitement.Kay sarap sa pakiramdam niya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang i-expect gayun na mag-asawa na talaga sila ni Samarra. Sa mata ng Diyos at sa mata ng mga taong naging saksi ng kasalan nila kanina ay totoong mag-asawa na sila. At siya man din ay sa isip at sa puso niya ay asawa na niya si Samarra. Hindi pa niya sigurado kung ano ang damdamin niya para kay Samarra na asawa na niya
Sa balkonahe siya dinala ng mga paa matapos siyang umalis sa harapan ni Zachary. Mula roon tanaw niya sa malapitan ang kahabaan ng karagatan ng San Carlos Bay na natatanaw niya lang mula sa kalayuan ng Buenavista Hotel. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin bago pa siya maubusan ng hininga kay Zachary na wala atang ginawa kung hindi pakapusin iyon. Kung hindi sa halik na mapugto ay sa inis. Hindi niya ito makausap nang matino. Para bang akala nito katulad siya ng ibang babae na madadaan sa kapilyuhan nito. Nagawa pang i-display ang katawan sa kaniya na akala naman nito papayag siya sa honeymoon na sinasabi nito. Pakiramdam niya dahil sa pagpapakasal nila ni Zachary nagkaroon ito ng dahilan para magawa nito ang lahat sa kaniya. Talagang gusto nitong sagarin ang pasensya niya na pilit niyang hinahabaan. Kung hindi lang sila talaga ikinasal kanina, baka kanina pa rin siya nag-book ng ticket papunta sa ibang bansa para makalayo lang dito. Kung hindi siya nagpadalos-dalos ng de
Halos pasado alas dose na ng hating-gabi ng mapagpasyahan na nilang pumasok silid. Magkasiklop ang kanilang mga kamay habang naglalakad papasok sa loob. Bagaman nararamdaman niya ang pagkailang ni Samarra sa kaniya ay hinayaan lang naman siya nito na hawakan niya ang malambot nitong kamay.Pagkapasok nila sa loob ay nagulat pa ito na dumiretso siya pahayon sa pinto.Napatingin ito sa kaniya na parang natatanong ang mga mata nito kung saan sila pupunta. Pero imbes na magpaliwanag siya ay isang ngiti sa labi ang pinakawalan niya. Ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito ay lumipat sa baywang. Wala siyang narinig na ano mang salita kay Samarra na para bang sasama ito sa kaniya kahit saan. Hindi kagaya kanina na palaging naka-angil at parang laging galit kung makipag-usapPaglabas nila ng kuwarto. Bigla na lang niya ito pangkuin para bumaba sila sa hagdanan."Ay!" Malakas na tili nito sa pagkabigla. "Put me down, Cadden!" mariing utos nito sa kaniya na sinamahan pa ng pandidilat ng mga m
Mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawa ni Zachary na paglabas sa banyo. Pabagsak ang ginawa niyang pagsara ng pinto na hindi na naisipan na magpaalam sa asawa. Halos habol pa niya ang paghinga sa ginawa niyang pagpipigil sa harapan ng asawa. Ramdam niya ang paninikip ng sweat short niya dahil sa nagwawalang alaga niya na gustong humulagpos ng mga sandaling iyon. Patigas nang patigas ang sandata niya habang nasa balintataw niya ang asawa na tanging suot lamang ay strapless bra at panty. May saplot pa rin naman iyon kung tutuusin kumpara noong nakita niya ito na walang saplot pero pareho ang epekto ang dulot niyon sa kaniya. Am I a pervert? Naguguluhan na tanong niya sa sarili. Dahil sa dating kasintahan naman niya hindi naman ganito ang nararamdaman niya. Kahit ilang beses na may nangyari sa kanila ay hindi ganoon ang epekto ‘nun sa kaniya kumpara sa asawa. Both Samarra and Claudel are stunning. Hindi naman maikakaila sa physical na kaanyuan. If Claudel has Spanish traits, Samarra has
Alas dos na ng madaling araw ng dalawin ng antok si Samarra. Nagising lang ang diwa niya ng may nanunuot na mabangong panlalaking shower gel sa ilong niya at may naririnig na mahinang yabag na nagpalakad-lakad sa loob ng kuwarto. Kahit hindi niya imulat ang mga mata ay alam niyang si Zachary iyon. Wala naman mangangahas na pumasok sa loob ng penthouse na okupado nila kung hindi ito lang. Kahit nag-aagaw sa antok ang diwa niya ay pinakikiramdaman niya ito. Ilang beses pa niyang narinig ang ginawa nitong pabalik-balik na paglalakad at pagbukas-sara ng pinto. Nang wala na siyang narinig na ano mang ingay ay ipinagpalagay na lang niya na baka muli itong umalis na hindi naman nagpapaalam sa kaniya. Pinilit niya ang sarili na ituloy ang tulog. Iniyakap niya ang braso sa isang unan at ipinikit nang mariin ang mga mata. Hindi pa man siya tuluyan nakakatulog ay may narinig na naman siya na naglalakad. Nang hindi siya nakatiis ay pasimple niyang idinilat ang isang mata para sipatin ang orasa
Gustong manginig ng kalamnan ni Zachary nang hawakan niya ang maliit na baywang ni Samarra. Nakapatuwad ito kaya tumatama ang pang-upo nito sa pagkalalaki niya. Panay na rin ang kabog ng dibdib niya at halos hindi na niya naiintindihan ang nangyayari. Nagsisimula na rin siyang panuyuan ng lalamunan habang naninigas na yata ang buong kalamnan niya sa pananabik at antisipasyon. Ramdam niya rin ang pamumukol ng nasa pagitan ng hita niya. Kung mas ididiin niya ang pagdikit ng hinaharap niya sa pang-upo ni Samarra tiyak niya na magugulat ito sa tigas 'nun. Totoo ang sinasabi niya sa asawa. He's as hard as steel right now. Na hindi niya alam kung bakit pagdating kay Samarra kay bilis magalit ng kaibigan niya.He cursed himself silently.Para siyang teenager na ngayon lang makakatikim ng babae na takot magkamali baka ma-disappoint niya ang asawa. Kung hindi nga lang niya inaalala na baka masampal siya ni Samarra ay gusto niyang ilapat ang palad niya sa dibdib nito para damhin iyon.Damn! He
Simula nang matapos silang kumain ng agahan kanina at hanggang ngayon na bumababa siya ng grand staircase dala ang tanging cellphone sa kaniyang kamay. Ang ngiti sa labi ni Zachary ay hindi na nawala-wala habang nakatingala ito sa kaniya mula sa ibaba ng hagdanan. Dahan-dahan na tumayo ito mula sa pagkakaupo. Pinasadahan nito ng tingin ang suot niyang yellow midi dress na hindi umabot sa tuhod ang haba na dala-dala niya iyon sa kaniyang maleta. Ito mismo ang kumuha sa maleta niya at iginiit na ipasuot sa kaniya bago pa siya maligo sa banyo. Kahit na tumanggi siya na isuot iyon dahil ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ito at ayaw niyang masanay ito na palaging pinakikialaman ang isinusuot niya. Pero sa bandang huli ay wala na siyang nagawa kung hindi isuot iyon dahil paglabas niya ng banyo kanina matapos siyang maligo ay wala na ang maleta at bag niya na naglalaman ng mga gamit niya. Tanging underwear, yellow midi dress at yellow flat sandals lang ang nakita niya sa ibabaw ng kama. Hindi
"Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na
Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
“Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar
BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba
Madilim ang paligid pagpasok pa lang ni Zachary sa kuwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kwarto sa hindi niya malaman na dahilan. Nauna kasi siyang naligo kay Samarra at lumabas ng kuwarto pagkatapos niyang makapagbihis ng damit. Kaagad niyang hinayon ang parteng sala ng treehouse kung saan nila inilapag sa lamesita ang tira nilang pagkain kanina sa tabing-dagat. Iniligpit niya muna ang mga kalat bago siya naghanda ng snack nila ni Samarra.Hawak niya sa isang kamay ang isang tray na may laman ng charcuterie board at wine para sa snack nila habang nanonood ng movie at ang isang kamay naman ay umabot sa switch ng ilaw sa gilid.Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang siyang paglaki ng mata niya. Kung siya ay nagulat sa nakikita. Mas mukhang nagulat ata si Samarra ng biglang lumiwanag ang silid at nakita siya sa tabi ng pinto nakatayo. Ilang segundo pa sila nagkatitigan bago ito napatili nang malakas at napatakip ng mukha.Damn! Mahinang pagmumura niya.Parang kahit ata siya bi
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mga ulap ay nagsisimula ng tumakip sa haring araw. Ang mga bituin sa kalangitan nagsisimula ng sumisilip.Pasado alas singko pa lang ng hapon pero nagsisimula ng dumilim. Lumalamig na rin kaya pareho silang naupo ni Samarra. Kanina ay nagtampisaw sila sandali sa dalampasigan hanggang sa magyaya ang asawa niya na maupo sila saglit. Parehas na rin basa ang suot nilang pang-swimming pero hindi pa sila nakakalangoy dahil ayaw ni Samarra na lumayo pa sila sa tabing-dagat kahit na sinabi na niyang marunong siyang lumangoy. Inalok pa niya ang asawa na tuturuan niya ito na lumangoy pero tumanggi ito. Hindi na lang niya pinilit dahil bukas sa lalayag sila gamit ang yate."Since you want to court me, let's set some rules." Out of nowhere na basta na lang niya narinig na sinabi ni Samarra. Mahina pero puno ng determinasyon nitong sinabi sa kaniya. Hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya o talagang narinig niya iyon.Napalingon siya sa asawa na nakatan
PASADO alas tres ng hapon nang magising si Zachary. He didn’t want to wake up his wife, but he had to. Kailangan na niyang gisingin si Samarra para makapaghanda sa dadalhin nila sa treehouse na malapit sa tabing-dagat. Doon kasi niya naisipan na matulog silang dalawa ng asawa ngayong gabi. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag umaga. May mga kagamitan na roon na maaari nilang gamitin. May malaking kama roon at sariling banyo. May kuryente rin doon kaya hindi naman nakakatakot kung sakaling mag-stay sila roon ng isang gabi. Solar panel ang nagpapagana sa mga ilaw na nakapalibot sa isla. May generator din na backup. Napuntahan na niya iyon at halos bago pa ang mga kagamitan doon. Pinasadya iyon ni ‘Tay Joaquin para kung sakali na ayaw ng mga ito mag-stay sa bahay ay sa treehouse ang mga ito natutulog. Sa cottage na malapit sa tabing-dagat sila maghahapunan pagkatapos nilang maligo at manood ng sunset. Hindi iyon ang pinuntahan nila kagabi dahil malayo iyon kumpara sa cottage na pinu
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa