Sa halip na dumiretso siya pauwi sa Buenavista Mansion sa Villa Escaler. Sa sariling kuwarto niya sa Buenavista Hotel tumuloy si Zachary dala-dala ang keycard ni Samarra. Pagkapasok pa lang niya sa sariling silid hinayon niya kaagad ang banyo. Doon isang malamig na tubig mula sa shower ang sumalubong sa nag-iinit pa rin niyang katawan. Gulong-gulo na ang isip niya at ang puso niya. Buong akala niya kanina kapag natikman na niya ang labi ni Samarra. Matitigil na ang kuryosidad niya sa babae. Mali pala! Dahil alam niya na higit pa sa halik ang gusto niya mula kay Samarra. Hindi niya aakalain na magugulo ni Samarra ang sugatan niyang puso dahil sa panloloko ni Claudel sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung ano na ngayon ang mas matimbang. Ang sakit na dulot ni Claudel o ang presensiya ni Samarra? Nang hindi siya makalma. Sa swimming pool niya sa may veranda niya natagpuan ang sarili. Paroo’t parito ang ginawa niyang paglangoy. Pinagsawa niya ang sarili sa tubig hanggang sa tuluyan m
Malamig ang buong kuwarto dala ng malakas na buga ng aircon pero sa halip na magmulat ng mga mata si Samarra at bumangon para i-adjust ang lamig ng aircon. Umusog siya nang umusog hanggang sa may braso na kusang humapit sa katawan niya palapit sa katawan nito.Ang dalawang braso niya ay iginaya payakap sa katawan nito. Mainit ang nagmumula sa katawan nito na mas lalo pa niyang isiniksik ang katawan. Hindi niya alam kung dala pa rin ba ng antok dahil pakiramdam niya na parang totoo ang panaginip niya. May mainit na labi na sumayad sa labi niya. Padampi-dampi iyon na tila ba pinipilit siya na patugunin."Open your mouth, Love," paanas na bulong nito sa kaniya.Kahit dinuduyan siya sa antok ay kusa atang bumuka ang labi niya na siyang sumalubong sa labi nito. Mas lalo pang hinapit ang katawan niya na tila gusto siyang pitpitin sa pagkakaipit. Ang dila nito na gumagalugad sa loob ng bibig niya kasabay ng paghimas at pagpisil sa dibdib niya.Isang ungol ang kusang kumawala sa bibig niya ng
Parang nanlalambot ang pakiramdam ni Samarra nang tuluyan ng lumabas si Zachary. Isinandal niya ang likuran sa headboard ng kama habang hinihilot ang kaniyang sentido. Pakiramdam niya para siyang isang aklat na may panibagong yugto na haharapin kahit hindi pa naman tapos ang unang pahina.Hindi niya alam kung dahil ba sa aksidente niya kaya parang may memory lapses siya. Dahil kahit anong isip ang gawin niya, hindi niya talaga matandaan ang sinasabi ni Zachary sa kaniya. Alam niya, nakainom siya kagabi. Pero wala naman siyang matandaan na nagwala siya o hindi kaya nag-ingay nang husto. Wala rin naman siyang katabing kuwarto para may magreklamo sa kaniya.Nagsisinungaling kaya iyon? Naguguluhan niyang tanong sa sarili.Ipipikit na sana niya ang mga mata ng may narinig siya na tila nabasag mula sa labas. Biglang umahon ang kaba sa dibdib niya. Hindi niya tuloy malaman kung ano ba ang gagawin niya.Lalabas ba siya para tingnan kung ano ang nangyayari o mananatili na lang siya sa loob ng
Nanghihina na napasandal ang likuran ni Samarra sa headboard ng kama. Katatapos lang niya makausap ang magulang cellphone. Kasalukuyan nasa Singapore ang mga ito, dahil may inaasikasong business. Nagsabi rin ang mga ito na pagkatapos na pagkatapos ng meeting ng mga ito roon. Dederetso kaagad ang mga ito para dumalo sa kasal niya mamayang gabi.Alas-sais ng gabi napili nina Uncle Calvin at Aunt Lorraine na oras para may time pang makapag-ayos sa venue. Hindi man iyon kasing garbo ng na unang plano ng mga ito. Pero ipinangako naman sa kanila ni Zachary na tuloy pa rin ang wedding nila sa church next year na bagay na sinang-ayunan din daw ng magulang niya.Habang kausap niya ang magulang sa SKYline, wala siyang nakaringgan na ano mang pagtutol. Bagaman ramdam niya sa tono ng boses ng Daddy Frost niya ang pagkadisgusto sa nangyari. Lalo pa’t nalaman nito na magkasama sila ni Zachary natulog sa iisang kama na wala man lang kahit ano mang saplot sa katawan. Hindi na nagtanong ang mga ito.G
Wala ng nagawa si Samarra kung hindi sumang-ayon na lang sa gusto niya. Nang makita niyang tumango ang ulo ito at gumanti rin ng yakap sa kaniya. Saka lang niya nagawang makahinga nang maluwag. Kanina pa niya pinipigilan dahil sa paghihintay ng sagot nito.Samarra is hard to deal with because he can't figure out what she's thinking. Nahihirapan siya kung ano ang iniisip nito. Madalas na palagi itong napipilian sa mga sasabihin. Madalas parang natutulala pa ito sa kaniya sa hindi niya malaman na dahilan. Parang may malalim itong iniisip kaya parang pabago-bago ang isip nito. Sa lahat ng tao kay Samarra lang siya nahirapan na arukin ang kalooban.Alam niya na may malalim na dahilan si Samarra kung bakit ganoon ang ugali na ipinapakita sa kaniya. May gumugulo sa isip nito at iyon ang gusto niyang alamin.Kung hindi niya paninindigan ang gawa-gawa niyang kuwento rito tungkol sa kung bakit sila magkatabi sa kama. Baka makatikim na naman siya ng mag-asawang sampal at tuhod sa sikmura. Mabut
"What can you say about my room? Isn't it far prettier than the penthouse, right?" tanong niya kay Samarra ng binuksan niya ang pinto ng kuwarto. Wala siyang narinig na ano man na komento mula kay Samarra kaya tuloy-tuloy na pumasok siya sa loob habang hila-hila ang maleta nito. May pagmamalaki siyang nararamdaman dahil lahat ng makikita ni Samarra ay halos siya ang may ideya. Mula sa layout ng buong silid hanggang sa interior design at exterior ng buong lanai room sa kaniya na ipinaubaya. Iyon ang ipinakausap niya sa magulang niya ng binigyan sila ng kuwarto sa Buenavista Hotel.Kung ang penthouse ng Kuya Zeke niya halos black and gold ang combination ang makikita. Sa lanai room niya puro puti lamang na may touch of gray. Maaliwalas at nakaka-relax ang vibe ng buong silid niya. Bukod sa may back porch iyon na may makikitang mini garden. Mayroon din iyon na infinity pool kung saan may connecting door mula sa living room niya patungo sa veranda. Katamtaman lang ang laki ng pool. May he
"Welcome to my humble room, Your Majesty." Yumukod pa siya pagkatapos niyang buksan ang pinto.Isang irap ang pinakawalan ni Samarra na taas ang noo na pumasok.Nasundan na lang ng tingin ni Zachary si Samarra na tuloy-tuloy hinayon nito ang mismong kuwarto niya. Ang hinihintay niya na reaksyon nito ay hindi nangyari. Buong akala pa naman niya pupurihin ang kaniyang lanai room. Sasabihin nito na mas maganda ito kaysa sa kuwarto ng kuya niya. Ngunit walang salita ang namutawi sa bibig nito.Pagpasok nito sa kuwarto niya halos mapapitlag pa siya sa lakas ng pagsara ng pinto. Kulang na lang magiba ni Samarra iyon sa inis siguro sa kaniya.Kagat niya ang itaas na labi habang kakamot-kamot ng kilay na sumunod na lang siya kay Samarra.Hinayon niya ang kuwarto niya kapagkuwan kumatok muna. Naghintay pa siya ng ilang sandali ng wala siyang narinig na pagtugon ni Samarra mula sa loob. Pinihit niya iyon pabukas. Nakita niya si Samarra na nakahiga padapa.“Anong gusto mong kainin, Love?”Iniang
"WHERE CAN I FIND MY CLOTHES?" may inis na tanong ni Samarra sa kaniya ng wala na itong nakita sa maleta. Ang mga paa nito na tila sinasadyang idabog kada lakad nito. Nakasuot lang ito ng bathrobe na mahigpit ang pagkakatali na tila takot masilipan. Ang mga mata nito naniningkit sa inis sa kaniya habang ang isang kamay nito ipinamaywang sa baywang. "Everything is in the cabinet."“What? Why did you do that? Who gave you the right to touch my things? Ayoko sa lahat pinangungunahan ako! Hindi porque magpapakasal tayo, kailangan mong pakialaman ang gamit ko!" tumaas ang tono ng boses nito sa kaniya na hindi na rin nito hinintay ang naging sagot niya. Basta na lang siya nito tinalikuran at mabilis na lumakad sa may walk-in-closet niya. Huminga siya nang malalim kapagkuwan sumunod din kay Samarra. Naabutan niyang nakatayo lang ito sa harapan ng malaking closet na tila hindi pa makapag-decide kung ano ang susuotin. Sumandal siya sa may hamba ng pinto habang hinihintay ito. Hindi niya t
"Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na
Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban
He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara
“Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar
BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba
Madilim ang paligid pagpasok pa lang ni Zachary sa kuwarto. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa buong kwarto sa hindi niya malaman na dahilan. Nauna kasi siyang naligo kay Samarra at lumabas ng kuwarto pagkatapos niyang makapagbihis ng damit. Kaagad niyang hinayon ang parteng sala ng treehouse kung saan nila inilapag sa lamesita ang tira nilang pagkain kanina sa tabing-dagat. Iniligpit niya muna ang mga kalat bago siya naghanda ng snack nila ni Samarra.Hawak niya sa isang kamay ang isang tray na may laman ng charcuterie board at wine para sa snack nila habang nanonood ng movie at ang isang kamay naman ay umabot sa switch ng ilaw sa gilid.Kasabay ng pagliwanag ng buong silid ang siyang paglaki ng mata niya. Kung siya ay nagulat sa nakikita. Mas mukhang nagulat ata si Samarra ng biglang lumiwanag ang silid at nakita siya sa tabi ng pinto nakatayo. Ilang segundo pa sila nagkatitigan bago ito napatili nang malakas at napatakip ng mukha.Damn! Mahinang pagmumura niya.Parang kahit ata siya bi
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, ang mga ulap ay nagsisimula ng tumakip sa haring araw. Ang mga bituin sa kalangitan nagsisimula ng sumisilip.Pasado alas singko pa lang ng hapon pero nagsisimula ng dumilim. Lumalamig na rin kaya pareho silang naupo ni Samarra. Kanina ay nagtampisaw sila sandali sa dalampasigan hanggang sa magyaya ang asawa niya na maupo sila saglit. Parehas na rin basa ang suot nilang pang-swimming pero hindi pa sila nakakalangoy dahil ayaw ni Samarra na lumayo pa sila sa tabing-dagat kahit na sinabi na niyang marunong siyang lumangoy. Inalok pa niya ang asawa na tuturuan niya ito na lumangoy pero tumanggi ito. Hindi na lang niya pinilit dahil bukas sa lalayag sila gamit ang yate."Since you want to court me, let's set some rules." Out of nowhere na basta na lang niya narinig na sinabi ni Samarra. Mahina pero puno ng determinasyon nitong sinabi sa kaniya. Hindi niya alam kung nakaringgan lang ba niya o talagang narinig niya iyon.Napalingon siya sa asawa na nakatan
PASADO alas tres ng hapon nang magising si Zachary. He didn’t want to wake up his wife, but he had to. Kailangan na niyang gisingin si Samarra para makapaghanda sa dadalhin nila sa treehouse na malapit sa tabing-dagat. Doon kasi niya naisipan na matulog silang dalawa ng asawa ngayong gabi. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag umaga. May mga kagamitan na roon na maaari nilang gamitin. May malaking kama roon at sariling banyo. May kuryente rin doon kaya hindi naman nakakatakot kung sakaling mag-stay sila roon ng isang gabi. Solar panel ang nagpapagana sa mga ilaw na nakapalibot sa isla. May generator din na backup. Napuntahan na niya iyon at halos bago pa ang mga kagamitan doon. Pinasadya iyon ni ‘Tay Joaquin para kung sakali na ayaw ng mga ito mag-stay sa bahay ay sa treehouse ang mga ito natutulog. Sa cottage na malapit sa tabing-dagat sila maghahapunan pagkatapos nilang maligo at manood ng sunset. Hindi iyon ang pinuntahan nila kagabi dahil malayo iyon kumpara sa cottage na pinu
Hindi na pinatapos ni Zachary ang mga sasabihin ng asawa niya sa kaniya dahil nawalan na siya ng gana na makinig sa mga paliwanag nito.Basta na lang niya ito tinalikuran habang hila-hila ang trolley na may laman na pagkain. Buong akala niya kasi kagabi ay nagkaunawaan na sila ni Samarra. Ang akala niya tanggap na nito na mag-asawa sila at magtuturingan ng mag-asawa.Pero, akala lang pala niya iyon!Hindi pa pala pumapasok sa isip ni Samarra na mag-asawa na sila.Ewan ba niya!Kung tutuusin mababaw lang naman iyon para magkaramdam siya ng pagtatampo sa asawa. At alam niya na hindi pa sanay si Samarra na tawagin siya ng love. Pero sa halip na maunawaan niya ito ay parang nakaramdam siya ng pagdaramdam dito. Simple endearment lang naman kung tutuusin at alam niya sa sarili niya na malawak ang pang-unawa niya. Pero, sa halip na maunawaan niya na hindi pa sanay ang asawa niya na tawagin siya ng ganoon ay tinalikuran niya ito.Hindi niya tuloy maintindihan ang sarili.Damn!Ang baduy sa pa