"Welcome to my humble room, Your Majesty." Yumukod pa siya pagkatapos niyang buksan ang pinto.Isang irap ang pinakawalan ni Samarra na taas ang noo na pumasok.Nasundan na lang ng tingin ni Zachary si Samarra na tuloy-tuloy hinayon nito ang mismong kuwarto niya. Ang hinihintay niya na reaksyon nito ay hindi nangyari. Buong akala pa naman niya pupurihin ang kaniyang lanai room. Sasabihin nito na mas maganda ito kaysa sa kuwarto ng kuya niya. Ngunit walang salita ang namutawi sa bibig nito.Pagpasok nito sa kuwarto niya halos mapapitlag pa siya sa lakas ng pagsara ng pinto. Kulang na lang magiba ni Samarra iyon sa inis siguro sa kaniya.Kagat niya ang itaas na labi habang kakamot-kamot ng kilay na sumunod na lang siya kay Samarra.Hinayon niya ang kuwarto niya kapagkuwan kumatok muna. Naghintay pa siya ng ilang sandali ng wala siyang narinig na pagtugon ni Samarra mula sa loob. Pinihit niya iyon pabukas. Nakita niya si Samarra na nakahiga padapa.“Anong gusto mong kainin, Love?”Iniang
"WHERE CAN I FIND MY CLOTHES?" may inis na tanong ni Samarra sa kaniya ng wala na itong nakita sa maleta. Ang mga paa nito na tila sinasadyang idabog kada lakad nito. Nakasuot lang ito ng bathrobe na mahigpit ang pagkakatali na tila takot masilipan. Ang mga mata nito naniningkit sa inis sa kaniya habang ang isang kamay nito ipinamaywang sa baywang. "Everything is in the cabinet."“What? Why did you do that? Who gave you the right to touch my things? Ayoko sa lahat pinangungunahan ako! Hindi porque magpapakasal tayo, kailangan mong pakialaman ang gamit ko!" tumaas ang tono ng boses nito sa kaniya na hindi na rin nito hinintay ang naging sagot niya. Basta na lang siya nito tinalikuran at mabilis na lumakad sa may walk-in-closet niya. Huminga siya nang malalim kapagkuwan sumunod din kay Samarra. Naabutan niyang nakatayo lang ito sa harapan ng malaking closet na tila hindi pa makapag-decide kung ano ang susuotin. Sumandal siya sa may hamba ng pinto habang hinihintay ito. Hindi niya t
Nang ihinto niya ang minamanehong kotse sa tapat ng LUCILLE’S BOUTIQUE na siyang pagmamay-ari ng nakakabatang kapatid ng Mommy Lorraine niya. Ang mga mata ni Samarra na tila may sarili isip. Dahil awtomatikong nagmulat ang mga mata nito na halos kanina lang hindi niya ito maistorbo sa pag-aakala na mahimbing ang pagkakatulog nito. Parang ibig niyang mainis dahil mukha nakagawa talaga si Samarra ng paraan para hindi siya kausapin nito habang nasa biyahe sila. Kung alam lang niya na may talent sa pag-arte si Samarra, nungka na bibilhin niya ang pagtulog nito kanina!"We're here," may kalakasan na pag-aanunsiyo niya kahit alam naman niya, na alam ni Samarra na narito na sila.Hindi pa man niya naalis ang pagkakakabit ng seatbelt niya. Si Samarra dinaig pa si The Flash dahil sa bilis nitong naalis ang pagkaka-seatbelt at sa bilis nitong binuksan ang pinto sa gilid nito.“Hey!” tawag pa niya.Hindi niya alam kung bakit parang hirap na hirap pa siyang alisin ang pagkaka-seatbelt niya gayun
“Tigilan mo ‘ko!” suway niya kay Zachary na pilit pang inaalis ang isang kamay nito na nasa baywang niya. “Alisin mo nga ‘yang kamay mo! Ano ba?!” Imbes na sumunod ito sa sinabi niya, tinawanan lang siya nito at mas lalo pang hinapit ang baywang niya. Nakapatong ang baba nito sa kaniyang ulo na hindi naman niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito. Nararamdaman niya na panay ang galaw ng baba nito sa kaniyang ulo na para bang ikinikiskis. Hindi niya alam kung ano ang trip nito. Dahil sa tuwing tumitigil ang paggalaw nito. Nararamdaman niya ang hininga nito na tumatama sa kaniyang batok. Napakunot-noo siya at akmang sisikuhin ito na mabilis naman napigilan nito. “Hindi uubra iyan sa akin, Love, hindi mo puwedeng gamitin ang mga iyan sa ‘kin.” Kumindat pa ito sa kaniya at hinimas ang siko niya na nagbigay kilabot sa kaniya. “Isa!” suway niyang muli na may kasama ng pandidilat ng mata. “Kahit bumilang ka pa ng hanggang isang daan hindi mo ‘ko matatakot sa mga ganiyan, Love,” pang-
Habang lulan ng sinasakyan na kotse kung saan si Zachary ang nagmamaneho. Panay ang paling ng kaniyang ulo sa katabing upuan. Hindi siya mapakali kahit kasama naman niya si Samarra. Naliligalig siya sa pagiging tahimik nito. Ni lingon ata sa kaniya ay hindi nito ginawa simula ng sumakay ito sa kotse. Kahit ano pa atang gawin niyang pagpapansin sa babaing mapapangasawa parang walang epekto. Ang leeg nito na tila bang hindi mababali o papaling man lang sa kaniya. Ang mga mata nito basta lang nakatutok sa labas ng bintana na para bang sinasadya nito para hindi makasalubong nito ang mga mata niya. Hindi niya tuloy alam kung saan mag-uumpisa na naman. Nahihirapan siya kung papaano ikikilos ang sarili. Mas gugustuhin pa niya na iyong Samarra na laging nakaangil at nakataas ang kilay sa kaniya, dahil alam niya kung paano niya ito haharapin. Kaysa sa Samarra na kasama niya ngayon. Ang katahimikan na pumapagitna sa kanilang dalawa, ang siyang nagpapataas ng pader nila. Parang bumalik sa pagigin
Hindi maiwasan ni Samarra na makaramdam ng kaba kahit pa na sinabihan siya ni Zachary na ito na ang bahala sa lahat. She is aware that when her father promises to speak to someone, he threatens them. Kagaya ng ginagawa nito sa mga lalaking gustong pumorma sa kaniya. Matapos nitong kausapin ang mga iyon ay hindi na nagpapakita sa kaniya o hindi kaya, ang buong pamilya ng mga iyon bigla na lang nagma-migrate sa ibang lugar. Noong una ay ipinagtataka niya iyon, pero ng malaman na niya ang Daddy frost niya ang may gawa. Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi siya maligawan. She is well-protected by her father. Bukod sa nag-iisa lang siyang anak, siya lang din ang babae sa buong angkan nila. Kaya siguro, ganoon na lang maghigpit ang kaniyang ama.Ngayon, gusto nitong kausapin si Zachary ng sarilinan na bagay na lalong nagpakaba sa kaniya. Kahit pa sabihin, na matagal nang nakaplano ang pagpapakasal niya kay Zachary. Pero dahil sa nangyari at naabutan ng pamilya nito. Hindi malabo
MALAKAS ang buga ng aircon sa ballroom kung saan gaganapin ang mala-rustic garden wedding setup nila ni Samarra. Pero kanina pa siya pinagpapawisan nang malapot habang ang mga kamay niya nanlalamig sa kaba. Ang dibdib niya walang tigil sa pagkabog nang malakas na siyang nagpapagulo sa isip niya. Atrasado na ng kalahating oras si Samarra na dapat ay narito na sa loob ng venue ng alas-sais impunto. Hindi niya rin magawang makangiti sa mga piling-pili nilang bisita na naroon para dumalo sa biglaan nilang kasal. Mga business partner at kamag-anak niya ang naroon. Hindi niya tiyak kung may kamag-anak din si Samarra na dumalo ngayon. Dahil tanging ang mga magulang lang nito ang nakikita niyang kasama ng magulang niya sa table. Lahat sila naghihintay sa walang katiyakan kung sisiputin ba siya ni Samarra o hindi. Sa tuwing nagtatagpo ang paningin nila ni Uncle Frost na siyang nagpapadagdag sa kaba na nararamdaman niya dahil parang may pang-uuyam na ngiti sa labi nito. Parang gusto nitong sabi
Buong durasyon ng kasal nila ni Zachary ay halos wala na siyang naiintindihan. Lamang ang lakas ng kabog sa dibdib kaysa sa sinasabi ng Judge na nasa harapan nila. Ang minsanan na pabulong-bulong ni Zachary sa tainga niya at sa tuwing tinatanong siya ng Judge. Lahat ng iyon ay nginingitian na lamang niya kahit ang totoo ay wala talaga siyang naiintindihan sa mga ibinubulong nito. Sa tuwing pinipisil nito ang kamay niya ay gumaganti rin siya ng pagpisil sa kamay nito. Sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata para pa itong maiiyak sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi niya alam kung bakit napaka-emosyonal nito ngayon. Malayo ang pag-uugali na ipinapakita nito sa kaniya simula kaninang umaga kaysa noong una niya itong nakilala. Nawala ang pagiging arogante nito at pagiging dominante nito na napalitaan ng pagiging sweet at caring. Hindi rin nakakaligtas sa mga mata niya ang pasimpleng pagpunas nito sa gilid ng mga mata nito. Si Zachary lang ang nakilala niyang lalaki na napaka-emosyon
"Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na
Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
“Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar
BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba
Madilim ang paligid pagpasok pa lang ni Zachary sa kuwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kwarto sa hindi niya malaman na dahilan. Nauna kasi siyang naligo kay Samarra at lumabas ng kuwarto pagkatapos niyang makapagbihis ng damit. Kaagad niyang hinayon ang parteng sala ng treehouse kung saan nila inilapag sa lamesita ang tira nilang pagkain kanina sa tabing-dagat. Iniligpit niya muna ang mga kalat bago siya naghanda ng snack nila ni Samarra.Hawak niya sa isang kamay ang isang tray na may laman ng charcuterie board at wine para sa snack nila habang nanonood ng movie at ang isang kamay naman ay umabot sa switch ng ilaw sa gilid.Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang siyang paglaki ng mata niya. Kung siya ay nagulat sa nakikita. Mas mukhang nagulat ata si Samarra ng biglang lumiwanag ang silid at nakita siya sa tabi ng pinto nakatayo. Ilang segundo pa sila nagkatitigan bago ito napatili nang malakas at napatakip ng mukha.Damn! Mahinang pagmumura niya.Parang kahit ata siya bi
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mga ulap ay nagsisimula ng tumakip sa haring araw. Ang mga bituin sa kalangitan nagsisimula ng sumisilip.Pasado alas singko pa lang ng hapon pero nagsisimula ng dumilim. Lumalamig na rin kaya pareho silang naupo ni Samarra. Kanina ay nagtampisaw sila sandali sa dalampasigan hanggang sa magyaya ang asawa niya na maupo sila saglit. Parehas na rin basa ang suot nilang pang-swimming pero hindi pa sila nakakalangoy dahil ayaw ni Samarra na lumayo pa sila sa tabing-dagat kahit na sinabi na niyang marunong siyang lumangoy. Inalok pa niya ang asawa na tuturuan niya ito na lumangoy pero tumanggi ito. Hindi na lang niya pinilit dahil bukas sa lalayag sila gamit ang yate."Since you want to court me, let's set some rules." Out of nowhere na basta na lang niya narinig na sinabi ni Samarra. Mahina pero puno ng determinasyon nitong sinabi sa kaniya. Hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya o talagang narinig niya iyon.Napalingon siya sa asawa na nakatan
PASADO alas tres ng hapon nang magising si Zachary. He didn’t want to wake up his wife, but he had to. Kailangan na niyang gisingin si Samarra para makapaghanda sa dadalhin nila sa treehouse na malapit sa tabing-dagat. Doon kasi niya naisipan na matulog silang dalawa ng asawa ngayong gabi. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag umaga. May mga kagamitan na roon na maaari nilang gamitin. May malaking kama roon at sariling banyo. May kuryente rin doon kaya hindi naman nakakatakot kung sakaling mag-stay sila roon ng isang gabi. Solar panel ang nagpapagana sa mga ilaw na nakapalibot sa isla. May generator din na backup. Napuntahan na niya iyon at halos bago pa ang mga kagamitan doon. Pinasadya iyon ni ‘Tay Joaquin para kung sakali na ayaw ng mga ito mag-stay sa bahay ay sa treehouse ang mga ito natutulog. Sa cottage na malapit sa tabing-dagat sila maghahapunan pagkatapos nilang maligo at manood ng sunset. Hindi iyon ang pinuntahan nila kagabi dahil malayo iyon kumpara sa cottage na pinu
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa